You are on page 1of 4

GABAY SA PAGTUTURO SA FILIPINO BAITANG 9

Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1

Pagsusuri sa Maikling Kuwento

Agosto 4, 2020 -Martes

I. Inaasahan
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

 nasusuri ang maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.

 nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano
batay sa napakinggan/nabasang akda

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagtukoy sa nasa larawan.

Mga Tanong:
1. Ano-anong katangian ng iyong ama ang iyong hinahangaan?
2. Bakit mo siya hinahangaan?
B. Maikling Pagpapakilala sa Akda

Ayon kay Edgar Allan Poe (Ama ng maikling kuwento), ang maikling kuwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa tunay na pangyayari
sa buhay.

C. Gawain
Gawain 1- Story Train
Panuto: Pagsunod-sunod ng mga pangyayari mula sa akdang binasa.

Gawain 2- Sa Pula, Sa Asul


Panuto: Tukuyin ang mga elemento ng maikling kuwento.

1. 2.
3. 4.

5.

Gawain 3- Surikwento
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa dayagram.

PAMAGAT PAKSA TAUHAN TAGPUAN

WAKAS GITNA SIMULA MGA


PANGYAYARI

D. Tandaan

1. Sa pagsusuri ng maikling kuwento, malaking salik ang pagpapakilala sa katangian ng


mga tauhan at ang maayos at malinaw na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
2. Ang mga pangyayari sa mga akdang pampanitikang Asyanong iyong nababasa ay
nagsisilbing repleksiyon sa kung ano ang nagaganap sa paligid iyong paligid kabilang
ng iba pang mamamayang Asyano
E. Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Iugnay ang mga pagyayari sa akda sa kasalukuyang lipunang Asyano.

F. Pagsagot ng mag-aaral sa maikling pagsusulit sa pamamagitan ng Google Forms.


G. Pagpapakita ng Iskor at Pagbibigay ng Puna

H. Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Ibahagi ang iyong mga natutuhan sa mga gawain at araling tinalakay sa pamamagitan ng
paggamit ng hashtag SKL.

III. Kasunduan
1. Basahin ang akdang “Anim na Sabado ng Beyblade”.

2. Sagutan ang gawaing-papel (worksheet) na nasa Messenger Group Chat.

You might also like