You are on page 1of 14

Alcansare, Jhon Junard G. BSED-Fil.

III

I. Pamagat: Pandiwa

II. Mag-aaral na gagamit: Ikapitong Baitang

III. Lagom – Pananaw:

Ang modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa iyo. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral ng mga pandiwa. Nakapaloob dito ang tatlong aspekto ng pandiwa
sa pamamagitan ng mga gawain sa pagkatuto. May mga pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo
ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

IV. Mga Layunin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Makilala ang mga pandiwa.

2. Matukoy ang salitang-ugat at panlapi sa pawatas ng pandiwa.

3. Matukoy ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap.

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral

1. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit pagkatapos sagutin, iwasto ito.

2. Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin ang mga pagsasanay at iwasto
rin ang mga ito. Kung handa ka nang sagutin ang pangkalahatang pagsusulit. Kung hindi naman, muli
mong balikan ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin muli ang pagsasanay.

3. Iwasto ang mga gawain sa pagkatuto at ang kasagutan sa pangkalahatang pagsusulit o pagsasanay.

VI. Mga Kakailanganing Kahandaang Gawi:

Bago mo simulan ang modyul na ito, nararapat na alam mong pumili at kumilala ng mga pandiwa.
VII. Paunang Pagsubok

Ikahon ang mga pandiwa ng mga sumusunod na pangungusap

1. Nanood ng sine si Rey kahit malakas ang ulan.

2. Malakas na sumigaw ang natakot na babae.

3. Susulat ako sa iyo sa isang Linggo.

4. Si Vina ay naghiram ng aklat sa kanyang guro.

5. Kailangan ang pag-iingat lalo na kapag bumabagyo.

6. Nagdasal si Marian sa Mahal na Birhen.

7. Magalang na sumasagot sa nakatatanda ang mga batang iyon.

8. Iinom ako ng gatas mamaya.

9. Sasali ka ba sa paligsahan sa pag-awit?

10. Ang inahin ay hinabol ng tandang.

VIII. Mga Sagot sa Paunang Pagsubok

1. nanood

2. sumigaw

3. susulat

4. nanghiram

5. pag-iingat

6. nagdasal

7. sumasagot
8. iinom

9. sasali

10. hinabol

IX. Mga Gawain sa Pagkatuto

Aralin I

Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagpapakita ng kilos o galaw. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng


salitang ugat at panlapi. Ang pinagtambal na salitang-ugat at panlapi ay tinatawag na pawatas. Sa
pawatas makukuha ang mga pandiwa.

Hal.

Salitang-ugat panlapi pawatas pandiwa

Aral mag mag-aral mag-aral

mag-aaral

mag-aaral

Kain um kumain Kumain

Kumakain

kakain

Pagsasanay 1

Ikahon ang pandiwang ginamit sa pangungusap.


1. Nagtawag ng miting si tatay.

2. Sasabihin ng nanay ang balak niya.

3. Ang buong pamilya ay aakyat ng Baguio.

4. Pumalakpak ang mga anak.

5. Natuwa sila sa magandang balita.

6. Magsisimula nang maghanda ang lahat,

7. Dadalhin ng tatay ang kotse sa talyer.

8. Nag-usap ang nanay at mga anak tungkol sa mga pagkain at gamit na kailangan nila.

9. Ang dalawang anak na lalaki ay manghihiram ng tent sa kanilang lolo.

10. Napalukso sa tuwa ang magkakapatid sa kanilang pag-alis.

Mga Sagot sa pagsasanay 1

1. nagtawag

2. Sasabihin

3. Aakyat

4. Pumalakpak

5. Natuwa

6. Maghanda

7. Dadalhin

8. nag-usap

9. Manghihiram

10. Napalukso

Pagsasanay 2

Bilogan ang pandiwa sa pangungusap. Isulat ang salitang-ugat sa patlang at tukuyin ang panlaping
ginamit dito.
________ _______ 1. Si Mang Edgar ay nagpahinga sa duyan.

________ ________ 2. Kumain na si Rose ng almusal.

________ ________ 3. Bukas ay sasamahan kita sa kilala kong denstista.

________ ________ 4. Kahapon ay binigyan ng parangal ang aming punungguro.

________ ________ 5. Mahusay sumayaw si Sarah.

Mga Sagot sa pagsasanay 2

Salitang-ugat, panlapi

1. Pahinga, mag

2. Kain, um

3. Sama, han

4. Bigyan, in

5. Sayaw, um

Aralin 2

Pandiwa sa Aspektong Naganap

May iba’t-ibang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa. Ang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa
ay tinatawag na panahunan o aspekto.

