You are on page 1of 53

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
5
ARALING 11

PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Paraan ng Pananakop

1
Araling Panlipunan- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 2: PARAAN NG PANANAKOP
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author: Jann Michelle Emong Pacaldo
Reviewers: Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Joseph L. Galia, Principal
Regional Validator: Aldie Catherine C. Atienza, MT1-Division of Camiguin
Illustrator and Layout Artist: Ronald A. Catedral, Teacher-III
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Latecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

2
5
ARALING
PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 2:
Paraan ng Panakop

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

3
Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman

Lesson 2 PARAAN NG PANANAKOP


Alamin ........................................................................................................6

Lesson 2.1: Kristiyanisasyon

Alamin .........................................................................................................9
Balikan...........................................................................................................9
Tuklasin.........................................................................................................10
Suriin ............................................................................................................10
Pagyamanin ..................................................................................................12
Isaisip ............................................................................................................12
Isagawa...............................................................................................................................13

Lesson 2.2 : Reducciones

Alamin .........................................................................................................15
Balikan...........................................................................................................15
Tuklasin.........................................................................................................15
Suriin ............................................................................................................16
Pagyamanin ..................................................................................................17
Isaisip ............................................................................................................18
Isagawa...............................................................................................................................20

Lesson 2.3 : Pagbubuwis o Tributo


Alamin .........................................................................................................21
Balikan...........................................................................................................21
Tuklasin.........................................................................................................22
Suriin ............................................................................................................23

4
Pagyamanin ..................................................................................................24
Isaisip ............................................................................................................25
Isagawa...............................................................................................................................26

Lesson 2.4 : Sistemang Encomienda

Alamin .........................................................................................................27
Balikan...........................................................................................................27
Tuklasin.........................................................................................................28
Suriin ............................................................................................................29
Pagyamanin ..................................................................................................30
Isaisip ............................................................................................................31
Isagawa...............................................................................................................................32

Lesson 2.5 : Sapilitang Paggawa o Polo y Servicio

Alamin .........................................................................................................33
Balikan...........................................................................................................33
Tuklasin.........................................................................................................34
Suriin ............................................................................................................35
Pagyamanin ..................................................................................................36
Isaisip ............................................................................................................37

Buod ..............................................................................................................39
Tahahin..........................................................................................................40
Susi Sa Pagwawasto .....................................................................................43
Sanggunian ...................................................................................................50

5
Ang modyul na ito ay tungkol
Sa matagumpay na pagkatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas sa pamumuno ni
Miguel opez de Legazpi noong 1565, nagsimulang magbago ang kinagisnang pamumuhay ng
ga katutubong filipino na napasailalim sa kapangyarihang Espanyol. Sinasabing malaki ang
papel na ginampanan ng Simbahan o ang relihiyong dala ng mga mananakop sa tagumpay a
kolonyalismo. Gayundin, magpatupad ng iba’t ibang patakaran ang pamahalaang Espanyol
upang maging mas epektibo ang kolonyalismo. Gayunpaman, mayroon namang mga katutubo
na hindi nasakop at naipagpatulog ang kanilang paraang ng pamumuhay.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol
upang maipatupd ang kolonyalismo. Pangunahin sa mga patakarang ito ang Kristiyanisasyon,
reduccion, tributo, encomienda at polo y servicio o sapilitang paggawa. Tatalakayin din natin
kung ano ang naging epekto ng mga patakarang ito sa mga katutubo at kung ano ang naging
reaksiyon nila rito.

Alamin

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya

A. Kristiyanisasyon
B. Reducciones
C. Pagbubuwis
D. Sistemang encomienda
E. Sapilitang paggawa

6
Mga Icon ng Module na ito

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga


Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga
Balikan
mong natutunan sa nagdaang aralin na may
koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataon
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


Isagawa mailapat ang ioyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin
kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

7
Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang
ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga kaalaman o kasanayan sa aralin na natutunan. Ito
Karagdagang rin ay nagpapanatili ng mga natutunan na
Gawain konsepto.

Sagot sa Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang mga


mgaTanong aktibidad at pagtatasa.

8
Aralin PARAAN NG PANANAKOP
2.1 KRISTIYANISASYON
Competency: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa
kapangyarihan ng Espanya.
ArPan 5, Week 2-3 1st Quarter

Alamin

1. Naiisa-isa ang proseso ng Kristiyanisasyon sa katutubong populasyon sa ilalim ng kapangyarihan


ng Espanya.

2. Natutukoy ang mga natutuhang tradisyon ng mga katutubong populasyon sa ilalim ng


kapangyarihan ng Espanya.

3. Nailalarawan ang mga tradisyon ng katutubong populasyon sa ilalim ng Espanya.

Balikan

Panuto: Isulat ang masayang mukha (😊) sa patlang kung sang-ayon at malungkot na mukha
(☹)kung hindi ka sang-ayon sa pangungusap.
____1. Ang pagiging pulo-pulo ng Pilipinas ay naging sanhi para madali itong masakop ng Espanya.

____2. Dahil sa kolonyang Espanyol lalong naging mahigpit o nagkalapit ang pamilyang Pilipino.

____3. Isa sa dulot ng kolonyang Espanyol ay ang magulong pamumuhay.

____4. Naakit ang mga Pilipino na makipagkaibigan sa Espanya dahil sa ipinakita nilang
magagandang pakikitungo.

____5. Likas sa mga Pilipino ang pagiging makadiyos

9
Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salita na kaugnay ng pagiging
Kristiyano.
K A S A L Y O N
A L T A R K A O
N S B A O H B B
T A O P A R I E
A T A B E O N N
S I M B A N Y A
M I A E T B A K
S B I N Y A G O

Suriin

Gawain 1
Panuto: Tingnan ng mabuti ang mga larawan at sagutan ang mga tanong.

10
Source:https://www.veritas846.ph/walang-pakialam-
malasakit-sa-kapwa-hindi-tunay-na-kristiyano2/ Source: https://www.flickr.com/photos/garixrusty/6237557510

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa larawan?
2. Anu-ano ang mga ginagawa natin sa simbahan?

Gawain 2
Pagbasa ng Talata
Ang pinakamahalagang impluwensiya ng mga Kastila ay ang Kristiyanismo. Maraming
simabahang katoliko ang ipinatayo sa iba’t ibang pook ng bansa. Palibahasa’y likas na may takot sa
Diyos, madaling tinanggap ng mga katutubo ang relihiyong ito.
Natutunan ng mga Pilipino ang maraming kaugaliang panrelihiyon. Ang pagdiriwang ng pista
ay naging bahagi ng kulturang Pilipino. Natuto rin ang mga Pilipinong magsimba, magprusisyon, at
magnobena. Ang pagpapakasal, at pagbibinyag sa simbahan ay naging bahagi narin ng mga
kaugaliang Pilipino. Pinalitan ang kanilang mga pangalan ng Espanyol tulad ng Pedro, Juan, Carlos,
Maria, Juana, at iba pa.
Lubhang makapangyarihan ang mga prayle sa buhay ng mga katutubo. Ipinasunog nila ang
mga idolong kahoy at mga imahe ng mga anito.

