You are on page 1of 21

9

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 4:
Telenobela at Kaganapan
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 4: Telenobela at Kaganapan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Lovely C. Ariola


Editor: Francel Aira E. Lasquite
Oliver D. Merciales
Tagasuri: Nora J. Laguda
Elisa E. Rieza
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul
na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul
na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Telenobela at Kaganapan

Panimula:

Mahilig ka bang manood ng telenobela?


Kinagigiliwan mo ba ng mga palabas tulad ng K-
drama o Korean Novela? Bakit mo ito nagugustuhan?
Nasasalamin mo ba sa iyong napapanood ang mga pangyayaring
nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan? Batid ko na marami kang
natututunan sa iyong mga napapanood at handa ka na sa araw na ito
upang muling paunlarin ang iyong kaalaman. Kasabay ng pag-unlad ng
bawat indibidwal ay ang pag-unlad ng kaniyang isipan. Sa bawat
panibagong araling napag-aaralan ay mas lumalago ang isipan ng isang
mag-aaral.
Sa araling ito ay tiyak na kawiwilihan mo sapagkat susubukin nito
ang talas ng iyong isipan sa paghahambing ng ilang piling pangyayari sa
napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan.
Masaya ito kaya halika na! Simulan na natin!

Sa modyul na ito, inaasahan na


naihahambing mo ang ilang piling
pangyayari sa napanood na telenobela
sa ilang piling kaganapan sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Mga Salita Kahulugan


Likmuan Puwesto
Namumugto Namamaga
Bagwis Pakpak
Matayog Mataas
Dyslexia Isang reading disorder kung saan
nahihirapang ihiwalay ang isang
salita mula sa pangkat ng salita o
ang ilang letra sa loob ng isang
salita.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Pag-isipan mo.

Panuto: Mag-isip ng piling pangyayari sa mga telenobela na napanood mo


na, pagkatapos ay ihambing ito sa piling kaganapan sa lipunang Asyano
sa kasalukuyan. (Kung wala pang napapanood na bahagi ng telenobela
maaaring gamitin ang link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=NK5tOInGv8c)

Piling Pangyayari sa Paghahambing sa kaganapan


telenobela: sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan:

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 15 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – 3KAYA MO YAN
O, di ba kayang-kaya mong paghambingin
ang ilang piling pangyayari sa napanood na
telenobela sa ilang piling kaganapan sa
lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

PAALALA: Kung mayroong internet, gadget, o telebisyon sa inyong


tahanan ay maaring mapanood ang screen play na tatalakayin. Kung
walang tagapatnubay at sapat na kagamitan ay maaaring basahin na
lamang ang iskrip ng screenplay sa ibaba.

Basahin at unawain mo.

Bata, Bata… Paano ka Ginawa?


(Screenplay)
Lualhati Bautista

EKSENA 1: School ground day.


Magbubukas ang eksena sa isang choreographed dance number ng mga
batang babaing kasali sa miss kinder beauty contest. Ang tugtog. Butsiki.

Graduation day ito ng kindergarten class. Puno ang school ground. May
mga nanay pa ng ana dala pati mga baby nila.

Habang ginaganap ang sayaw, kani-kaniyang hanap ng magandang


puwesto ang mga magulang na may dalang camera para makuhanan ang
kanilang mga anak. Kabilang na sa kanila si Lea. Syempre, nasa
kalipunan din ng mga tao sina Ojie at Ding. Nakasampay sa kamay ni Ojie
ang toga ni Maya, isinusunod iyon kay Lea.
Ojie: Nanay, eto na ang toga.
Lea: Mamaya na iyan, hawakan mo sandali.
Ojie: Ang init-init na po, e! Ayoko nang grumadweyt! Gusto ko po bagsak
na lang ako!

4
Isang batang lalaking ga-graduate ang basta na lamang umihi sa upuan
niya. Nagpulasan ang mga tao. Tilian ang mga babae, Aaaayyy! Aaaaayyy!

Isang batang nagkikislapan ang damit na kulay gold ang kinukurot ng


palihim ng kaniyang ina.

Ina ng batang kumikislap ang damit: Tahan ka na sabi dyan! Putris ka,
dalawang libo ang gastos ko sa baro mo!

