You are on page 1of 4

Greenville Academy of Sta.

Clara
Sta.Clara, Sto. Tomas, Batangas

Ipinasa nina: Caldo, Jayvee

Castroverde, Jhones

Garcia, Mark Louie

Guevarr, Paul Allen

Mariano, Christian Louie

Huseñ a, Ericka

Ipinasa kay: Gng. Cindy P. Malabuyoc


Mula sa Supreme Student Government

Panukala sa Paglalagay ng Water Dispenser para sa Senior Highscool

Greenville Academy of Sta. Clara

Sta. Clara Sto. Tomas Batangas

President Jhones Castroverde

Ika-04 ng Hulyo 2019

Haba ng Panahong Gugugulin : Isang Linggo

Kabuuang Pondong Kailangan : Php 11,000

Kategorya ng Proyekto : Pagpupunan ng Pangangailangan ng Paaralan

Rasyonal ng Proyekto

Kaligiran (Background ng Proyekto)

Ang ideya ay nagmula sa isyu na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nagdadala ng

sarili nilang tubig sa kadahilanang napupuno na nang kanilang mga kwaderno at iba pang

gamit ang kanilang bag. Isa pang problema ay ang pangangailangan ng mga guro at mag-

aaral ng tubig pagkatapos nilang makipagtalastasan at sumagot sa klase. Makikita ring

madalas mainit sa mga silid-aralan kung kaya't kailangan ng mga mag-aaral ng sari-sariling

water dispenser sa kanilang silid lalo pa at nasa ikalawang palapag sila at malayo sa

maaring pagkunan ng tubig.


Kahalagahan ng Proyekto

Ang proyektong ito ay makatutulong sa mga mag-aaral ng Greenville Academy of

Sta. Clara upang maiwasan ang pagtitiis ng uhaw habang nasa klase. Kaugnay nito, hindi na

dadagdag pa sa dalahin ng mga mag-aaral at guro ang kanilang inumin. Sa pangkalahaatan,

ang proyektong ito ay magiging malaking suporta, hindi lamang dahil sa mababawasan ang

dalahin ng mga guro ngunit ito ay para din sa pagiging produktibo ng bawat isa sa

talakayan at akademikong gawain.

Deskripsyon ng Proyekto

Sa pangkalahatan, layunin ng proyektong ito na makapaglagay ng isang water

dispenser sa bawat silid ng senior highschool sa loob lamang ng isang linggo. Inaasahan

ding maisagawa ng proyekto ang mga sumusunod na mga obhetibo:

a. Maiwasan ang pagkauhaw sa pamamagitan ng pagkakalagay ng sapat na tubig na

maaaring inumin ng mga mag aaral sa kahit na anong oras.

b. Mahikayat ang mga mag aaral na uminom ng tubig lalong higit pa kapag hindi na nila

kailangang makiinom sa mga ka klase nilang may dalang tubig.

c. Mapangalagaan ang katawan ng mga mag aaral sa pamamagitan ng pag inom nila ng

tubig upang matunaw ng maayos ang kanilang kinain, masipsip ang mga sustansya nito,

maging tama ang sirkulasyon ng kanilang dugo, at maimentena ang temperatura ng

kanilang katawan.

d. Mapalitan ang mga tubig na regular na mawawala sa katawan ng mga magaaral sa

pamamagitan ng kanilang pag-ihi, pagsasalita at pagpapapawis.


Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto

Ang proyekto ay magbibigay sa mga magaaral ng oras upang mag-aral sa halip na

bumaba pa sa unang palapag. Bukod dito ay makasisiguro ang mga magaaral na malinis ang

tubig na kanilang iinumin, magiging mabuti rin ito sa kalusugan ng mga magaaral sapagkat

kailangan ng tao ng walong baso ng tubig araw-araw dahil dito ay mas magiging aktibo ang

mga mag-aaral sa klase, makakaiwas rin sila sa pagkahilo at pagkahimatay lalo na sa mainit

na panahon at higit sa lahat ay makatutulong ito upang makatipid ng pera ang mga

magaaral na puwede nilang gamitin para sa mga gagawing proyekto. Hindi lamang mga

magaaral ang makikinabang sa proyektong ito, kahit mga guro ay matutulungan nito kapag

napagod silang magsalita at natuyo ang kanilang lalamunan.

Gastusin ng Proyekto

Water dispenser (Php2 600 bawat isa) ……………………………………………………………Php10 400

Bulyo(Php200 bawat isa) ……………………………………………………………………………………..Php800

Shipping fee ……………………………………………………………………………………………………….Php 300

KABUUAN ………………………………………………………………………………………………………Php11 500

You might also like