You are on page 1of 1

Pamela Lorraine P.

Buan
MM 2-4
Filipino
Spoken Poetry

Isang araw, masaya tayong nakakapaglaro sa ilalim ng araw,


Tatawagin ang tropa at sa ula’y magtatampisaw.
At isang araw ,sa galaa’y magkakayayaan,
Hanggang sa pag uwi’y dala ang kasiyahan.

Ngunit isang araw, lahat ay nagbago.


Ano na bang nangyari sa ating mundo ?
Sakit doon, sakit dito.
Bakit nga ba tayo nagkaganito ?

Tayo’y humaharap sa malaking problema,


Problemang ngayo’y isa nang pandemya.
Bumago’t kumitil sa maraming buhay.
Mundo tuloy nati’y nawalan ng kulay.

Sadya ngang itoy nakababahala.


Habang tumatagal, lalo lang lumalala.
Sakit na lumalaganap, Covid kung tawagin,
Buong mundo’y nilagay sa matinding alanganin.

Bakit ayaw mong makinig at maniwala,


Lubha ng mapanganib, di ka ba nababahala ?
Gusto mo parin ay gumala at kumawala,
Aba, ika’y magingat, baka tamaan nalang bigla.

Katigasan ng ulo’y huwag pairalin


Baka kayo mismo’y isa pang isipin
Disiplina sa sarili ang ating unahin
Upang buhay nati’y di mawala sa atin.

Ako’y naniniwala sa tulong ng Panginoon,


Lahat tayo ay babangon at aahon.
Ang lahat ay lubos na nananabik,
Na isang araw ang buong mundo sa dati ay babalik.

You might also like