Professional Documents
Culture Documents
Ang Panitikan Sa Panahong Kasalukuyan
Ang Panitikan Sa Panahong Kasalukuyan
Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga
kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at
ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa
mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng
ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang
nasasakop.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang
ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa
pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa
nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman
ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa
pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula,
palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang
Kristiyanismo. Nauso rin angcarillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw
sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre
Modesto de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang
Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit
noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang
Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t
ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-
alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan
ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at
naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila.
Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at
Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL),
Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio
Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
Pananakop ng Amerikano
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino
sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang
mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga
oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga
talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at
nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata
ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may
panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa
sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang
“Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami
pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng
mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre)
ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga
lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at
ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa
bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may
underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa
pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula
ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 –
ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang
itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa
tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon
at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang
paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa
ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Pananakop ng Hapon
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-
feministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na
5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na
taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito
ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni
Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba.
Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga
inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng
Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio
Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang TV
at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda.
Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at
nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan
sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre
ng pelikula gaya ngindependent flims at cinema veritae film.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng
panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga
universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga
kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi
magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat;
kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na
katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng
buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumusindak sa akin.
Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawasak sa aking kasalukuyang sarili at
gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay
na ito'y namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking
sarili kapag nagkaganoon! Ang puso ko'y di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang
kaaway na kinasusuklaman ko,pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking
hindi ko kinasusuklaman.
Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan,
Wataru Saemonno-jo, mula't sapul pa'y kilala ko na ang kanyang magandang mukha.
Nang matuklasan kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho.
Pero ngayon, ang panibugho ko'y napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o
puso. Kaya para sa aking karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin.
Manapa, mabuti ang isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa,
kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng
simpatiya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa
ito,pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at
nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang
gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig
ako sa pagkamasuyo ng isang
lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang
masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay
nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan.
Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang
baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon
ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong
motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga
hangaring makalaman kahit noong mga panahong ako'y wala pang bahid-dungis. Kung
mapahihitulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanya'y hindi hihigit pa sa isang
sentimental na bersyon ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga
pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad.
Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming
ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa
kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala ng lubos.
Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumugimbal
sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayo'y itinatanong kong muli sa akinsarili, "Mahal
ko ba siya talaga?"
Nangmakita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ng
pagkakayari ng Tulay ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para Makita siya nang
patago. Sa huli'y nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kundi inangkin
ko pa ang kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang
panghihinayang na di ko siya nakilala nang pisikal ay hindi ang tanging nangingibabaw sa akin.
Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na
malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking hangarin ay
pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ay
hindi siya ang inaasahan kong magiging siya. Nang magkakaupo kaming magkaharap,
natuklasan ko na hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa
nakaraang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang
kanyang mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos, ay pinaglahuan na ng
malaking bahagi ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niya'y
nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang
malilinaw, bilog,maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal
ako, at sa kabila ng aking damdamin ay di ko napigilang iiwas ang aking mga mata.
kalibugan mismo na ni hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng
iyon. Marahil ay walang lalaking umarkila ng babae sa isang bahay-putahan na magiging mas
hamak pa sa akin nang mga sandaling iyon.
Ano't anuman, batay sa ganyang iba't ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O,
manapa, inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbalik sa unang tanong na binitiwan ko, hindi ko na
kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat,
sapilitang ibinangon ko siya aking mga bisig- ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang
kanyang sarili. At nagmukha siyang mas walang dangal kaysa sa akin. Ang kanyang
"Patayin natin si Wataru," bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang
napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob na inihiga ko sa tainga niya angnakaraang
hangarin ko ns hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Ano't
anuman, "Patayin natin si Wataru," bulong ko, at tiyak na tiyak na bumulong ako nang
nagtatagis ang mga ngipin, sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko
masasabi kung ano ang nag-udyok sa akin para gawin ang padalus-dalos na bagay na iyon. Ang
tanging naiisip ko bilang paliwanag ditto ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan,
at habang tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na
mawasak ko ang kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin
ang asawang ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang kanyang pagsang-ayon
mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad sa isang lalaking binabangungot,
nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na hindi ko gusto.