Mga Tradisyon ng mga Pilipino


A. Pista - ipinagdiriwang ito upang parangalan ang patron ng bayan
- isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga anak.
- may sayawan, pagtitipon ng paputok, prosisyon at pagpapalabas ng moro-moro at
sarswela.

B. Pasko - ito ay upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesukristo na tagapagligtas ng


lahat.
- isinasagawa ito sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain, pagbibigayan ng

11
regalo, pag-awit ng masayang awitin.

C. Mahal na Araw - pag-alala sa mga paghihirap ni Jesus para sa kaligtasan


ng Sanlibutan.
- isinasagawa sa pamamagitan ng pagbasa ng pasyon at pagpapalabas
ng Senakulo.

D. Bagong Taon - pagdiriwang sa pagpasok ng panibagong taon.


- isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagluto ng malagkit na pagkain at
may mga prutas din.
- pagsisimba at pagpapaputok

E. Flores de Mayo at Santa Cruzan


- pagparada ng kadalagahan na may suot ng magandang saya at pailaw.
- isinasagawa ito upang alayan ang mga patron ng mga bulaklak.
Marami ring laro ang impluwensiya ng Espayol. Ang mga larong ginamitan ng Baraha tulad
ng Juego de Prenda at patintero at sipa, karera, lotenya at cara’y cruz.

Pagyamanin

Gawain A: Punan ang mga kahon ng datos ukol sa mga gawaing kristiyanismo.

MGA GAWAING
KRISTIYANISMO

12
Isaisip

1. Isa-isahin ang mga hakbang o proseso ng Kristiyanisasyon?


2. Anu-ano ang mga tradisyon nating mga Pilipino?
3. Anu-ano naman ang mga laro na namana natin

Tandaan:
Ang Proseso ng Kristiyanisasyon ay ang mga sumusunod:
●pagsunog ng idolong kahoy at imahen ng anito.
●pagbibinyag sa pangalang Espanyol
●pagsisimba, pagpapakasal
Mga Tradisyon:
● Pista ● Bagong Taon
● Pasko ● Flores de Mayo at Santa Cruzan
● Mahal na Araw

Mga Laro:

Isagawa

Gawain 1.
Panuto: Isulat kung anong proseso ng Kristiyanisasyon sa mga sumusunod na larawan.

13
1. 2. 3. Source: https://docplayer.net/57178680-Photo-by-
Source:https://pixabay.com/photos/bap Source:https://web.facebook.com/14935800108
tism-baptismal-font-church-2437529/ 90606/posts/ika-anim-na-araw-ng-pagnonobena- vic-manansala.html
para-sa-kapistahan-ng-kapanganakan-ng-mahal-
na-b/1912994858949117/?_rdc=1&_rdr
_____________________ ____________________ __________________

4. Source: https://xiaochua.net/2013/04/24/xiao-time-24-april- 5.
Source:
2013-fernando-amorsolo-ang-grand-old-man-of-philippine-art/ http://mysanpablo.blogspot.com/2010/12/pagpap
_____________________ ______________
akasal-sa-valentine-day.html

Gawain 2
Panuto: Buuin ang KWL chart.
K W L
Mga Tradisyon ng
mga Pilipino

Bakit ito isinasagawa?


a. Pista Paano ito isinasagawa?

b. Pasko Bakit ito isinasagawa?

Paano ito isinasagawa?

c. Mahal na Araw Bakit ito isinasagawa?

Paano ito isinasagawa?

14
d. Bagong Taon Bakit ito isinasagawa?

Paano ito isinasagawa?

e. Flores de Mayo Bakit ito isinasagawa?


at Santa Cruzan
Paano ito isinasagawa?

Aralin PARAAN NG PANANAKOP


2.2 REDUCCIONES

Competency: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya.
Alamin
ArPan 5, Week 2-3 1st Quarter

1. Nasasabi ang kahulugan ng reduccion.


2. Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng bahay na bato.
3. Nailalarawan ang panahanan ng mga Pilipino noon at ngayon.

Balikan Natin

Ano ang dahilan kung bakit napasailalim ang mga Pilipino sa Kristiyanismo?
Anu-ano ang proseso ng Kristiyanismo?
Anu-ano ang mga tradisyong namana natin sa mga Espanyol?

15
Tuklasin

Source:http://agathars1314.blogspot.com/2013/10/ang- Source: https://historyofarchitecture.weebly.com/bahay-na-


panahanan-ng-mga-pilipino.html bato.html

Ano ang masasabi mo sa larawan?

Ano ang iyong masabi sa tirahan noon at ngayon?

Alin sa dalawa ang nais mong tirahan?

Suriin
Iba ang anyo ng mga panahanan ng mga Pilipino nang dumating ang mga Espanyol sa
kapuluan. Layu-layo ang mga pamayanang Pilipino noon. Malaya ang mga Pilipino noon kung saan
nila gustong manirahan.
Ang mga hukbong militar ng Espanyol ang nagbigay-daan upang magtatag ng bagong
panahanan sa kapuluan. Nagsimula sila sa isang maliit na pamayanan sa kapuluan. Nagsimula sila sa
isang maliit na pamayanan na kanilang itinatag sa Cebu.
Ngunit hindi lamang ang mga kawal ng Espanyol ang nagkaroon ng malaking papel sa
pagtatatag ng panahanang Espanyol sa kapuluan. Mahalaga rin ang naging bahagi ng misyonerong
Espanyol sa layuning ito.
Dahil sa pagtanggap ng mga katutubo sa relihiyong Katoliko, minabuti ng mga paring
misyobero na tipunin ang mga tao sa isang lugar. Ang mga Pilipino sa mga barangay na nasakop ng
mga Espanyol ay inilipat sa mga bayan o pueblo na may nakatalagang misyonero. Ang mga pueblo
at mga kasamang barangay nito ang naging lokal na yunit ng pamahalaan, ginawa ng mga
kinauukulan ang lugar na pinaglipatan na isang pamayanan o sentro.

May iba’t ibang paraan ang ginawa ang mga pari upang mapabago ang panahanan ng mga
Pilipino.

