You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin

l. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. matutukoy ang iba't ibang uri ng sasakyang panlupa;


b. mailalarawan ang iba't ibang gamit ng mga sasakyan;
c. malalaman ang importansya ng transportasyon sa mga tao

ll. Paksang Aralin


A. Paksa : Transportasyong Panlupa
B. Kagamitan : Larawan, Media, Cartolina

lll. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
Tayo ay magsitayo at manalangin.
______ pangunahan mo.

2.Pagbati
Magandang Umaga mga Bata! Magandang umaga po aming guro ,
magandang umaga rin aming mga kamag-aral.
Mabuhay!

Maari na kayong magsi-upo.

3. Pagtala ng lumiban
Mga bata , may lumiban ba ngayong Wala po, Teacher!
araw?
Magaling!

B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Mga bata, mayroon akong
ipapanood sainyong isang awitin
pagkatapos nating mapakinggan
sabay sabay natin itong awitin.

Maliwanag ba? Opo teacher.


“ Ang Gulong ng Bus ay umiikot” Kakanta ang mga bata.

Magaling!

Nag-enjoy ba kayo mga bata? Opo Teacher.

Mga bata, ano ang nakikita niyo sa larawang May mga bata at teacher po.
ito?

Tama.
Sa paraan naman ng kanilang pag upo, ano Teacher, nakaupo po sila ng maayos.
ang masasabi niyo?
Magaling. Ang ating unang alituntunin sa
silid-aralan ay umupo ng maayos at tuwid.
Mga bata, ano nga ulit ang unang alituntunin? 1. Umupo ng maayos at tuwid.
Okay,tingnan ko nga kung sino ang nakaupo
ng maayos.

Ano pa ang masasabi niyo sa larawan? Teacher, may nakataas po ang kamay.

Tama. Ang ating pangalawang alituntunin ay


magtaas ng kamay kung nais sumagot sa tanong
ni teacher . Naiintidihan ba? Opo.

Tingnan niyo nga mga bata kung nag uusap Hindi po teacher.
usap ba sila?
Ibig sabihin ang ating pangatlong alituntunin
ay huwag makipagdaldalan sa katabi..
Maliwanag ba mga bata? Opo teacher.

Anu-ano nga ulit ang mga alitutunin na 1. Umupo ng maayos at tuwid.


nabanggit? 2. Magtaas ng kamay kapag sasagot.
3. Huwag makipadaldalan sa katabi.

Magaling ..
2. Pagganyak na tanong
Mga bata, anu-anong sasakyang panlupa Bus, kotse, tricycle, motor,bisikleta,at marami
ang nakikita niyo sa ating kapaligiran.. pang iba teacher.

Nakasakay na ba kayo sa mga sasakyang Opo teacher..


iyon?
Ano ang pakiramdam kapag nakasakay Komportable po teacher tsaka po madali po
kayo sa sasakyan? makapunta sa pupuntahan..
Magaling.
Pamilyar ba kayo sa mga sasakyang ito? Opo.
Anu ano ang mga sasakyan ito?

Truck po ng bumbero..

Sasakyan po ng police

Ambulansya po teacher.

Tricycle po .

Kalesa po teacher..

3. Paghawan ng Balakid

Mga bata, narinig niyo na ba ang Opo Teacher .


salitang :
a. Barumbado
b. Kaskasero

Teacher ang barumbado po ay ang mga taong


Sige nga, ibigay ang kahulugan ng magugulo, walang modo.
salitang Barumbado? Teacher ang kaskasero po ay yung mabibilos
Ibigay naman ang kahulugan ng magpatakbo ng mga sasakyan..
salitang Kaskasero?
Ang galing naman..

Mga bata, may ipapanood si teacher Teacher makinig po ng mabuti.


sainyo. Pero bago tayo manood, anu Huwag pong maingay.
ano nga ulit ang kailangan gawin kapag Umupo po ng maayos
tayo ay nanood ?
Mahusay.

Ang Pamagat ng panonoorin natin ay..


(Ang Kaskaserong Bus) Opo.
Handa na ba kayong manood?

4. Pagtatalakay
Ang barumbadong bus po.
Ano ang pamagat ng kwento?
Si kas po teacher..
Sino ang tauhan sa kwento?
Kasi po mabilis po siyang magpatakbo.
Bakit natatakot ang lahat kay kas?
Hari po ng kalsada
Sino raw si kas sa kalsada?
Mga ulap po.
Sino naman ang kumausap kay kas?
Hindi po.
Nakinig ba si Kas sa kanila?
Naglasing po teacher.
Anong ginawa ni Kas?

Ano kaya ang nangyari sa Kaskaserong si Nabangga po teacher.


Kas?

Sa tambakan po ng mga lumang sasakyan.


Saan itinapon si Kas?
Magaling .
Opo Teacher..
May napulot ba kayong aral sa pianood
niyo mga bata? Huwag po maging mayabang.
Ano iyon? Opo .
Tama, kasi maari tayong mapahamak.
Naiintindihan ba.?

C. Pag aayos ng kasanayan Opo teacher.

May inihandang laro si teacher, Handa


na ba kayong maglaro? Sasabihin ko
kung paano ito laruin kaya kailangang
makinig kayo ng mabuti.
Mayroon akong kaibigan, ang pangalan
niya ay Bilog. Maari niyo ba siyang
tulungang buuin ang pira-piraso niyang
laruang sasakyan .. Opo .

Handa na ba kayo? Magtataas ng mga kamay.

(Tatawag ng mga bata) Opo teacher.


Mahusay!
Nag enjoy ba kayo mga bata?
Magaling, tingnan nga natin kung tama
ang ginawa niyo..

D. Paglalapat
Ngayon alam niyo na ang ibat ibang uri
ng sasakyang panlupa , magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain.Pero bago
tayo magsimula, may mga alituntunin Huwag pong maingay.
tayong dapat sundin. Tumulong po sa mga kasama.
Maari ba kayong magbigay ng mga alam
niyong alituntunin ..

Magaling mga bata..

Ipapangkat ko kayo sa apat na grupo ..


Magmula rito ang pangkat una, dito
naman ang pangkat dalawa, ang Opo teacher.
pangakat tatlo at ang pangkat apat.
Naiintindihan ba mga bata?

Makinig kayong mabuti at babasahin ni


Teacher ang panuto.

Panuto: Piliin kung sa anong lugar


makikita ang mga sumusunod na Opo.
sasakyang panlupa..
Maliwanag ba mga bata?
_____________

______________

______________

______________

______________

E. Paglalahat

Naiintindihan niyo bang mabuti ang


ating pinagaralan.
Opo.
Kung ganon, ano ang pinagaralan natin
ngayong araw?
Teacher ang ibat ibang sasakyang panlupa po.
Magbigay nga kayo ng mga sasakyang
panlupa na makikita sa ating
Teacher kotse po.
komunidad.
Ambulansya po
Truck po ng bumbero
Kotse po pulis
Tricycle po

Motor po .
Tama mga Bata. Bisikleta po

Bakit mahalaga ang mga sasakyan sa


mga tao ? Kasi po ito po ay ginagamit natin kapag tayo ay
may pupuntahan.
lV. Pagtataya

Ilabas ang inyong kwadernong pula, at


sagutan ninyo ang idinikit na worksheet
ni Teacher.
Maliwanag ba?
Opo
Panuto: Gumuhit ng sasakyang makikita
sa ating komunidad at kulayan ito.

V. Takdang aralin

Gumuhit ng mga sasakyang makikita sa


katubigan.

You might also like