You are on page 1of 1

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA

PAKSA

1. PANGUNGUSAP NA EKSISTENSYAL
• nagsasaad ng PAGKAMAYROON
• pingangungunahan ng salitang MAY,
MAYROON, MERON
Halimbawa:
1. May mga laruan doon.
2. May sunog roon.
3. May tanawing magaganda sa Zamboanga.

2. PANGUNGUSAP NA PAGHANGA
• nagsasaad ng paghanga
Halimbawa:
1. Kay husay mo.
2. Wow, magaling.
3. Kay ganda ng tanawin sa Pilipinas.

3. SAMBITLA
• Nagpapahayag ng matinding
damdamin
Halimbawa:
1. Naku! Umuulan.
2. Aray! Kinagat ako ng langgam
3. Ay! May pasok pala ngayon.
4. Sunog! Sunog!

4. PANGUNGUSAP NA PAMANAHON
• Nagsasaad ng oras o panahon
Halimbawa:
1. Nagdidilim na.
2. Gabi na, umuwi na tayo.
3. Tanghali na, gumising ka na.
4. Mag-aalas dyes na ng umaga, tulog ka pa
rin.
5. Uwian na…..

5. PORMULASYONG PANLIPUNAN
• Pangungusap na nagsasaad ng pagbati
at paggalang
Halimbawa:
1. Magandang umaga, po
2. Tao po, nandyan po ba si Ann.
3. Salamat po sa tulong na ibinigay ninyo.
4. Mano po.
5. Paalam na po sa inyo.

You might also like