16
1. Ang mga pamilya sa isang barangay ay pinagsama-sama sa isang lugar at tinawag
itong pueblo o kabayanan.
2. Ang mga nakatira sa baybaying dagat ng di mapaalis ay ginawang kabayanan o
kabisera.
3. Sapilitang pinalipat ng mga pari sa kapatagan ang mga Pilipinog nasa kagubatan at
kabundukan.
4. Nanatili sa kuweba at liblib na pook ang Pilipinong hindi narating ng mga pari.
Inaayos ang pueblo ayon sa batas kolonyal ng Espanya. Sa bawat pueblo makikita ang plaza
complex. Sa sentro nito ang plasa at sa paligid ang simbahan. Katabi nito ang convento at sa ibang
gilid ang mga bahay ng mga nabibilang na principalia. Mahalaga rin ang doctrina sa pagtatatag g
bagong pamayanan. Tumutukoy ang doktrina sa pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga
mamamayan. Ang reduccion ang naghanda sa mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal.
Sa pamamalagi ng mga Espanyol sa atin ay nagtayo sila ng mga bahay na bato at gusali
katulong ang mga Pilipino. Dito na nagsimulang mabago ang uri ng tirahan ng Pilipino na dati ay
ahay kubo lamang.Nagsimula ring gumamit bg tisa sa tahanaan at ang mayayamang katutubo ay
ganitong uri g bahay ang ipanagawa.

Mga Bahagi ng Bahay na Bato


 Balkonahe - lugar kung saan dito naghihintay ang bisita
 Sala - dito tinatanggap ang mahahalagang bisita na gamit ang mamahaling
kasangkapan at maari ring magsayawan
 Baňo - lugar na paliguan
 Entresuelo - nasa pagitan ng mga palapag at hintayan ng mga trabahador.
 Oficina o despacho - tanggapan para sa mga kasama o katulong
 Oratorio - lugar ng dasalan kung saan sama-samang nagdarasal ang pamilya
tuwing ika-anim ng hapon
 Letrina o comun - lugar na palikuran
 Azotea - lugar na katabi ng kusina at imbakan ng maraming tubig para sa
paglalaba at katayan ng mga hayop.
 Cuartors - mga silid-tulugan maging sa tanghali
 Cuarto principal - malaking silid na may-ari ng bahay
 Comedor - lugar nga kainan
 Cucina - makikita ang kalan at banggerahan
 Zaguan - tulugan ng mga katulog at nasa silong ng bahay

17
Pagyamanin

Tukuyin kung anong bahagi ng bahay na bato ang mga sumusunod na laraan.

1.Source:http://www.maryjanecabrera.com/ 2. 3. Source:https://www.realliving.com.ph/li
Source:https://financloansinvest.ru/tl/
2011/12/02/camina-balay-nga-bato-the- materialy/individualnye-proekty-ban- festyle/arts-culture/here-s-a-complete-
_______________
house-beside-the-river/ ______________
stroitelstvo-bani-iz-brusa.html ____________
list-of-the-46-parts-of-a-filipino-house-
a1618-20180821-lfrm

4. Source:https://historyofarchitecture
5.
Source:https://www.picuki.com/tag
6.
Source:https://historyofarchitecture.weebly.c
.weebly.com/bahay-na-bato.html /heritageph om/bahaynabato.html

_____________________ ________________ _______________

7. Source:https://historyofarchitecture.w 8.
Source:https://xiaochua.net/tag/bah
9. Source:
eebly.com/bahay-na-bato.html ay-kubo/ https://historyofarchitecture.weebly.com
/bahay-na-bato.html

_ ______________ ______________ ____________

10.
Source:https://89enriquezpoblacion.co
m/2019/01/17/oficina-o-despacho/

18
Isaisip
Tanong:
 Ano ang kahulugan ng reduccion?
 Ano ang tawag sa bagong panahanan ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol?
 Bakit nabuo ang reduccion?
 Sino ang namamahala dito?
 Paano ang naging ayos ng kanilang bagong panahanan?
 Ano ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa bago nilang panahanan.

Tandaan Mo:

Ang Reduccion ay ang paglilipat ng panahanan ng mga Espanyol sa isang lugar


para makabuo ng isang pamayanan. Mas madali nilang maituturo ang
Kristiyanismo kapag lapit-lapit ang tirahan.

Ang doctrina ay mahalaga sa pagtatag ng reduccion. Tumutukoy ito sa


pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan

Bahay na bato ang nabuo sa panahon ng Espanyol. Ito ay malaki at may iba’t
ibang katawagan ang bawat parte ng bahay.

Sa mga bahay na mayayaman ay maraming katulog at kakitaan ng mga


mamahaling kasangkapan kapag may mga panauhin.

19
Iguhit mo ang
pamayanan na

matatagpuan sa
ating Lungsod.

Isagawa

Gawain 1

Iguhit mo ang pamayanan na


matatagpuan sa ating Lungsod.

Gawain 2
Panuto: Basahin at sagutan ang bawat katanungan.

A. Bakit ginawa ang


reduccion?

B. Ano ang reaksyon ng


mga Pilipino dito?

C. Ano ang epekto ng

20
reduccion?

Gawain 3
Panuto: Lagyan ng bituin ( ) ang patlang sa bawat bilang kung ang pangungusap ay wasto at
araw ( )kung hindi.
____1. Inilipat ang mga Pilipino sa kanilang bagong tirahan sa tinawag na reduccion.
____2. Malaking tulong sa mga pari ang lapit-lapit ng tirahan ng mga Pilipino.
____3. Nasiyahan ang mga Pilipino sa bago nilang panahanan.
____4. Ang mga Pilipinong nakatira sa kweba at liblib na pook ay nahikayat na manirahan sa
kapatagan.
____5. Ang mga parokya ang pinakasentro ng kabesira.

Aralin PARAAN NG PANANAKOP


2.3 PAGBUBUWIS/ TRIBUTO

Competency: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng


katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya.
ArPan 5, Week 2-3 1st Quarter

Alamin

Sa araling ito inaasahang:

1. Naibibigay ang kahulugan ng tributo.


2. Nailalahad ang sistemang tributo sa panahon ng Espanyol sa Pilipinas.

21
Balikan

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salita.
1. Paglipat ng mga katutubong tirahan mula sa kalat-kalat at malalayong lugar tungo sa mga siksik
na komunidad.
o i d e u c
r c n

2. Kumbersyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo na nagsimula sa pagbibinyag

y r s i n a s s a y n
k T o

3. pinagdalhan sa mga katutubo

l u e o
p b

Tuklasin

Panuto: Gamit ang dayagram, isulat ang mga salita ang maaaring iugnay sa salitang buwis.

22
buwis

Pamprosesong tanong:
 Anu-ano ang mga salitang maiugnay sa buwis?
 Sinu-sino ang inaasahang magbabayad ng buwis?
 Sa inyong palagay, bakit kaya kailangang magbayad ng buwis?
 Sa anong ahensiya ng gobyerno na maari tayong magbayad ng ating buwis?
 Kailan pa nagsimula ang pagbabayad ng buwis? Mayroon na rin ba nito sa panahon ng
mga Espanyol?

