Professional Documents
Culture Documents
Isang Pagsusuring Eksistensyalismo
Isang Pagsusuring Eksistensyalismo
A. PAMAGAT NG AKDA
C. TEMA/ PAKSA
Ang "Si Ama" ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa isang tatay na kakaiba. Kakaiba dahil malayong-
malayo ang ugali niya sa mga karaniwang tatay. Siya ay isang Ama na may sariling paninindigan
sa buhay gaya ng hindi pangungutang sa ibang tao, hindi pag hingi ng pera o tulong sa
kanyang pamilya at hindi siya nakiki-alam sa buhay ng kanyang mga anak lalo na ang buhay pag-ibig
nila. Ikinuwento rin dito ang naging ligawan ni Ama at ni Ina, kung paanong hindi nagkunwari si Ama
upang makuha ang loob ng tatay ni Ina ngunit, ipinakita niya ang kanyang totoong pagkatao. Ito din ay
tungkol sa isang Ama na may magandang kaugalian gaya ng pagiging responsible at pagiging
masipag.Masasabing may ugali din ang ama sa kwento na isang matinding sakit ng tao na tinalakay sa
kwento at ito ay ang pagkakaroon ng “pride” na siyang naglalayo sa pangunahing tauhan sa kanyang
kapwa.
D. TAUHAN
Tauhan ng kwentong "Si Ama"
Ama ( isang maprinsipyong ama, mapagmahal, maabilidad )
Ina ( masunurin sa asawa, butihing asawa’t ina )
Ingkong (tatay ni Ina)
Ate Maring (panganay na anak)
Kuya Selmo (pangalawa)
Dikong Ige (pangatlo)
E. BANGHAY
A. Simula
Pinilit ipakita sa simula ng kwento ang kakaibang katangian ng pangunahing tauhan na lalong
nagpabigay katanungan sa mambabasa kung bakit ganoon ang ugali ng ama sa kwento. Sa simula pa
lamang ay ipinakita na kung gaano kaprinsipyo ang ugali ng ama, malinaw na ipinakita ang kanyang
ugali at kataasan, ayaw mangutang na loob at lalong ayaw mautangan ng loob.
B. Gitna
Dito na makikita ang masasabing isang matinding sakit ng tao na tinalakay sa kwento na
pagkakaroon ng
“ pride”, ang siyang naglalayo sa pangunahing tauhan sa kanyang kapwa at ito rin ang nagtayo ng
pader sa pagitan niya at ng kanyang mga anak.Sa kabilang dako, maituturing na huwaran ang ama sa
kalagitnaan sapagkat sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod napagtapos niya ang kanyang mga anak
sa kanilang pag-aaral na bihira nang mangyari sa kasalukuyan.
C. Wakas
Sa huling sandali ng buhay ng pangunahing tauhan ay nabigyan nan g pagkakataon ang mga anak
na gawin ng mga ito ang matagal na nilang nais gawin ito ay ang mapagsilbihan at mapatikim ng
ginhawa sa mga magulang ngunit hanggang sa huling sandal I ng buhay ng ama ay hindi niya
binigyan ng pagkakataon ang mga anak na maisagawa ang kanilang nais na libing sa ama dahil nag
ipon ang ama ng sariling pera para sa isang aba at payak na libing. Ipinakita ng ama ang pagiging
maprinsipyo niya ngunit dahil ditto damang dama ang dangal ng pangunahing tauhan.
F. TEORYANG PAMPANITIKAN
Pilit ipinapakita sa kwento na ang pangunahing tauhan ay maprinsipyo gayong malinaw na ang
ipinakikita niyang ugali ay kataasan.Sa kabilang dako maituturing na huwaran ang ama dahil sa kabila ng
kahirapan ay naitaguyod niya ang kanyang pamilya.
Kaya ang teoryang pampanitiukan na nangingibabaw sa kwento ay ang TEORYANG
EKSISTENSYALISMO.Ayon sa teoryang eksistensyalismo , ang tao’y dapat mabuhay bilang tao, may
kamalayan, walang makagagawa nito maliban sa kanyang sarili, bawat problema niya ay kanyang kanya
lamang.Kitang kita sa kwenta ang proseso ng pagiging tao ng pangunahing tauhan makikita sa kwento
ang pagkakaroon nya ng sariling sistema at paniniwala para mabuhay.Sa teoryang ito Malaya ang tao,
walang maaring umako sa buhay ng may buhay, wala siyang kinalaman sa kanyang pagkakasilang.Siya
lamang ang maaring magdesisyon kung paano gugugulin ang panahon niya habang siya ay
buhay.Walang ibang mkasangkot sa buhay ng tao.Responsable siya.Siya at siya alamang ang responsible
sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon na iyon ay kanyang ikabubuti o ikasasama.Ang tao’y indibidwal
wala siyang katulad.Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya
lamang.Wallang makapagsasabi sa kanya kung alin ang tama at mali.Personal lamang ang batayan ng
bawat tao sa pakikipag-ugnayan niya sa lipunan at mundo.
