You are on page 1of 13

e

Jonathan Vergara Geronimo


University of Santo Tomas

Sa pagsibol at pamamayagpag ng huwad na disposisyong malaya sa kalakarang pampelikula na ‘indie’


(pagpapaikli sa independent films), napapatindi ang pagtataguyod sa mga kampanyang neoliberalismo
at globalisasyon na nagsisilbing pakete at pangunahing politikal na interes ng pambansang larangan ng
sining pampelikula sa Pilipinas. Hindi mapigil ang paglaganap at impluwensiya ng kalakarang ito sa mga
institusyong panlipunan lalo sa akademya na pinagmumulan ng mga gitnang-uring manonood o
kabataang filmmaker mismo na pangunahing tagatangkilik ng popular na kulturang ito. May
nakababahalang epekto sa mga Pilipinong tagatangkilik ang kawalan ng malinaw na adyenda sa mga
itinatanghal na pelikulang indie para sa alternatibong adhikain nito sa pangakong pagpapalaya. Sa
ganitong krisis, kinakailangan ang mahigpit na pagtugon ng akademya na magsisilbing gabay sa
pagpanday ng kamalayan at oryentasyong makabansa. Malaki ang maiaambag ng akademya sa
pagbubukas ng mga potensyal nitong makaalinsabay sa panlipunang kalakaran/trend at maisangkot
ang kanyang pamamaraam sa mapanghamong sitwasyon sa isang inobatibong silid-aralan. Layunin ng
papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy indie alinsunod sa historikal na pagbalikwas nito at
potensyal na gamit bilang awtentiko at makabuluhang materyales sa pagtuturo ng mga varayti ng wika
at panlipunang diskurso. Gayundin, nilalayon ng papel na makapagmungkahi ng pedagohiyang
balangkas na may tumbukang lapit sa paglinang ng kritikal na pag-iisip ukol sa pag-uugnay ng
pagkakaiba-iba ng wika at diskurso nito sa kalagayan ng lipunang Pilipino. Pokus bilang sampol sa papel
ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na susuriin gamit ang mungkahing balangkas na nakasentro sa
pagtuturo ng mahahalagang aspekto sa pag-aaral ng varayti ng wika, kasabay ng pagsusuri sa
panlipunang diskurso nito sa tulong ng pagbanghay sa mga implikasyong kultural, politikal at
ekonomikal sa mga sitwasyong pangwika sa pelikula. Sa huli, ang paglikha ng mga mag-aaral ng sariling
maikling pelikula ang magsisilbing produkto sa pagtataya ng pag-unawa at komunikatibong kasanayan
na nalinang sa kanila sa proseso ng pagsasanib ng akademya at sining pambansa bilang magkatuwang
na pwersa sa pagsasabansa, ang unang hakbang sa pambansang pagpapalaya.

Mga susing salita: pinoy indie film, varayti ng wika, pedagohiya, panlipunang diskurso

JONATHAN VERGARA GERONIMO 34


e

Pagbaklas Tungo sa Malayang Identidad: Naipamana ng ECP ang mga obrang Oro Plata
Pagbanghay sa Maikling Kasaysayan ng Mata (1982) ni Peque Gallaga, Himala (1982) ni
Pelikulang Indie sa Pilipinas Ishamael Bernal, Misteryo sa Tuwa (1984) ni
Abbo de la Cruz at Soltero (1984) ni Pio de Castro
Simula’t sapul nang maisilang ang III. Nagpanibagong-hubog sa porma at paghahain
konsepto ng alternatibong pelikula sa laylayan ng ng bagong panlasang pang-estetika ang mga
pelikulang komersiyal sa kalagitnaan ng dekada pelikula na nagbihis naman sa katawagang
’70, kakambal na nito ang pagpapakahulugan ng “alternatibo” na sinasabing malaki ang naging
pagbalikwas sa sistema ng naglalakihang istudyo igpaw sa larangan ng kasiningan kung
ng Lebran, Premiere Productions, Sampaguita at ihahalintulad sa pelikulang komersiyal (Reyes 8).
LVN. Hanggang sa tuluyang nagkahugis ang
pormulang ‘avant-grande’ sa pagsasapelikula, na Sa pamamayani ng mga kalakarang
tumutukoy sa tuluyang pagbukod ng likhang virtual gaya ng internet at iba pang
pelikula sa pagiging komersiyal nito. teknolohiyang digital kasabay ng pagtindi ng mga
Pinangunahan nito (avant-grande sa pelikula) sensitibong isyung panlipunan na naging
ang modernistikong kilusan ng mga filmmaker sa potensyal na paksa ng mga baguhang filmmaker,
pagtuklas ng sari-saring posibilidad sa midyum penomenal na sumulpot ang mga festival sa lokal
ng pelikula na kaiba sa kumbensyon ng at internasyunal na arena na nagtakda ng bagong
pelikulang komersiyal. (De Ocampo 17). pamantayan sa pagsasapelikula na tinawag na
Naipamalas sa pormulasyon ng ideyang avant- “independent films” at naideklara na gintong
grande sa pelikula ang maagang pagkamulat sa panahon ng alternatibong pelikula ang dekada
limitadong potensyal ng midyum pampelikula. ‘90. Tumataas taon-taon ang pampublikong
Napabantog ang baguhang pangalan na Kidlat interes sa indie film lalo sa hanay ng gitnang-
Tahimik sa pelikulang Mababangong Bangungot uring mamamayan at mga akademista na
(Perfumed Nightmares) noong 1977 na lumikha pangunahing tumatangkilik batay sa prinsipyo ng
ng ingay lalo nang magwagi ng International popularidad at petiburges. Pinanday ang bagong
Critic’s Prize sa Berlin Film Festival. mukha ng independent filmmaking sa imbitasyon
ng mga kapitalista na sinakyan ang init ng
Dumaluyong ang kanluraning estetika ng gitnang-uring aspirasyon para sa pangako ng
ideyang art film at naibandila ang eksperimental, kalayaan sa kapwa porma at nilalaman na
abstrakto at malaswang tipo ng panoorin upang bumabaklas sa karaniwang tipo ng
mapagtakpan at pansamantalang makalimutan komersyalisadong pelikula ng mainstream.
ang mga panlipunang kapansanan at Itinatag ang Cinemalaya Film Festival noong 2005
pambansang paniniil. Sa panahong iyon na na may ganitong deklarasyon: “Cinemalaya
ambisyosong itinatayo ng diktaduryang rehimen Philippine Independent Film Festival is a film
ang kanyang “Bagong Lipunan”. Itinayo ang competition and festival that aims to encourage
Experimental Cinema of the Philippines (ECP) ng the creation of new cinematic works by Filipino
diktaduryang Marcos noong 1982 upang hindi filmmakers – works that boldly articulate and
lubusang malantad ang panunupil nito. freely interpret the Filipino experience with fresh
Nagpondo ito ng mga pelikulang de-kalidad, at insight and artistic integrity…” (2009) Kapansin-
mga obrang ibinunga ay gamit na pantapal sa pansin na taon-taon ay matagumpay na
mga pilat ng panunupil sa industriya. (“Ang nakapagpapamalas ng varyasyon ng panlasang
Pelikula sa Lipunang Filipino” Lumbera 59). artistiko ang mga lahok na pelikula sa nasabing
Pinasimulan ng ECP ang pagtatayo ng mga festival. Ngunit, ang pinakamalaking hamon dito
arkibong pampelikula para sa lokal na industriya, na makatakas sa anino ng kapitalistang
naipakilala ang sensura sa porma ng “film rating” pamantayan at pangako ng mapagpalayang
at itinaguyod ang alternatibong pelikula. oryentasyon ng progresibong sipat sa lipunan ay

