You are on page 1of 45

PANANALIKSI

K
Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik
ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko,
at kritikal na pag- imbestiga sa
haypotetikal na pahayag tungkol sa
inaakalang relasyon o ugnayan ng mga
natural na penomenon.

Idinagdag nina Atienza (1996), ang


pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko,
mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
Lartec (2011)
Kahulugan ng Pananaliksik
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco
(1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang
sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng
pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng
matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos
sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos
ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.

Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay


puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa
nalalaman.

Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang


pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya,
Kahulugan ng Pananaliksik

Bilang kongklusyon, ang


pananaliksik ay isang sistematiko at
siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag- aayos,
pag- oorganisa, at pagpapakahulugan
ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng
prediksyon, at pagpapatunay sa
imbensyong nagawa ng tao.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Austero, et al. (2006)
1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil
sa mga batid na

2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi


pa ganap na nalutas

3. Maka-develop ng episyenteng instrumento,


kagamitan o produkto

4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o


elemento (komposisyon o kabuuan ng isang
bagay)
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Austero, et al. (2006)
5. Makalikha ng mga batayan para
makapagpasya at makagawa ng mga
polisiya, regulasyon, batas o mga
panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t
ibang larangan

6. Matugunan ang kyuryusidad, interes at


pagtatangka ng isang mananaliksik

7. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan


ang mga kasalukuyang kaalaman
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Lartec (2011)
1. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa
paligid.

2. Makita ang kabisaan ng umiiral o


ginagamit na pamamaraan at
estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto.

3. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng


mga mag-aaral sa isang partikular na
disiplina.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)
 BENEPISYONG EDUKASYONAL

Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro upang


magsilbing gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay
mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo sa
kanyang mga mag-aaral.

Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa


mga isyu, metodolohiya at kaalaman sa napili nilang
larangan. Gayundin, kung nagsasagawa sila ng
pananaliksik o nakababasa ng mga resulta ng mga
isinagawang pananaliksik, naisasabuhay nila ang mga
natutuhang konsepto at nahahasa ang kanilang
kasanayan sa paglutas ng suliranin dahil ang
pananaliksik ay pawang paghahanap ng solusyon sa
mga suliranin.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)

 Benepisyong propesyonal

Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at


nakapaghahanda para sa kanyang
pinapasok na karera dahil sa nasasanay na
siyang magbasa at mag-analisa ng mga
datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa kanyang
propesyon.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)

BENEPISYONG PERSONAL

Sa proseso ng pananaliksik,
napapaunlad ng isang mag-aaral ang
kritikal at analitikal na pag-iisip na
magbubunga ng kanyang pagiging matatag
sa buhay. Nakakaya niyang tumayong mag-
isa, at masanay na siya sa paghahanap ng
mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga
suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)

 BENEPISYONG PAMBANSA
Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang
pag-unlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng
matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para
sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno
hinggil sa kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng
mga isinagawang pananaliksik.

 BENEPISYONG PANGKAISIPAN

Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang


indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa
natitipon niyang mga ideya at pananaw mula sa iba’t
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)
 BENEPISYONG PANGKATAUHAN

Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga


datos, nahahasa ang kagalingan ng isang
mag-aaral sa pakikipagkapwa-tao.
Nagbubunga ito ng kahusayan sa
pakikibagay at pakikipag-ugnayan sa iba’t
ibang tao. Bukod dito, nalilinang ang
kanyang tiwala at pagmamalaki sa sarili lalo
na kapag nagampanan niya nang maayos
ang tungkuling hinarap at lalo na kung ito ay
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay sistematiko.
Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso
na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa
suliranin o anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na
hinahanapan ng kasagutan.

 Ang pananaliksik ay kontrolado.

Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling


lutasin. Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat hakbang ay
pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng
isinasagawang pag-aaral.

Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag,


kinikilala at pinipili ang mga baryabol.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

 Ang pananaliksik ay empirikal.

Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos


ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na
upang mapatunayan o mapasinungalingan ang
binuong haypotesis.

Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing


batayan sa pagbuo ng kongklusyon.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay pagsusuri.

Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo


at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri
ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginamit
samantalang ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at
tiyak na pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon.

Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na


pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging
batayan sa pagbibigay ng kongklusyon.

Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay


karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey,
at iba pa. Ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat nang
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang
kinikilingan.

Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat


na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng
mananaliksik. Ang mananaliksik ay dapat na walang
pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya anuman
ang naging resulta ng pag-aaral.

Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa


resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng
mananaliksik na maging matapat at obhektibo.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis.

 Ayon kay Best (1981), ang haypotesis ay


pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa
isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi
pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o
magaganap pa lamang.

 Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na


pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-
aaral. Ipinakilala ng haypotesis ang kaisipan ng
mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Orihinal na akda ang pananaliksik.
Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala pang
nakagawa sa nasabing pananaliksik.

May sistema ang pananaliksik.

Tulad ng iba pang siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay


may sistemang sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras, panahon
at salapi kung ang gawain ay nasa ilalim ng nararapat na
proseso.

Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang pananaliksik


ay isang gawaing may proseso o sistema - hindi ito natatapos na
minamadali.

Ang pananaliksik ay sumusunod sa maayos at


makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang bagay na
hinahanapan ng kasagutan.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-
aaralan.

Kung magsaliksik, siguraduhing may mababasa kang


impormasyon ukol sa paksa, mapaaklat man,
magasin, o di kaya’y sa internet.

 Hindi magastos ang paksa.

Hangga’t maaari, pumili ng paksa na hindi gugugol ng


malaking halaga. Ngunit isaalang-alang din ang
kalidad ng gagawing pag-aaral.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot-
kamay.

Sa ikagaganda, ikahuhusay at ikadadali ng anumang pag-


aaral, mahalaga na ang datos ay madaling mahanap. Ang
mahalaga sa pananaliksik ay malinaw na nasagot o natugunan
ang mga katanungang inihanda.

 Makatotohanan ang pananaliksik.

Ang pananaliksik ay isang siyentipikong gawain, marapat


lamang na ilahad ang totoong kinalabasan ng pag-aaral batay sa
isinagawang pagsusuri at istadistikong analisis.

Sa madaling sabi, hindi dinoktor ang mga datos upang


mapabuti ang resulta ng pananaliksik. Mababa man sa
inaasahan o kinalabasan ang pagsusuring ginawa, kailangang
ETIKA NG PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas
at pag-ingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng
iba. Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa
kanyang isinusulat at mapanindigan niya ang anumang
produktong ginawa niya sa lahat ng oras.

Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o


sanggunian dahil na rin sa teknolohiya, kailangan pa rin
ng mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa kanyang
mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang
datos na isinama niya sa kanyang ginawang
pananaliksik.

Sa pagsasaalang-alang ng batas batay sa


Intellectual Property Rights, kailangan ang mahigpit
ETIKA NG PANANALIKSIK
 Paggalang sa karapatan ng iba
Kung gagamitin bilang respondent ang isang
pangkat ng mga tao anuman ang antas na
kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang
paggalang o respeto sa kanilang karapatan. Hindi
maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan
kung wala silang pahintulot.

 Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang


confidential

Kinakailangang alamin ang lahat ng datos at


detalyeng nakuha mula sa sarbey, o anumang paraan
na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng
mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuuan
ETIKA NG PANANALIKSIK

 Pagiging matapat sa bawat pahayag

Ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating


pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa
pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang
anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang
pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao.

 Pagiging obhektibo at walang kinikilingan

Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan.


Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang
pananaliksik nang walang pagkiling kaninuman. Dapat ay
maging pantay siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung
ano talaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga
tao, institusyon at iba pang may kinalaman sa kanyang
ginawang sulating pananaliksik.
PAMAMARAAN
NG
PANANALIKSIK
MGA PAMAMARAAN NG
PANANALIKSIK

1. Pamamaraang pangkasaysayan,
na tinutuklas ang katotohanan ng
nakaraan
2. Pamamaraang palarawan, tungkol
sa kasalukuyan
3. Pamamaraang eksperimental,
tungkol sa maaaring maging
katotohanan sa hinaharap.
A. ANG PAMAMARAANG
PANGKASAYSAYAN

Tinatangkang sagutin o tugunin ng


pamamaraang ito ang nakaraan sa
pamamagitan ng pagpapakita ng
kaugnayan ng sanhi at bunga. Sinisikap ng
pamamaraang ito na matuklasan ang sanhi
ng mga nakalipas na kaganapan,
sitwasyon, at kalagayan. Makukuha ang
mga datos sa mga tunay na talaan,
dokumento o kasulatang naging saksi ng
nakaraan.
Narito ang ilang gawaing isinasaalang-alang
sa pagbuo ng pangkasaysayang
pananaliksik:

1. Pagpili at pagbalangkas ng suliranin

Isinasaalang-alang sa gawaing ito ang


kakayahan ng mananaliksik, ang
mapagkukunan ng mga datos, ang tagal ng
panahong maiuukol sa pag-aaral, ang
kagalingang pampropesyonal, ang sapat na
mapagkukunan ng mga datos, at pagtiyak
na matatapos ng mananaliksik ang proyekto
sa itinakdang panahon.
2. Pangangalap at pagtitipon ng mga datos

Ang mga datos ay maaaring


makalap mula sa mga kasulatan tulad
ng mga opisyal at pampublikong
dokumento, ang saligang-batas, mga
batas, mga dekreto, mga resolusyon at
iba pa; mga materyales na naisalin na
ng pasalita gaya ng mga kuwentong-
bayan, alamat at tradisyon; mga
gawaing pansining tulad ng mga
masining na guhit, mga larawan, mga
relikya at labi, maging pisikal o di-
3.Kritikal na pagsusuri ng mga datos

Ang pagsusuri ay maaaring


panloob at panlabas na
isinasagawa upang mabatid ang
pagiging tunay at
pagkamakatotohanan ng mga
pahayag dito.
B. ANG PALARAWANG PANANALIKSIK

Inilalarawan sa pamamaraang ito ang tumpak na


larawan ng kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-
bagay na maaaring verbal, graphic o isinalarawan,
quantitative o statistical. Ang mga datos ay mula sa
mga kasalukuyang ulat, sarbey o pagmamasid. Ang
kahusayan ng uring ito ay nakasalalay sa pagkabalido
at pagkamaasahan ng mga datos.

Ang mga datos sa uring ito ay maaaring makuha


sa tulong ng mga talatanungan at mga panayam, kaya
lamang, ang talatanungan ay nagpapakita ng kuru-kuro
o palagay, pagkaunawa, saloobin at iba pang
sabdyektib na kalagayan ng kamalayan.
MGA URI NG PALARAWANG
PANANALIKSIK

1. Pag-aaral ng kaso
2. Sarbey
3. Papaunlad na pag-aaral
4. Follow-up na pag-aaral
5. Pagsusuri ng dokumento
6. Pagsusuring pangkalakaran
1. PAG-AARAL NG KASO

 Sinusuri sa uring ito ang isang partikular na tao, pangkat o


sitwasyon sa isang tiyak na saklaw ng panahon. Ang
masusing pagtatanong at pagsusuri sa kaasalan ng isang
tao, ang pagmamatyag kung paano nagbabago ang
kaasalan ng tao upang ibagay at itugon ang kanyang sarili
sa kapaligiran ay pangangailangan sa ganitong uri ng
pananaliksik.

 Dapat na tuklasin at kilalanin ang mga malayang baryabol


na nakatulong sa pag-unlad ng paksa. Dapat na mangalap
ng mga datos na kaugnay ng nakaraang karanasan at ng
kasalukuyang kalagayan at kapaligirang pinag-aaralan.

 Dapat na tuklasin kung paano nagkakaugnay-ugnay ang


mga salik at kung paano ang mga salik na ito ay
makakaapekto sa kasong pinag-aaralan. Ang mga
pananaliksik sa pamamatnubay ay nagpapakita kung
paano nakatutulong ang pag-aaral ng kaso sa paglutas ng
mga personal na suliranin ng isang tao.
2. SARBEY
 Kung nais ng isang mananaliksik na makakalap ng
limitadong datos mula sa isang antas ng kaso, gagamitin
niya ang ganitong uri ng pananaliksik. Higit na
impormasyon ang makukuha tungkol sa mga baryabol sa
halip na tungkol sa mga tao.