G. MGA BISA
a. BISA SA KAISIPAN
Sabi sa isang awitin “ kWalang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sino man ang
namamatay para sa sarili lamang.Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.Bilang isang
kristyano, dapat tayong tumulong sa ating kapwa na nangangailangan.batas nan g buhay na
dumarating ang panahon na tayo ay nangangailangan .Kaya’t ikaw ay marunong dumamay sa iyong
kapwa, daramayan ka rin nila kapag ikaw ang nangailangan.Lahat ng tao mayaman man o mahirap,
marunong man o mangmang ay nakikiutang ng loob sa kapwa.Sabi nga sa ingles “ No man is an
Island”, Hindi tayo isla na nag-iisa.May mga bagay na hindi alam gawin ang tao at ang tanging
nakakaalam ay ang kanyang kapwa at bise bersa.kaya ang bawat isa sa atin ay dapat tumulong sa
ating kapwa ng buong puso na walang hinihintay na kapalit.
b. BISA SA DAMDAMIN
Ang damdamin na namutawi sa kwento ay ang pagkakaroon ng prinsipyo sa buhay na naging daan
para maging matibay ang pangunahing tauhan para magsikap sa buhay.Sa kabila ng kahirapan ay
naitaguyod niya ang kanyang pamilya at napag-aral ang kanyang mga anak.Masasabing isang
huwarang ama dahil lahat ng trabaho ay pinasok nito, nagtiis na tumira sa bahay na luma at pawid at
kailanman ay di umasa kaninoman para maitaguyod ang pamilya.Maari ring masabi na nagmamahal
ang ama sa kanyang mga anak sapagkat ayaw niyang makadagdag pa silang mag-asawa sa mga
responsibilidad ng kanyang mga anak.
c. BISA SA ASAL
Hindi masama ang magkaroon ng sariling prinsipyo kung maganda naman ang hangarin mo parasa
iyong sarili at pamilya basta hindi ito makapagdudulot ng sigalot at kapahamakan sa pamilya at
kapwa.Sana, kahit sa huling sandali ng buhay ng pangunahing tauhan ay nabigyan ng ng
pagkakataon ang mga anak na gawin ng mga ito ang matagl na nilang nais gawin, ang
mapagsilbihan at mapatikim ng ginhawa ang mga magulang sa abot ng kanilang makakaya.Kaya
habang maaga ipadama na natin sa ating mga magulang an gating pagmamahal at paggalang sa
kanila.
H. SANGGUNIAN
FILIPINO:WIKA AT PANITIKAN SA MAKABAGONG HENERASYON IV
Si Ama
Edgardo Reyes
Si Ama ay may ugaling kanyangkanya isang dahilan upang siya'y maging malimit na
paksa ng usapan. At sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko — narinig ko mula kay Ina,
mula sa mga kapatid ni Ama, mula sa mga kapitbahay, mula kung kani-kanino — ay para ko na
ring nasaksihan ang buhay niya na hindi ko nasaksihan.
Bago mamanhikan si Ama ay nagpundar muna siya ng bakuran at bahay. Ngunit nang
siya'y mamanhikan na (kasama ang malalapit na kamaganak) ay hinihingan siya ng dote ng mga
magulang ni Ina, bukod pa ang mga kondisyon sa kasal. Pasudlungan daw niya ng dalawang sibi
ang bahay ng kanyangbibiyenanin at ipakumpuni ang bulok na batalan. Sa kasal,
pinapagbubuwal siya ng dalawang kalabaw. Nagpaalam sina Ama at ang sabi'y iisipin ang
kanilang hinihingi, ngunit hindi na nagbalik si Ama. Sabi raw ni Ama kay Ina nang sila'y
makanakaw ng pagkakataong magkausap," D i ko kaya ang hinihingi nila, at kaya ko ma'y di ako
lokong magpapa-laklak nang gayon sa mga taong may malalaklak naman sa kanilang bahay.
Dalawang manok, kayakong magbuwal; kung lalagpas pa roon ang gusto nila'y sabihin mong
kanila ka na at akin na ang dalawang manok ko."
Nasakyan naman ni Ina ang punto ni Ama; katunavan, para ipakilala ni Ina na hindi
mahalaga sa kanya ang magarbong kasal, ay niyakag niya si Ama na magtanan sila.
Kayat sa kanilang pagkakapangasawahan, ni ang dalawang manok ay hindi nabuwal. Nagalit si
Ingkong (ang ama ni Ina), ang pamalita'y hindi sila makapapanhik maski kalian. Itaga raw iyon
sa bato. Sinubok nilang pumanhik itinaboy sila ng mura. Sinubok uli nila nang may apo na (si
Ate Mating) sa kanila si Ingkong minura sila nang kaunti ngunit murang mura-murahan
nakapagmano sila.
Kayat sa tulong ng paglalatero, lahat - kami'y nakakarera. Naging sikat kami sa aming
baryo. Sino ang maniniwalang sa baryo namin na ang halos lahat ay nabubuhay sa pagsasaka ay
may isang pamilyang lahat ng anak ay titulado? Sa naging kapalaran namin, nindi lahat ay
pumupuri kay Ama, nariyan din ang mga pumupula. "Kuripot kasi, e." "Walang kapwa-tao."
"Animo'y kung sinong Poncio Pilato." Sunud-sunod arig taon ng aming pag-aasawa kayat sa
loob lamang ng apat na taon ay nawalan sina Ama ng anak na walang asawa. At bilang pagsunod
sa kagustuhan ni Ama, bawat mag-aasawa sa ami'y nagsasarili. Sa mga may pinagtapusan ay
hindi mahirap ang pagsulong. Ilang taon lamang at si Kuya Selmo, empleyado sa bangko, ay
nakapagtayo ng magandang bahay sa Makati. Si Dikong Ige, Kimiko sa habihan ng tela, ay
nagkakotse at nagkabahay sa Pasig. Si Ate Maring, maestra sa haiskul, ay may bahay na rin sa
Caloocan. Ako'y nangungupahan ng "apartment" sa Quezon City ngunit may hinuhu lugan na
akong lote at nagbabalak na ring magpatayo ng bahay.
Puntod lamang ang pinaglibingan kay Ama, ngunit damang-dama ko ang dangal at
katapatan ng libing na iyon. Hanggang sa huling hantungan ay dala ni Ama ang kawalan
ng pagkukun
ISANG PAGSUSURI SA MAIKLING KWENTONG
“SI AMA”