Pagkatapos ng 60 minuto, 80% ng seksyon Durian ay inaasahang:
a.nailalahad ang pansariling pananaw, opinion at saloobin tungkol sa
aralin; b.natutukoy ang positibo at negatibong dulot ng pag-ibig sa buhay ng tao; c.naitatatanghal ang mga pangyayari batay sa hinihingi ng sitwasyon. Insulto Di matatanggap Matinding kagustuhan Aralin 3: Laura, Bakit Ka Nagtaksil?
O, taksil na pita sa yama’t mataas
O, hangad sa puring hanging lumipas! Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat At niring nasapit na kahabag-habag.
Kung siya Mong ibig na ako’y magdusa
Langit na mataas, aking mababata, Isagi Mo lamang sa puso ni Laura Ako’y minsan-minsang mapag-alaala. Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran! Ano pang halaga ng gayong suyuan, kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan Ay humihiling na sa ibang kandungan?
Dito hinimatay sa paghihinagpis,
Sumuko ang puso sa dahas ng sakit, Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis, Kinagagapusang kahoy ay nadilig. Group 1 – Gamit ang organizer, ilahad ang positibo at negatibong dulot ng pag-ibig sa buhay ng tao. Group 2 – Magbigay ng 5 hakbang upang maiwasan ang depresyon sa mga panahong dumaranas ng labis na paghihirap ng kalooban lalo na sa sawing pag-ibig. Group 3 – Isadula ang senaryo na nakapaloob sa Aralin 3. Group 4 – Kaninong bayani mo maihahambing ang karanasan ni Florante. Ipaliwanag. EBALWASYON Kumuha ng ¼ na papel at sagutan ang mga sumusunod.
1. Magbigay ng 3 katangiang makikita kay Florante.
2. Naniniwala ka ba na ang yaman at kapangyarihan ay ugat ng kasamaan? Ipaliwanag. ( 2 puntos) TAKDANG- ARALIN Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Ito ay paghahanda para sa Aralin 4.
1. Malaking habag 2. Alibugha 3. Kinasuklaman 4. Di manaw sa isip 5. Alipusta