Kung iyan ay hindi sapat para ipaliwanag ang aking motibo sa pagmumungkahing patayin si
Wataru, wala nang paliwanag na dapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyaga sa
mga mortal (marahil ay demonyo o diyablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan.
Nagpupumilit at paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoo't ganoon ding bagay sa tainga niya.
Sa huli'y nag-angat siya ng mukha at sinabi, "Oo, dapat mo ngang patayin si Wataru." Hindi
lamang ako nasorpresa sa biglang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang
kinang sa kanyang mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil na babae-iyon ang naging tingin
ko sa kanya. Gumuhit sa nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at paghihilakbot- at oo,
pagkasuklam. Kung maaaari lang ay
agad kong nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago na ang
kanyang anyo, na para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na
kalagayanng pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na
paghigantihan niya ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi ko sa usapan. Ngayon, ang
takot na ito'y mahigpit at matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking
karuwagan. Ito ang gawa ng isang hindi nakaaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo.
"Kapag hindi ko pinatay ang kanyang asawa, papatayin niya ako sa kahit na anong paraan.
Kailangan kong patayin ang kanyang asawa at kung hindi'y papatayin niya ako," desperadong
naisip ko, sa pagkakatingin ko sa kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos
kong bitiwan ang aking pangako, hindi ba may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at biloy na
gumuhit sa kanyang maputlang pisngi? Ay, dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito,
idadagdag ko ang krimen na buktot na pagpaslang sa pinakamaitin na pusong maaaring maisip.
Kung tatalikuran ko ang nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi…. Hindi,
ipinagbabawal
iyon ng aking pangako. Lagpas ito kaya kong batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang
paghihiganti. Totoong-totoo ito. Pero may iba pang nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Ano ito?
Ano ang malaking kapangyarihang iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na "ako," para
patayin ang isang inosenteng
lalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posibleng… Hindi, hindi maaari.
Pinandidirihan ko siya. Kinatatakutan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero gayunpaman,
maaari ring dahil mahal ko
siya.
Si Morito, na patuloy sa paglalakad, ay hindi na nagsalita pa. Ang pag-awit ng isang balada ay
pumailanlang
sa gabi.
Ang isipan ng tao ay nasa dilim, Walang ilaw na makapagbigay-liwanag.Nagsisindi ito ng apoy
ng makamundong paghahangad, Upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap.
IKALAWANG
Gabi, sa ilalim ng isang lampara, nakatayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang
malalim at kagat-kagat ang Manggas ng kanyang kimono.
Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang
marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating…
Araw-araw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan
at kasamaan. Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng
kahihiyan ko. Gayunma'y kakailanganin kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay
dadalhin ko hanggang kabila ng libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula
noong nakaraang araw, iyon na ang aking pananalig. Natatakot siya sa akin. Kinasusuklaman
niya ako't pinandidirihan, gayunpama'y natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko lang
ay ang sarili ko, hindi ako makasisiguro sa kanya.Pero maasa ako sa kanya. Umaasa ako sa
kanyang pagkamasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na pinipukaw ng pagkamakasarili sa
kanya.
Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang!
Hanggang noong tatlong taon na ang nakararaan ay may tiwala ako sa akong sarili, at higit sa
lahat, sa aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin nating "hanggang noong araw na
iyon" kaysa "noong tatlong taon na nakararaan". Noong araw na iyong makita ko siya sa silid ng
bahay ng aking tiya, isang sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitan na
nasasalamin sa kaniyang isip. Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala mo'y
walang problema. Pero paano pa maaaliw ang puso ng isang babae sa sandaling matuklasan
niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao? Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di-hamak na
mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking
kamusmusan sa mag bisig ng aking tagpag-alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos
na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap at
Ang pagka-inis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luha sa aking mga mata sa
kabila ng pagsisikap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan
ako ng dangal, higit sa lahat ay nahihirapan ako't nagdurusa dahil ako'y pinadidirihang tulad sa
isang asong ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon?