Ang mga pandiwang naapula, nasunog, nakinig, natupok, kumalat at tumuntong ay mga kilos na tapos
na o nangyari na. Ang mga pandiwang tapos na o nangyari na ay nasa aspektong naganap.

Ang mga salitang pampanahong kanina, kahapon, kagabi, noon at iba pa ay nagpapahiwatig na tapos
na ang kilos kaya

ginagamit ang mga ito sa aspektong naganap.


Narito ang paraan sa pagbubuo ng pandiwa sa aspektong naganap na.

1. Ang pawatas na may panlaping um at ang panahunang pangnagdaan o

aspektong naganap ay pareho.

Hal.

S. U. + panlapi = pawatas = naganap

inom + um = uminom = uminom

Ukain + um = kumain = kumain

2. Ang panlaping mag, ma, mang, sa isang pawatas ay magiging na, nag, nang

sa aspektong naganap

Hal.

S. U. + panlapi = pawatas = naganap

dapa + na = nadapa = nadapa

suklay+ mag = magsuklay = magsuklay

hingi + mang = manghingi = manghingi

3. Ang panlaping in sa isang pawatas ay magiging unlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig
at magiging gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig.

Hal.

S. U. + panlapi = pawatas = naganap

alis + in = alisin = inalis

mahal + in = mahalin = minahal

Pagsasanay 3
Bilogan ang pandiwang nasa aspektong naganap.

1. Ang mag-anak ay sama-samang nagdasal.

2. Sumama ba si Bantay sa bukid?

3. Tinupad ba ni Pang. Noynoy Aquino ang kanyang pangako?

4. Naglaro sa tubig-baha si Kisha kaya siya napalo.

5. Ako’y naghiram ng mga aklat sa silid-aralan

6. Naku, tinangay ng aso ang mga isda!

7. Mabuti’t huminto na ang ulan.

8. Nagluto ng sinigang si Crisostomo Ibarra.

9. Tinahi ni Aling Dodeng ang mga damit.

10. Ang Diyos ang nagligtas sa mga biktima ng kalamidad.

Mga Sagot sa pagsasanay 3

1. nagdasal

2. Sumama

3. Tinupad

4. naglaro/napalo

5. Nanghiram

6. Tinangay

7. Huminto

8. Nagluto

9. Tinahi

10. Nagligtas
Aralin 3

Pandiwa sa Aspektong Nagaganap

Ang pandiwa ay nagaganap din sa panahong pangkasalukuyan o ngayon. Ang kilos sa aspektong
nagaganap ay hindi pa tapos, bagkus nangyayari ngayon o ginagawa sa kasalukuyan. Ang mga
pandiwang tinatapos, nagsisimula, dumarating at nagmamadali ay nasa aspektong nagaganap.

Nakikilala ang mga pandiwang nasa aspektong nagaganap sa tulong ng mga salitang araw-araw, palagi,
tuwing, taun-taon at iba pa.

Ang pagbubuo ng pandiwa sa aspektong nagaganap ay ganito.

1. Alamin ang salitang-ugat at panlapi sa isang pawatas

2. Alamin ang unang pantig o unang dalawang titik sa salitang-

ugat.

3. Kung ang pawatas ay may panlaping um, ulitin lamang ang unang

pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal.

pawatas nagaganap

uminom umiinom

tumakbo tumatakbo

4. Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag o mang, gawing na, mag

at mang at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng

salitang-ugat.

Hal.

pawatas nagaganap

U mahilo nahihilo

magdasal nagdadasal
manghingi nanghihingi

5. Kung ang pawatas ay may panlaping in .

a). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig, ilagay ang panlaping in sa unahan at ulitin ang
unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. Alis + in = alisin = inalis

b). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig, gawing gitlapi ang in at ulitin ang unang pantig o
unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. Mahal + in = mahalin = minamahal

Pagsasanay 4

Bilugan ang pandiwang nasa aspektong nagaganap.

1. Ang mga manlalaro ay (nagsanay, nagsasanay) araw-araw.

2. (Natuwa, Natutuwa) ang mga mamamayan sa kinalabasan ng eleksyon.

3. Tuwing umaga, ang nanay ay (nanggising, nanggigising) ng mga kasambahay.

4. (Sumunod, Sumusunod) ka ba sa tuwina sa mga magulang mo?

