You are on page 1of 1

Noli Me Tangere KABANATA 30: Sa Loob ng Simbahan Talasalitaan:

Misa – simba
Komedya – palabas ng nakakatuwa
Maestro – guro
Alkalde – mayor
Sermon – pangangaral
Pulpito – gamit ng nagsesermon tulad ng pari
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua
bendita. Waring mababakas pa rin ang selebrasyon ng piyesta sa dami ng taong
nagkukumpulan. Kasabay ng awiting simbahan ay maririnig ang mga mura at reklamo
ng mga taong nasasaktan at halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng
simbahan dulot ng gitgitan at magkabilaang tulakan.. Ang sermon ay binayaran sa
halagang dalawang daan at limampu. Ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na
magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Maging si Pilosopong Tasyo ay nagulat sa
halagang binayaran ng mga tao upang marinig lamang ang sermon. Subalit naniniwala
ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay
mahuhulog sa impyerno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-
tuloy sa langit.
Habang hinihintay ang alkalde, makikita ang pagkainip ng mga tao at karamihan sa
kanila ay walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo. Nagsisigawan at
nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.
Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kaniyang mga tauhan. Inakala ng
ilang tao na ang alakalde ay isang komedyante ng dula sapagkat ang suot nito ay
napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya ng karangalan sa kaniyang
dibdib.
Makaraan ng ilang sandali ay nagsimula na ang misa. Tila ba’y nagising ang lahat ng
mga inaantok sa pagtunog ng kampanilya.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari
ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na
kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Padre Damaso at at Padre Sibyla. Pero, tanging
palibak ang inukol niya kay Padre Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang
isesermon niya kaysa kahapon.
Sinimulan na ni Padre Damaso ang kanyang sermon at ang lahat ng tao, maging ang
paring kabahagi ng misa ay nakinig ng mabuti sa sermonng dating kura ng San Diego.

You might also like