You are on page 1of 1

Ung under/overapplied kasi, kaya nagkakaroon ng ganoon kasi ung ginagamit natin na amount sa

overhead cost is applied overhead. Sabi nga natin kanina na ang applied overhead is based sa
BUDGETED rate.

So pano ngaun pag nalaman na natin ung actual amount ng overhead? Edi iaadjust natin ngaun ung
ginamit nating applied overhead kasi nga budgeted rate lang ung ginamit natin doon. So malamang hindi
pareho ung amount ng actual at budgeted natin. Ung difference nilang dalawa, un ung under/over
applied overhead.

Pano natin malalaman na under applied? Kapag mas mataas ung actual overhead kesa sa applied
overhead natin, un ay underapplied. “Under” kasi nga mas mataas actual o ung DAPAT na amount na
gagamitin natin. Kulang ung una nating ginamit na amount nung ginamit natin ung applied OH kaya un
ay “underapplied overhead”. Ung overapplied naman, kabaliktaran lang, kapag mas mataas ung applied
overhead kesa sa actual amount, overapplied un.

So ano naman gagawin natin sa under/over applied overhead? Merong dalawang treatment.
1. Kapag insignificant ung amount ang gawin lang is:
Underapplied: add sa cost of goods sold
Bakit iaadd kapag under applied? Kasi nga kulang ung ginamit natin na overhead so dapat iadd kapag
under applied.
Overapplied: deduct sa cost of goods sold

2. Kapag significant naman ung amount, add/dededuct sa WIP inventory, Finished goods, at sa COGS.
Bakit di kasama and raw materials inventory? Kasi wala namang overhead sa raw materials inventory
diba?
Same treatment lang. Kapag underapplied add the amount pero pag overapplied, deduct the amount.
Ung amount ng iaadd or idededuct is pro rata sa amounts ng WIP inventory, FG inventory, at COGS.

You might also like