You are on page 1of 12

PANITIKAN NG REHIYON V

Bikol
Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate

Ang rehiyon V o ng Biko ay matatagpuan sa timog silangan ng Luzon, Binubuo ito ng


mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at
Masbate. Ang mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol, pero iba-ba ang uri ng
Bikol nila. Biko na may halong Tagalog ay sinasalita sa Camarines Sur dahil malapit sa
Quezon. Ang Bikol na hawig sa Cebuano ay sinasalita sa Masbate at iyong lalawigang
malapit sa Kanlurang Bisaya ay may halong Hiligaynon. Iba rin ang Biko ng Sorsogon,
Catanduanes at Albay bagamat ang Bikol Naga ang ginamit sa kanilang panulatan.

Sa kabila ng maraming wikang ginagamit dito marami sa kanila ay bihasa sa Ingles a


Filipino na siyang ginamit nila sa pagsulat ng tula, dula, maikling kwento at nobela.

Kakaunti ang nalalaman sa Panitikang Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban


sa “Daragang Magayon” at “Sarong Banggi”. Karamihan sa mga akdang nasusulat sa
wikang Bikol ay hindi nailimbag at kalat-kalat pa, bagamat mayaman ito sa bugtong,
salawikain, awiting-bayan at kwentong-bayan. Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa bibig
ng mga tao. Marami ring mito at alamat ang matatagpuan kaugnay ng mga
magagandang lugar, lawa at bulkan. Halimbawa nito ay ang Alamat ng Bulkang Mayon.

Ang mga matatanda ng lugar ay patuloy na ginagamit ang Ariwaga o sasabihon


(kasabihan) para bigyang diin ang kahalagahan ng katapatan, kasipagan, pagtitiyaga at
iba pang magandang ugali sa mga kabataan.

Isang misyonerong Kastila ang humanga sa kakayahan ng mga Bikolano sa pagsulat


ng tula at musika.

Uri ng Panitikan

1. Ariwaga o Sasabihon (Kasabihan) – binubuo ng 2-4 taludtod na may sukat at


tugma. Naglalayon itong ipaalala sa mga kabataan ang magagandang ugali.
a. Ang takot sa tipaklong
Di aani ng anuman

Satahaw nin dagat Sa gitna ng dagat


Kadakul an naghahanap Marami ang naghahanap
Isa lang ang pinalad…. DALAGA

MGA SALAWIKAIN

Ang salawikain o kasabihan ay malaking ginagampanan sa buhay ng mga Bicolano


noon. Ang mga ito ay nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa
“pagpapaalala sa mga tao ng maaaring kalabasan ng maling gawa.” Ang mga
salawikain ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig ng
pawang katotohanan tungkol sa buhay.

Narito ang ilan sa mga halimbawa:

 Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding.


Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing.

 Ang natotohanan guro uwak na dai ikatago.


Ang katotohanan ay tulad ng uwak na hindi naitatago.

 Ang ngusong marnotabrutal siring sa ganong makinuto.


Ang ngusong maingay ay tulad ng sa manok na pumuputak.

 Kun minasimbag na dae pinaghahapot tanda na may gibong maraot.


To answer without being asked is a sign of guilt.

 Dai mo ikasopog an dai mo pakapag-adal kundi pagka-dai nin ugale.


Do not be ashamed of your illiteracy but of your discourtesy.

 An maraot saindo dai na guibohan sa ibang tao.


Ang masama sa iyo huwag mong gawin sa iba.

 Marhay pa an magsolo-solo can magiba ica con maraot na tao.


Mabuti pang nag-iisa kaysa may masamang kasama.

 Marhay pa man waraan ca nin respeto nin magna tao.


Better to lose money than to lose the respect of others.

 Ang maraot na pinaghalian maraot man an sabtan.


Ang isang bhay na galing sa masama, sa masama rin mauuwi.

 Ang katotohanan garo uwak na daik ikatago.


