You are on page 1of 2

NOLI ME TANGERE

Kabanata 30
“Sa Simbahan”

Tauhan: Maria Clara,Crisostomo Ibbara,Padre Damaso,Kapitan Tiyago,Pilosopo Tacio,Padre


Salvi,Alkade,Tiya Pute,Padre Martin,Dalawang sakristan
Tagpuan: Simbahan
Buod:
Dahil araw ng pista, punong-puno ng tao ang simbahan. Dahil siksikan, nararamdaman ng lahat
ang init sa loob.
Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao na nagbabayad rin ng halagang dalawang daan at
limampung piso. May paniniwala kasi noon na marapat nang magbayad ng malaking halaga para sa misa
kaysa sa mga panooring komedya.
Maaari ka raw kasing dalhin sa langit ng misa, di katulad ng mga komedya na sa impyerno raw
ang tungo.
Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa kasi ang alkalde na sinadyang magpahuli upang
mapansin ng lahat. Ilang sandali pa ay dumating na ito, suot ang limang medalya na sumisimbolo sa
kaniyang posisyon.
Ito na rin ang naging hudyat para magmisa si Padre Damaso kahit hindi maganda ang pakiramdam.
Kasama niya sa harap ng altar ang dalawang sakristan at iba pang pari katulad ni Padre Sabyla. Pagpanhik
ni Padre Damaso sa pulpito, nag-umpisa ang sermon niya.
Gayunman, tanging masasakit na salita at panlalait ang sinabi ni Padre Damaso sa kapuwa pari si
Padre Martin na siyang nagmisa sa bisperas ng pista na si Padre Manuel Martin. Aniya, higit na mas
mahusay naman siyang magmisa kaysa kay Padre Martin.
Inutusan naman ni Damaso ang kasamang prayle na buksan ang kuwaderno upang makakuha na
ng tala at opisyal na umpisahan ang misa para sa kapistahan.

NOLI ME TANGERE
Kabanata 31
“Ang Sermon”

Tauhan: Padre Damaso,Padre Sibyla,Padre Martin,Alperes,Payat na lalaki,Kapitan Tiyago,Maria


Clara,Crisostomo Ibarra,Carlos,Tiya Pute,Elias

Tagpuan: Simbahan

Buod:
Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing simbahan para sa misa ng kapistahan,
Maagang nagsidatimgan ang mga panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at
makinig sa banal na salita.
Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli upang makinig sa sermon na ibibigay ng
predikator.
Mayroong nakalaan na lugar at upuan ang mga prominenteng tao habang nakasalampak naman sa
sahig ang mga mahihrap.Buong tiyaga na hinintay ng lahat ang matagal na pagdating ng panauhing
pangdangal ng misa.Ito ay walang iba kundi si Padre Damaso.
Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang binati ang mga taong mga taong malalapt sa
kamya.Binati rin niya si Ibarra, kinindatan niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa
lahat ng kanyang panalangin.
NOLI ME TANGERE
Kabanata 32
“Ang Panghugos”

Tauhan: Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Elias, Padre Salvi, Kapitan Tiyago, Taong Madilaw, Senor
Juan, Alperes, Pilosopo Tacio, Guro

Tagpuan: Simbahan

Buod:
Gamit ang wikang Kastila,Latin at komting Tagalog, nagbigay sermon si Padre Damaso.Itinuon ng
pari ang kanyang mensahe tungkol sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Maging ang mgaa makasalanang Indio,araw ng paghuhukom, at ang hindi magandang asal ng mga
taga Maynila ay kanyang binigyang pansin at diin din.
Dahil sa kanyang itinuturo , tumayo ang isang batang Manilenyo at tuluyang lumabas ng simbahan.
Si Ibarra nmn ay buong tapang na nagtitimpi sa isang sulok dahil alam niya na siya ang isa sa
pinapatamaan ng pari.
Anumang gawing sigaw at ku,pas ni Padre Damaso ay hindi pa rin niya napigilan ang mga tao na
makatulog sa haba ng kanyang litanya. Sadyang madami ang nawalan ng interes na makaintindi sa kanya.
Marami sa mga panauhin ang umuwing na dismaya dahil sa hindi naintindihang sermon ng pari.

You might also like