JONATHAN VERGARA GERONIMO 35


e

higit pang pinababaw ng abstraksyon at binigo Ngunit gaya ng ibinubukas na posibilidad ng


ang manonood sa aliw ng pagtakas/eskapismo. pahayag na ito, sinasabing maaaring magsisilbing
Sinang-ayunan ang ganitong ideya ng huwad na instrumento ang wikang Filipino sa
kalayaan sa espasyo ng Pinoy indie sa nosyon ng nasyunalisasyon/pagsasabansa ng mahahalagang
artikulong “Politikal na Filmmaking,”na ang larangang pambansa na panimulang hakbang sa
tunay na indie filmmaking ay hindi umaasa sa malaong katuparan ng kahingiang politikal sa
film festival circuit at basbas ng institusyong kalakaran ng paglikha ng indie film sa bansa. Ang
kultural para makagawa ng pelikula, ang politikal pagsasabansa bilang panawagang ibalik ang
na kolektibong pampelikula ang nagpapaiba sa kapangyarihan sa sambayanan sa pamamagitan
moda ng produksyon at resepsyon ng pelikula ng nasyunalistang larangan ng politika,
(Tolentino, 2009). Sa obserbasyon naman sa ekonomiya at kultura ay mahalagang mekanismo
artikulong “Mula Indio Hanggang Indie: sa pagtatamo ng isang tunay na malayang
Kakaibang Kaindiehan ni Eulalio R. Guieb, Jr., lipunan para sa lahat.
bihirang makapanood ng indie films na may
malinaw, lapat-sa-lupa at alternatibong Kung lalagumin ang naging depenisyon
kamalayang politikal kung kaya’t masasabi na ng Pinoy indie sa kasaysayan, makikita na
hindi alternatibo ang diskurso ng kalakhan sa nakaugat sa hangarin ng paglaya ang panig ng
binabansagang pelikulang indie (2011). Bagaman mga manlilikha nito. Paglaya sa dikta ng
sang-ayon kina Tolentino at Guieb na hindi pa malalaking produksyong komersyal, paglaya sa
natatamo ang ganap na paglaya ng indie film sa kumbensyunal na porma ng paglalahad at
bansa, masasabing may pagsusumikap naman paglaya para sa indibidwalistikong ekspresyon.
itong umigpaw sa ilang katangiang kinasanayan Bagaman katotohanang hindi tahasang
sa mainstream. Ang bahagyang paglaya sa porma tinutugon ng umiiral na kalakarang ito ang
at nilalaman na idinidikta ng mga kapitalistang hamon at tunguhing maging alternatibo tungo sa
produksyon at hayagang pagsipat ng lente sa kolektibong identidad na mapagpalaya, may
aktwal na kalagayang panlipunan ay ilan lamang pagtatangka namang magluwal ito ng ilang
sa matingkad na pagtatangka sa kalakaran ng panimulang potensyal. Sa ganitong mga
Pinoy indie film na bumaklas sa tradisyon ng kabatiran ukol sa depekto ng isang lumalaganap
mainstream. Sa ganitong pagdodokumento ng na kalakarang pangkultura sa bansa, mahalaga
awtentikong materyal na hango sa aktwal na ang papel na ginagampanan ng akademya sa
panlipunang set-ap, nabubuksan ang panibagong pangunguna ng mga mapanuring guro na
potensyal ng kalakarang ito sa anggulo ng pag- makapagtasa sa itinatakbo ng namamayaning
aambag ng mga Pinoy indie film sa pagsusulong kilusang pansining. Ang kapwa guro at sining na
ng wikang Filipino. Ang pagkukulang na may malaking impluwensya sa pagpanday ng
malalimang busisiin ang politikal na konteksto sa makabayang kamalayan ng ating mga mag-aaral.
kasalukuyang Pinoy indie film ay maaaring Sa ating pagiging malikhain at mapanuring pag-
pansamantalang punan ng kritikal na pagsusuri iisip, magagawa nating balangkasin ang mga
ng mga manonood sa ibang potensyal na kahinaan ng isang materyal upang bumuo ng
perspektiba nito. Ang wika bilang diskurso ng positibong silbi at makabuluhang gamit sa ating
lipunang Pilipino at matingkad na gamit sa Pinoy krusada para sa pagsasabansa- ang panimulang
indie film ay posibleng makatugon sa kahingiang manipestasyon sa sumusulong na wikang Filipino
ito. Binigyang-diin ni Jose, ang wika ay isa lamang at pambansang identidad sa larangan ng Pinoy
sa mga instrumentong ginagamit sa indie na munting binhi sa pagsibol ng
pagpapalaya. Ibigsabihin ang malayang gamit ng pambansang pagpapalaya.
Filipino sa pelikula ay munting ambag lamang sa
matagalang adhikain ng pagpapalaya (56).