Truth is like a crow that cannot be hidden.

b. Ang sinuman lalapit sa kalan


Ay tiyak na mauulingan
2. Tigsik (toast) – binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa
isang tao o bagay. Ginaganap sa isang tigsikan (drinking party).
a. Itinotoast ko ang payapang gabing ito na siyang dahilan ng ating pagdiriwang
dahil ang minimithi nating bulaklak ay naririto.
b. Itinotoast ko ang lahat ng nilalang ng Diyos maliit man o malaki walang
pagkakaiba malaki man o maliit, pare-parehong may silbi.
3. Patodan o Paukod (Bugtong)
a. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis (sili)

b. Pag busog nakatayo


Pag gutom nakaupo (sako)

c. Payong ng ita
Di nababasa (dahon ng saging)

4. Awiting-bayan

Sarong Banggi

Sarong banggi sa higdaan


Nakadangog ako hinuni rin sarong gamgam
Sa loba ko katorogan
Bako kundi simong boses iyo palan
Dagos akon bangon si saykuyang matas iminukat
Duman sa kadikloman ako nangalagkalag
Aso ituon ko si sakuyang mata paitaas
Simong lawog nahiling ko maliwanag

Poon kaidtong banggi na mahiling taka


An sakuyang puso pirmeng nagdudusa
Lawag mong magayon an sakong giromdom
Di malilingawan sagkod noarin pa man.

An dangog siring kan niyog na kon mapisay dai na mabibilog.


Reputation is like a coconut which is hard to put back together once it is
destroyed.

AWITING BAYAN O KANTANG SUANOY

Tinatawag na Suanoy ang mga awiting bayan sa Bicol.

Ang mga awiting bayan sa Bikol ay mga pagpapahayag ng nararamdaman at paniniwala


ng mga tao na nilikha sa paraang paawit. Ang mga awiting bayan din sa Bikol ay
nagpapakita ng pagkakaiba lalo na sa paksa, paghahandog, melodiya at paraan ng
pagkanta. Ito ay tumatalakay sa unang dalawang aspeto, ang paksa at paghahandog.
Ang paksa ay tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog ay ang paraan ng
pagpapalawak sa paksa ng mga kanta.
Ang lahat ng talaan ng mga taong Ita sa Bundok Iriga ay may mga kanta tungkol sa pag-
ibig na tinatawag na dinusa, ang mga awitin na kinakanta sa pista ay tinatawag na
tolbon at ang awitin sa kalungkutan at sa kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang
kamag-anak ay tinatawag na diwata. Ngunit mga Agta ay hindi kinakanta sa
kasalukuyan, maging ang mga Agta ay hindi na naalala pa ang mga ito.

Sa mababang lugar naman ay maraming mga awiting bayan na umusbong tulad ng:
awit, kundiman, tagulaylay at hoarasa. Ang mga uri ng awit ay mga kwentong awitin
tulad ng mga awiting pandulaan, awit sa mga inuman, awit sa mga paggawa at oyayi, o
kantang panyoknok. Ang awiting pangritwal ay tinatawag na sagaue mga awiting para
sa namatay na ninuno ay dumago, awitin sa burol ay tinatawag na angoy, tagulaylay o
mga awiting panggera ang hoarasa, inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng
pagsabog ng mga bulkan, matinding bagyo at lindol.

Marami sa mga awit kundiman ang maririnig sa kasalukuyan ngunit ang kumakanta ay
pawang mga matatanda. Halimbawa ay ang maikling kwentong awiting ito na
nagpapakita ng pagkahilig ng mga tao sa tula sa pinakaordinaryong pagkakataon:

Kaya ako habo na magsolosodo


Sa pamapang nin salog taigwang engkanto
Ta mala pa ngani kaso sonong odto
Yaon si labahan dai na si tawo.
Kaya ayaw kong magsarili
Sa pampang ng ilog na may engkanto
Dahil alam mo noong isang tanghali
Na naroon ang labahan ngunit walang naglalaba.

Patunay ng engkantong nasa itaas ay sinunuportahan ng banog, isang ibon sa gabi sa


oyaying nasa ibaba:

Katorog, katorog
Sakloton nin barog
Ipaglayolayog
Sa poon manuyog
Ipaglakawlahaw
Sa poon makakaw
Ipagduyanduyan
Sa poon kawayan.