Suriin

Source:https://xiaochua.net/2013/10/21/xiao-time-8-august-2013-intramuros-lungsod-sa-
loob-ng-mga-pader/

Ang Tributo

23
Upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamahalaan, ang mga Espanyol ay
nagpapakilala ng sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas. Ang paniningil nito ay nagsimula pa noon
panahon ng encomienda.
Ang tributo ay buwis na binabayaran ng mga Pilipino na nasa tamang gulang sa pamahalaang
Espanyol. Ang buwis sa pagkamamamayan ay tinawag na tributo.
Noong 1570, ang tributo na siningil aay nasa walong reales o isang piso. Itinaas ito sa 10
reales noong 1602 at sa reales noong 1851. ang isang pamilya na binubuo ng ama, ina, at mga anak
na menor de edad ay nagbabayad ng isang buong tributo. Ang mga lalaki at babae na nasa hustong
edad ngunit walang asawa ay nagbabayad ng kalahating tributo. Maliban sa salapi, maari ring ibigay
na ributo ang ginto, tela, bulak, palay, manok at iba pang produkto.
Hindi mabilang ang mga buwis na siningil ng pamahalaang Espanyol sa mga Pilipino. Ang
perang nalilikom, sabi nila ay para sa pagpapaunlad ng pamayanan. Ang iba ay gugulin sa
pamamahala.

Maraming Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng tributo dahil na rin sa pang-aabuso ng mga
encomendero na lumikom nito. Kapag walang ibabayad na salapi, sapilitang kinukuha ang kanilang
mga produkto o binabayaran ang mga ito sa mababang halaga. Dahil sa mga pang-aabuso sa paraan
ng paniningil ng buwis, binago ito noong 1885 at ipinakilala ang cedula personal bilang resibo sa
pagbabayad ng buwis. Ipinag-utos na lahat ng mamamayang may edad 18 pataas ay may tungkuling
kumuha ng cedula. Mayroon namang hindi nagbabayad ng buwis gaya ng biyuda ng mga opisyales
na Espanyol, cabeza de barangay, pari, madre, at mga kawal ng pamahalaan.

Pagyamanin

Ibuod ang sistemang tributo sa panahon ng Espanyol sa Pilipinas. Isulat ang


sagot sa loob ng mga kahon. Piliin ang sagot sa loob ng pagpipilian.

simula layunin

24
Paraan sa pangongolekta ng buwis Mga mahalagang pangyayari

Paraanng
Paraan ngpangongolekta Mga mahalagang
ng
pangongolekta pangyayari
tributo
ng tributo

resulta

resulta

Pagpipilian:
 ang sistemang
Espanyol ay
nagpakilala ng
pagbubuwis sa
Pilipinas.
 Upang matustusan
ang pangangailangan
ng pamahalaan
 Paglikom na walong
reales sa mga
mamamayan, itinaas
sa 10 reales noong
1602 1t 12 reales
noong 1851.
Isaisip
nahirapan ang mga
mamamayan sa mga
sinisingil na bawis.
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
 Lubhang
wasto atmahigpit
isulat angang
MALI kung hindi wasto.
mga Espanyol sa
_____1.Dolyar
panininfilang ipinambabayad ng ma Pilipino bilang tributo.
ng buwis
dahil hindi
_____2.Noong maaaring
1602 ay itinaas sa 10 reales ang tributo ng mga Pilipino.
pumalya sa
pagbabayab mabayaran
_____3.Maaaring ang mga ang tributo sa pamamagitan ng salapi o produkto.
katutubo
_____4.Ang nakokolektang tributo ay ginagamit sa mga proyekto ng pamaahalaan tulad ng
 Nagkautang
pagpapatayaang ng mga
simbahan, paaralan, gusali at iba pa.
katutubo sa mga
encomendero,
nawalan ng ari-arian
kaya marami ang nag-
25
alsa laban dito.
______5. Walong reales ang bayad ng mga mamamayan sa mga Espanyol.

Tandaan
 Ang Tributo ay
galing sa buwis ng
mga Pilipino.
 Pinagbabayad ng
walong reales o isang

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Pagtapatin ang titik na nasa hanay B na inilalarawan sa hanay A.

Hanay A Hanay B
____1. Tributo a. nangonglekta ng tributo sa mga katutubo

____2. reales b. ipinalit sa pagbabayad ng tributo

____3. cedula c. buwis sa pagkamamayan

____4. encomendero d. katumbas sa ppiso nuon

____5. pag-aalsa e. naging tugon ng katutubo sa tribute

Gawain 2

Panuto: Sagutin at buuin ang crossword puzzle.

1
11

2 2
2 2

26
3

ACROSS
1. Kasing halaga ng isang piso sa panahon ng Espanyol
2. Tawag sa pagbubuwis
3. Ipinalit sa tributo
DOWN
1. Nangongolekta ng tributo
2. Iba pang tawag sa tributo

Aralin PARAAN NG PANANAKOP


2.4 SISTEMANG ENCOMIENDA

27
Competency: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa
kapangyarihan ng Espanya.
ArPan 5, Week 2-3 2nd Quarter

Alamin

Sa araling ito inaasahang:

1. Nabibigyan kahulugan ang salitang encomienda.


2. Natatalakay ang sistema ng encomienda.

Balikan

Panuto: Basahin at sagutan ang bawat pahayag upang mabuo ang salita sa kahon.

a. Buwis na ibinabayad sa mga Espanyol.


T

b. Pamamahala ng lupa sa panahon ng Espanyol


e

Tuklasin

28
Tingnan ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Source:http://grade9atbp.blogspot.com/2 Source:https://festbilet.ru/tl/lovushki/kto Source:https://mundongmitolohiya.wordpres


014/08/ang-mga-sinaunang-tao.html -pervyi-sovershil-krugosvetnoe- s.com/panahon-ng-mga-kastila/
puteshestvie-ekspediciya magellana.html

1 2 3
Pamprosesong Tanong:
● Ano ang masasabi mo sa unang larawan?

● Sa ikalawang larawan?

● Sa ikatlong larawan?

● Sa iyong palagay, nang dumating ang mga Kastila sa bansa ,nakapagpatuloy pa rin ba
sa pamumuhay nang malaya ang mga katutubong Pilipino sa kanilang lugar/bansa?

● Anong sistema ang ipinatupad ng mga kastila tungkol sa lupaing tinitirhan ng mga
katutubong Pilipino?