JONATHAN VERGARA GERONIMO 36


e

Pinilakang Pisara: Potensyal ng Pelikulang Indie wika sa paglinang ng kakayahang


sa Pagtuturo ng Varyati ng Wika at Diskursong pangkomunikatibo upang magamit sa realidad at
Panlipunan pagtatamo ng pambansang kamalayan.
Gayundin, inaasahan ang kalinangan ng mga
Malalim ang relatibong ugnayan ng makrong kasanayan kabilang ang panonood na
edukasyon at pelikula bilang makapangyarihang nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong
larangan sa paghubog ng kaisipan ng mga pelikula bilang batayan sa kritikal na pagsusuri at
mamamayan ng isang bansa. Ayon na rin kay pagpapahalagang pangkultura. Bagaman, may
Remollino, “Education is one of the most malinaw na layunin ang kurikulum ay hindi
powerful tools for the molding of minds.” (9) naman maitatanggi ang malawak na pagkakanya-
Maaaring sabihin na may malaking epekto ang kanya sa implementasyon at walang malinaw na
mapagpalayang edukasyon sa paglikha ng tunguhing pambansa. Batay na rin sa pagususri
mapagpalayang pelikula. Hindi maitatanggi na ni Lumbera: “Ang Akademya, bagama(t)n
kapwa nagtataglay ng pananaw sa paghubog ng namamalayan ang pag-iral nito sa mga
pambansang kasaysayan ng isang lahi ang institusyon ng mataas na edukasyon, ay walang
pelikula at edukasyon sa katangian ng akademya. tinig at walang iisang tunguhin” (“Ang Pelikula sa
Binigyang-kahulugan ang pelikula ni Lumbera na Lipunang Pilipino” 62). Kung mapagsasanib ang
isang kulturang nagtataglay ng salik na minsa’y dalawang disiplina sa akademya ay epektibo
makabayan at kung minsan nama’y kolonyal nitong mapapalakas ang identidad ng pagiging
samantala, ang akademya ay itinuturing na isa sa Pilipinong mag-aaral at proyekto ng
makapangyarihang pwersa na nagtatatak sa pagsasabansa ng mga indie film na umaayon sa
pelikulang Filipino (“Ang Pelikula sa Lipunang diktum ng pagiging malaya at mapagpalaya sa
Filipino” 62). Kung susuriin ang inihahatag na karanasang Pilipino.
ugnayan ni Lumbera, mababalangkas ang ideya
na ang edukasyon at pelikula ay nagtataglay ng Hindi na bagong materyal sa pagtuturo
pananaw na kapwa hinubog sa pangkasaysayang ng Araling Filipino ang pelikula, ngunit sa aking
danas nito, mula sa panahon ng kolonyalismo obserbasyon at karanasan ay marami pa ring
hanggang sa kasalukuyang kalakaran ng alinlangan at reserbasyon ang mga guro na
neoliberalismo at panliligalig ng globalisasyon. Sa gamitin ang indie film kapalit ng tradisyunal na
ganitong kaayusan mapatutunayan ang censored at komersyalisadong mainstream.
obserbasyon ni Rolando Tolentino, integral ang Gayundin, may kababawan pang ginagamit ang
kolonialisasyon ng Pilipinas sa transformasyon ng pelikula sa bukod na gawain ng tematikong
tunguhin ng pelikula [maging ng akademya]. pagsusuri, pagbubuod ng pangyayari at
(2010) Sa patuloy na siklong ito ng repleksyon sa mensahe. Samantalang bihirang
pakikipagtunggali ng pelikula at akademya sa magamit ang sining sa pagtuturo ng mga
kolonyal na kamalayan at adhikain ng konsepto ukol sa wika, kung mayroon man,
nyutralisasyon nito, mahigpit na nakatali lamang sa teknikal na pagkakagamit ng
maimumungkahi ang pagsasanib ng dalawang wika sa pelikula at kaantasan nito. Kailangang
larangan sa pagsusulong ng kolektibong lutasin ang ganitong mababaw na pagbubukod
tunguhing pambansa higit sa aspekto ng ng papel ng sining pelikula sa pagsusulong ng
pagsusulong ng pagsasabansa bilang wika at pagkabansa sa pagtuturo, “…nararapat
pangunahing hakbang at ambag sa matalagang lamang na ang nalilikhang kultura at panitikan
proseso ng pagpapalaya sa indie film sa bansa at [gaya ng pelikula] ng mga kilusan, grupo at
lipunang Pilipino sa kalakhan. indibidwal na mapagbago at mapagbalikwas sa
ating lipunan ay magkapuwang din sa mga silid
Nilalayon ng pambansang kurikulum sa ng akademya at iskwelahan” (Atienza at Tangco
Filipino sa buong kapuluan ang pagtuturo ng 265)

JONATHAN VERGARA GERONIMO 37


e

ito hindi lamang sa indibidwal kundi lalo na sa


Kaalinsabay ng paglalatag sa prinsipyo ng lipunang kanyang kinabibilangan” (61). Sa
Pinoy indie at pagpapalitaw ng realistikong ganyang paglalahad, nililinaw ang kahalagahan
naratibo at lunan nito, nagagawang pataasin ang ng awtentikong biswalisasyon ng mag-aaral sa
eksperimental na dating/impact ng isang indie realistikong papel ng wika at indibidwal nitong
film na magbubukas sa posibilidad ng sari-saring tungkulin bilang entidad ng lipunan. Mahalaga
estilo at pagdodokumento ng awtentikong ang malinaw na pagsasalin ng akademikong
lipunan na papanig sa makapangyarihang wika konsepto ng varayti ng wika sa proseso ng
na magpapalitaw sa kolektibong danas, reyalisasyon sa mga ideya at teorya na posibleng
sosyolinggwistikong pananaw at politikal na mag-udyok sa makabuluhang partisipasyon nito
potensyal sa panlipunang diskurso. Malinaw sa sa lipunang kanyang nasasaksihan sa iskrin. Ang
ganitong estado ng paggamit ng wika sa talakayan sa mahahalagang konsepto,
kalakarang indie ang pagsulpot ng iba-ibang dimensyon at teorya sa pag-aaral ng mga varayti
teknik sa pagtuturo ng mga aralin na may ng wika sa Filipino ay epektibong maisasagawa
kaugnayan sa diskurso at komunikasyong sa tulong ng materyal na Pinoy indie na
Filipino, gaya ng pagsusuri sa mga varayti ng wika kalakhang ginagamit ang wika sa naturalistikong
sa awtentikong sitwasyong panlipunan na paraan at lumilinang hindi lamang sa kakayahang
itinatampok sa Pinoy indie. Ipinaliwanag ni komunikatibo bagkus kasabay na pinalalakas ang
Constantino, “ang wika ay isang panlipunang kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa kultura
penomenon. Ibig sabihin, nililinaw na mahalaga at lipunan.

