You are on page 1of 1

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4

(Agriculture)

Quarter : 1 Week : 8 Day : 1 Activity No. : 1


Competency: : Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/pagtatanim ng
halamang ornamental.
Objective : Nasusuri kung anong uri ng halamang ornamental ang ihahanda/itatanim
Topic : Mga Uri ng Halamang Ornamental
Materials : Ibat-ibang uri ng halamang ornamental
Reference : Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4. KM.
Copyrights : For DepEd use

Concept Notes:

Marami ang uri ng mga halamang ornamental. Ang herbs ay mga halamang may malambot
na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang taon. Ang shrub ay mga halaman na
may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwang hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro. Ang
vine o baging/ gumagapang na halaman ay mga halamang hindi nakatayo sa sarili kaya’t
gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga bagay. Ang tree o punong kahoy ay may malalaking
puno at maraming mga sanga na karaniwang tumataas ng higit sa 7 metro kapag magulang na.
Ang air plant o aerial ay mga halamang nakakapit sa taas ng punong-kahoy o sa malalaking bato
sa mga bundok tulad ng orchids at pako. Ang aquatic ay mga halamang tubig na nabubuhay gaya
ng water lily at lotus.

Gawain : 1

PANUTO: Isulat sa puwang kung anong uring halaman ang sumusunod. Herbs, Shrubs o
mapalumpon, Vine o baging, tree o puno, air plant o aerial,at aquatic.

1. mayana ______________
2. santan _______________
3. lotus _______________
4. orchid ________________
5. mangga ________________

You might also like