 Ginagamit ang sarbey para sukatin ang isang umiiral na


penomenon na hindi kakailanganing alamin ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol.

 Ang paggamit ng datos upang malutas ang umiiral na


suliranin sa halip na pagsubok sa haypotesis ang
pangunahing layunin ng ganitong uri. Sensus at sampol
ang saklaw nito.

 Sensus ang tawag kung sinasangkot ang buong


populasyon samantala ginagamit naman ang sarbey para
itala ang payak na talahanayan ng mga tahas na bagay o
3. PAPAUNLAD NA PAG-AARAL

 Maaaring gamitin ang ang uring ito kung ang


mananaliksik ay naglalayong makakuha ng
maaasahang impormasyon tungkol sa
pagkakatulad ng mga bata na may iba-ibang
gulang, paano sila nagkakaiba-iba sa iba-ibang
gulang at kung paano lumalaki at umunlad. Ang
disenyong ito ay nagbibigay ng sapat na panahon
para pag-aralan ang sikolohikal, intelekwal at
emosyonal na paglaki ng mga bata.

 Sa papaunlad na pag-aaral maaaring talakayin ang
intelekwal, pisikal, emosyonal at panlipunang pag-
unlad. Ang longitudinal at ang cross-sectional na
pamamaraan ay ang mga teknik na maaaring
4. FOLLOW-UP NA PAG-AARAL

 Kapag ang pananaliksik ay naglalayong


sundan pa ang pag-aaral sa pag-unlad ng
mag-aaral pagkatapos na mabigyan ng tiyak
na gawain o kalagayan, maaaring gamitin ang
uring ito.

 Angkop ang pag-aaral na ito kung tinataya o


pinahahalagahan ang tagumpay ng isang
partikular na programa tulad ng
pamamatnubay, pagtuturo. pampangasiwaan
at iba pang programa.
5. PAGSUSURI NG DOKUMENTO

 Ang mga datos sa uring ito na kilala ding


pagsusuri ng nilalaman ay makukuha sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga tala at
dokumento.

 Halimbawa, kung nais mong tuklasin kung


hanggang saan ang saklaw ng mga aklat
tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao,
maaaring suriin ang nilalaman ng aklat kung
sa anong mga aralin napapaloob ang
pagpapakatao.
6. PAGSUSURING PANGKALAKARAN

 Kung nais ng mananaliksik na mabatid ang magiging


kalagayan sa hinaharap, maaari niyang gamitin ang
pamamaraang ito.

 Halimbawa nito ay ang paghahanda ng plano ng mga


paaralang pribado o pampubliko, sa pagpapaunlad ng
pisikal at intelekwal na pagpapaunlad halimbawa ng
mga gusaling kakailanganin, ang bilang ng mga silid-
aralan at plano ng kurikulum at mga kurso na
kakailanganin sa mga darating na panahon.

 Upang matiyak ang direksyon ng pagbabago, dapat


na magkaroon ng sarbey na siyang magiging batayan
ANG EKSPERIMENTAL NA
PANANALIKSIK

 Natatanging katangian ng pamamaraang ito ang


panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga
katanungan.

 Haypotesis ang tawag sa hulang ito.


Ang pamamaraang eksperimental ay ang
pagsubok sa isang haypotesis sa pamamagitan ng
isang mapamaraang paggamit ng may kaugnayang
empirikal na mga salik, sa pag-asang matatamo ang
katotohanan kung ang haypotesis ay mapapatunayan
ng bunga ng mga mapamaraang paggamit.