Tumbukang Pag-unawa at Paglikha: Mungkahing Balangkas sa Pagtuturo ng Varayti ng Wika at


Diskursong Panlipunan Gamit ang Pelikulang Indie

Pelikulang Pinoy
Indie

Pagsusuri sa Varayti Pagsusuri sa


ng Wika sa Pelikula Panlipunang
(Kahulugan, Diskurso sa Pelikula
Dimensyon at Teorya) (Ekonomikal,
Politikal at Kultural)

Maikling Pelikulang ukol


sa Panlipunang Papel ng
Wikang Filipino

Tinatalakay sa itaas ang mungkahing mag-aaral na magreresulta sa malikhaing


balangkas sa paggamit ng indie film sa pagtuturo paglalapat ng adhikaing pagsasabansa ng
ng varayti ng wika at diskursong panlipunan na akademya at sining. Bago isagawa ang aktwal na
magkasabay na tinatalakay sa proseso ng pagtuturo, masinop na isagawa ang pagpili ng
pagtuturo at pagkatuto. Inilalatag sa ganitong pelikulang gagamitin batay sa mga sumusunod
konsepto ang magkasanib na pagpapalakas ng na pamantayan: 1) Angkop na nagtataglay ang
akademiko at panlipunang kamalayan ng mga materyal ng naturalistikong pagdodokumento sa

JONATHAN VERGARA GERONIMO 38


e

paggamit ng wika; 2) may potensyal na bawat kasapi sa kabuuang disenyo ng pelikula. Sa


mapalitaw ang mga varayti at varyasyon ng wika pagpalaot ng mga mag-aaral sa mahalagang
at mapatingkad ang mga teorya nito; 3) bahagi ng pagsusuri, ipasuri ang mahahalagang
nagtataglay ng temang may kaugnayang konsepto, teorya at dimensyon ng varayti ng
panlipunan; 4) may katangiang maging wika na matatagpuan sa pelikula. Gayundin, ang
alternatibo o kahit may pagtatangka sa tipo ang impact ng wika sa paglikha ng mga sitwasyong
pelikula na sumasalamin sa pambansang panlipunan at pag-unawa sa iba’t ibang diskurso
kalagayan at kamalayang mapagpalaya. nito parikular ang politikal, ekonomikal at
kultural na isyu sa pelikula. Magkakasabay na
Sa pagpapakahulugan ni Valerio, ang nangyayari sa yugtong ito ang tumbukang
tunay na alternatibong pelikula ay isang sandata pagsusuri. Mahalagang maging tulay sa pagsusuri
sa paglaya mula sa kanluraning gahum (15). Sa ang replektibong pagtatasa ng mga mag-aaral sa
ganitong pananaw, marapat na sipatin at suriin sarili nilang karanasan, pananaw at reaksyon na
na ang pagiging malaya ng isang pelikula ay hindi tutungo sa sari-saring realisasyon ng pangkat
lamang nakakulong sa kuwadradong ukol sa kaayusang panlipunan na kanilang
paninindigan nitong bumaklas sa natunghayan sa kabuuan ng pelikula. Tumutugon
komersyalisadong dikta ng mainstream, hindi rin ang konseptong ito sa pananaw ni Tolentino
natatapos sa abanteng persepsyon sa (2004), “…sa pamamagitan ng kritikal na
kumbensyon at elemento ng estetika sa paglikha, pagkatuto, kinakailangan nagkakaroon ng ngalan
bagkus ang pagiging malaya sa konteksto ng ang mga karanasan, nagkakaroon ng kabuuan
indie film ay ang pagbuo nito ng katutubong ang artikulasyon ng historikal at pang-araw-
panlasa na nakasalig sa itinatakbo ng araw.” Hayaang makapag-ugnay ang mga mag-
pambansang kultura, politika at ekonomiyang aaral sa kanilang mga sariling pagtingin,
nagpapabagsak sa kanluraning pagsusuri at pagtitimbang sa mga kawalan at
dominasyon/paghahari. kalabisan na kanilang nasaksihan sa pelikula
tungo sa konstruksyon ng lipunang nais nilang
Sa aktwal na pagtuturo, baguhin. Sa katapusan ng talakayan,
iminumungkahing pasimulan ang talakayan sa pagpapasyahan ng mga mag-aaral sa talakayan
panonood ng napiling indie film, bigyan ng gabay ang pagiging alternatibo at potensyal sa
ang mga mag-aaral ukol sa mga aspekto ng pagpapalaya ng pelikula bilang biswalisasyon sa
pelikulang kailangan nilang bigyang-pansin sarili nilang paglikha ng malikhaing
partikular ang gamit ng wika at sosyo- awtput.Magsasagawa ng pag-uulat ang bawat
sitwasyunal na implikasyon nito. Bigyang-diin din kinatawan ng pangkat ukol sa kanilang ginawang
ang pagtatala ng mga isyung panlipunan na pagsusuri at talakayan. Ilalatag din ng kinatawan
matatagpuan sa pelikula at ang potensyal nitong sa klase ang disenyo ng kanilang pangkat sa
maging alternatibo at katangiang mapagpalaya lilikhaing maikling pelikula na nagbibigay-diin sa
batay sa inilahad na konsepto ni Valerio. makabuluhang papel ng wika sa pagpapatingkad
Mungkahing magsagawa ng pagrerekord ang ng panlipunang kalagayan at krisis na nais nilang
mga mag-aaral sa mga piling diyalogo at baguhin. Sa ganitong proseso naitatampok ang
isadokumento ang mga bahagi ng pelikula para magkasanib na pagpapahalaga ng akademya at
masipi bilang batayan sa isasagawang pagsusuri. sining sa adhikain ng pagsasabansa nito.
Matapos ang unang araw ng panonood at Alinsunod ang mungkahing gawain na ito sa
indibidwal na pagsusuri, hatiin sa mga pangkat pananaw ni Hornedo na ang
ang klase para sa kolaboratibong pagsusuri. pagtatanghal/perpormatibo ang pinakamataas
Bilang preliminaryong gawain ng bawat pangkat, na pagpapahalaga, gayundin ay hindi ganap ang
talakayin nang pahapyaw ang kaligiran ng indie sining kapag hindi nabibigyang-buay (24).
film na nakapokus tema, istorya at reaksyon ng

