You are on page 1of 2

Tekstong Naratibo

Ang pagsasalaysay o pagkukwento ay karaniwang nangyari kapag nagkita-kita o


nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang
pagsasalaysay ay hindi lang naibabahagi nang pasalita. Sa halip, naitatala rin sa
mga pahina ng isang talaarawan.

Isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwento ng mga pangyayari sa


isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang
may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang sa wakas.

Pangunahing layunin nito’y makapanglibang o magbigay-aliw at saya. Gayundin


naman ang magturo ng kabutihang asal, magandang aral at pagpapahalagang
pangkatauhan.

Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong


naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. Maraming
iba’t ibang uri ang tekstong naratibo subalit lahat ng ito’y naglalayong
magkuwento.

Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista sa Tekstong Naratibo

1. Unang Panauhan
Sa pananaw na ito isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.

2. Ikalawang Panauhan
Dito mistulang kausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit ng panghalip na ka o ikaw.

3. Ikatlong Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ai isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya panghalip na ginagamit ay siya o sila.

Maladiyos na Panauhan – Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng panauhan.


Tagapag-obserbang Panauhan – Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip
at damdamin ng mga tauhan.
Limitadong Panauhan – Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isang tauhan.
Uri ng Tagapagsalaysay na Nag-oobserba at nasa labas ng pangyayari:

4. Kombinasyong Pananaw
Dito ay hindi lamang iisa ang tagapagsalaysay kaya iba’t ibang pananaw o paningin
ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa nobela.

Paraan sa Pagpapahag ng Diyalogo

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahag


Direktang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin o damdamin ang
tauhan. Mas nagiging malinaw at naturalang palitan ng mensahe ng mga tauhan.

2.Di Direkta o Di Tuwirang Pagpapahag


Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, ginagawa o nararamdaman ng
mga tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.

Elemento ng Tekstong Naratibo

Ang tagaganap at tagatanggap sa kuwento. May dalang paraan sa pagpapakilala ng


tauhan.
Expository – ang tagapagsalaysay ang nagpapakilala o naglalarawan sa tauhan.
Dramatiko – kapag kusang nabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
1. Tauhan

a. Pangunahing Tauhan – Sa kanya umiikot pangyayari o ang kuwento simula hanggang


wakas.
b. Katunggaling Tauhan – Ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Higit na
napapatingkad ang kuwento dahil sa kanya.

d. May-Akda – Sa likod ng lahat na pangyayari ay laging kasubaybay ang kamalayan ng


makapangyarihang awtor.
c. Kasamang Tauhan – Kagaya ng ipinapahiwatig ng katawagan ito ang kasangga ng
pangunahing tauhan. Ang tagasuporta o kaagapay ng bida.

Ayon kay E.M Forster, mayroong 2 Uri ng Tauhan:


1. Tauhang Bilog – May multidimensiynal o maraming saklaw ang personalidad.
2. Tauhang Lapad – Nagtataglay ng iisa o dalawang katangiang madaling matukoy,
maituturing na stereotype.

2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.

3. Banghay
Ito’y tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.
Karaniwang Daloy ng Banghay:
a. Epektibong Panimula d. Kasukdulan
b. Pagpapakilala sa Suliranin e. Kakalasan
c. Saglit na kasiglahan f. Wakas
3. Banghay

Anachrony Daloy ng Banghay:


Analepsis (Flashback) – Dito inilalagay ang pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis (Flash-forward) – Dito inilalagay ang pangyayaring magaganap pa lamang sa
hinaharap.
Ellipsis (Cutting) – May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na tinanggal o di isinama.

Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo. Dito magmumula ang pagpapahalaga pangkatauhan, mahalagang aral at
kabutihang asal na nais palitawin ng may-akda.
4. Paksa o Tema
Bagtasin ang haraya, isatitik o ibigkas ang mga salita.

You might also like