You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph

GAWAING PAGKATUTO
QUARTER 1, WEEK 1

Name: ______________________________________ Grade/Section__________


School: _____________________________________ Date__________________

I. Panimula
Dito sa unang linggo ng aralin, matututunan ng bata ang
pag-unawa sa sarili. Matutunan ng bata ang ipakilala ang
sarili.Masasabi nito kung ano ang kanyang pangalan,
edad,kasarian, kaarawan at mga gusto/di gusto.Kaakibat nito
ang pag-uugali at paggawa ng desisyon. At sa huli
magtatagumpay ang bata sa mga dapat niyang gawin.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nakikilala ang sarili
a. Pangalan at apelyido
b. Kasarian
c. Gulang/kapanganakan
d. Gusto/ Di-gusto
SEKPSE-00-1 SEKPSE-Ia-1.1 SEKPSE-Ib-1.2 SEKPSE-Ic-
1.3 SEKPSE-IIc-1.4 LLKVPD-Ia-13 SEKPSE-If-3 SEKPSE-
IIa-4
III. Layunin
 Ang bata ay nakapagpapamalas ng kakayahang
mapakilala ang sarili, maunawan ang paggamit ng
mga tamang salita sa pagpapakilala sa sarili.
 Nakikilala ang sarili a) pangalan at apelyido b)
kasarian
c) gulang/kapanganakan d) 1.4 gusto/di-gusto .
Use the proper expression in introducing oneself
e.g.,
I am/My name is___________
 Nasasabi ang mga sariling pangangailangan nang
walang pagaalinlangan Nakasusunod sa mga
itinakdang tuntunin at gawain (routines) sa paaralan
o sa tahanan.

IV. Pagtalakay sa Paksa


Mga bata kayo ay lumalaki at umuunlad, ngunit ang bawat
isa sa inyo ay lumalaki sa kanyang sariling bilis at katangian.
Sisimulan natin ito sa pagkilala sa ating sarili sa paraang alam
natin ang ating pangalan, kasarian kung tayo ba ay babae o
lalaki, edad/kapanganakan at gusto/di-gusto.Mga bata ang ating
pangalan ay ang tawag sa atin at ito ay itinawag sa atin ng ating
mga magulang noong tayo ay pinanganak. Ang edad naman ay
kung gaano tayo katanda o bilang ng taon na nabubuhay sa
mundo. Ang kaarawan naman ay araw kung kalian tayo
ipinanganak. (Magtatawag ang guro ng mga bata isa-isa para
sabihin ang kanilang pangalan, edad, kapanganakan, kasarian
bilang panimula.) Mga bata ano sa palagay ninyo ang
mangyayari kung hindi ninyo alam ang inyong kumpletong
pangalan? (Ang guro ay hihingi ng sagot sa mga bata.) Bakit
kailangan na alam natin kung ano ang ating kasarian? Mga bata
kung alam natin na tayo ay babae o lalaki, ang kilos natin ay
iaayon natin sa kung ano tayo. Halimbawa; kung tayo ay babae
ang para sa atin ay manika at lutu-lutuan. Kung tayo ay lalaki
ang para sa atin ay laruang sasakyan o robot. Mga bata
mahalaga rin na masabi natin ang mga gusto at di gusto ng
maayos. Kapag sinabi natin kung ano ang ating mga gusto at di
gusto, malalaman ng ibang tao kung paano tayo tatratuhin.
Kapag maayos natin nasasabi ang ating gusto at di gusto,
natututo rin tayo ng maayos na pakikipagkapwa. Mga bata
meron rin akong inihandang kwento para sa inyo. Pakinggan
mabuti upang masagot natin ang mga tanong pagkatapos ng
kwento.