Batay sa binasa/napanood mong bahagi ng


telenobela, ihambing ang ilang pangyayari dito sa
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Batay sa aking nabasa na bahagi ng telenobela maihahambing ko


ang pangyayaring ito sa kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan
sa bahagi na kung saan ay pinaghahandaan ng mga magulang ang
pagtatapos o graduation ng kanilang anak. Katulad na lamang sa
kasalukuyang panahon na kung saan ay handang gumastos ng malaki ang
mga magulang mabigyan lamang ng maayos na kasuotan ang kanilang
anak na magtatapos.

EKSENA 3: School ground. Same day.


Makikita sa camera na halos natataranta ang mga ina sa pagbibihis ng
kanilang mga anak. From long gown to casual na kasi ang susunod na
eksena. Naghahabilin ang bawat isa. Nag-ooverlapping ang mga diyalogo.
Mother 1: Iyong lines mo, huwag mong kakalimutan ha (kakanta sabay
sayaw) “Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe. Matayog ang pangarap
ng matandang bingi!”
Lea: (Habang binibihisan si Maya) Huwag kang kakabahan. Basta’t banat
lang nang banat, tapos! Katuwaan lang naman ‘to. Ang importante kung
ano ang laman ng utak at puso. Hindi ng mukha (itataas ng daliri ang
baba ng anak) Sige, ha? Pagbutihin mo!

Saang bahagi ng telenobela sa itaas ang maaaring


ihambing sa piling kaganapan sa lipunang Asyano
sa kasalukuyan?

Ang bahagi ng telenobela sa itaas na maaring ihambing sa piling


kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan ay ang pangyayari na
kung saan ay sinusuportahan ng ina ang kanilang anak sa mga paligsahan
na sinasalihan nito.
5
Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin
ang mga tanong

Magsisimula na ang graduation march. (Sa backstage) Nakaupo si


Lea sa harapan ng anak, mini-medyasan niya ito para sa sapatos na itim.

Ding: (kay Maya) Sana naman anak, iba nalang ang tula mo. Hindi
mananalo iyon.
Lea: Di bale, kahit hindi Manalo ‘no! Hindi naman ‘yan pagandahan.
Ding: Pambihira ka! E ba’t sumali ka pa sa beauty contest?
Maya: (Medyo magsimangot konti) Kuya, akin na ang toga ko. Maka-
graduate na. Kukunin na ni Lea ang toga. Hindi pa rin ibinababa ni Ojie
ang kamay niya.

Sa isang banda, medyo pa-ismid na binibihisan ng nanay ang batang


nakagold na pahikbi-hikbi.
Ina: Wala na, natapos na ang Miss Kinder. Ang mahal-mahal pa naman
ng baro mo. Dalawang libo iyan.
Aatungal na naman ang bata.

Pumili ng ilang bahagi sa pangyayari sa itaas at


ihambing ito sa pangyayari na nagaganap sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Ang pangyayari sa itaas na maari kong maihambing sa pangyayari


na nagaganap sa kasalukuyang lipunang Asyano ay ang bahagi na kung
saan ay ipinakita na ang bawat bata o indibidwal ay mayroong iba’t ibang
klase ng pag-uugali ng magulang. Ipinakita na kay Maya at lagging
nakasuporta ang kanyang magulang samantalang sa batang nakasuot ng
baro na gold ay laging galit ang kanyang ina sapagkat gumastos siya ng
dalawang libo.

Enrijo Willita A.et.al., Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral 8, 171-173.

6
Ipagpatuloy mo.

Napaghahambing ko ang piling


Paano mo pangyayari sa telenobela sa piling
napaghahambing kaganapan sa lipunang Asyano sa
ang piling kasalukuyan sa pamamagitan ng
pangyayari sa pag-unawa sa pangunahing kaisipan
telenobela sa piling nito upang sa ganun ay mas madali
kaganapan sa itong maihambing sa mga nangyayari
lipunang Asyano sa sa kasalukuyan.
kasalukuyan?

Bakit mahalagang
pag-aralan ang mga
pangyayari sa
telenobela?

Mahalagang pag-aralan ang mga


pangyayari sa telenobela sapagkat
katulad ng akda sa libro ito ay nagtuturo
rin ng aral sa bawat manonood na
magpapamulat sakanila at maaaring
maiugnay ang mga pangyayari sa
kasalukuyang panahon.