Matulog, matulog
Kukunin ka ng baong
At dadalhin ka
Sa puno ng niyog
O, dadalhin ka
Sa puno ng hakaw
O, ipagduduyan
Sa puno ng kawayan

Ang engkanto ay maaaring maging anumang uri ng hayop, ibon, isda o tao. Naniniwala
ang mga taga-Bikol na ang banong ay isang uri ng engkanto, na lumalabas sa oras ng
gabi para manguha ng mga bata at ihuhulog mula sa puno ng niyog, kakaw o kawayan
hanggang sa mamatay ito.

Isa pang kanta na nagpapakita ng paniniwala ng mga ito sa masasamang espiritu; sa


ngayon ito ay tinatawag na aswang, na nagpapaiba-iba ng hitsura at porma tulad ng
taong lumilipad sa gabi at kumakain ng ibang nilalang.

Dumaan sa samuya
Islang rapurapu
An ang tawo diya
Anas milyonaryo
Mayo man nin landing
May bitbit na tawo
Igwang eroplano
Na layong kun banggi

Sa aming bayan
Isla ng Rapu-rapu
Ang lahat ng tao
Aay milyunaryo
Wala namang lalandingan
Pero mayroong eroplano
Na lumilipad kung gabi
May bitbit na tao.

Tunay ngang ang paniniwala sa mga espiritu ay may kaugnay sa pamumuhay at


paniniwala ng mga taga-Bikol. Halimbawa nito ay ang “Panyong Binurdahan”, na kung
saan ang isang babaeng nagngangalang Lulay ay inutusang paikut-ikutin ang ulo ni Juat
at isang mahabang kantang pinamagatang “Papel de Canton”, ito ay isang sulat na
ipinadala ng isang lalaki bilang pagsuyo sa kanyang minamahal.

Ang tula at awit ay minana pa ng mga sinaunang tao sa Bicol, maraming mga awitin ang
biglaang komposisyon na sadyang ginawa sa ilalim ng liwanag ng buwan. Iyon ang
karaniwang pampalipas oras at ginagawa pa rin ito sa mga rural areas hanggang sa
kasalukuyan Nagtitipun-tipon ang mg tao sa isang tindahan, nauupo sila sa mga upuang
gawa sa katawan ng puno ng niyog at naguusap tungkol sa mga pangyayari sa kanlang
lugar at kasabay nito ang kantaan. Ang mga kumakanta nang solo ay lubusang
pinapalakpakan, ngunit ang pag-awit ng paglisan ng bawat grupo ay mas masaya.
Tuwing may mga kasayahan ay hindi nawawala ang mga paligsahan, at mga
sorompongaon o dugsungan (paligsahan sa pag-awit) ay ginanap.
Ang kapitan ng baryo ay siyang namumuno sa mga paligsahan. Magbibigay siya ng
isang sitwasyon at ang mga kalahok ay gagawan ito ng awitin. Ang pinakamahusay na
mang-aawit na mas mapalungkot ang malungkot na istorya mas mapasaya ang
masayang sitwasyon, mas mapatawa ang nakakatawang sitwasyon o kaya’y mas
malaswa ang malaswang insedente. Sa ganitong paraan, ang mga paligsahan ng pag-
awit ay isinilang tulad ng:

Isang katawa-tawang sitwasyon na ginawang mas katawa-tawa:

UNANG MANG-AAWIT
Tilibong, tilibong, tilibong
Nadasmay si Ramon
Nahulog sa babon,
Nagkaborolokan.

Gumulong, gulong, gulong


Nahuli si Ramon
Nahulog sa sapa
Nagkabuhol-buhol.

IKALAWANG MANG-AAWIT
Tilibong, tilibong, tilibong
May gandang sa ibon
Dai kinalabong
Ta muklit sa ibong

Gumulong, gulong, gulong


May patay sa banda roon
Hindi mailibing
Dahil muklat isang mata

Sinuman ang makapagpapasagot sa isang dalaga:


UNANG MANG-AAWIT
Iniho si Neneng
Marhay na babae
Maphay na sumayaw
Nin sinalampati
Isadsad an bitis
An kamot ilyari
Arin bagang puso
An dai mawili.
Itong si Neneng
Magandang babae
Magandang sumaya
Ng sinalampat
Dumulas ang paa
Ikinukumpas ang kamay
Kaninong puso
Ang di maaakit.

IKALAWANG MANG-AAWIT
Susay daw dai mabihag
Ay Neneng, nan saimong piad
Maski gadanang dumulag, lalay,
Masuhat ta manonoag.