JONATHAN VERGARA GERONIMO 39


e

Pelikulang Tribu: Paglalapat ng Mungkahing kasapi ng tatlong malalaking gang sa Tondo (ang
Balangkas sa Pagtuturo ng Varayti ng Wika at SDT, Touch Angel at Diablo San Romano). Ang
Diskursong Panlipunan Gamit ang Pelikulang kanilang namamayaning kultura sa gilid-gilid na
Indie eskinita ang nagsisilbing kanlungan ng kanilang
pagkakaisa (sa pamamagitan ng sining ng rap,
Sari-saring karakterisasyon ng wikang inuman, droga, ritwal sa rekrutment, seks at
Filipino ang itinatanghal sa mga Pinoy indie na paggawa ng sandata). Mga eskinita rin na kung
may nakapaloob na rasyunal sa pagtatampok ng minsa’y madugong pandayan ng kanilang tibay at
realidad at politisasyon ng pagkakagamit nito sa tapang na sinusukat ng pamantayang pumatay at
layunin ng malayang diskurso at sentral na mamatay para pangalagaan ang bawat kasapi ng
paghahatid ng kabuluhan at buhay sa grupo. Tinangkang isabuhay sa pelikula ang loob
naturalistikong pagsasapelikula. at labas ng pagkataong nabubuo sa isang kasapi
ng gang bilang kapatid ng grupong
Batay sa mga itinakdang pamantayan, kinabibilangan at ordinaryong kasapi ng kanyang
napili ang pelikulang Tribu (2007) na maging pamilya at lipunan sa kabuuan. Sa pagkamatay ni
pokus na pagsusuri gamit ang mungkahing Totoy Turat na kasapi ng SDT gang at ang
balangkas sa pagtuturo na inilatag sa papel na paghahangad ng grupo nito ng hustisya sa
ito. Ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na naging pamamagitan ng isang madugong rambol,
lahok at itinanghal na Pinakamahusay na Pelikula nangyari ang pinakamasidhing yugto ng pelikula
sa Cinemalaya noong 2007 ay kinilala dahil na na naglalagom sa katwiran at kabuluhan ng
rin sa pagtatangka nitong maging matapat at tunay na kapatiran na walang iwanan, matira ang
masinop sa realistikong paglalarawan sa mga matibay, patay kung patay. Sa kabuuan, ang
posibilidad ng aktwal na kalakaran ng partikular pelikula sa tipo ng pinagsanib na
na lipunang itinatampok nito. Tinatalakay sa dokumentaryong sosyal at teknolohiyang digital,
pelikula ang panlipunang tema ukol matingkad mabisang nailatag at natamo ang pangako ng
na imahe ng mga kabataang Tondo na pelikula na ihatid tayo sa dilim, ingay, gulo,
nasasangkot sa pagkakabuo ng mga ‘gang’ bilang panulaan, karahasan at depresibong katayuan ng
subkulturang konsepto ng kapatiran, bisyo, gawi Tondo na kinakatawan din ng kawalang
at kapangyarihan sa teritoryo. Sentrong tampok katarungang lipunan sa kabuuan.
sa pelikula ang kuwento ng mga kabataang

Talahanayan 1 - Lagom ng Pagsusuri sa Pelikulang ‘Tribu’

Sitwasyon at siniping dayalogo Varayti ng Wika Panlipunang Diskurso


sa pelikula (Konsepto, dimensyon at (Implikasyong kultural,
teorya) politikal, ekonomikal)
D1. “Ah, lumalaban, nag-iinarte… arte Idyolek/Estilo Kultural/Politikal
mo ah, wala pang nakakahawak sa’yo, Dimensyong Sosyal
pa-virgin effect yata ito eh”-Babaeng Konsepto ng Varyabilidad
lider ng iniation ng Touch Angel
(Reaksyon sa babaeng nakasalang sa
initiation)
D2. Mabuti pa magsanay na kayong Sosyolek Ekonomikal
magpaypay ng abaniko dahil kapag Dimensyong Sosyal
kayo ay naputulan, pasensyahan Teoryang Sosyolinggwistiks
tayo,kung hindi nyo na mapapanood
ang paborito nyong telenobela” –

JONATHAN VERGARA GERONIMO 40


e

Empleyado ng Meralco (Reaksyon ng


pagkainis sa mga nagrereklamong
residente ukol sa mataas na kuryente)
D3. “Ang buhay na ito’y ay talagang sa Idyolek/Moda Politikal/Ekonomikal
utang at sa utang tayo laging Dimensyong Sosyal
nabubuhay, ay talagang ganyan ang Teoryang Sosyolinggwistiks
ating bayan, kaya tayo’y sumusulong sa
pambansang utang” -Matandang
tindero ng ‘pagpag’(Komentaryo sa mga
mahilig mangutang sa kanyang
tindahan)
D4. “E Nay, gusto ko sanang maging Idyolek/Moda Ekonomikal
arkitekto kaya lang wala tayong Dimensyong Sosyal
pammatrikula” – Gege (kasapi ng SDT, Teoryang Deficit-Hypotesis
tugon sa tanong ng kanyang Nanay ukol
mga plano sa buhay)
D5. “…pasisikatin ka at bibigyan ka ng Idyolek/Sosyolek Kultural/Politikal
kontrata basta isusuot mo ang barong Dimensyong Sosyal
na may kurbata…Paglalabas ng album Teorya ng Akomodasyon
puro naman bwak, maglalabas ulit pare
‘wag na lang” – freestyle rapper ng
Diablo San Romano (Pagpuna sa mga
mainstream rapper)
D6. “Tignan mo ‘yang anak mo, Idyolek/Estilo Kultural
dumating lang saglit,sumubo, hindi pa Dimesyong Sosyal
nag-iinit ang puwet, dumali na naman” Teoryang Sosyolinggwistiks
– Tatay ni Makoy (Komentaryo ng Tatay
sa pag-alis ni Makoy sa hapag kainan)
D7. “Putang ina pumatay kay Totoy Sosyolek/Idyolek Kultural/Politikal
Turat aming ililigpit, tangna bumalik na Dimensyong Sosyal
kayo sa inyong pinagkaputahan… Lahat Teorya ng
ng pumatay ay iiwang may saksak. Akomodasyon/Sosyolinggwistiks
Tang ina nyo ‘wag sa amin
magpapakita… Tangna”– freestyle
rapper ng SDT (Pagpapahayag ng galit
at babala ng SDT sa pumatay sa
kasamahang si Totoy Turat)
D8. Hindi sa hindi kami tutulong, di Moda Kultural/Politikal
nangangahulugang hindi kami Dimensyong Sosyal
sumusuporta sa inyo” – Lider ng Touch Teoryang Sosyolinggwistiks
Angels (Pagbibigay ng mga
gamit/sandata sa paglusob bilang
suporta)
D9.“Kung pwede sana ika’y makasama, Standard na wika/Moda Kultural
aking panalangin tangi kong pangarap, Dimensyong Sosyal
pinilit kong ‘wag dumikit sa iyo ay ‘wag Konsepto ng
mapalapit, kahit hindi ko maiwasang Varyabilidad/Teorya ng

JONATHAN VERGARA GERONIMO 41


e

tingin mong kay lagkit ” – grupo ng Akomodasyon


rapper ng SDT at Touch Angel (Awitin
na may mensahe ng pag-ibig)
D10.“Makinig kayo ha, ayoko ng may Idyolek/Sosyolek/Estilo Politikal
kasamang takot, baka mamaya Dimensyong Sosyal
kakalog-kalog yung bayag nyo kayo pa Teoryang Sosyolinggwistiks
ang magpahamak sakin, ngayon kung
sinong gustong umuwi sa inyo, umuwi
na, laban nang patayan ‘to”
“Tang ina nyo para kay Turat ‘to”
Makoy (kasapi ng SDT, panawagan sa
huling pulong ng kasapian bago
nangyari ang rambol)