Yehey! Napaghahambing mo na ang ilang piling


pangyayari sa telenobela sa ilang piling kaganapan sa
lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
7
Naguluhan
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahin at unawain.
Pagsasanay 1

Mga Patak ng Luha


Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”)
Bollywood Film_ India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera
(Bahagi Lamang)

Si Ishaan Nandkishore Awasthi, Isang batang nagpabago,


nagpapabago at magpapabago ng aking mundo… at marahil ng
pagpapahalaga…bilang isang guro.
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang
kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang mesang may katamtaman
ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga kakailanganing
gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ng aking sarili isang gabing hindi
ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit
wala namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala
namang mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radio. Nakipagsabayan sa
malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha
habang pinanonood ko si Ishaan.Siya ang bida sa aking puso… at si
titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula.
Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam
ang bawat eksena. Sa una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro.
Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang.
Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan
ng kaniyang mga magulang… at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang
nakatatanggap ng parusa. Pinapalo. Sinasabihan ng masasakit. Tamad.
Bobo. Tanga.Walang alam. Idiot.Wala siyang tanging masusulingan kundi
ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo. Itinira sa dormitoryo ng
paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa.
Siya’y mahina pa. hindi pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang sapat
na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang ama. Maging ang

8
kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng kaniyang ama, nagiging
sunod-sunuran rin siya.
May angking talino si Ishaan. Bagamat hindi siya nanguna sa klase,
dahil sa kinaugaliang hindi pakikinig o wala ang pansin sa pag-aaral.
Sadyang mabagal ang kaniyang pag-unlad sa pagbabasa at pagsusulat.
Mas madalas na nagkakabaligtad ang b at d, mga salitang pareho ang
bigkas ngunit iba-iba ang baybay. Ang kaniyang mga bilang ay
nagkakabaligtad din at palaging wala sa ayos ang pagsusulat.
Buhat sa pagkakatalungko ko sa aking likmuan, habang marahil ay
namumugto na ang aking dalawang mata. Hinanap ko ang aking sarili sa
gurong aking pinanood. Kinapa ko ang aking puso. Pinakiramdaman ko
ang aking sarili. Larawan din ba ako ng gurong ito? Nakikita ko ba ang
aking sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot. Nahihiya ako sa aking
sarili. Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon
ay isa lamang panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw.
Panoorin nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng tao. Hinayaan
kong umagos ang luha ko… at ng sumunod na mga sandali, sinagot ko rin
ang aking tanong… Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan? Sa
labas ng silid? ang sagot. Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa maraming
aspeto. Dahil tayo ay may kaniya-kaniyang pagkabukod- tangi. Bawat
bata ay may istilo ng pagkatuto. May kaniya-kaniyang katangian at
kakayahan.
Isang bagay lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso
ko, una sa lahat ang mga estudyante ko.

-Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 260-261

(Upang mas maunawaan, maaari ring panuorin ang kuwento sa link na


ito.https://www.youtube.com/watch?v=TnPz4vIqZ8&feature=youtu.be&fbclid=I
wAR2SaJ9qZh5iqhYr9_taoF4EIIORUKu1CNW38TsEjxzyvzrc5KafNYgTzqY)

Panuto: Pumili ng ilang pangyayari sa telenobela sa itaas at ihambing ito


sa mga kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

9
Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan sa
Halimbawa: lipunang Asyano

Nang dumating ang guro ni Tinuturing na mga anak at


Ishaan na si Ram Shankar tinutulungan ng mga guro sa
Nikumbh Sir ay inunawa, kasalukuyan ang mga mag-
pinahalagahan, minahal at aaral lalo na ang mga mag-
binahagihan nito ng aaral na hirap pagbabasa at
kaalaman si Ishaan hanggang pagsulat.
sa si siya ay natuto.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 15.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang


nasagutan ang unang pagsasanay, Pagsasanay 2
heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto: Mag-isip ng telenobela na napanood mo na at pumili ng ilang bahagi nito.


Pagkatapos ay ihambing ang pangyayari na napili sa ilang piling kaganapan sa
lipunang Asyano sa kasalukuyan.

10
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa


naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Pagsasanay 3

Mga Patak ng Luha


Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”)
Bollywood Film_ India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera
(Bahagi Lamang)

Salamat sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh


Sir. Nakaunawa. Nagpahalaga. Nagmahal. Nagbahagi. Hanggang si Ishaan
ay natuto. Sadyang napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ang
itinanghal na pinakamahusay na artist sa buong paaralan ng New Era
High School. Ito ang nagpabago ng kaniyang kapalaran. Nagpabago ng
pagtingin ng kaniyang mga magulang. Nagpabago ng sistema ng iba pang
guro ...at marahil ... nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang isang guro.
Iba-iba ang mga ating tinuturuan. Lahat sila may iba’t ibang katangian at
kakayanan. Iba ang isa sa isa. bawat isa ay may pagkabukod-tangi. Ang
katangian ng isa ay hindi katangian ng isa. Ang kaya ng iba ay hindi kaya
ng isa. Hanapin lang natin kung ano ang mayroon sa kanila. Iyon ang
ating pagyamanin. At higit sa lahat, maramdaman nila na sila ay
minamahal at inaalagaan upang makakampay para sa pag-abot ng
kanilang mga pangarap.
Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral Filipino 9, 260-261.