Ang meron lang ako'y ang pinakamalabong ala-ala niyon na para bang isa iyong bagay sa
malayong nakalipas. Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong,
"Patayin natin si Wataru," at dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang ako'y
humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla ako't
lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag.
Bakit hindi, hindi ba ako inaliw ng mga salitang ito? Ay, hindi ba ako - hindi ba ang isang babae'y
isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki sukdulang patayin niya
Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may malungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa
asawa?
Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing "noon lang".
Hanggang sa mga oras na iyon, ang isip ko'y buung-buong nakatuon sa aking sarili atsa aking
kahihiyan. Pagkaraa'y nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang
na nang sandaling maalala ko ang kanyang mukha, gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga
sandaling iyon ay disidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang
huminto na ako sa pag-iyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para
matagpuan ang kapangitan kong nasasalamin doon, dama ko'y naglahong lahat ang aking
kaligayahan. Ipinagunita nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama
ang aking tagapag-alaga. Iyon, tulad ng nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang
ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking kaligayahan. Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking
asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng
pangangatuwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil
walang tapang na magpakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring makapag-iwan ng
magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong
palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, hindi ba ako
nagpaplanong ipaghiganti ang aking sarili laban sa pagkamuhi sa akin ng aking kalaguyo, sa
kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap
sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap na tulad sa mapulang liwanag ng buwan,
at nagpalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamhati. Mamamatay ako, hindi para sa aking
asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa
pananakit niya sa aking puso at para sa aking hinanakit sa pagdungis niya sa aking katawan. Ay,
hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay.
Pero ngayon, gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan, kaysa
mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa.
Dahil matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang
mangyayari kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na
pagkatapos niyang mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag
naiisip ko na ang mga dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas
ngayong gabi, nakakahinga ako. Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ng kanyang malamig na
liwanag sa aking katawang walang ulo. Kapag nakita iyon ng aking asawa, siya'y… hindi, hindi ko
siya iisip. Mahala ko ng aking asawa. Pero wala akong lakas na gantihan ang kanyang pag-ibig.
Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At ang lalaki iyon ay darating ngayong gabi para
patayin ako. Kahit ang gaserang ito'y napakaliwanag para sa akin, akong pinahihirapan ng aking
mangingibig.
Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang
Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t
maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang
sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi
ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng
Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang
araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang
panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o
apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong
ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon
ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking
mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabi’t araw
kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam
kong para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang
ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin;
at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga
taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was
akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan,
mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-
silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang
kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang
salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi
maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at
kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng
mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin
kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing
sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na
kapatid na lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay
isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang
kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin
mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may
edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay
umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga
anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t
nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa
tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa
Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala,
kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil
na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming
kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw
para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang
ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung
sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming
na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang
naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga
kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na
nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay
lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan
ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng
panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit
niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga
pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang
ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon.
Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa
isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari
nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang
Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang
naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay,
pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng
pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng
mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari
noon. Nasindak ang “mundo” nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala
pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa
amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig
kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o
malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig
kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa
sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang
pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin maiibigan ang
isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata
maaring mangyari iyon. Mahhigpit na pinaghihiwalay ang mga kababatang babae at
lalaki, at kailanma'y hindi pinapayagang magkakilala.
Katuturan
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.
Kahalagahan ng Wika
Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Fonema = a
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap
upang maging malinaw ang nais ipahayag.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang
ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng
mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung
sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan
at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa
naturang wika.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit
katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang
matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di
pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig
sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang
idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng
fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman,
mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago
ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika
kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya
bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang
[jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi
maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon,
napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng
wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi
bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin
matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang
komunidad sa bansa.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi”
ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.
Antas ng wika
A. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang
formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
B. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua
franca ng mga tao
C. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
D. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga
salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/
para sa 'pare'
E. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat
at ermat’ at ‘cheverloo’.
F. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno,
sa korte at iba pang venyung profesyunal
Kaninang umaga ay pinilit kong magising dahil isa ako sa mga lalaban sa digmaang ito.
Sadyang mahirap bumangon sa kama dahil hindi maayos ang aking pakiramdam. Ako
ay bumangon at bumaba na mula sa aking kwarto. Naghanap ako ng susuutin at naligo
nako. Nagayos ako ng buhok at nagbihis na. Umalis na ko at pumunta sa kampo ng
aming grupo. Naabutan ko silang naghahanda na para sa kanila ding sasabakang
labanan. Makikibaka na kami ngunit meron akong napansin. Wala kaming masyadong
sandata. Hindi ito sapat para manalo sa ngayon. Hindi ganitong uri at dami ng mga
sandata ang dati ko nang nakita. Hindi din handa ang mga kawal na sasabak dito. Hindi
sila sabay sabay. Kulang sa pageensayo. Kulang.
"Ang mga tao ay may iba't ibang prioridad. Hindi sa lahat ng panahon ay prioridad mo
ang sarili mo. May mga taong inuuna ang iba kesa sarili ngunit ang ibang iyon ay hindi
ka kayang bigyan importansya kung minsan."
Naisip ko din na hindi pala dapat ako nakikielam sa relasyon ng iba. Hayaan ko silang
gawin ang kanilang gusto, gumawa ng masama, mabuti at hindi tama. Sinisigurado ko
naman na malaki ang magiging balik ng mga ito sa kanila at sila ay matututo.
Sumabak kami sa labanan. May magagaling at meron din naman na hindi. Umasa
kaming mananalo. Ngunit hindi sapat ang aming taglay na lakas para talunin sila.
Umuwi man kami ng luhaan nananatili pa rin ang mga tigre sa aming mga damdamin
na hindi pa rin tapos ang laban. May susunod pa. Habang may buhay may
pakikipaglaban. Habang natatalo ay may natutunang bagay.
Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na
ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre
Camorra at tumayo na.
Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang
itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang
kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat
limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at
pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at
paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga
tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na
lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na
hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral),
sa limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na
mapabilanggo sa isang tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan;
isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang
madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa. Sa kakaibang
kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang
Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa
kanyang mga hiling.
Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni
Simoun.
Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.
Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pa’t
manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan.
Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa
salas). Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal
niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging sinasalungat ang heneral ng
Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli. Nagbigay ng payo si Simoun.
Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili
noon. Ito ang nasunod.
Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang
lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga sabungan. Kung simpleng
araw daw ay nakatiwangwang lamang.
Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak na
paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng
pagpapasiya. Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang
balak ng kabataan.
Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga
Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na
tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol
si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita.
Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga- tangkilik na isang
kondesa kaya’t di ito pinag-usapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon
kay Padre Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na
nakaaalam(ngunit wala si Padre Salvi.) Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may
ama itong napatay sa isang paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng
heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre
Fernandez, Padre Irene at Don Custodio.
Tumutol si Padre Camorra: Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng kastila at pagnatuto
ay makikipagtalo sa mga kastila.
Ani Padre Sibyla: Hindi pinag-uusapan dito ang pagtuturo ng kastila: dito ay may isang
lihim ng paghahamok ng mga estudyante at ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Pag
nasunod ang kanila, natalo kami (mga Dominiko), yayabang ang mga iyan at tuloy-
tuloy na. Pagkatapos naming bumagsak, isusunod nila ang Pamahalaan.
Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko: Pulitikahin natin sila para di nila
masabing tinalo nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at
purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami
sila. Kailangan natin sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang bayan. Ngunit
bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante.
Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita.
Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang
magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang
sabihing nakahanda na ang pananghalian.
Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay
humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. Kumatig si Padre
Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.
Password
Naaalala ko noong December 22, 2007 nagtext siya sakin. Tinatanong kung pwede kaming magkita.