Sino ang di mabihag


Ay Neneng, sa iyong balakang
Maski patay na kalabaw
Tatayo para iakay ipaglaban.

May mga awiting bayan din sa Bicol na pumapatungkol sa relihiyon.


Basahin at unawain ang nakakagulat na huling linyang nakapaloob sa awiting ito.

Arin an makulog?
An matatagalan
Arin an may sakit
An di nagaagrangay
Kon si Oloperes
Bantog kaisugan
Por dahil ki Jodit
Buay dinanay.

Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantog kasama ang kanyang mga
tauhan sa yungib at sinalakay si Rabot samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong
ang tulog na dambuhala. Si Rabot ay namilipit sa sakit at umalingawngaw ang kanyang
tinig sa buong bayan.

Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabot sa Libmanan. Ipinakita niya kay Handyong na
indi makapaniwala sa kapangitan ni Rabot. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose
Castano. Nangako si Kadugnung na ipagpapatuloy niya ang kwento sa ibang araw.
Subalit maaaring hindi na narinig ng pari ang iba pang bahagi ng epiko kaya’y kung
narinig man ay hindi na naisalin kung kaya’t nananatilling walang karugtong ang epiko.

MGA MANUNULAT NG REHIYON V


Aguilar Celedonio V – Camalig, Albay; Marso 6, 1923
- Isang manunulat ng tula sa Weekly Women’s Magazine noong 1950
- Shaken Shadows noong 1966 at This Season and Night

Alejandra, Clemente Bulocon – canaman, Camarines Sur; Nob. 23, 1985


- Isa siyang poet at playwright
- Isa rin siyang manunulat ng Samahang Bikol
- Darorroaggoyog (Just Hum to Yourself) 1927
- Madaling Isip (In Short)
- siya rin ang sumulat ng dulang Prinsipe Lizardo at Prinsipe Fernando
- panalo noong 1926 sa pagsasalit ng Mi Ultimo Adios ni Rizal

Arrieta, Nicolas Serrano – Camagong, Oas, Albay; Disyembre 6, 1862


- dalawa sa kanyang nobela ay ang “An Dahas ni Pagcamoot o Duang Puso” (The
Power of Love in Two Hearts) at ang “An Agos na Magtood” (Go With the Flow)
- sumulat din siya ng mga dula tulad ng “Zarzuela Bicolana” (Bicol Sarswela), “An
Marhan na Sorsogon” (The Good Sorsogon), “Pantinople y Adriana” (Pantinople and
Adriana), at “Orontis” (Orientas)

Bobis, Merlinda Carullo – Tabacco, Albay; Nobyembre 25, 1959


- “Kantada ng Babaeng Mandirigma” (daragang Magayon) isang epiko (Cantata of the
Warrior Woman) 1993

Fuentabella, Manuel Tria – Sangay, Camarines Sur; Oktubre 11, 1889


- manunulat sa Bicol at Spanish
- “Maski Nanok ang Pagtorog Ko” (Though Fast Asleep)
- “Mayda Baya Ranga” (Come, Oh Comfort), “An Pana” (The Arrow)
- O Obispong Namomotan” (O Beloved Bishop), “An Santong Kundiman” (Our Song),
- “Luhang Mapait” (Bitter Tears)

Perfecto, Mariano – Ligao, Albay; 1850; Naga, Camarines Sur


- An Parabareta (Newspaper)
- Almanaque Bikolnon (Bicol Alamanac)
- “An Pagguiao can mga Pastores can Pagcamondag ni Jesu Duman sa Protal sa
Belen” (The awakening of the Shepherds during the Birth of Jesus in the Manger)

Salazar, Antonio Bufete – Malinao, Albay;


- ang kanyang mga isinulat na tula ay “An Pagtubod” (By Belief)
- Tota Pulchra (Absolutely Beautiful), “Sa Bicolandia” (In Bicolandia)
- Tonog na Gikan sa Langit (Voice from Heaven)
- Nagsalin din siya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo at ilang tula ni Jose Rizal
sa Bicolano
Manalang-Gloria, Angela

Nagsimula siyang magsulat ng mga pansanay na sulatin sa silid-aralan. Sa gulang na labing-


anim, nakapaglathala na siya ng kanyang mga tula sa Women’s Outlook.

Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, C.V. Wickers, na siyang pumatnubay sa


kanya sa pagiging makataya. nakilala ang pangalan niya sa pagiging makata sa kolehiyo
nang magwagi siya sa Literary Contest at nalathala ang kanyang tula sa Sunday Tribune,
Philippine Collegian, Literary Apprentice at herald Mid-Week Magazine.

PHILIPPINE POETRY

YELLOW MOON
Angela Manalang Gloria

Stand at my window and Listen


Only the plaintive murmur of a swarm of decades
Stand on the wet ground and ponder
And turn to the east and behold you
Great yellow moon
Why do you frighten me so
You captive of the glade?
I have seen you before,
Have you flinted with you so many night
When my heart, ever throbbing ever listless,
Had pinned for the moonlight to calm it.
But you are a dainty whiteness
That kissed my brow then
A gentle, pale flutter
That touched my aching breast.

You are a lonely yellow moon now,


You are ghostly, spectral tonight
Alone
Behind your prison bars of coconut trees,
That is why
I do not dare you into may hand
And press you against my check
To feel how cold you are.

I am afraid of you, yellow moon.

TO A LOST ONE
Angela Manalang Gloria
I shall haunt you, O lost one, the twilight
Haunts a reed-entangled trail,

And your dreams will linger strangely with the music


Of a phantom lover’s tale.

You shall not forget, for I am past forgetting


I shall come to you again.

With the starlight, and the scent of wild champacas,


Window, tragic-eyed and still.

And unbidden, startle you into remembrance


With its hand upon the still.

Lee, Ricky (Ricardo Arriola Lee)


Isa siyang scriptwriter ng mga pelikula, mananaysay at kwentista. Nagturo siya ng script writing
sa UP matapos niyang makamit ang digring Basilyer ng Artes sa Ingles sa nasabing
pamantasan. Ang unang isinulat niyang pampelikula ay “Sa Kuko ng Agila” na
pinangungunahan nina Pres. Estrada at Senador Coseteng na noon ay kapwa na senador.

Isa siya sa mga pinagpipitaganan at kinikilalang scriptwriter ng bansa. Ang ilan sa kanyang mga
naisulat na script ay ang mga:

Brutal 1980
Miss X 1980
Playgirl 1981
Relasyon 1982
Cain at Abel 1982
Haplos 1982
RPX 1982
Karnal 1983
Baby China 1984
Sinner or Saint 1984
White Slavery 1985
Dyesebel 1990

BRUTAL
Ricardo Lee

CLASSROOM/INTERIOR/HAPON
Panay ang bulungan nina Monica at Cynthia sa hulihan pero nagkukunwaring nagtitake notes.
Inaantok ang lahat habang binabasa ng teacher si Lady Macbeth. Malapot ang punto niyang
Bisaya.

Panay ang sulyap ni Tato kay Monica. May 18 na si Tato pero sinong ina ang maaaring magalit
dito? Guwapo ito at charming kumilos. Katabi nito sina Jerry at Ogie, kasing edad at kasing
ugali nito. Barkada sila. Lahat ay para sa tatlo. Anumang bagay basta good time papasukan
nila. Kanila ang tatlong bangkay na natagpuan sa apartment nina Monica sa simula ng
pelikula.