Suriin

29
Ang Sistemang Encomienda

Ito ang unang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Espanyol. Ang encomienda
ay ang malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa mga Espanyol upang pangasiwaan at
paunlarin. Ito ay buhat sa salitang Espanyol na encomendar, na nangangahuluhang “ipinakatiwala” o
“ipaubaya sa pangangalaga ng isang tao”. Ang sistemang encomienda sa kolonya ay nagsimula
ayon sa kahilingan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi. Ang adelantado ay nangangahulugang
gobernador-heneral. Hinilang ni Legazpi sa hari ng spain gantimpalaan ang serbisyo ng kanyang
kawal sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. Tinawag ang mga kawal na ito na conquistadores.

Sa ilalim ng sistemang encomienda, ang lupain ay hindi pagmamay-ari ng encomendero.


Biigyan lamang siya ng partikular na teritoryo upang pamahalaan sa loob ng dalawa hanggang
tatlong henerasyon. Pagkatapos ay dapat na niyang ibalik ang lupain sakaharian ng Spain.

Ang encomienda ay isang yunit administratibo para sa pangungulekta ng buwis. Tungkulin


ng encomendero na mangulekta ng buwis sa kanyang nasasakupan. Sa pasimula, ang buwis na
sinisingil ay 8 reales (halos kasinghalaga ng piso noon) sa loob ng isang taon. Ang kalalakihan na
may gulang mula 19 hanggang 60 taon ay dapat magbayad ng halagang ito sa encomendero. Subalit
sa ilang pagkakataon, maaari ding ang buwis ay sa anyo ng ani, sapilitang paggawa o iba pang bagay
na naisipang singilin ng encomendero bilang buwis.

Ang may karapatang humawak sa encomienda ay tinawag na encomendero, siya ay may


karapatang sumingil ng buwis mula sa mga mamamayang sakop niya. Tungkulin din niyang
pangalagaan ang kapakanan ng mga ito. Gayunpaman, hindi ang encomendero ang mismong
naniningil ng buwis. Ang tagasingil niya ng buwis ay ang cabeza de barangay na dating datu o
pinuno ng barangay na nawalan ng kapangyarihan sa pamumuno sa pagdating ng mga Espanyol.

Bilang tagasingil ng buwis, maraming diskrimisnasyon ang naransan ng cabeza de barangay.


Ito ang pag-aabono sa buwis na kailangang makolektasa encomienda kung hindi sapat ang buwis ng
kanyang nakolekta. Dahil sa nakikita ng mga Pilipino na direktang sanhi ng paghihirap nila sa
pagbabayad ng buwis ay ang cabeza de barangay na kapwa nila Pilipino, ito’y naging dahilan upang
magalit sila sa cabeza de barangay. Ang hidwaang ito sa pagitan ng mga Pilipino ay nakatulong sa
mga Espanyol upang maisakatuparan ang kanilang patakarang divide-and-rule o pagtatangkang
hadlangan ang pagkakaroon ng pagkakaisa, hindi sila magtatagumpay na mag-aalsa laban sa mga
Espanyol.

Pagyamanin

30
Gawain A
Panuto: Gamit ang mga pahiwatig, punan ang mga kahon ng mga titik na bubuo sa inilalarawan ng
bawat bilang.

1. Dating datu o pinuno ng barangay

C B z a e b r n g y

2. Malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya

N c m e n a

3. Sinisingil bilang buwis

R e l

4. “Ipagkatiwala” ipaubaya sa pangangalaga ng isang tao

e N o m n r

5. Nangangahulugang Gobernador-heneral

d l n d o

6. Mga kawal ng hari ng Espanya

o q u t a o e

31
7. Nangangalaga o namamahala sa encomienda

c e d r o

Gawain 2
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

Tanong Sagot
1. Batay sa sipi, ano ang encomienda?

2. Bakit nabigyan ng encomienda ang


ilang Espanyol?

3. Anong pang-aabuso ang inilahad sa sipi


na isinagawa ng encomendero sa mga
katutubo?

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod gamit ang mga patnubay na tanong.
1. Ano ang sistemang encomienda?
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________
2. Sino ag namamahala dito? Ano- ano ang kanyang tungkulin?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Ano ang naging epekto nito sa mga Pilipino?

32
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________.

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

________________1. Hango sa salitang encomendar na nangangahulugang “ipagkatiwala”.


________________2. Namamahala sa sistemang encomienda.
________________3. Tawag sa sinisingil na buwis.
________________4. Mga kawal ng hari sa Espanya.
________________5. Nagig tugon ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga encomendero.

Gawain 2
Sang-ayon ka ba sa sistema ng encomienda? Bakit? Bakit hindi? Bigyang katwiran ang iyang
sagot.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

33
Aralin PARAAN NG PANANAKOP
2.5 Sapilitang Paggawa
Competency: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa
kapangyarihan ng Espanya.
ArPan 5, Week 2-3 2nd Quarter

Alamin
Sa araling ito inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang sapilitang paggawa.


2. Natutukoy nag kahalagahan ng pagpapatupad ng sapilitang paggawa.
3. Nailalahad ang epekto ng sapilitang paggawa.

Balikan

Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang sagot.

1. Pamamahala ng lupain sa panahon ng Espanyol. __________________


2. Kawal ng mga Espanyol. _______________
3. Tungkulin ng isang encomendero sa kanyang nasasakupan. _______________
4. Dating datu o pinuno ng barangay. _______________________
5. Binigyan ng karapatang mamahala sa lupain pati na rin sa mga nakatira dito.
______________________

34
Tuklasin

Gawain A
WORD HUNT
Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang may kinalaman sa aralin ngayon.

S A P I L I T A N A
P A A O M O Q E A M
O D G O A P O L O M
L F G R M O Q E B N
I A A T E T O I C O
S S W L G U S A L I
T G A Y L S A A D R
A B L A L A K I C E

Gawain B
Tingnan ang mga larawan.

https://www.buhayofw.com/bakit-may-force-labor-o-sapilitang-paggawa-noong-panahon-ng-espanya-5a4b5c280bde7

https://www.slideshare.net/JunrielDaug/aralin-8-mga-paraan-sa-pagsasailalim-sa-pilipinas

https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-government-part-iii

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nasa mga larawan?
2. Ano kaya ang hanapbuhay ng mga Pilipino sa panahon ng kastila? Sino kaya ang
nagpapatupad nito?

35
Suriin

Sapilitang Paggawa o Polo y Servicio


Bukod sa salapi ay tinustusan din ng mga Pilipino ang mga pangangailangan ng
pamahalaang kolonyal. Ang mga Pilipino ay kinailangang magbigay ng serbisyo sa
pamahalaa kung saan sila ay gagawa ng gawain para sa pagsasaayos ng ikakaganda ng
pamayanan, katulad ng paggawa ng mga gusali, mga tula, kalsada, simbahan at galyon o
bangka. Tinawag itong polo y servico o sapilitang paggawa o pagtatrabaho ng sapilitan ng
apatnapung (40) araw sa loob ng isang taon na mga kalalakihang Pilipino na may edad na
labing-anim (16) hanggang animnapu (60).

