You are on page 1of 2

MIRANDA, SHARMAINE C.

BSA-3A

M1- Panghuling Gawain


Pagsusuri sa tulang “KUNG SAKALI” ni Ysai Carinio

Ang paksa ng tula na pinamagatang “KUNG SAKALI” ni Ysai Carinio ay patungkol sa


isang tao na patuloy na umaasa sa pagbabalik ng kaniyang minamahal. Ang nilalaman ng tula
ay malinaw na inaalay niya sa kaniyang dating kasintahan at kabilang dito ang pagpapakita
ng labis niyang kalungkutan at pangungulila nang iwan siya nito.

Bukod sa kalungkutan, makikita rin ang pangungulila, pakikiusap, pag-alala sa


nakaraan at umaapaw na pagmamahal ng may-akda na siyang naging daan upang makagawa
ng madamdaming tula. Batay sa tula, ang patuloy na umaasang may-akda ay iniwan ng
kaniyang dating kasintahan kasabay ang pagbitaw ng pangako sa kaniya at pagkadurog ng
kaniyang puso.

Gumamit ang may-akda ng hangin, puno, buhangin at alon bilang mga instrumento na
magtutulay sa kaniyang nararamdaman patungo sa kaniyang minamahal. Gamit ang mga ito,
ay nailarawan niya ang kaniyang pagkapit sa posibilidad na may pag-asa pa silang dalawa. Sa
bungad na panimula ng kaniyang mga taludtod, makikita ang Teoryang Imahismo, kung saan
binibigyang larawan niya ang kaniyang mga mambabasa sa mga bagay na nagbabakasakali
niyang gawin upang bumalik sa kaniya ang kaniyang minamahal sa pamamaraang patanong.
Pinapakita rin sa panimula na mga taludtod na umaasa ang may-akda sa pagbabalik ng
kaniyang kasintahan ngunit kalakip nito ang mga panandang pananong na kumakatawan sa
pag-aalinlangan at pangamba na wala na talaga silang pag-asa na magkabalikan.

Ang sining ng pag-ibig ang siyang nangingibabaw sa tula ng may-akda, ipinakita ang
kaniyang paninindigan na hindi marunong tumalikod sa relasyong napagsamahan at ang
katatagan ng loob na kayang gawin ang lahat; ngunit siya ay may kawalan din ng tapang sa
pagharap ng katotohanan at realidad na ang relasyong minsa’y pinagsaluhan ay tuluyan nang
nauwi sa wakas. Gayunpaman, malinaw na pinapakita ng kabuuang tula ang tradisyunal na
Teoryang Romantisismo dahil naibigay nito ang madamdaming nag-aalay ng kaniyang
sagarang pagmamahal sa isang tao.
Karagdagan nito, makikita rin sa tula ang bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamalungkot dulot nang maghiwalay sila ng kaniyang kasintahan at kabilang ang kaniyang
pinakamasayang ala-ala sa kaniyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pinakamalungkot at
pinakamasayang karanasan ng may akda ay maituturing kabilang sa Teoryang Bayograpikal na
nagpapakita ng layunin maipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.

Ang kabuuan ng tula ay hindi kinakailangan ng higit na malalimang pagsusuri dahil ito ay
hindi ginamitan ng mga matatalinhagang salita bagkos ay puro mabababaw na termino ng mga
salita lamang. Ito ay marahil sa labis na kagustuhan ng may-akda na maibahagi at mailabas ang
kaniyang saloobin at higit sa lahat, ay ang pag-asang maging daan ito upang maiparating ang
kaniyang damdamin sa taong nang-iwan sa kaniya.

Bilang pangwakas, ang tula ng may-akda ay nagpakita ng bisang pangkaisipan, bisang


pandamdamin at bisang pangkaasalan. Sa tulang ito, napagtanto ko na bago pumasok sa isang
relasyon ay dapat itong pinaghahandaan, dahil kaakibat nito ay responsibilidad at paninindigan
sa pagitan ng dalawang magkasintahan. Bilang mambabasa, naramdaman ko ang sakit ng taong
umibig ng sukdulan ngunit kaakibat nito ang kapupulutan ng mahalagang aral na habambuhay ay
tatatak sa aking isipan. Ang mensahe ng tula ay patungkol sa pag-ibig, pag-asa, at paninindigan
ng isang taong nagmamahal. Naniniwala ako sa kasabihan na “Hindi ka nagmamahal, kung hindi
ka nasasaktan” dahil ang pagmamahalan na sinusubok ng panahon, ang mas lalong pinagtitibay.
Maaaring ito ay hindi naaangkop sa iilang magkasintahan dahil nauuwi sa hiwalayan, ngunit sila
parin ay minsa’y naging daan upang mas makilala at mapagbuti mo ang iyong sarili. Masarap
magmahal dahil nabibigay nito ang walang katumbas na kasiyahan, kung kaya’t sa bawat patak
ng luha dulot nito, ay hindi kayang palitan ang mga masasayang ala-alang nabuo.

You might also like