Sumagot ako ng "oo". NAgkita kami sa Mcdo sa may South. Naupo kami sa dulong upuan, sa may ibaba
ng aircon. Nagorder kami ng Float. MAy binigay siyang papel sakin. Nakasulat dun, kung papapiliin daw
ba ako ano gusto kong maging kami?
a. kapatid... so on and so forth.. pinili ko kapatid kasi feeling ko naman nung una ayaw talga niya sakin.
Tapos bigla na lang niyang tinanong pwede na lang daw ba bf? Gulat ako nun... tapos napasabi ko na
lang na "ok". simula non naging kami na... mahal ko talga sya shet. ngayon hindi na kami masyadong
naguusap. bihira na lang kasi malayo na siya.... :( Pag naririnig ko ang kantang First Love naaalala ko pa
rin siya. Hindi ko alam kung pano makamove on. Lagi ko pa naman siyang nakikita na naglalakad pag
nasa jeep ako. Tapos nung minsang nagkasalubong kami nag Hi siya sakin. Tumibok ng mabilis puso ko.
Kinabahan ako. Pero hindi ko alam kung bakit. Naranasan ko pa nung nasa Sm Val ako. Naglalakad akong
magisa, bigla akong kinabahan, paglingon ko sa likod ko, nakita ko siyang naglalakad. Haist buhay nga
naman. Punong-puno ng kabiguan. Pero wala na tayong magagwa dahil nangyari na yun. Kung iiyak ba
tayo ay babalik siya? Siguro babalik siya dahil naaawa siya sa atin, hindi dahil mahal pa niya tayo. Kaya sa
mundong ito, kailangan nating maging malakas, dahil wala namang ibang tutulong satin kundi ang sarili
lang natin. Kailangan talaga natin laging ngumiti sabi nga sa isang tula na "desiderata", "Be CHEERFUL,
strive to BHE HAPPY".. I LOVE YOU PASSWORD... :*
Istorya ni Simoun:
Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang
nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang
kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya.
Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang part
eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak.
Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong
pagpapadali sa pagkabulok nito.
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot,
may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko
mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan,
di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang
sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang
ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko
na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin
ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa
labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong
saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang
sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon
ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon?
Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko
pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung
hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina,
“Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako
po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa
aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang
pulis.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa
aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay
saan pa ako pupunta?”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni
Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata
Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang
pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng
mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa
upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang
kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa
kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang
mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa.
Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong
amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang
malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran
po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko
pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang
ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako
po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’
tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay
nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng
maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na
katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama
ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at
din pa tumitinag sa upuan.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata
Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo,
nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag
sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-
uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa
loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid
niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at
nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na
siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng
maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked.
Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya
ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo
nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga
iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay
na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y
nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa.
Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop
na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata
Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang
damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang
mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka
nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang
siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod
na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y
tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa
bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.
Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y
saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang
lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila
lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig
sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng
alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
ang lahat ay kihuan na sa kanila...
Posted by KADIPAN
Labels: rogelio sikat, tata selo
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot,
may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko
mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan,
di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang
sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang
ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko
na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin
ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa
labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong
saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang
sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon
ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon?
Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko
pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung
hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina,
“Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako
po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa
aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang
pulis.
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na
maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang
mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa
aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay
saan pa ako pupunta?”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni
Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata
Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang
pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang
kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa
kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang
mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa.
Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong
amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang
malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran
po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko
pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang
ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako
po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’
tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay
nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng
maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at
din pa tumitinag sa upuan.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata
Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo,
nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag
sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-
uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa
loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid
niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at
nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na
siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng
maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked.
Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya
ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo
nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga
iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay
na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y
nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa.
Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop
na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata
Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang
damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang
mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka
nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang
siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod
na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y
tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa
bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.
Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y
saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang
lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila
lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig
sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng
alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
ang lahat ay kihuan na sa kanila...
(Tula/Pampango)
Salin ni Olivia P. Dantes
“Pabanua”
Ni Diosdado Macapagal
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/babang-luksa.html