You are on page 1of 1

Ano ang kahalagahan ng komunikasyon sa aspetong global?

Ang pandaigdigang komunikasyon ay direktang apektado ng proseso ng globalisasyon at


tumutulong upang madagdagan ang mga opurtunidad sa negosyo, alisin ang mga hadlang sa kultura at
bumuo ng isang pandaigdigang nayon. Parehong globalisasyon at pandaigdigang komunikasyon ang
nagbago sa mga elemento ng kapaligiran, kultura, pampulitika at pang ekonomiya ng mundo. Masasabi
kong napakahalaga ng komunikasyon sa aspetong globalisasyon sapagkat masasalamin sa modyul na
ang globalisasyon ay ang lumalaking pagtutulungan ng mga ekonomiya, kultura, at populasyon ng
mundo na dulot ng teknolohiya at daloy ng pamumuhunan, mga tao, at impormasyon sa tulong ng
komunikasyon lalong lalo na ang teknolohiya. Ang internet ay naging malakas din sa likod ng
globalisasyong pangkultura na nagbibigay-daan sa ibat-ibang mga kultura mula sa boong mundo na
maisama nang mas epektibo. Sa katunayan, ang teknolohiyang ito ay tumutulong upang masira ang mga
hadlang sa kultura sa mga paraang hindi kailanman magiging possible bago ang internet. Sa makatuwid,
ipinapahayag nito na ang kakulangan sa teknolohiya ay siyang patunay lamang na hindi maganda ang
epekto ng kakulangan ng komunikasyon sa aspetong global.

You might also like