Cynthia: (pabulong). Talo pa nitong si Balgos and Tranquilizer. Bumagsak tayo lahat.
Monica: Shhhh…
Cynthia: Anong Shhh? (titingnan si Monica saka bubulong). Alam mong problema sa’yo?
Masyado kang maraming inhibitions. Lagi kang takot (susulyap sa teacher). Sabihin mo
nga, putang ina, sir.
Monica: Ayoko nga!
Cynthia: Kita mo na! Parang putang ina lang! Kalat na kalat sa campus yan e. Ulit-ulitin mo lang
di na nakakatakot ‘yan!
Monica: (mapapsulyap kay Tato; kikindat ito sa kanya). Basta ayoko (mapapayuko)
Cynthia: Sige na. Putang ina.
Monica: (babalik s pagkukunwaring nagtitake-notes). Ayoko.
Cynthia: (smiling) Wala ka talagang pag-asa. Gaya niyang pangalan mo. Ni wala kang palayaw.
Monica. Hind man lang Moonick. O kaya’y Ikang. O kaya Mona. O baka gusto mo Moninay!
Kukurutin ni Monica si Cynthia sa hita. Susulyap ulit kay Tato. Ituturo ni Tato ang puso niya,
aarteng mamamatay. Mapapangiti nang lihim si Monica.
Cynthia: (lalakas ang boses) Alam ko na! Mickey! (hihinaan ang boses dahil napatingin ang
teacher). Mickey Mouse! Bagay sa’yo dahil para kang dagang laging takot! (nagpipigil
matawa). Mickey.
Monica: (susulyap ulit kay Tato; may idinodrowing ito) Ayoko nga!
Cynthia: Puwede ba ‘yung ayoko! Mickey ha ha! (titingnan ang reaksiyon ni Monica) Tumawa ka
naman!
Monica: Nakatingin sa’tin si Sir.
Dadako sandali ang kamera sa idinudrowing ni Tato. Isa itong babaing hubo. Nilalagyan nia ng
buhok ang genitals nito. Babalik ang kamera kina Monica.
Cynthia: Napapansin ko, lagi kang malungkot. Di pa kita nakitang tumawa. Subukin mo ngang
tumawa. Maski walang sound.
Monica: Wala namang dapat pagtawanan e.
Cynthia: Titingnan ko lang kung bagay sa’yo!
Dadako uli ang kamera sa drowing ni Tato. May nakasulat nang pangalan sa ibaba ng hubong
babae. Babalik ang kamera kina Monica.
Cynthia: Sige na. Tumawa ka na. Di ako titingin!
Monica: Ayoko sabe eh!
Cynthia: Hindi kita titigilan!
Monica: (mangingiti na). Para tayong mga luka-luka dito!
Cynthia: (matatawa rin). Ayan, lumalabas na! Huwag mong pipigilan! Kakabagan ka!
Tuluyang matatawa si Monica. Tatakpan ng palad ang bibig pero lalakas nang lalakas ang tawa
niya. Makikisabay na rin si Cynthia. Sa loob ng ilang saglit ay makikita sa mukha nila ang
inosenteng tawa. Malayang tuwa.
Teacher: (mapapatingin sa kanila.) What’s going on there?
Nagpipigil pa ring yuyuko sa mga notes nila ang dalawa.

Gang, 1981, 41-44

Polotan-Tuvera, Kerma aka Catalina Pascual

Sumikat siya ng taong 1950 at 1960 bilang isang kinikilalang manunulat na Pilipino sa Ingles.
Nakasulat siya ng maraming sanaysay, maikling kwento at mga artikulo sa lahat halos ng
pambansang pahayagan. Ilan sa mga napatanyag niyang isinulat ay ang nobelang “The
Hand of the Enemy” (1962); “Stories, A Collection, 1968”; “Imelda Romualdez Marcos”; A
biography, 1970.

Ang mga kuwentong ipinagwagi ng Gantimpalang Palanca:


The Virgin – unang gantimpala 1952
The Trap – unang gantimpala 1956
The Giants – pangalawang gantimpala 1959
The Tourist – unang gantimpala 1960
The Sounds of Sunday – unang gantimpala 1961
A Various Season – pangalawang gantimpala 1966

A. Talakayan:
1. Pag-usapan ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa bawat lalawigang
binanggit sa rehiyong ito.
2. Magtalakayan tungkol sa iba’t ibang karunungang baya ng Rehiyon V na nasasaad
sa kabanatang ito.
3. Talakayin ang bawat akdang nakalahad sa kabanatang ito at sikaping masuri ang
mga kahalagahang panlipunan, pangmoral at pangkaisipang ipinahihiwatig ng bawat
isang akda.

B. Mga Mungkahing Gawain:


1. Awitin ang mga awiting bayan ng Bicolano.
2. Makipanayam sa mga Bicolano tungkol sa mga kaugalian, tradisyon at kultura ng
kanilang rehiyon.
3. Mula sa talaan ng mga manunulat ng Rehiyong Bicol, pumili ng dalawa at saliksikin
ang alinman sa kanilang mga akda. Humanda sa pag-uulat nito sa klase.

You might also like