Ang Bata sa Kahon


Masayang namamasyal ang magkaibigang palaka at
pagong sa tabing ilog naglulundag si Palaka samantalang si
Pagong ay mabagal na naglalakad. Habang naglalakad ay
nakakita si Pagong ng kahon at agad niyang nilapitan at
binuksan. Tinawag niya si palaka, at tuwang tuwa sila sa bata.
Gustong-gusto nila itong alagaan ,ngunit paano, higit na malaki
ang bata sa kanila. Dumaan si baka, tinawag nila, ,ngunit paano,
niya kakargahin? Nag-isip ang mga hayop.

Ng biglang may narinig silang paparating na mga tao.


Lumayo ang mga hayop, Nakita ng mga tao ang kahon.
Nilapitan at nakita ang bata. Sino ang batang ito? Kawawa
naman siya. Kunin at alagaan natin siya. Kinuha at inalagaan.
Binigyan nila ng pangalan.’ Ano kaya ang magandang pangalan
na bagay sa kanya? Dahil siya ay babae, pwedeng tawagin natin
siyang Ana. Tama!, Ana ang bagay sa kanya.

Lumipas ang ilang taon, Lumaki si Ana sa Barrio


Forida. Tirahan ng mga taong nakakuha sa kanya . Umabot sa
ika-5 taong kaarawan si Ana, masayang masaya siya dahil
marami lobo, pagkain at may isang malaking cake na sa ibabaw
nito ay may limang asul na kanda regalo sa kanya ng kanyang
tatay at nanay . Lalo pa siyang natuwa ng makataggap siya ng 5
regalong mula sa mga ninang at ninong niya. Ang lahat ng iyon
ay kanyang pinasalamatan.

Tanong:
1. Ano ang pangalan ng bata sa kahon?
2. Taga saan ang bata sa kahon?
3. Ilang taon na ang bata noong sumapit ang kanyang
kaarawan?
V. Gawain
Gawain A. LITERACY: Pangalan: Name tag design: Lalagyan
ng bata ng disenyo ang kanyang pangalan.(MONDAY
ACTIVITY)
NUMERACY: KULAY PULA (MONDAY ACTIVITY)
Hanapin ang mga prutas na dapat kulay pula. Kulayan ito ng
kulay pula.
Gawain B: LITERACY: Pagkilala ng Kasarian: May mga
larawan ng tao sa baba ng papel gupitin ng nanay at ididikit ito
ng bata kung saan nararapat;ito ba ay lalaki o babae?
(TUESDAY ACTIVITY)

Lalaki Babae
NUMERACY: Free Hand: Mag-iisip ng mga bagay na
makikita sa loob ng tahanan na kulay pula. Iguguhit ito at
kukulayan sa loob ng kahon.
(TUESDAY ACTIVITY)
Gawain C: LITERACY:Gulang at Kapanganakan: /Birthday
Cake Design (WEDNESDAY ACTIVITY)
: Isulat ng magulang ang pangalan,gulang at kapanganakan ng
bata sa cake.Kukulayan ng bata ang kanyang cake base sa gusto
niyang kulay.
NUMERACY: Zero: Guhitan ang larawang walang laman.
(WEDNESDAY ACTIVITY)
Gawain D: Gusto/Di gusto : LITERACY:(THURSDAY
ACTIVITY)
Kung ikaw ay babae kulayan ng pula ang kabilang sa kahon na
gusto ng mga babae ganoon din ang gagawin na panuto sa
lalaki.
NUMERACY:Ikahon ang mga bagay na gusto mo na hugis
bilog sa larawan. Tularan ang nasa halimbawa. (THURSDAY
ACTIVITY)
Halimbawa:
I. Pagsusulit (5puntos sa kabuuang sagot) (FRIDAY
ACTIVITY)
A.Literacy: Trace Me: Isusulat ng nanay ang pangalan ng
bata at ito ay kanyang babakatin gamit ang lapis.
B. NUMERACY: Red/Pula. Gumuhit ng mga bagay na kulay
pula at
kulayan ang mga ito. (FRIDAY ACTIVITY)