11
(Upang mas maunawaan, maaari ring panuorin ang kuwento sa link na
ito.https://www.youtube.com/watch?v=TnPz4vIqZ8&feature=youtu.be&fbclid=I
wAR2SaJ9qZh5iqhYr9_taoF4EIIORUKu1CNW38TsEjxzyvzrc5KafNYgTzqY)

Panuto: Batay sa bahagi ng kuwento na nabasa o napanood, tukuyin ang


mga pangyayari na maaaring maihambing sa kasalukuyang kaganapan sa
lipunang Asyano o maaari ring sa naging karanasan mo.

Bahagi ng nabasa o napanood:

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Paghahambing:

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 16.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
12
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Batay sa iyong napanood na telenobela, pumili ng ilang


pangyayari at ihambing ito sa kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan.

Piling Pangyayari sa Telenobela:

Paghahambing sa kaganapan sa lipunang Asyano:

13
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.
Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 16.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga


gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa


mga pagsasanay. Kaya
parang gusto ko pa ng
karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!


Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng ilang piling pangyayari sa “Ang Probinsyano”


pagkatapos ay ihambing ang mga piling pangyayaring ito sa kaganapan sa
lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Piling Pangyayari Paghahambing sa


kasalukuyang kaganapan sa
lipunang Asyano

Sa wakas ay narating mo ang14dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.
napanood na telenobela sa 10
kasalukuyang kaganapan sa
lipunang Asyano
Organisado o angkop ang mga 15 5
salitang ginamit
Nakapaglahad ng matalino at 5
maayos na ideya
KABUUAN 20 PUNTOS
Pagsasanay 1
Pamantayan Puntos
Maayos na napaghambing ang
napanood na telenobela sa 10
kasalukuyang kaganapan sa
lipunang Asyano
Gumamit ng payak na salita at 5
madaling maunawaan
Maayos na pagbabahagi ng 5
impormasyon
KABUUAN 20 PUNTOS
Pagsasanay 2
Pamantayan Puntos
Kalinawan ng mga ideya
5
Kaangkupan sa paksa 5
Napaghambing ng maayos ang mga 10
Susi sa Pagwawasto
16
Pagsasanay 3
Pamantayan Puntos
Maayos at di maligoy ang
paghahambing 10
Naibahagi ang mahahalagang 5
impormasyon
Wasto at angkop ang gamit ng salita 5
KABUUAN 20 PUNTOS
Panapos na Pagsubok
Pamantayan Puntos
Wasto at angkop ang naging
paghahambing sa mga pangyayari 10
Nailahad ng malinaw at masining ang 5
mga ideya
Hindi maligoy ang paghahambing 5
KABUUAN 20 PUNTOS
Karagdagang Gawain
Pamantayan Puntos
Natukoy nang maayos ang mga
pangyayari na maaaring ihambing sa 10
kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan
Nasagot nang malinaw at tama ang 5
lahat ng nakatalang Gawain
Wasto ang gramatika at wasto ang 5
gamit ng bantas at malaking titik sa
binuong pahayag
KABUUAN 20 PUNTOS
Sanggunian:
Aklat

Enrijo, Willita A.et.al, Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral 8, Quezon City:
Book Media Press, Inc., 2013.
Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc., 2014.

Internet
ABS-CBN Entertainment Channel. “Full Episode 2 Mara Clara.” Youtube, December
8, 2019. https://www.youtube.com/watch?v=NK5tOInGv8c

Samanalahaya.””Taare Zameen Par Hd wiyh English sub.” Youtube,February 5,


2018.https://www.youtube.com/watch?v=TnPz4vIqZ8&feature=youtu.be&fbclid=I
wAR2SaJ9qZh5iqhYr9_taoF4EIIORUKu1CNW38TsEjxzyvzrc5KafNYgTzqY

17
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

18

You might also like