Ang talahanayan sa itaas ay lagom ng pagkakataong ginamit para sa karaniwang


isinagawang pagsusuri gamit ang mungkahing pagkakabuo ng mga pahayag alinsunod sa
balangkas sa pagtuturo ng varayti ng wika at sitwasyong kaswal (D4, D6, D7 at D10).
diskursong panlipunan gamit ang indie film. Sa
unang kolum, inilalahad ang mga piling Kapansin-pansin din ang varayti ng wika
makabuluhang dayalogo at sitwasyon na sinipi at sa mga dayalogo ng pelikula na impluwensya ng
hinalaw mula sa pelikulang Tribu upang maging panlipunang salik at diskurso ng pagpapahayag
batayan at katibayan sa pagsusuri. Sa ikalawang na ginamit. Sa ilang sitwasyon, mapapansin ang
kolum naman, inilalahad ang mahahalagang konsepto ng sosyolek na binibigyang-kahulugan
konsepto, uri, dimensyon at teorya ng varayti ng bilang varayti ng wikang nakabatay sa lipunang
wika na matingkad na matatagpuan sa mga ginagalawan at istatus na kaugnay sa edad,
napiling dayalogo at konteksto ng pagkakagamit interes, pinag-aralan at iba pa. Mapapansin
sa sitwasyon. Samantala, sa ikatlong kolum halimbawa ang pagpili ng salitang abaniko sa
naman matatagpuan ang panlipunang dikurso na halip na pamaypay, at telenobela imbes na
masusuri sa mga napiling dayalogo na may teleserye para sa may katandaang empleyado na
kolum/impact sa tatlong mahahalagang pinagmulan ng pahayag (D2), ang ispesyal na
aspektong kultural, politikal at ekonomikal. lingo gaya ng salitang ‘bwak’ na may kahulugang
‘walang kwenta’ batay sa konteksto ng gumamit.
Masusuri na ang idyolek bilang uri ng Ang pagmumura bilang sangkap ng ekspresyon
varayti ang pinakamadalas na taglay ng mga (D7 at D10) ay nagsisilbing identidad sa
dayalogo, ang paraan ng paggamit ng mga pamamaraan ng wika ng kinabibilangang
tauhan sa wika ay may varyasyong bunga ng pangkat. Samantala, ang moda na nagpapaiba sa
kanilang personal at tipikal na pagkakabuo ng pahayag batay sa paraang pasalita at pasulat ay
pahayag na nagpapagaan sa mensahe at madalas ding masusuri sa mga dayalogo.
kahulugang nakabatay sa konteksto. Ang Kapansin-pansin ang maluwag na paraan ng
ganitong gaan ay mababanghay sa anyo paggamit ng mga pasalitang pahayag na walang
halimbawa ng paggamit ng Taglish na code isinasaalang-alang na kawastuhan sa pagbaybay
switching (D1, pa-virgin effect) at mixed (D4, pammatrikula) at istruktura (D3, ito’y ay at
switching (D5, album na puro naman bwak). buong pahayag ng D8). Malayong-malayo ang
Mabisa ring nagamit ang matulaing paraan pagkakabuo ng pasalitang pahayag na D3, D4 at
bilang kakayanhang personal sa wika sa D8 sa pasalitang pagpapahayag ng isinulat na
pagsasalin ng intensipikadong kahulugan (D3) at awit na may kaunting pagsasaalang-alang sa
kumbersasyunal na paraan na maraming

JONATHAN VERGARA GERONIMO 42


e

tuntuning gramatikal (D9) dahil may panahon ng nagpapakita ng indikasyon ng pagbukod at


paghahanda sa pagbuo nito. paglikha ng sariling identidad sa wika labas sa
umiiral na istandard na kaayusang panlipunan na
Angkop naman ang impormal na estilo at tinatawag ding Linguistic Divergence. Sa kabilang
gamit ng wika sa karamihan sa mga sitwasyon banda, masusuri rin sa mga tinukoy na
gaya ng eksena ng initiation (D1), usapan sa halimbawa ang tipo ng Linguistic Convergence na
hapagkainan (D6) at impormal na pagpupulong nagpapamalas naman ng pakikiisa at pakikilahok
ng gang (D10). Gayundin ang standard na gamit sa paraan ng pagwiwika ng umiiral na subculture
ng wikang Filipino sa awitin ay sapat lamang sa ng gang at nagkakaunawaan sa isang tiyak na
layuning pang-estetika at masining na pagpapakahulugan ng pakiramdam (D9).
pagpapahayag ng nararamdaman. Pinatutunayan naman ang teorya ng Variability
Concept sa paniniwalang penomenon ang
Mapatutunayan sa mga naitalang uri ng pagkakaiba-iba ng wika sa mga pahayag na
varayti ang katangian ng dimensyong sosyal, ang umuusbong bunga ng kumbersasyunal at
pagkakalikha ng mga varayti ng wika sa mga espontanyong paraan sa karaniwang pakikipag-
pahayag ay masusuring bunga ng impluwensiya usap (D1). Gayundin, masusuri ang ideya ng
ng seting na lungsod, wikang urban at mga teoryang ito sa katwirang pantay-pantay lang
sitwasyong nalinang sa isang umiiral na ang paggamit ng wika at hindi ito nakabatay sa
kalagayang panlipunan sa pelikula, na detalyado antas ng pamumuhay gaya ng pormalisado at
pang tatalakayin sa mga susunod na pahina. masining na paggamit ng wika sa awit at rap ng
isang gang sa pelikula (D9). Bagamat ipinalalagay
Malaki ang potensyal na matalakay ang na sa ilang pagkakataon ay may tendesiyang
mahahalagang teorya ng varyasyon sa napiling makaapekto ang antas ng pagtatamo ng pormal
pelikulang indie na Tribu. Mababalangkas ang na edukasyon sa kalidad ng paggamit ng
pananaw ni Sapir ng sosyolinggwistiks sa mga istandard na wika, at mapapansinin ang
pahayag na gumagamit ng wika bilang kawalang kabihasaan halimbawa sa tamang
instrumento ng sosyalisasyon at mga relasyong pagbaybay ng salita gaya ng salitang
sosyal sa umiiral na lipunan. Naitanghal sa ‘pammatrikula’ (D4).
pelikula ang ugnayang panlipunan sa pagitan ng
empleyado ng Meralco at mga nagrereklamong May matinding impact/dating ang
residente (D2), matandang tindero sa suking ginamit na iba’t ibang varayti ng wika sa sinuring
mangungutang sa kanyang tindahan (D3) at pelikula upang makapagpalitaw ng mga
usapan sa pagitan ng mga kasapi ng isang panlipunang diskurso sa aspektong kultural,
pamilya (D6). Pinatutunayan naman ang nosyon politikal at ekonomikal. Naitanghal sa pelikula
ni Saussure na ang wika ay umiiral lamang kung ang wika sa pagpapakilala ng umiiral na kultura
nasa loob ng isang kolektibo sa mga sitwasyong sa loob ng kalakaran ng gang bilang isang
pangwika tulad ng pagmumura bilang panandang subkulturang isinasantabi, politikal na
pangkultura sa gawi ng pangkat (D7), argumento sa panlipunang imahe at ekonomikal
pagpapakita ng pakikiisa mula sa labas ng na implikasyon sa kalagayan ng Tondo at
pangkat (D8) at pagpapakahulugan sa ideya ng lipunang Pilipino sa kabuuan. Wika ang ginamit
kapatiran sa loob ng umiiral na pangkat (D10). na kasangkapan para ilantad ang mga isyung
pangkultura at pampolitika sa pelikula bilang
Masusuri naman ang dalawang tipo ng lente ng lipunan, halimbawa, ang de-kahong
linggwistikong pagtanggap sa Teorya ng pagtingin sa babaeng kasapi ng gang sa laylayan
Akomodasyon ni Giles sa paglilkha ng mga ng pamantayan nitong patriyarkal ay nabubukas
salitang sarili gaya ng ‘bwak’ (D5) at paraan ng sa pagsasamantala ng katawan (D1). Ang politikal
pagpapangalan na ‘Turat’ (D7), na kapwa na komentaryo ng mga freestyle rapper ukol sa