 Sinasabing napakakontroladong paraan ang


ANG PLANONG
EKSPERIMENTAL
 Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang
ng pamaraang eksperimental:

 Pagtiyak sa suliraning eksperimental


o paksa
 Pagsasagawa ng sarbey ng mga
magkakaugnay na literatura at mga
pag-aaral
 Pagbabalangkas ng haypotesis
 Pagkilala sa mga eksperimental na
baryabol
ANG PLANO NG PANANALIKSIK (Ernesto
Aban)

1. Pamagat o paksa ng iminumungkahing pag-aaral


ANG MULTILINGGWALISMO SA PAGLINANGNG
KASANAYAN SA PAGBASA
ni Lorey D. Funtanilla-Tanaleon
2. Pagpapahayag ng suliranin
3. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral
Ipinapahayag sa saklaw ang mga tiyak na
mapagkukunan ng mga impormasyon, panahong
sasakupin ng pag-aaral, delimitasyon at hangganan ng
mga pag-aaral.
Ang limitasyon sa kabilang dako ay isang aspekto ng
pagsisiyasat na makaaapekto sa kinahinatnan ng
pagsisiyasat ngunit wala sa kakayahan ng mananaliksik na
makontrol. Ang kakulangang ito ay kailangang babanggitin
ng mananaliksik para maging kapani-paniwala ang
4. Ang kahalagahan ng pag-aaral
5. Depinisyon ng mga katawagan at panteoryang
balangkas
6. Pamamaraan at paraan
 Pamamaraan ang tawag sa isang set ng mga
hakbang na gagawin sa pagtuklas ng kabatiran na
kaugnay sa pagtatakda ng panahon sa pagtuklas ng
katotohanang dapat mabatid--nakaraan, kasalukuyan
at hinaharap.

 Ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik ay


maaaring pangkasaysayan, palarawan at
eksperimental. Maaaring pagsamahin ang mga
pamamaraang ito ngunit dapat na lilinawin ng
mananaliksik kung saang bahagi ginamit ang bawat
isa.

 Ang paraan sa kabilang dako ay tumutukoy sa mga
tiyak na hakbang na maayos ang pagkakasunod-
sunod gaya ng mga sumusunod:

 pangangalap ng mga dokumentadong katibayan


 pagtataya o pagkilatis sa katunayan ng mga kasulatan
 pagsusuri
 pag-uuri
 paghahambing
 pagsasalaysay ng kuwentong ipinahahayag
 pagbuo ng kongklusyong kaugnay ng mga sanhi at
bunga
7. Pagrerepaso ng mga kaugnay na pag-aaral at
literatura

Ang repaso ay maaaring ipahayag sa anyong


paglalahad, pagtataya at pamumuna. Ito ay ginagawa
dahil sa sumusunod na mga layunin:

Upang maipakita ng mananaliksik na pamilyar siya sa mga


pangunahing kaisipan sa kaugnay na larangan ng pag-
aaral;

Upang maipakita na ang mga nakaimbak nang kaalaman


sa larangang ito ay hindi pa lubos na buo at hindi pa
gaanong maaasahan; at
8. Ang bibliyograpiya o talasanggunian

Ang talasanggunian o bibliyograpiya ay


matatagpuan sa hulihan ng sulating pananaliksik
ngunit una itong isinasagawa bago pa man mabuo
ang pamagat upang matiyak ng mananaliksik na
mayroon siyang mapagkukunan ng datos o may
nauna nang nabuong pag-aaral sa nasabing paksa.

Ang bibliyograpiya ay ang talaan ng lahat ng


maaaring gamiting sangguniang makukuha sa mga
aklatan, arkibo, mga koleksyon at iba pang
mapagkukunan ng impormasyon.
9. Karagdagang bahagi

 Matatagpuan sa bahaging ito ang talapanahunan


(timetable) na tumutukoy sa tiyak na iskedyul kung
kailan matatapos ang bawat hakbang ng gawain.

 Sa bahagi ring ito matatagpuan ang pahayag ng mga


gastusing magpapakita ng tiyak na halagang
magagastos sa bawat gawaing kailangan: ang logistics
(kasangkapan, kagamitan, instrumento, at koreo) at
kaugnay na mga gastos tulad ng pasahod, bayarin,
gastos sa pagpapalimbag at iba pa.

You might also like