You are on page 1of 2

Tinig

Likha ni Lovely Mae M. Lacaste

Anong kinalaman ng isang kabataan sa suliraning kinakaharap ng bayan?


Anong silbi ng boses at opinion ng isang kabataan sa pagsugpo ng epidemyang hindi
malunasan?
Ano ang katayuan ng isang kabataan sa bayang gustong makaahon sa pagkakalugmok sa
suliraning walang kasiguraduhan?
Ano? Ano ang sagot sa lahat ng katanungan ng mga kabataan?

Kay simple ng tanong ngunit kay hirap hanapan ng sagot,


Paulit ulit mo mang itanong o balibaliktarin mo man ang bawat salita,
Hindi ka masasagot ng kapwa mong nababalot din ng mga katanungan,
Ano nga bang magagawa ng isang kabataan upang makaahon sa pagkakalugmok ang
kanyang bayan?

Ilang buwan na ang lumipas nang dumating ang isang hindi inaasahang panauhin,
Panauhing hindi lubos akalaing magtatagal at magdudulot ng kakaibang suliranin,
Saan mo man ibaling ang iyong atensyon,
Makikitaan ng bakas ng sakit at pagkasira ng kahapon.

Naging sarado ang mga mata ng mga tao sa kanilang paligid,


Nagbingi bingihan sa sigaw ng mga kabataang nakulong sa isang silid,
May apat na sulok at animoy nababalot ng walang katapusang kadiliman,
Walang paraan upang mabuksan ang bintana at pintuan.

Naging bilanggo sa sariling tahanan,


Nalunod sa mga emosyon at mga salitang nais bitawan,
Gustong ipagsigawan ang mga katagang hindi kayang sambitin,
Naipon at nakulong ang hindi maipaliwanag na damdamin.

Kay tagal na noong huling marinig at masilayan ang kanilang mga ngiti at halakhakan,
Ilang buwan na rin ang lumipas nang huling nagkaroon ng pagkakataon na makalabas,
Bawat segundo, minuto at oras na magdaraan ay nananariwa pa rin sa isang kabataan,
Ang bawat ala-ala ng nakaraan, ang senaryo bago ang epidemyang nagpapahirap ngayon sa
bayan.

Sa halip na sambitin ang sinisigaw ng damdamin,


Sa halip na ipagbigay alam ang bawat daladalahin,
Piniling manahimik at ibaling sa iba ang atensyon,
Sapagkat hindi nabigyan ng pagkakataon.

May munting tinig na sayo ay bumubulong,


Tila nakulong sa ala ala ng kahapon,
Tinig na animoy dumaranas ng matinding pangungulila,
Nagsasaad ng walang katapusang hinagpis at pagdurusa.

Naririnig mo ba ang bawat katagang isinisigaw ng tinig na ito?


Ang bawat salita’y mag iiwan ng katanungan sa iyo,
Anong sakit at bigat ang idinulot ng pandemyang ito?
Nagdulot ng isa pang suliranin na sa iyong isip ay nagpagulo.
Ang pagbabago ng mga bagay sa paligid,
Nagbigay ng mabigat na dala dalahin sa kanilang dibdib.
Pakinggan natin ang bawat isa sa kanila mga hinaing at saloobin,
Mga bagay na kay tagal ng nabinbin sa damdamin.

Kung kabataan nga ang susunod na lider ng bayan nararapat lamang na sila'y pakinggan.
Dahil sila ang susunod na mamumuno para sa kinabukasan.
Ating bigyang pansin kabataang nangangarap ng kapayapan,
Huwag babalewalain, sapagkat munting kabataan ang syang magiging daan.

Kasabay ng paglipas ng araw ang pagtalikod natin sa kahapon,


Kahapong nagdala sa atin sa panibagong panahon
Kasabay ng pagsikat ng araw ang pagbubukas ng panibagong ilaw,
Ilaw na magsisilbing liwanag at gabay ng mga kabataang sa kadilima’y naliligaw.

Ngayo’y nais nilang iparating ang mga bagay na matagal ng inililihim,


Wag mong ipikit ang iyong mga mata at wag mong takpan ang iyong mga tenga,
Masdan mo ang bawat isa sa kanila,
Makikita mo ang nais nilang iparating at ipakita.

Ang tulang ito ang magsisilbing tulay upang silay dinggin,


At sa inyo’y maipabatid ang nais nilang iparating
Ikaw mismo ang makasasagot ng katanungang nabuo sa iyong isip,
Ano ang nais nilang iparating sa kanilang pagsilip?

You might also like