Professional Documents
Culture Documents
Nina:
Halis, Marikar
Joven, Cherrymae
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Halis Marikar
Joven Cherrymae
Panitikan.
Taos pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan
-Sa aming guro na si Bb. Jezeil Felix, ang aming mabait na guro sa asinaturang
oras na hindi namin kinagawian matapos lamang ang pamanahong-papel, at higit sa lahat
pinanghihinaan na ng loob at wala ng lakas an gaming katawan matapos lng namin ito sa
itinakdang panahon.
-Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN
1. Introduksyon 1
2 .Layunin ng pag-aaral 2
3. Kahalagahan ng Pag-aaral 2
1. Disenyo ng Pananaliksik 5
2. Mga Respondente 5
3. Instrumentong Pampananaliksik 6
1.Introduksyon
Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na
ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa
pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng
kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral. Nakakalungkot isipin na mas
nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti
– unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.
Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat
na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang
istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa
kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t
nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok
sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang
paggamit nito.
Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na
itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social
Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at
masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.
2. Layunin ng Pag – aaral:
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol
sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa
mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa
kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang
mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.
Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama
ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging
kapaki – pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at
makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang
pananaw tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga
estudyante sa tamang paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng
kanilang sarili.
Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang
pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang
napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para
malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.
Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng SENIOR HIGH SCHOOL sa Tanauan
Institute mula sa ika-labing isang baitang. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang
mga pananaw at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga
estudyante. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang
maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat
naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano
ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito:
Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya
nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong
lugar.
Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng
parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita
ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.
Sa umiiral na DepEd Order number 83-2003; order number 26-2000 at order number 70-1999,
mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellularphones sa mga estudyante habang nasa
loob ng klase. Pinakiusapan din ni Inciong ang mga estudyante na maging responsable sa
paggamit ng cellphone. Hinikayat rin niInciong ang mga guro na gabayan ang mga estudyante
sa tamang paraan sa paggamitng naturang teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag
ang mga ito sa malinggawain tulad ng pakikipag-text sa mga estranghero na may masasamang
intensyon,bagkus ay gamitin ito lalo na sa paghingi ng saklolo.
Kabanata III
Disenyo
RESPONDENTE
Ang respondent o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Tanauan Institute Inc.
Binubuo ng tatlumpung mag-aaral.
Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman angmga salik na
nakakaapekto sa paraan ng pagamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral.Gumamit dn ng aklat
ang mga mananaliksik sa pagkalap ng datos.