You are on page 1of 2

PAUL ALLECH M.

MAG-ISA Grade 8 - Linnaeus

Ang Alamat ng Sibuyas

Noong unang panahon ay may isang dalaga na nag-ngangalang Sibuya na kilala sa baryo
Matalas dahil sa kanyang natatanging kagandahan. Dahil dito ay madaming binata ang may
nais na maging kasintahan si Sibuya. Subalit sa kabila ng pisikal na kagandahan ni Sibuya ay siya
namang kabaligtaran ng kanyang ugali. Madalas ang mga lalaking nanliligaw sa kanya ay
umuuwing luhaan dahil sa kanyang hindi magandang pakikitungo at panlalait sa mga itsura nito.
Subalit sa kabila ng kanyang magaspang na ugali ay patuloy pa din na madaming nagkakagusto
sa kanya dahil sa taglay niyang kagandahan, dahilan upang lalo siyang maging mapagmataas.

Isang araw ay nagising si Sibuya sa lakas ng pag-uusap ng mga kadalagahan sa labas ng


kanilang bahay. Pinag-uusapan nila ang bagong lipat na binata sa kanilang baryo. Matikas at
magandang lalaki daw ang binata ayon sa kuwentuhan ng mga dalaga. Dali-daling nagbihis ng
magandang kasuotan si Sibuya. Naisip niya na magkakagusto din sa kaniya ang binata kapag
nakita siya nito. Subalit hindi iyon ang nangyari, saglit lamang siya sinulyapan ng guwapong
binata at hindi na muli pang tiningnan, samantalang si Sibuya ay nakarandam ng matinding
paghanga sa kaguwapuhan ng binata.

Dumaan ang maraming araw at mas lalong lumalim ang paghanga ni Sibuya sa binata
subalit kahit anong gawin niya na pagpapapansin dito ay balewala lng sa binata. Dahilan upang
lubos na malungkot si Sibuya. Hindi niya matanggap na sa kabila ng kanyang taglay na
kagandahan ay aayawan siya ng lalaking kanyang natutunan ng mahalin. Nawalan siya ng
ganang kumain at matulog at halos umiiyak na lamang siya dahil sa sobrang sakit at lungkot na
nararamdaman. Dahil dito ay bumagsak ang kanyang katawan at tuluyang ng nagkasakit. Hindi
nagtagal ay binawian ng buhay si Sibuya dahil sa pighati at kasawian sa pag-ibig sa binata.
Madami ang nalungkot sa pagkamatay ni Sibuya, subalit madami din ang hindi maitago
ang kanilang galit dahil sa naranasan na sakit nung nabubuhay pa si Sibuya.

Lumipas ang mga araw ay may napansin na kakaibang halaman na tumubo malapit sa
puntod ni Sibuya. Napansin nila na ang halaman ay maroon laman o bunga sa bandang ugat.
Dali-dali nila itong kinuha at hiniwa, subalit habang tumatagal ay nakaramdam sila ng pagluha
habang hinihiwa ito. Naalala nila si Sibuya nung ito ay nabubuhay pa at kung gaano kadaming
lalaki ang napaiyak nito. Dahil dito pinangalanan nila ang halaman na “Sibuya” bilang alaala sa
dalaga. Di nagtagal ay tinawag na itong Sibuyas.

You might also like