You are on page 1of 2

ESPAÑA, Josiah Samuel O.

BSA II

FILI101 (B141) Panitikang Filipino

5 Bugtong (SOURCE: https://filipiknow.net/tag/mga-bugtong-na-mahirap-sagutin/)


1. Maliit na tila sibat, sandata ng mga pantas (panulat/pluma)
2. Sinakal ko muna, bago ko nilagari (biyolin)
3. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo (sitaw)
4. Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay (kalendaryo)
5. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal (lansones)

5 Salawikain (SOURCE: http://mga-salawikain.com/)


1. Ang taong tahimik
Kapag nag-isip ay malalim
Ang taong mabunganga
Walang kuwenta ang salita
Kahulugan: hindi dahil tahimik ang isang tao ay wala na siyang alam. Merong mga tao
na pinipili muna nila ang kanilang sinasabi, dahil alam nila na hindi nasusukat ang talino
sa dami ng salita na lumalabas sa bibig

2. Ang buhay ay mahirap


Kung hindi ka maagap
Mag-aral ka at magsumikap
Para sa magandang hinaharap
Kahulugan: kahit nagsimula ka sa wala, kapag ikaw ay meron pinag-aralan, malaki ang
pagkakataon na makaangat sa kahirapan.

3. Ang pag-ibig ay bulag


Dahil hindi mata ang basehan ng pag-ibig
Kahulugan: minsan mahirap bigyan ng rason ang pag-ibig, basta nalang itong
dumadapo at hindi ka na nito tatantanan

4. Ilang salinlahi man ang dumating


Wika natin ay paigtingin
Atin itong gamitin
At pagkamahalin
Kahulugan: kahit na uso na ngayon ang paghaluin ang wika, wag padin kakalimutan
ang wikang Pilipino.

5. Gawing gabay sa buhay


Ang aral ni nanay
Kanyang payo at mga turo
Nawa ay hindi maglalaho
Kahulugan: kahit na ang bata ay balang-araw tumanda na, huwag kakalimutan ang
mga payo ng magulang.

5 Kawikaan (SOURCE: https://www.kapitbisig.com/philippines/information/language-mga-


kawikaang-tagalog-tagalog-idioms_193.html)

1. alog na ang baba (matanda na)

2. bukas-palad (matulungin)

3. balat-kayo (nagkukunwari)

4. lumang tugtugin (nakasanayan na)

5. walang buto (walang kumpyansa sa sarili, hindi matatag)

You might also like