You are on page 1of 3

PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS

Kabanata 1. Panitikan: Mga Batayang Kaalaman


 Depinisyon
Literatura. Panitikan. Dalawa sa marami pang ibang kasingkahulugang salita sa ibat-ibang
diyalekto at lengguwahe na tinutukoy ay ang kabuuan ng mga akda o ang disiplina ng pag-aaral
nito. Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang panitikan bilang isang natatanging kabuuan
o body of works ay umiiral na. Ito ay sa kadalihanag likas sa mgabtao ang magpahayag at
lumikha.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng Panitikan ay isang pangangailangang pang-edukasyon sa halos
lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral ng Panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing
aspeto: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa.
Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa Panitikan.
Arrogante (1983): talaan ng buhay ang Panitikan sapagkat ditto naisasawalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang ndaigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Salazar (1995:2): ang Panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alin mang uri ng Lipunan.
Webster (1947:557): ang Panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa
pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at
kawalang maliw.
Kung gayon, ano ang tunay na Panitikan? Ang tunay na Panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan,
damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing
paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan
at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
 Uri ng Panitikan
Ang Panitikan, saan mang bahagi ng daigdig, ay maaaring mauri batay sa paraan ng pagsasalinsa
ibang henerasyon at batay sa anyo.
Ang Panitikay ay maaaring Pasalin-dila o Patula.
Pasalin-dila ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng
tao. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan noong unang panahon nang ang pagsulat ay hindi
pa natututunan ng tao.
Pasulat naman ang paraan ng pagsasalin ng Panitikan magmula nang matutunan ng mga tao ang
Sistema ng pagsulat.
Tuluyan o Prosa ang isang Panitikan kung ito’y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
at sa patalatang paraan.
PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS

Patula ang patulang Panitikan naman ay yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang
taludtud ay maaalalang may sukat at tugmaan o malayang taludturan na nangangahulugang
walang sukat at tugma.
 Mga Akdang Tuluyan o Prosa
Nobela ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa
mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan na nahahati sa mga
kabanata.
Halimbawa: Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco, Nena at Neneng ni Valeriano H. Pena,
Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos, Noli Me Tangere at El Filibusteresmo ni Dr. Jose P.
Rizal, at Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo.
Makiling Kwento ay isang salaysayin g isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Halimbawa: Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute, Bahay na Bato ni B.L. Rosales,
Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza-Matute, Suyuan sa Tubigan ni Macario Peneda,
Ang Pag-uwi ni Genoveva Edroza-Matute, at Dugo at Utak ni Cornelio Reyes.
Dula isang uri ng Panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
Halimbawa: Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda, Lakambini ni Patricio Mariano, at
Minda Mora ni Severino Reyes.
Alamat ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Halimbawa: Alamat ng Pinya
Pabula ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman, at maging mga bagay na
walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na mga tao.
Halimbawa: Ang Pagong at Matsing
Parabula naman ay mga kwentong hinango sa banal na kasulatan.
Halimbawa: Ang Alibughang Anak
Anekdota ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa.
Halimbawa: Ang Gamugamo at ang Munting Ilawan
Sanaysay ay isang pagpapahayag o kuro-kuro o opinion ng isang may-akda hinggil sa isang
suliranin o paksa.
Talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Halimbawa: Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon, at Itinadhana sa Kadakilaan ni
Anacleto I. Dizon
Talumpati namay ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS

 Mga Akdang Patula


Tulang Pasalaysay- mahahalagang tago o pangyayari sa buhay.
Epiko- kabayanihan sa kababalaghan.
Awit at Korido- mga patulang salaysay na paawit kung basahin.
Tulang Padamdamin o Liriko-tumutukoy sa marubdub na damdamin ng may akda.
Awiting Bayan-maikling tulang binibigkas ng may himig.
Soneto-tulang may labing-apat na taludtud.
Elihiya-tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Dalit- pagpupuri sa Diyos.
Pastoral- kabuhayan o karanasan sa bukid.
Oda-tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
Tulang Padula o Dramatiko-tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.
Tulang Patnigan-mga laro o paligsahang patula na karaniwang ginagawa sa bakuran ng mga
namatayan.

 Ang Impluwensya ng Panitikan


1. Ang Banal na Kasulatan
2. Ang Koran ng Arabia
3. Ang Iliad at Odyssey ni Homer
4. Ang Maha-Bharatas ng India
5. Isang Libo at Isang Gabi ng Arabya at Persya
6. Ang Divina Comedia ni Dante
7. Ang Aklat ng Mga Araw ni Confucious
8. Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto
9. Ang Canterbury Tales ni Chaucer ng
Inglatera
10. Awit ni Rolando ng Pransya
11. Ang El Cid Campeador ng Espanya
12. Ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher
Stowe

You might also like