Ayon sa kautusan ng Hari ng Espanya ay kinakailangang bayaran ang mga polista,


ang tawag sa mga manggagawa. Kailangan silang bayaran bawat araw at bigyan ng bigas sa
tuwing sila ay nagsasagawa ng pagtatrabaho. Hindi rin sila dapat na ilayo sa pamilya para
magtrabaho sa malayong lugar na kaiba ang klima. Ang polo o sapilitang paggawa ay hindi
rin dapat na isinagawa sa panahon ng pagtatanim at pag-aani. Subalit ang mga kautusan ng
Hari ng Espanya ay di nasunod sapagkat ang mga polista ay inabuso.

Epekto ng Sapilitang
Paggawa

 Nakapagpagawa ng tulay, daan, mga barko


 Naging maganda ang pueblo o pamayanan
 Maganda at mabuti ang kautusan na hindi natupad
 Nahiwalay sa pamilya
 Marami ang nagutom, nagkasakit at namatay
 Nagalit at naghimagsik ang kalooban ng mga Pilipino sa
pangyayari
 Napabayaan ang mga sakahan

Marami rin namang nakaiwas sa polo kung magbabayad ng falla na ang halag ay
isa’t kalahating reales. Hindi lahat ay nakaiwas sa gawain sapagka ang mga katutubo ay
mahirap kung kaya maraming Pilipino ang nagalit sa ganitong pamamalakad. Ang mga
propesyonal o nakatapos ng pag-aaral na titulado ay libre sa paggawa. Kaya pinilit ng ibang
magulang nag makapag-aral ang kanilang mga anak para makaiwas sa gawain.

Pagyamanin
36
Gawain A

Paraan ng Kahulugan Patakaran Gawain ng mga


Pananakop polista

Sapilitang
Paggawa o Polo y
Servicio

Gawain B
Paano naapektuhan ng mga patakaran at programang pangkabuhayan ng mga
Espanyol ang mga Pilipino?

MABUTI HINDI MABUTI

Epekto ng
Programa ng
mga Espanyol

Gawain C
Anu ang kahalagahan sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___.

Isaisip

37
Gawain 1
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay tama at mali kung hindi.
________1. Ang sapilitang paggawa ay iikinatuwa ng mga Pilipino.

________2. Dapat ng magtrabaho ang isang taong nmag edad na 16.

________3. Nahirapan ang mga kalalakihang Pilipino bunga ng sapilitang paggawa.

________4. Tama lamang na piliting makapagtrabaho ang isang matandang mahina na.

________5. Hindi makaligtas sa sapilitang paggawa ang kalalakihang walang pambayad ng


falla.

Gawain 2
Gumuhit ng mga imprastrakturang bunga ng Polo o servicio o sapilitang paggawa.

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Isulat ang hinihinging sagot sa bawat patlang. Isulat ang sagot sa patlang.

__________1. Pinairal nang sapiltan sa mga lalaking may edad na 16


hanggang 60 taong gulang.
__________2. Tawag sa mga kalahok sa sapilitang paggawa.
__________3. ibinayad ng mga maykaya sa halip na magtrabaho.
__________4. Edad ng mga kalalakihang Pilipino sa sapilitang pinagtatrabaho.
__________5. Anu-ano ang kailangang gawin ng mga polista? Magbigay ng isa.

Gawain 2

38
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa pagpapatupad ng
sariling paggawa at MALI kung.

_______1. Nagtatrabaho ng apatnapung araw (40) ang mga polista.


_______2. Polo ang tawag sa mga taong nagtatrabaho sa sapilitang paggawa.
_______3. Kalalakihang may edad na 16-60 ang naglilingkod sa patakarang Polo y servicio.
_______4. Makaligtas lamang ang kalalakihan sa sapilitang paggawa kung magbabayad sila
ng falla.
_______5. Magaan lamang ang trabaho sa patakarang Polo y Servicio.

Gawain 3
Panuto: Bilugan ang letra ng kaugnay o itinutukoy sa bawat bilang.

1. Polo y servicio
a. Sapilitang paggawa
b. Uri ng damit na ipinagbili
c. Isang sasakyan

2. Bandala
a. Pagbibgay ng Puhunan
b. Sapilitang pagbili ng ani
c. Pagdagdag ng pananim

3. Falla
a. Bayad para makaiwas sa polo
b. Uri ng produkto
c. Uri ng pagkain
4. Polista
a. Mangagawa b. Propesyonal c. Katiwala

5. Gawain ng mga polista

39
a. Pagpapatupad ng batas
b. Pagtatayo ng mga imprastraktura
c. Tagasingil ng buwis

Buod

Paraan ng Pananakop
a. Kristiyanisasyon Kumbersyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo na nagsimula sa
pagbibinyag. Nagdaos sila ng misa at krus sa luagr na kanilang
dinaungan. Nagpagawa rin sila ng malalaking simbahan na may iba’t
ibang imahen at magarang altar, at pilit nilang iwinaksi ang dating
paniniwala ng mga katutubo.
b. Reducciones Bago pa sakupin ng mga Espnyol ang ating mga lupain, layo-alo ang
tirahan ng mga Pilipino. Upang mapadali ang proseso ng
kolonisasyon at pamamahala sa ating mga ninuno, tinipon nila ang
mga ito sa isang lugar. Isinaayos nila ang pamayana upang mabilis na
mapalaganap ang Kristiyanismo, mapahusay ang pamamahala at mas
madali silang mapuntahan at maturuan.
c. Buwis o Tributo Sapilitang pinagbayad ng buwis o tributo ang ating mga niuno bilang
pagkilala sa kapangyarihan ng espanya. Lahat ng lalaking may edad
19 hanggang 60 taong gulang ay pinagbayad nito. Maari itong ibigay
ng mga katutubo sa anyong salapi o anumang bagay na may halaga.
Kinukumpiska ang ibang produkto o pag-aari nila kapag hindi sila
nakabayad nito.
d. Encomienda Ang paglilipat ng karapatan ng hari sa sinumang Espanyol o
institusyon na mag-aari ng lupain. Encomendero ang tawag sa
binibigyan ng karapatang humawak sa encomienda. Tungkulin nilang
pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayang nasaskupaan niyaa
laban sa mga kaaway. Panatilihin an kapayapaan at kaayusan at
tulungan ang mga misyonero na mapalaganap ang relihiyonh
Katoliko.
e. Polo y Servicios Ang polo ay ang sapilitang pagtatrabaho nang 40 araw ng
lahat ng lalaking Pilipino na may gulang 16 hanggang 60. ang tawag

40
sa mga naglilingkod ay polista. Kailangan silang maghandog ng
kanilang serbisyo sa pamahalaan. Gumawa sila ng tulay, kalsada,
simbahan at galyon o barko. Ayon sa uto ng Hari ng Espanya, ang
mga manggagawa rito ay babayaran at pakakainin ng walang bayad.
Ito y hindi para sa lahat, iyon lamang mga mamamayan na may
magandang pangangatawan ang kailangan tumupad sa sapilitang
paggawa. Ang mga propesyonal o nakatapos ng pag-aaral na titulado
ay libre sa paggawa. Kaya piilit ng ibang magulang nag makapag-aral
ang kanilang mga anak para makaiiwas sa gawain.

