You are on page 1of 3

ST . PETER’S COLLEGE OF MISAMIS ORIENTAL, INC.

15 de Septiembre St., Barangay 2, Balingasag, Misamis Oriental

FILIPINO 6 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

MIDTERM EXAM

Pangalan: Fred Jaff Fryan B. Rosal Petsa: Nobyembre 28, 2020


Kurso at Taon: BSED – Filipino III Guro: G. GARY DON T. ESTABAYA

I. PAGPIPILI. Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag o tanong sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik ng iyong napiling sagot sa patlang na makikita bago ang bilang.

D 1. Ang mga sumusunod ay may malaking kaugnayan sa wika maliban sa ________________.


a. midyum ng komunikasyon c. nagpapakita ng identidad
b. kaugnay ng kultura d. kasangkapan sa pag-unlad

B 2. Sinasabing may masistemang balangkas ang wika dahil ____________.


a. kapaki-pakinabang ito c. ginagamit ito ng mga tao
b. nasa ayos ang pagkakabuo nito d. nagsisilbi itong identidad ng mga tao

C 3. Ano ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas?


a. Tagalog c. Filipino
b. Pilipino d. Ingles

D 4. Ginagamit natin ang wika upang makamit natin ang ating mga ____________________.
a. kagustuhan c. adhikain
b. pangarap d. kailangan

C 5. Napagkasunduang gamitin ng mga tao ang wika, sa madaling sabi ang wika ay ____________.
a. Simbolo ng identidad c. arbitraryo
b. Bahagi ng kultura d. masistemang balangkas

C 6. Sino ang nagsabi na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
a. Alfonso O. Santiago c. Henry Gleason
b. Bienvenido Lumbera d. Mangahis et al.

B 7. Uri ng kultura kung saan kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.
a. Materyal c. Paniniwal o beliefs
b. Di – Materyal d. Pagpapahalaga o values

C 8. Ito ay mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
a. Mores c. Norms
b. Folkways d. Pagpapahalaga o values

A 9. Siya ang nagbahagi sa nakararami ng kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon.
a. Michael Alexander Kirkwood Halliday c. Henry Gleason
b. Roman Jakobson d. Bienvenido Lumbera

D 10. Ito ay gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
a. Pagpapahayag ng Damdamin c. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan
b. Patalinghaga d. Panghihikayat

II. PAGPUPUNO. Ibigay kung ano ang nais ipakahulugan ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na
matatagpuan bago ang bilang. 2 puntos bawat tamang sagot.

HEURISTIKO 1. Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan.

INSTRUMENTAL 2. Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
PERSONAL 3. Saklaw ng tugkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.
REGULATORYO 4. Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
INTERAKSYONAL 5. Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE) 6. Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at
emosyon.
PATALINGHAGA (POETIC) 7. Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG – UGNAYAN (PHATIC) 8. Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa
kapwa at makapagsimula ng usapan.
PAGGAMIT NG KURO – KURO (METALINGUAL) 9. Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan
ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL) 10. Ipinakikita nito ang gamit ng wika nagmula sa aklat at
iba pang sangguniang pinagmulan at kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
ROMAN JAKOBSON 11. Isa sa pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo.
PANOPIO 12. Ayon sa kanya, ang kultura ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng
kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao.
MATERYAL 14. Uri ng kultur na ang ilan sa mga halimbawa ay gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na
nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha.
PANINIWALA 15. Kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
PAGPAPAHALAGA 16. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat.
WIKA 17. Itinuturing na unique o natatangi.
FILIPINO 18. Ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
KATUTUBONG WIKA19. Ang maaari ring itawag sa unang wika.
BIENVENIDO LUMBERA 20. Siya ang nagsabing “parang hininga ang wika”.

III. PAGPAPALIWANAG. Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa abot ng iyong makakaya.

Rubriks

Nilalaman - 10 puntos
Organisasyon ng Sagot - 10 puntos

Kabuuan - 20 puntos

1. Bakit sinasabing ang Wikang Filipino ay identidad ng ating pagka-Pilipino?

Maraming mga palatandaan ng ating pagka – Pilipino tulaad ng ating mga kultura, gawi, pisikal na kaanyuan,
tradisyon. Ngunit ang pinaka kritikal na tanda ng ating pagiging pinoy ay ang paggamit natin ng wikang Filipino. Ang
wika ay isang matibay na tanda ng sosyal at kultural na kakayahang makapagbuklod ng grupo ng tao. Tayo ay isang
Pilipino sapagkat ang ating tinuturing na pambansang wika ay wikang Filipino. Wika ng Filipino ang siyang ginagamit
natin sa araw – araw upang magpahayag ng ating mga saloobin at damdaming makapilipino. Nalalaman natin ang ating
kultura sa pamamagitan ng wika.

Kung tayo ay mapapadpad sa ibang bansa ay malalaman natin kung ang isang tao ay Pilipino kapag ito ay
nagsalita ng wikang Filipino. Gaya nga ng nabanggit sa unang talata na ang wika ay ay nakapagpapangkat ng tao.
Nakikilala rin tayo ng mga dayuhan na tayo ay Pilipino sa paraang kapag tayo ay gumamit ng ating pambansang wika.
Kahit saang sulok ng komunidad ay dala dala natin ang identidad ng pagka – Pilipino sa paggamit ng ating sariling wika
sa tahanan, paaralan, simbahan, palengke, at iba pa. Ito ay sariling ating hinubog ng panahon sa tulong ng ating mga
ninuno na ipinamana sa atin kaalinsabay ng mga kultura at mga tradisyong dumaloy sa pagbabago din ng wika.

