You are on page 1of 1

Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa

Minsan may isang pastol na may isandaang tupa na inaalagaan. Bawat isa ay kanyang
iniingatan at ginagabayan. Pinoprotektahan din niya sa mga lobo ang kanyang mga
tupa, at itinutuwid ng landas sa tuwing sila’y maglalakbay.

Ngunit isang araw, nang bilangin ng pastol ang kanyang mga tupa’y bigla siyang
nanlumo.

Siyamnapu’t siyam lamang ang kanyang bilang. May isang tupa na nawawala. Sa
katunayan, ang tupang iyon ang pinakamaliit sa lahat. At hinding-hindi niya
makakalimutan ang itsura nito at ang tinig nito, bagama’t halos pare-pareho ang itsura
ng mga tupa.

Kaagad kumilos ang pastol. Inayos niya ang siyamnapu’t siyam niyang tupa sa isang
tabi, at siya ay lumisan upang hanapin ang nawawalang tupa. Hindi lubos
maintindihan ng naiwang mga tupa kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga
ng kanilang amo sa isang nawawalang tupa at handa nitong iwan silang siyamnapu’t
siyam. Hanggang sa magbalik ang kanilang amo. Dala na nito ang nawawalang tupa
at ito ay maligayang-maligaya!

Ang sabi ng pastol sa kanyang mga tupa, Sinuman sa inyo ang mawala, hahanapin ko
din. “Kung papaano kong hinanap ang isang ito. Dahil lahat kayo ay mahalaga sa
akin.”

You might also like