JONATHAN VERGARA GERONIMO 43


e

pamantayan ng musika sa pagkakatanikala nito ipinakitang pag-iingay ng mga residente sa anyo


sa komersyalisadong sistema ng kontrata at ng reklamo ay isang yugto ng pagkibo at
oryentasyon ng walang kalidad na album sa potensyal ng subersyon laban sa nagsasamantala
mainstream (D5). Matingkad ding binigyang-diin sa kanila.
ang pagbura ng kasalukuyang henerasyon sa
kahalagahan ng pamilya at ang simpleng Kapansin-pansin sa sinuring pelikula ang
hapagkainan bilang pagwiwika sa makabuluhang pagkakagamit ng wikang Filipino lampas sa
konsepto ng pagsasama-sama ng mga kasapi nito rasyunal na makapagpalitaw lamang ng natural
(D6). Ang paulit-ulit na pagmumura bilang ritwal at realistikong kalakarang panlipunan.
ay nagtatampok ng kultural na pagsasanib ng Ibinubukas ng isinagawang pagsusuri ang
loob at labas na impluwensya at nagsisilbing posibilidad na tumbukang matalakay ang
politikal na indibidwalistikong ekspresyon tungo panlipunang diskurso at leksikal-semantikal na
sa kolektibong identidad, sa diwa man ng papel ng wika sa pelikula, tungo sa pagsusulong
nagkakaisang kapatiran (D10) o sama-samang ng pagpapahalaga sa magkasanib na papel nito
paghahangad ng hustisya (D7). Ginamit din ang sa silid-aralan. Pinatunayan din ng isinagawang
wika bilang aparato sa kultura ng pakikipag- pagsusuri sa mga pelikula ang konteksto ng
alyansa (D8) at pagpapahayag ng aspirasyon sa pagpapakahulugan sa wika bilang kasangkapang
ideyal na pag-ibig at pangarap na kinabukasan panlipunan ni Constantino na isang
(D9). Politikal rin ang bagaheng mensahe ng kasangkapang kapwa gamit sa eksploytasyon o
sarkastikong pagtula bilang kritisismo sa pagsasamantala at liberasyon o pagpapalaya
ekonomikong pormula ng pangungutang (D3), sa (62). Mapapansin ang ganitong argumento sa
konteksto man ng taga-Tondo na sa ‘pagpag’ sari-saring paraan ng pagtatanghal sa pananaw
nabubuhay o sa walang pagsulong na bayang ng pelikula gamit ang wikang Filipino at ang
kontrol ng malalaking ahensyang multilateral sa paglilinaw sa papel nito sa pagtatamo ng
kabuuan. Mababalangkas din ang itinatampok na panlipunang kamalayan. Ang ganitong
prinsipyo ng katwiran at katarungan sa pananaw panlipunang kamalayan ay panimulang hakbang
ng mga kasapi ng gang (D10), ang paglalapat ng lamang sa mas malalimang pagdikurso sa
katapangan, pagsandig sa sarili at kapasyahang kalagayang panlipunan na lilinang sa panawagan
ilagay ang katarungan sa sariling mga kamay ay ng pagbalikwas sa status quo sa pamamagitan ng
produkto lamang ng kawalang-tiwala sa manhid kongkretong pagkilos.
at bulag na mga institusyon ng estado na dapat
magpatupad sa katarungang panlahat. May Akademya sa Pelikula at Pelikula sa Akademya:
implikasyong ekonomiko ang pagdikurso sa Sanib-Puwersa sa Adhikaing Pagsasabansa
wikang ginamit sa pelikula. Tinatalakay Tungo sa Mapagpalayang Lipunang Pilipino
halimbawa ang pangunahing suliranin sa hindi
pagtatamo ng edukasyon na batayang karapatan Inihain ni Valeriano, isang makabayang
ng bawat kabataan at nagreresulta ng mga kritiko ng sining sa komunikasyon ang kanyang
misedukadong mamamayan (D4). Ang mga punto ukol sa katangiang dapat taglayin ng
pagtataglay ng kapangyarihan ng isang isang tunay na makabayan at malayang
empleyado ng Meralco laban sa mga pelikulang Pilipino na inaasahan sa mga
nagrereklamong residente ay representasyonal makabagong filmmaker na may hipo ng
na tunggaliang sosyo-ekonomiko rin, sa pagitan pagsasabansa: (a) Ang produksyon ay malaya sa
ng mga kapitalistang nanggigipit at komersyalismong gawi; (b) diretsahan man o
mamamayang patuloy na nagtitiis sa bulok na hindi, tinatalakay o ipinakikita ng pelikula ang
serbisyo. Ngunit, matutunghayan sa pelikula na masamang epekto ng globalisasyon,
hindi laging matiisin ang mamamayan at hindi imperyalismo at kaisipang kolonyal; at (c) higit sa
laging nasa kapitalista ang kapangyarihan, ang lahat, ang pelikulang alternatibo ay isang

