You are on page 1of 1

Reaksyong Papel

Pangalan: Lyngel James A. Lape


Mga Paksa: Paghahanda ng Modyul
Ang Kahulugan at mga Bahagi ng Modyul
Ang mga Katangian ng Modyul
Ang mga Kabutihang Naidudulot ng Modyul sa mga Guro at Mag-aaral

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang katagang “life-long Learning”, isa sa pinakamithiin
ng guro na dapat matamo ng mag-aaral. Naglalayon tayong magkaroon sila ng kaalamang
kapakipakinabang at kaalamang maikikintal nila sa kanilang sarili. Gayunpaman, ang mithing ito
ay mahirap matamo kung walang sapat na pagpaplano ang guro. Masasabing sa proseso ng
pagtuturo't pagkatututo'y napakahalaga na may itinakdang plano ang guro upang matamo ang
kanyang minimithing layunin. Kadalasan ang pagpaplanong pampagtuturong ito ay nakasulat
nang sa gayon ay maging gabay ng mag-aaral sa mga konsepto at gawaing may kaukulan sa
aralin. Kaya may tinatawag tayong modyul na naglalaman ng gawain tumatasa at sumusukat sa
kaalaman at kakayahan ng mag-aaral.
Ang modyul ay bunga ng matagalang pagpaplano ng guro. Sa paglinang nito'y
isinasaalang-alang ng guro ang mga gawaing nakapaloob upang epektibong matamo ang
kanyang ninanais. Kung ating titingnan ay napakahalaga nito sa ating pagtuturo. Sa pamamagitan
nito ay nakikita natin ang kalakasan at kahinaan ng mag-aaral; isang mabisang paraan upang
matugunan ang suliranin sa pagkatuto. Kung ating titingnan naman ang epekto nito sa mag-aaral
ay nagiging responsable sila sa kanilang pagkatuto at nahihikayat silang tumuklas ng
konsepto(independent learning).
Kadalasan, ang modyul ay isang nalimbag na kagamitang malayang ginagamit ng guro.
Ngunit may mga pagkakataon na ang guro ang siyang gumagawa nito. Kung ating susuriin ang
nilalaman ng modyul ay mayroon itong iilang bahagi. Kabilang na riyan ang pamagat na
kinakailangang saklaw ang nilalaman ng modyul; target population para sa gagamit nito:
rasyunal na nagpapakita sa kobuuang nilalaman ng modyul; layunin para sa dapat matamo;
panuto bilang gabay sa gawain; panimulang saloobin at pangangailangan kasanayan upang
maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin, pananaw o konsepto sa isang gawain o
paksa; panimulang pagsusulit upang masukat ang matamong kaalaman ng mag-aaral; mga
gawain so pagkatuto/ pagpapayamang gawain na naglalaman ng barayti ng mga gawaing dapat
isagawa ng mag-aaral. May iba't ibang hakbang din na dapat sundin sa paglinang ng modyul
nang sa gayon ay maging mabisang kasangkapan ito sa pagtuturo.
Kung ating ilalahat ay masasabing napakahalaga talaga ng modyul so pagtuturo at
pagkatuto. Ito ay kopak-pakinabang long-lalo na ngayong iniwasan natin ang pisikal na
interaksyon sa mag-aarat dala ng pandemya sa ating bansa. Sa pamamagitan nito ay masisiguro
pa rin nating patuloy na natututo ang ating mag-aaral sa kabila ng ating nararanasang krisis
pangkalusugan.

You might also like