You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121.

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng


Edukasyon at Lagpas pa

Mga Layunin:
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang
Pambansang wika
2. Natutukoy at naipaliliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino at
iba’t ibang natatanging kahulugan nito sa isang pamahalaan
3. Maunawaan at maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng ugat ng
komisyon sa Wikang Filipino sa pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran

WIKANG PAMBANSA

Ang wikang pambansa ay kinikilalang midyum ng komunikasyon sa


isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Higit pa rito, ito ay
tinutukoy bilang isang wika (o iba baryedad ng wika hal. diyalekto) na may
ilang koneksyon – de facto o de jure – kasama ang mga tao at ang
teritoryo na sakop nila. Ang isa o higit pang wika na sinasalita bilang
unang wika sa teritoryo ng isang bansa ay maaaring tumutukoy sa
impormal o itinatalaga sa batas bilang pambansang wika ng bansa. Ang
pambansang wika ay nakapaloob at binabanggit sa mahigit isang daan at
limapung saligang mundo.

Dagdag kaalaman:
- Ang de facto ay isang katagang Latin na nangangahulugang “sa
katotohanan” o “sa pagsasanay”.
- Ang de jure ay isa ding katagang Latin na nangangahulugang “sa
pamamagitan ng batas”.

Apat na natatanging mga kahulugan

Ayon kay Conrad Max Benedict Brann na isang linguist at mayroong


particular na sanggunian sa India, ang pambansang wika sa isang
pamahalaan ay mayroong “apat na natatanging mga kahulugan” at ito
ang mga sumusunod:

1. “Teritoryal na wika” o chthonolect ng isang particular na tao.


2. “Wikang rehiyonal” o choralect
3. “Wika-sa-karaniwan o wikang pangkomunidad” o demolect na
ginagamit sa buong bansa
4. “Sentral na wika” o politolect na ginagamit ng pamahalaan at marahil
may simbolikong halaga

Iba pang kahulugan ng wikang pambansa:


 pagkakakilanlan ng isang bansa
 sistema ng iba’t-ibang pinagsamang anyo ng mga katutubong
wikang pasalita o pasulat
 kultural na simbolo ng identidad, kapangyarihan at pagsasarili
ng isang bansa
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121.

KASAYSAYAN NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng
pambansang wikang Filipino. Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng
KWF, matutuklasan ang salimuot ng politika at pakikibaka laban o pabor
sa Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya itong tanggapin
sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon, dahil ang
komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika, kompara sa
Ingles na sa kabilang polo nagmumula.

Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino


ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo

Petsa/ Taon Mahalagang Kaganapan


Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso
“ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng
1935
pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika”
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang
Pambansang Asamblea sinabi niyang hindi na
dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang
27 Oktubre 1936
may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat
magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng
lahat.”
Ang Batas Komonwelt Blg, 184 ay lumikha ng
isang lupon na tinawag na Surian ng Wikang
13 Nobyembre
Pambansa at itinakda na siyang pipili ng isang
1936
katutubong wika na pagbabatayan ng wikang
pambansa.
Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
13 Disyembre
ni Pangulong Quezon, pinagtibay ang Tagalog
1937
bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.
01 Abril 1940 Paglilimbag ng Diksyunaryo
07 Hunyo 1940 Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 576 na ang
Pambansang Wika ay magiging opisyal sa Hulyo
ng taong 1946
19 Hunyo 1940 Sinimulan ang pagturo ng Wikang Pambansa sa
mga paaralan
14 Hulyo 1942 Itinalagang opisyal na wika ay Nihonggo at
Tagalog
1945 Taon ng paglaya mula sa mga Hapon
1950 Pagbuo ng Panatang Makabayan
Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit
1956
nang ilang beses bago naging opisyal noong 1956
26 Marso 1954 Pagsisimula ng Linggo ng Wika
Nagpalabas ang Kalihim ng Kagawaran ng
13 Agosto 1959 Edukasyon na si Jose Romero ng Kautusang Blg.
7 na ang wikang ay tatawaging Pilipino
Kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay
1986 “Filipino.”
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121.
Ang SWP ay pinalitan ng LWP ng Pilipinas na
Enero 1987 pagkaraan ay binuwag nang buuin ang Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987
14 Agosto 1991 Naitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino

Taong 1935
Wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o
magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala
pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wika ang magiging
batayan ng pambansang wika.
Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag
isinaalang-alang na ang Espanyol at Ingles noon ay umiiral bilang mga
opisyal na wika sa buong kapuluan.
Ang siniping probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga
delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog. Kabilang sa
pangkat sina:
 Felipe R. Jose (Mountain Province),
 Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte),
 Tomas Confesor (Iloilo),
 Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at
 Norberto Romualdez (Leyte) na dating batikang mahistrado ang
sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng
Wikang Pambansa.

13 Nobyembre 1936
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng
Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan
para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang
wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.”
Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng
estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit
ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang
napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra
(Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping sina:
 Santiago A. Fonacier (Ilokano),
 Filemon Sotto (Sebwano),
 Casimiro F. Perfecto (Bikol),
 Felix S. Salas Rodriguez (Panay),
 Hadji Butu (Moro), at
 Cecilio Lopez (Tagalog).

Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng


nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga
kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at
manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa kapansanan;
samantalang si Butu ay namatay nang di-inaasahan.

13 Disyembre 1937
Sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng
Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan
ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121.

01 Abril 1940
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtungo sa
paglilimbag ng Diksyunaryo ng Pambansang Wika. Dalawang
mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at
pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang
Pambansa. 

07 Hunyo 1940
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg.
570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino
[Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas
pagsapit ng 4 Hulyo 1946.

14 Hulyo 1942
Noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas
[Philippine Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda
na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa
buong kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa
pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga
transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo.

26 Marso 1954
Ipinatupad ang Linggo ng Wika sa kautusan ni Pangulong Ramon
Magsaysay, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto
13-19.
Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga
katutubong wika sa Filipinas noong panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa
termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa
korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog
Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo.

13 Agosto 1959
Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon
noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.
” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na
“Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at
pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto
nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.”

Taong 1986
Pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986,
at sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay
“Filipino.”
Kung paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay
dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong
salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.”
Nangangahulugan ito na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang
ahensiyang pangwika na magtataguyod sa naturang simulain.
Ang “Filipino” ay hindi na ang “Pambansang Wika” na nakabatay lamang
nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang pangangailangang payabungin ito sa
tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa ang tinatanggap na mga
salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang pambansang
wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may
mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121.
Enero 1987
Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni
Pang. Corazon Aquino nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na
sa pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin
ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang
komisyon ng pambansang wika. 

14 Agosto 1991
Nang maipasa ang Batas Republika7104, naitatag ang Komisyon sa
Wikang Filipino kung saan nakatakda ang kapangyarihan, mga tungkulin at
gawain nito, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin

ANG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Bisyon:

“Wikang Filipino, Wika ng Dangal at Kaunlaran

Misyon

Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang


Wikang Pambansa hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo
ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng
sambayanang Filipino.

Mandato

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang


magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba
pang mga wika sa Filipinas. Batas Republika Blg. 7104  ang batas na
lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng
mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng
gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin

Ibang mga Sanggunian:

Amparado, R. (2016, June 26). Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo.


Retrieved from https://www.slideshare.net/RainierAmparado/wikang-
pambansa-opisyal-at-panturo

Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. (n.d.). Retrieved from


https://www.preceden.com/timelines/176825-ang-kasaysayan-ng-wikang-
pambansa

Batas Republika Bilang 7104 ng Pilipinas. (2016, August 19). Retrieved from
https://tl.wikipedia.org/wiki/Batas_Republika_Bilang_7104_ng_Pilipinas

Kasaysayan. (n.d.). Retrieved from http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/


Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121.
National Language. (n.d.). Retrieved May 5, 2020, from
https://encyclopedia2.thefreedictionary.com/National Language

You might also like