JONATHAN VERGARA GERONIMO 44


e

instrumento tungo sa dekolonisasyon ng ating ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na


kamalayan (15). Tunay nga na isang aspekto si Bienvenido Lumbera sa pagsasabing “Isa
lamang ng adhikaing pagsasabansa at lamang anyong pangkultura ang pelikula, at kung
pagpapalaya ng lipunan ang kilusan sa mag-isa lamang ito, wala itong kakayahang
pagsusulong wikang Filipino sa Pinoy indie, magbunsod ng pagpapalaya. Nakaugnay dapat
ngunit ang panimulang igpaw na ito ay may ang mapagpalayang pelikula sa isang kilusang
malaking ambag sa tinutukoy na dekolonisasyon magdadala nito sa hanay ng nakraraming
ng kamalayan. Gayundin, kung progresibong mamamayan” (“Pelikula bilang Mapagpalaya”
hihimayin sa silid-aralan ay potensyal na lilikha 83). Mapaghihinuha sa tinatakalay na kondisyon
ito ng malalim na ugnayang sosyal na nina Jose at Lumbera ang pangangailangan ng
magbubunsod ng pagpapakilos sa Pilipinong pagsasanib-pwersa ng dalawang larangang
mag-aaral at sambayanan. Malaki ang panlipunan upang mapalakas ang kilusan para sa
maitutulong ng patuloy na inbensyon ng mga adhikaing pagsasabansa na daan sa pambansang
pedagohiyang kritikal sa mga aralin sa wika at pagpapalaya. Kinakailangang magkasabay na
komunikasyon na nagsasangkot sa gawain ng mapalakas ng guro ang kanyang identidad hindi
pagpapahalagang kultural gaya ng pelikula, na lamang bilang kritiko ng pambansang kultura at
magkasabay na nililinang ang mga inaasahang intelektwal na akademista kundi dapat niyang
kasanayan at malalim na pag-unawa para sa taglayin ang pagiging progresibong mamamayan
pagtatamo ng makabayang paninindigan. at makabayang Pilipino na tagapagsiwalat ng
Inilahad naman ni Jose, “Napalaki ng magagawa tunay na kalagayang panlipunan at kasaysayang
ng akademya sa pagpapaunlad ng Filipino bilang Pilipino na nakikisangkot sa adyenda ng
wika ng pagpapalaya, unang-una sa paghubog ng pagpapalaya sa ganid na sistema ng kapitalismo,
mga bagong tagapagpalaya ng bayan; bumabalikwas sa pambansang pagsasamantala
pangalawa, sa paggamit nito sa pagtuturo…” at tumututol sa dikta ng imperyalismo at
(59). Samantala, ipinalalagay din niya na kanluraning ideya. Sa ganyan, ang pagiging
kinakailangan ang pagpapaunlad sa iba pang artista at guro ng bayan ay napalalakas at
larangan para magkaroon ito ng kaganapan. napagkakaisa sa tunguhin ng ganap na
Kaugnay rin nito ang dilema sa kilusang pagpapalaya sa lipunang Pilipino.
pagpapalaya sa industriya ng pelikula na ihinatag

SANGGUNIAN

Cinemalaya Foundation, Inc. About The Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. (2009):
<http://www.cinemalaya.org/about>

Constantino, Pamela at Monico Atienza, mga pat. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Quezon
City: University of the Philippines Press., 2006.

De Ocampo, Nick. Short Film: Emergence of a New Philippine Cinema. Manila City: Communication
Foundation for Asia., 1985.

Guieb III, Eulalio “Mula Indio Hanggang Indie: Kakaibang Kaindiehan.” Yccfilmdesk blogspot 4 Disyembre
(2011): 6 pars. Online. 15 Enero 2012, < http://yccfilmdesk.blogspot.com/2011/12/critic-of-
the-month-eulalio-r-gueib-iii-on.html>

JONATHAN VERGARA GERONIMO 45


e

Infante, Eddie. Inside Philippine Movies 1970 – 1990: Essay for students of Philippine Cinema. Quezon
City: Ateneo De Manila University Press., 1991.

Jose, Vicencio. Ang Wika ng Pagpapalaya at ang Papel ng Akademya. mga pat. Constantino, Pamela at
Monico Atienza. Quezon City: University of the Philippines Press., 2006.

Lumbera, Bienvenido. Ang Pelikula sa Lipunang Filipino, ang Lipunang Filipino sa Pelikula. Pat. Rosario
Torres-Yu. Manila City: University of Santo Tomas Publishing House., 2005.

_________________. Pelikula bilang Mapagpalayang Sining. Pat. Rosario Torres-Yu. Manila City:
University of Santo Tomas Publishing House., 2005.

_________________. Pelikula: An Essay on the Philippine Film: 1961 – 1992. Pasay City: Cultural Center
of the Philippines., 1992.

Peregrino, Jovy, Pamela Constantino at Ocampo, Nilo, mga pat. Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at
Varyasyon ng Filipino. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino., 2009.

Reyes, Manny. Malikhaing Pelikula: Mga Sanaysay tungkol sa Pelikulang Pilipino. Makati City: Media
Plus Publishing., 1996.

Remollino, Alexander. Philippine Education in the Neocolonial Period. Quezon City: Ibon Foundation
Inc., 2007.

Tolentino, Rolando. “Politikal na Filmmaking” Bulatlat.com. 6 Setyembre (2009): 23 pars. Online. 15


Enero 2012, < http://bulatlat.com/main/2009/09/06/politikal-na-filmmaking >

__________________. Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng


Panitikan. Quezon City: Ateneo de Manila Press. 2010.

_____________ Paghahanap ng Virtual na Identidad. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 2004.

_____________ Ang Bago, Bawal, at Kasalukuyan. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 2004.

Tribu. Dir. Jim Libiran. Perfs. Shielbert Manuel, Karl Eigger Balingit, Honey "Hi C" Concepcion, Malou
Crisologo, Charena Escala, Jamir Garcia, Rey Javier Guevarra, Apollo Labastida, Gilbert
Lozano, Ira Marasigan, Albert Moreno at Resty Perez. 8 Glasses Productions. Cinelamaya
Entry, 2007.

Valerio, Elvin. “Ang Pelikulang Bukod na Bukod: Ang Pelikulang Alternatibo bilang Mapagpalayang
Sining.” Dalumat E-Journal, Vol 1, No 1 (2010): 15-16.

JONATHAN VERGARA GERONIMO 46

You might also like