Assessment: (Post-Test)

I. Bilugan ang titik ng taman sagot.


1. Ang pag-iisang dibdib sa simbahan ng isang lalaki at babae bago sila magsama bilang
mag-asawa ay isa pang pagpapahalaga sa panrelihiyong kristiyanismo. Aling pagpapahalaga
ito?
A. Kasal B. Binyag C.Orasyon D. Santong Patron

2. Ang pagdaraos ng pista, paghahanda ng masasarap na pagkain at pagkaroon ng misa at


prusisyon ilan lamang sa pagpapahalaga sa ________.
A. Santong Patron. B. Orasyon C. Binyag D. Kasal

3. Alin sa mga sumusunod an hindi tradisyon ng mga Pilipino?


A. Pasko B. pagtatanim C.bagong taon D. Santa Cruzan

4. Sa pagbibinyag, paano ito pinapahalagahan ng mga Pilipino?


A.Pagdarasal bago at pagkatapos kumain
B.Pag-iisang dibdib ng lalaki at babae sa simbahan
C. Pagkapanganak sa isang sanggol ay dinadala na ito sa simbahan
D.Pagdarasal sa simbahan tuwing kapistahan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasabi tungkol sa reduccion?


A. Sapilitang paglipat sa mga katutubong Pilipino
B. Pinagsama-sama ang mga pamilya sa sentrong bayan.
C. Pagbibigay ng pera sa mga katutubo.
D. Pag-aralin ang mga kabataang Pilipino.

6. Paraan ng pananakop ng mga Espanyol na ang layunin ay ang pagpapakilala ng sistema


ng pagbubuwis.
A. Reduccion B. Polo y Servicio C. tributo D. encomienda

41
7. Kailan itanaas sa 10 reales ang tributong sinisingil sa mga Pilipino?
A. 1570 B. 1851 C. 1620 D. 1602

8. Ito ay ang paglipat ng mga Pilipino sa bagong panahanan.


A. Reduccion B. encomienda C. Kristiyanisasyon D. polo

9. Ano ang tawag sa opisyal na binigyan ng karapatang mangasiwang isang teritoryo at


mamamayan?
A. Encomendar C. encomendero
B. adelantado D. conquistadores

10. Paano makaligtas sa sapilitang paggawa ang mga Pilipino noon?


A. Kapag sila ay lumipat ng tirahan
B. Kapag sila ay nagbabayad ng falla
C. Kapag sila ay nag-aalsa
D. Kapay sila ay namamahala ng isang teritoryo.

II. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang-sagot. Hanapin ang mga sagot sa loob ng
kahon.

Encomienda cucina kristiyanismo pueblo

Cedula orasyon polista adelantado

Plaza encomendar pasko

Mahal na Araw oratorio cabeza de barangay

_______________1. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol.


_______________2. Dito nagtitipon-tipon ang mga tao sa isang pamayanan.
_______________3. Pinakasentro ng pamayanan.
_______________4. Kaugaliang pagdarasal tuwing ikaanim ng hapon.
_______________5. Tawag sa mga manggagawa sa polo.
_______________6. Isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigayang mga regalo.
_______________7. Tawag sa dating datu o pinuno ng barangay.

42
_______________8. Lugar ng dasalan kung saan sama-samang nagdadasal ang mga
miyembro ng pamilya.
_______________9. Ito ay ipinalit sa pagbabayad ng tributo.
_______________10. Salitang Espanyol na nangangahulugang “ipagkatiwala”.

Susi sa Pagwawasto

Lesson 2.1
43
Alamin Natin
 Kasal, altar, binyag, simba, simbahan, tao, nobena

Gawin Natin
Pagbibinyag, kasal, pista, pagsisimba, pagnonobena, pasko, mahal na araw, Flores de
Mayo, pagsunog ng mga imahen ng mga santo o anito,

Linangin Natin
Gawain 1
1. Pagbibinyag 4. pagsusunog ng mga idolong kahoy at
2. Pagnonobena imahen ng anito

3. Pagsisimba 5. kasal

Gawain 2
K W L
Mga Tradisyon ng
mga Pilipino
Upang parangalan ang patron ng
bayan.
Bakit ito isinasagawa?
f. pista Sayawan, prusisyon, pagpapalabas
ng moro-moro at sarswela
Paano ito isinasagawa?

g. pasko Bakit ito isinasagawa? Upang ipagdiwang ang


kapanganakan ni Jesukristo.

Paano ito isinasagawa? *paghahanda ng pagkain


*pagbibigayan ng regalo
*awitan ng pamaskong awit
h. Mahal na Araw Bakit ito isinasagawa? Pag-alala sa paghihirap ni Jesus
Paano ito isinasagawa? *pagbasa ng pasyon
*pagpapalabas ng Senakulo
i. Bagong Taon Bakit ito isinasagawa? Pagdiriwang sa pagpasok ng
bagong taon
Paano ito isinasagawa? *paghahanda ng pagkain

44
*pagsisimba at pagpapaputok
j. Flores de Mayo 0 Bakit ito isinasagawa? Pag-aalay sa patron ng bulaklak
Santa Cruzan
Paano ito isinasagawa? *parada ng mga babae
*may pailaw at paputok

Lesson 2.2
Pagyamanin
1. Oratorio 6. Letrina o comun
2. Baňo 7. cuarto principal
3. Cucina 8. sala
4. Comedor 9. azotea
5. Balconahe 10. oficina o despacho

Linangin Natin
Gawain 1
Kraytirya Napakahusay Mahusay Paghusayin pa
5 4 3
Kalinisan
Malinis ang pagkakaguhit at walng
binura
Simbolong Naiguhit
Angkop ang bagay na iginuhit sa
katangian ng tauhan
Kaangkupan ng Konsepto
Angkop ang paglalahad ng nilalaman
sa konseto na iginuhit

Gawain 2

1. Upang mapadali ang pananakop ng mga Espanyol at mapadali ang pagbago ng relihiyon o
maging isang Kristiyano.
2. Nagalit ang mga katutubo dahil sa hindi maayos na pakikitungo ng mga Espanyol.

