You are on page 1of 2

Lat, Manel C.

FILI-102

BSN-3101

Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay


Prop. Fortunato Sevilla III

Wennielyn Fajilan at Reynele Bren Zafra

Ipaliwanag ang mabuting naidulot ng paggamit ng wikang Filipino sa larangang siyentipiko


at teknikal ganoon din ang kahinaan nito. Sang-ayon ka ba sa mga inilahad na
dahilan/katwiran ng mga iskolar na sangkot sa artikulo? Ilahad ang iyong sariling pananaw
ukol dito.

Wika ang pinakamabisang kasangkapan sa paghahatid at pagpabatid ng iniisip at saloobin


ng tao sa kanyang kapwa. Ito rin ang susi upang mapagbuklod-buklod ang mga tao, magkaroon
ng kapayapaan sa bawat isa, maipalaganap at mapagyabong ang kultura at tradisyon ng isang
lugar. Sa tulong nito ang bawat isa ay nagkakaroon ng kaalaman at kamalayan sa mga
nangyayari sa paligid. Sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang tinaguriang Wikang Pambansa.

Maraming diskusyon na ang naganap sa paggamit ng Wikang Filipino hindi lamang sa


pakikipagtalastasan maging sa paggamit din nito sa mga kursong teknikal. Sa tulong ni Dr.
Fortunato Sevilla III, isang propesor ng pananaliksik at Kemistri, naging kilala Wikang Filipino
upang magamit sa sabjek kagaya na lamang ng Kemistri. Ayon sa kanya, ang paggamit ng
Wikang Filipino sa mga aralin na teknikal ay makatutulong upang mas maging mabilis ang pag-
unawa ng mga estudyante sa araling tinatalakay. Sa pagbilis ng pag-unawa ay sa paggaling din
ng mga estudyante na intindihin ang mga konsepto at terminolohiya hinggil dito. Bukod pa rito,
sa kanyang pagtuturo ay mas nagiging interaktib ito sa mga mag-aaral dahil kumportable ang
mga ito na maglabas ng kanilang suhestyon o mga katanungan. Hindi nalilimitahan ang mga ito
sa pagtatanong at mas naeengganyo silang matuto at making. Kalimitan sa mga gurong nagtuturo
ay gamit ang wikang Ingles, ngunit sila ay nagsasalin pa rin ng wika sa Filipino upang higit na
maintindihan ng mag-aaral.

Sa kabilang banda, ang paggamit ng Wikang Filipino sa teknikal na sabjek ay mayroon


din na kahinaan. Sa mga tekninal na sabjek ay may mga teknikal na terminolohiya o konsepto na
‘di maisalin sa Wikang Filipino. Gayunpaman, ang mga salitang ito ay natural na pinanatili sa
wikang pinagmulan upang ang mga mag-aaral ay hindi malito sa panahon ng kanilang eksam,
gaya na lamang ng “board exam”. Maraming dayuhan ang pumupunta sa ating bansa upang dito
ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at magiging mahirap ito para sa kanila na unawain ang mga
aralin kung ito ay tinuturo sa wikang Filipino. Upang masolusyunan ito, ang mga dayuhan ay
nag aaral ng Wikang Filipino upang mas mapagyabong pa ating wika at ang ating mga tradisyon.

Sa aking sariling opinion, ako ay sumasang-ayon sa mga tinuran ni Dr. Sevilla hingil sa
paggamit ng Wikang Filipino sa pag-aaral. Hindi ito magiging madaling proseso ngunit kung ito
ay pag-ibayuhin at pauunlarin, ang ating Wikang Filipino ay yayaman din. Maraming suhestiyon
na inilaad si Dr. Sevilla upang ito ay mapatupad at sa aking palagay, ito ay magiging possible at
ang ating sariling wika ay mapagyayabong at mas mapagbibigyang halaga ng bawat
mamamayang Pilipino.

You might also like