You are on page 1of 2

Allan Lloyd M.

Martinez Oktubre 19, 2020


BSED Filipino II G. Ryan
D. Raran

PAGSUSURI SA WALANG PANGINOON


Ang “Walang Panginoon” ay isang maikling kwento na isinulat ni Deosgracias
Rosario tungkol sa isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa
mayamang asenderong si Don Teong, ang kontrabida sa buhay ng kanyang pamilya na
naging dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawa niyang kapatid at
kasintahan ni Marcos na si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni
Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa kanyang ina ay
matagal na sanang wala sa mundo ang nasabing kaaway. Para kay Marcos, ang pang-
aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi
pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Ang masaklap pa, nagbabayad ng
buwis si Marcos sa kanilang lupang sinakahan kahit ito ay minana pa sa kanilang mga
ninuno. Lalong nangingibabaw ang galit ni Marcos laban sa mayamang asendero nang
malaman niyang sumakabilang buhay na si Anita dahil sa magmamaltrato nito na
naging dahilan ng ikinamatay nito. Lalong tumindi ang kanyang galit nang dumating ang
isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan at alam
niyang si Don Teong ang nasa likod ng lahat ng pananamantala nito. Dahil dito,
gumawa ng paraan si Marcos para manmanan at higantihin si Don Teong. Nagbihis
siya na kagaya ng mayamang asendero at pinag-aralan ang lahat ng kanyang mga
kilos. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang
si Don Teong. Kinabukasan, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong.

Batay sa takbo ng kwento, ang lenteng panitikan na nangibabaw nito ay ang


sosyalistang realismo dahil mapapansin natin sa tagpo ng kwento na nangibabaw ang
pagiging makapangyarihan ni Don Teong laban kay Marcos na nagdulot ng kawalan ng
kanilang kalayaan dulot ng mga pangyayari sa mga nakapaligid sa kanya. Nangibabaw
din nito ang teoryang naturalismo dahil sa pangingibabaw ng emosyong mayroong si
Marcos upang maghiganti laban sa pananamantala ng asendero sa kanyang pamilya at
syota nito.

Bilang patunay sa sosyalistang realismo, ipinakita sa kwento ang pagiging


makapangyarihan ni Don Teong laban kina Marcos dahil sa pang-aapi na ginawa sa
kanyang pamilya na naging dahilan ng pagkamatay sa sama ng loob ang ama nito at
dalawa pang kapatid nito. Ang kasintahan ni Marcos na si Anita ay namatay rin dahil sa
pamamalupit na ginawa ni Don Teong sa kanya. Umabot sa punto na pinaalis si Marcos
sa kanilang lupang sinakahan na sinasabing minana pa ito mula sa kanilang mga
ninuno. Lahat ng mga nakikita sa kwento ay totoong nangyayari sa realidad dahil may
mga taong namaliit sa iba dahil sila ay mataas pa sa kanila. Mayroong ibang
mayamang namaliit ng mahirap dahil sa akala nilang di nila kayang mapantayan ang
estadong mayroong sila kumbaga nangibabaw ang pagiging matapobre sa kanila.

Bilang patunay sa teoryang naturalismo, binibigyang diin ang katangiang likas ng


tao na higit pa sa kanyang katangiang moral nang sumiklab ang matinding galit ni
Marcus kay Don Teong dahil sa pagpapahirap na kanilang naranasan mula sa
asendero. Dahil sa matinding galit ni Marcus, nauwi ito sa hindi magandang pag-iisip
ngunit sa huli ay hindi siya ang nakapaslang kay Don Teong kundi ang kalabaw nito na
sumungag nito. Sa tagpong ito ng kwento ay nangibabaw ang likas na katangian ng tao.
Sa realidad, minsan ay hindi natin makontrol ang ating emosyon dahil sa mga
pangyayaring hindi umaayon sa atin. Kung may tampuhan o kaaway sa kapwa,
nangibabaw ang ating galit kung kaya’t minsan ay gusto natin maghiganti sa kanila.
Kadalasang nangyari ito sa mga magsyota dahil sa selos o sa pamilya dahil sa pinag-
aagawang mana kaya’t umaabot sa punto na makagawa ng masamang bagay o krimen
na siyang mauwi sa pagkabilanggo.

You might also like