5. (Tinutupad, Tinupad) ni Clara ang bawat pangako niya.

6. Ngayon, (mamamalas, namalas) ninyo ang pinakabagong imbensyon ni Dr. Joseph Dy..

7. (Inalis, Inaalis) ni Tony ang kanyang sapatos tuwing pumapasok sa bahay.

8. (Nahilo, Nahihilo) si Aling Emy ngayon.

9. Palaging (sumusunod, sinunod) sa utos ng ina si Kate.

10. Kasalukuyang (gamutin, ginagamot) si Aling Madel.


Mga Sagot sa pagsasanay 4

1. nagsasanay

2. natutuwa

3. nanggigising

4. sumusunod

5. tinutupad

6. namamalas

7. inaalis

8. nahilo

9. sumusunod

10. ginagamot

Aralin 4

Pandiwa sa Aspektong Magaganap

May mga kilos na mangyayari o magaganap pa lamang. Ang mga kilos na gagawin pa lamang ay nasa
aspektong magaganap. Ang mga pandiwang isusuot, bibili, pupunta at magluluto ay nasa aspektong
magaganap.

Ang mga salitang mamaya, bukas, sa isang Linggo, sa susunod na bakasyon ay mga hudyat na ang
pandiwa ay nasa panahunang panghinaharap o magaganap.

1. Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um at ulitin

ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal.

Pawatas magaganap
umiyak iiyak

tumayo tatayo

2. Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang at uulitin ang
unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal.

Pawatas magaganap

maupo mauupo

magdala magdadala

manghingi manghihingi

3. Kapag ang pawatas ay may panlaping in, ulitin lamang ang unang

pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal.

Pawatas magaganap

yakapin yayakapin

inumin iinumin

Pagsasanay 5

Isulat sa patlang ang aspektong magaganap ng pandiwang nasa loob ng panaklong.

(sumiklab) 1. Lumayo ka riyan at mukhang _____ na ang apoy sa siga.

( maghagis) 2. ________ ako ng barya sa mga batang Igorot.


(ganapin) 3. Sa aming bayan ____ ang popular na programa sa telebisyon.

(umindak) 4. Sabay-sabay tayong _____________ sa pagtugtog ng banda.

(makita) 5. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil _________ rin natin ang kanilang bahay.

( mangharana)6. Ang mga lalaki sa baryo ay __________ sa mga dalaga bukas ng gabi.

(gayahin) 7. Hinding-hindi ko ___________ ang masamang ugali niya.

(magturo) 8. Si Gng. Santos ay ______________ ng pagbasa sa mga mag-aaral.

(punitin) 9. _______ ko ang mga papeles na ito kung hindi mo ibibigy sa akon ang batang iyan!

(maguton) 10. Pag hindi ka kumain, tiyak na ____________ ka sa biyahe.

Mga Sagot sa Pagsasanay 5

1. sisiklab

2. Maghahagis

3. Gaganapin

4. Makikita

5. Iindak

6. Manghaharana

7. Gagayahin

8. Magtuturo

9. Pupunitin

10. Magugutom

X. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

Ilagay ang aspektong nawawala sa hanay upang mabuo ang anyo nito.

Salitang-ugat Naganap Nagaganap Magaganap


1. tuka

2. Aalis

3. Tumalon

4. Sumigaw

5.Kandirit

6. lumuluha

7.Awit

8. Kumaway

9. kikilos

10. sinalin

XI. Mga Sagot para sa Panukatang Pagsusulit

Salitang-ugat Naganap Nagaganap Magaganap

1. tuka Tumuka Tumutuka Tutuka

2. alis Umalis Umaalis Aalis

3. talon Tumalon Tumatalon Tatalon

4. sigaw Sumigaw Sumisigaw Sisigaw

5. kandirit Kumandirit Kumakandirit Kakandirit

6. luha Lumuha Lumuluha Luluha

7. awit Umawit Umaawit Aawit

8. kaway Kumaway Kumakaway Kakaway

9. kilos Kumilos Kumikilos Kikilos

10. salin sinalin sinasalin sasalin


XII. Pagpapahalaga

Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan sa modyul na ito? Naging matiyaga ka ba at naging


masigasig sa iyong pagsagot sa mga pagsasanay? Nauunawaan mo bang mabuti ang mga aralin? Kung
oo, binabati kita dahil natapos mo ang modyul na

ito nang may kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay maging kapaki-pakinabang ang susunod na
modyul na katulad nito sa patuloy mong pagkatuto.

You might also like