You are on page 1of 2

1. Ibigay ang kahulugan ng liriko o pandamdamin.

(5 puntos) 
Ayon sa tagaloglang.com ang Liriko ang tinatawag ng mga Griyego sa tulang inaawit
sa saliw ng lira. Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin hanggang ngayon bagama’t
pinatutunayan ng makata na hindi na kailangan ang isang lira o anupamang
instrumento upang siya’y umawit. Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasa’y matindi siya kung magdamdam, ang
kanyang mga salita at damdamin ay nalilikha ng tunog na maaliw-iw at nakagagayuma.

2. Ibigay ang mga kahulugan ng oda, elehiya, soneto, himo at kanta. 5 puntos kada
isa. (25 puntos) *
 Oda - Ayon sa tl.wikipedia.org ang oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng
tulang awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon para sa isang tao o isang
bagay na nakakakuha ng interes o pagtuon ng makata o nagsisilbing isang
inspirasyon para sa mismong oda.

 Elehiya – Ang Elehiya ay tula para sa mga yumaong kamaganak o mahal sa


buhay. Hindi ito dapat ikalito sa Eulohiya ito ay ayon sa Philnews.ph

 Soneto - Ito’y tulang liriko na binubuo ng labing-apat na taludturan na hinggil sa


damdamin at kaisipan. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at
kalawakan sa nilalaman. Ito ay ayon sa tagaloglang.com

Bukod dito, ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat
na taludturan. Ito’y kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at
sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Sa unang walong
taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga, at sa huli naman
ang karagdagan o anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula.

 Himo – Ayon sat l.wikipedia.org ang himo ay isang awit ng papuri, luwalhati,
kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita,
nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.

 Kanta – ang Kanta ay Ang kanta ay isang musika na magandang pakinggan. Ito
ay may tono at sukat ayon kay sa brainly.com
3. Magbigay lamang ng isang halimbawa mula sa #2 na iyong mapipili (basahin ang
pamagat at ang uri ng tulang napili). [25 puntos] *

You might also like