Samakatuwid, ang wikang Filipino ay matibay na pagkakakilanlan nating mga Pilipino saan man tayo mapadpad.
Mahubad man an gating kasuotang barong, baro at saya para sa mga babae. Hindi man natin tangkilikin ang mga kultura
at tradisyong ipinamana sa atin sapagkat nahumaling tayo sa mga nauuso sa makabagong panahon. Mahumaling man tayo
sa mga masasarap na banyagang mga pagkain, magagarang kasuotan, makabagong teknolohiyang angkat mula sa ibang
bansa ngunit masasambit mo pa din ang unang wikang ginagamit ng halos lahat ng taong nakatira sa bansang Pilipinas,
ang wikang Filipino. Makapagsasabi at makapagsasabi ka rin ng kahit isang salitang makapaglalarawan sa mga dayuhang
mga bagay at pangyayari sa wikang mula sa iyong tinubuan. At sa ating pang – araw – araw na pakikisalamuha ay
nakakabit na sa ating mga dila ang wikang Filipino.
2. Ano ang kaugnayan ng wika at kultura?

Magkakambal na ang wika at kultura at hindi ito mapaghihiwalay kailanman. Walang kultura kung wala ang wika
at gayun din naman ang kabalintunaan nito. Hindi mo malalaman ang isang kultura kung hindi dahil sa wika. Kapag pinag
– aaralan natin ang isang wika ay hindi lamang alpabeto, ayos, balarila at mga batas nito, bagkus ay inaalam din natin ang
gawi at mga pamamaraan ng taong gumagamit nito upang lubos na maunawaan ang isang wika sapagkat ang wika ay
nakakabit din sa isang kultura. Sa pag – aaral din natin ng wika ay nagagaya natin ito sa pamamagitan ng panggagaya at
pagmamasid ng mga taong nakapaloob sa isang kultura.

Nagsimula ang kultura sa panahong may wikang buhay na makapagpapaunlad nito. Sa pagdaan ng panahon ay
parehong hinuhubog ng kultura at wika ang isa’t isa. Ang wika ang siyang bapor ng isang kultura upang mabuhay ito sa
iba’t ibang panahon. Nagagamit ng tao ang wika sa pagbabahagi ng mga pamana ng salinlahi. Napauunlad ng wika ang
kultura sa paraang kung paano ito gamitin ng mga tao sa isang lipunan at kung paano naman nila isagawa ang kanilang
mga natutunan. Nahubog naman ang wika sa daloy ng kulturang isinasagawa ng mga tao sa lipunan. Kung ang kultura ng
isang lugar ay mahinhin, mayumi, at mahinahon ay maaring gayundin ang pagkakagamit nila sa kanilang wika. Sa
kabuuan, imposibleng magkaroon ng isang kultura kung walang wika at kabaligtaran nito. Ang dalawa ay magkaugnay sa
halos lahat ng aspeto at gamit. Ang wika at kultura ang mga pangunahing elemento ng isang lipunan.

3. Paano pinanatili ng wika ang kaayusan at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa isang lipunan?

Ginagamit ng tao ang wika bilang midyum ng komunikasyon sa pakikipagsalamuha sa ibang tao upang ipahayag
ang kanilang saloobin, kuro – kuro, at mga kaalaman. Ito ang pinakadiwa ng lipunan sapagkat ang wika ang pangunahing
sangkap ng pagkakaunawaan at pagkakabuklod ng mga tao. Ang mga tungkulin ng wika ay mahalaga sa pagpapanatili ng
kaayusan at pagkakapantay – pantay ng mga tao sa lipunan.
Ang wika ay isang instrumentong ginagamit ng tao sa pagbuo ng mga solusyon sa mga suliraning personal
maging hanggang sa pambansang batas. Nalulutas ang suliranin sapagkat nakapag – uugnay ang lahat ng tao sa isa’t isa
gamit ang wika. Nalalaman at nauunawaan nila ang mga batas, panuntunan, patakaran, at polisiya ng isang lugar gamit
ito. Sa pamamagitan ng pagbuo ng isang batas ay natutugunan nitong makontrol at malimitahan ang asal at ugali ng tao sa
lipunan. Masasabi din nating nakapagbibigay ito ng pagkakapantay – pantay sa mga tao sa lipunan sapagkat malaya ang
isang indibidwal na ihayag ang kanyang kuro – kuro, hinaing, at saloobin sa paggamit ng wika.
Naipaglalaban natin ang ating mga karapatan sa pagsusulat ng isang akda, pagpopost ng kampanya sa iba’t ibang
social media platforms upang tayo ay madinig sa ating mga hinaing. Nasusulong ang mga paraang iminungkahi ng mga
tao sa iba’t ibang sector sa tulong ng wika. Naipaglalaban ang mga katiwalian at kalabisan at napapaiksi ang malaking
agwat ng di pagkakapantay pantay dahil nagagamit natin an gating boses sa pagsugpo ng mga ito.

You might also like