VII. REFLECTION: (FRIDAY ACTIVITY)


Sabihin ng bata ang kanyang buong pangalan, edad, kasarian at
kaarawan. ISULAT NG MAGULANG ANG PANGALAN
NG BATA AT BAKATIN ITO NG BATA?
VIII. References/Mga Sanggunian- Standards and
Competencies for 5-year-old Filipino Children , MELC

Parent’s Guide
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

Pick-Up day Off-line Off-line Off-line Off-line

“Kumustahan” “Kumustahan” “Kumustahan” “Kumustahan” “Kumustahan”


Pagbibigay ng Pagbibigay ng Pagbibigay ng Pagbibigay ng . Pagbibigay ng
panuto/gabay sa panuto/gabay sa panuto/gabay sa panuto/gabay sa panuto/gabay sa
mga magulang mga magulang mga magulang mga magulang mga magulang
batay sa batay sa batay sa batay sa batay sa
napagkasunduan napagkasunduan napagkasunduan napagkasunduan napagkasunduan
na oras sa na oras sa na oras sa na oras sa na oras sa
paaralan. paaralan. paaralan. paaralan. paaralan.
(Kung saang
lugar kukunin
ang mga Drop –off Day
SLMs /LAS Pagpapasa ng
batay sa mga mga nasagutang
napagkasunduan) gawain.
Lunes Martes
Gawain: LITERACY: Name tag design: Gawain: LITERACY: Pagkilala ng
Kasarian
Kagamitan: Activity sheet, Krayola
Kagamitan: Activity sheet,
Pandikit,Panggupit
Panuto:
Panuto:
Isulat ng magulang ang pangalan ng
1.May mga larawan ng tao sa ibaba ng
bata.
papel, gupitin ito ng magulang
Lalagyan ng bata ng disenyo ang
at ididikit kung saan nararapat;ito ba ay
kanyang pangalan. lalaki o babae?

NUMERACY: KULAY PULA


NUMERACY: Free Hand
Kagamitan: Activity sheet, Krayola
Kagamitan: Activity sheet, Lapis,Krayola

Panuto:
Hanapin ang mga prutas na dapat kulay
Panuto:
pula. Kulayan ito ng kulay pula. 1.Mag-iisip ng mga bagay na makikita sa
loob ng tahanan na kulay pula.
2. Iguguhit ito at kukulayan sa loob ng
kahon.

Miyerkules Huwebes :

Gawain : LITERACY :Gawain :Gusto/Di gusto : LITERACY:


Gulang at Kapanganakan: / Birthday
Cake Design
Kagamitan: Activity sheet, Krayola Kagamitan: Activity sheet, Krayola

Panuto: Isulat ng magulang ang Panuto:


pangalan,gulang at kapanganakan ng Kung ikaw ay babae kulayan ng pula ang
bata sa cake.Kukulayan ng bata ang kabilang sa kahon na gusto na babae
kanyang cake ayon sa gusto niyang ganoon din ang gagawin na panuto sa
kulay. lalaki

Numeracy: Zero NUMERACY: Bilog

Kagamitan: Activity sheet, Lapis Kagamitan: Activity sheet, Lapis

Panuto:Guhitan ang larawang walang Panuto:


laman. Ikahon ang mga bagay na gusto mo na
hugis bilog sa larawan. Tularan ang nasa
halimbawa.
Biyernes Biyernes
Pagsusulit-Literacy Pagsusulit-Numeracy
Trace Me: Isusulat ng magulang ang Red/Pula. Gumuhit ng mga bagay na
pangalan ng bata at ito ay kanyang kulay pula at kulayan ang mga ito.
babakatin gamit ang lapis.

REFLECTION: Sabihin ng bata ang


kanyang buong pangalan, edad, kasarian
at kaarawan. ISULAT NG
MAGULANG ANG PANGALAN NG
BATA AT BAKATIN ITO NG BATA.

You might also like