45
3. * Nahikayat ang mga Pilipino na manatili sa isang permanenteng tirahan.
*natuto ng dasal at katesismo mula sa Espanyol
*natuto ang mga Pilipino sa bagong parran ng pagtatanim at huwag nang magpalipat-
lipat ng lupang sakahan.
*nagbigay daan sa pagbuo ng mga barangay, bayan at lalawigan.

Gawain 3

1. 2. 3. 4. 5.

Lesson 2.3
Balikan Natin
1. Reduccion 2. kristiyanisasyon 3. pueblo

Gawin Natin
Simula: upang matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan.
Layunin:ang sistemang Espanyol ay nagpakilala ng sistema ng
pagbubuwis sa Pilipinas.
Mga mahalagang pangyayari:paglikom ng walong reales sa mga
mamamayan, itinaas sa 10 reales noong 1602 at 12 reales noong 1851.
nahirapan ang mga mamamayan sa mga sinisingil na buwis.
Paraan ng pangongolekta ng tributo: lubhang mahigpit ang mga Espanyol sa
paniningil ng buwis dahil hindi maaaring pumalya sa pagbabayad ang
mga katutubo.
Resulta:nagkautang ang mga katutubo sa mga encomendero, nawalan ng ari-arian
kaya marami ang mag-alsa laan dito.

Subukan Natin Linangin Natin


Gawain 1 Gawain 2
1. Mali 1. c ACROSS DOWN
2. Tama 2. d 1. reales 1. kastila
3. Tama 3. b 2. tributo 2. buwis
46
4. Tama 4. a 3. cedula
5. Mali 5. 3

Lesson 2.4
Balikan Natin
a. Tributo
b. Encomienda
Gawain Natin
Gawain 1
1. Cabeza de barangay 5. adelantado
2. Encomienda 6. conquistadores
3. Reales 7. encomendero
4. Encomendar

Gawain 2
1. Ang pamamahala ng malawak ng lupaing ipinagkaloob ng hari sa paglilingkod sa kanilang
pagtulong sa pananakop sa isang lugar.
2. Nabigyan ng encomienda ang ilang Espanyol dahil ito ay gantimpala sa paglilingkod sa
kanilan pagtulong sa pananakop sa isang lugar.
3. Marami sa mga encomedero ang labis na nagtaas ng halagang tributo na kailangang
bayaran ng mga mamamayan. Pinarusahan, pinahirahirapan o ipakukulong.

Subukan Natin
Gawain 1
1. Ang pamamahala ng malawak ng lupaing ipinagkaloob ng hari sa paglilingkod sa kanilang
pagtulong sa pananakop sa isang lugar.
2. Pinamamahalaan ito ng encomendero. Tungkulin niya ang mangulekta ng buwis sa
kanilang nasasakupan.
3. Ang naging epekto nito sa mga Pilipino ay ang paghihirap nila sa pagbabayad ng buwis, at
pagkagalit nila sa cabeza de barangay na naging dahilan sa kanilang pag-aalsa laban sa mga
Espanyol.

Linangin Natin
Gawain 1

47
1. Encomienda 2. Encomendero 3 Reales 4. Conquistadores 5.pag-aalsa

Gawain 2
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay o Katwiran puntos
0-5 6-10 11-15
Nilalaman Iilan sa mga milalaman Ilan sa mga nilalaman Ang nilalaman ay
ay walang kauganayan sa ay may kaugnayan s may kaugnayan sa
paksa at may limitadong paksa na may paksa na pang-
pang-unawa. sumusuportang detalye anawa.
sa pang-unawa.
Istruktura Ang mga kaisipan ay Pagkakasunod-sunod Pagkakasunod-sunod
masyadong kalat. na paglalahad ng na paglalahad ng
kaisipan, organisadong kaisipan at
paraan ng bagbuo ng organisadong pagbuo
katwiran. ng kapani-
paniwalang katwiran.
irihinalidad Mahinang Kassiya-siyang Matibay na ebidensya
suporta/ebidensiya para suportang detalye para para sa mesahe.
sa mensahe sa mensahe.
Kabuuang Puntos

Lesson 2.5
Balikan Natin Alamin Natin
1. Encomienda sapilitan, paggawa, polista,
2. Conquistadores lalaki, gusali
3. Mangulekta ng buwis
4. Cabeza de barangay
5. Encomendero

Gawin Natin
Gawain A
Kahulugan:
ang sapilitang paggawa ay tumutukoy sa sapilitag pagtatrabaho sa pamahalaaan ng
mga kalalakihang Pilipino mula 16 hanggang 60 taong gulang sa loob ng 40 araw sa loob ng
isang taon.

48
Patakaran:
* kailangang bayaran ang mg apolista sa kanilang pagtatrabaho.
* hindi sila dapat magtrabaho sa panahon ng pagtatanim o pag-aani.
* kailangang isaalang-alang ang kondisyong pisikal ng mga polista
Mga Gawain:
Gumagawa ng mga imprastuktura gaya ng: kalsada, tulay, simabahn, bahay na bato,
munisipyo at galyon o bangka.

Gawain B & C
Maaaring iba iba ang sagot.

Linangin Natin
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. Polo y servicio 1. TAMA 1. a
2. Polista 2. MALI 2. b
3. 16-60 taong gulang 3. TAMA 3. a
4. Falla 4. TAMA 4. a
5. Mga imprastrutura 5. MALI 5. b

Assessment:
I. II.
1. A 11. Kristiyanismo
2. A 12. plaza
3. B 13. pueblo
4. C 14. orasyon
5. D 15. polista
6. C 16. pasko
7. D 17. cabeza de barangay
8. A 18. oratorio
9. C 19. cedula
10. B 20. encomendar

49
Sanggunian
Gabuat, M. A. et. Al.,”Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa”, Vibal Group, Inc
(2016)
“Kolonisasyon at Kristiyanisasyon”, Ang Pananakop ng Mga Espanyol Sa Pilipinas access
June 10-14, 2020, http://aralingpanlipunan10.blogspot.com/
kristiyanismo. (2018). Retrieved 2 July 2020, from https://www.veritas846.ph/walang-pakialam-malasakit-
sa-kapwa-hindi-tunay-na-kristiyano2/

50
simbahan. (2011). Retrieved 2 July 2020, from https://www.flickr.com/photos/garixrusty/6237557510

pagbibinyag. Retrieved 3 July 2020, from https://pixabay.com/photos/baptism-baptismal-font-church-


2437529/

51
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

52
53

You might also like