You are on page 1of 6

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA IKALAWANG TAON NG BSA, TAONG-

AKADEMIKO 2020-2021, UKOL SA MGA NEGOSYONG MAARING ITAYO


HABANG PANDEMYA

1
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Introduksyon
Batay sa artikulong ‘A Timeline of the Coronavirus Pandemic” na inilabas ng The
New York Times noong Agosto 6,2020, Disyembre 31 noong nakaraang taon nang
kumpirmahin ng pamahalaan ng Tsina ang mga kaso ng pneumonia sa hindi malamang
dahilan. Pagkaraan ng ilang araw, ideneklara ito bilang isang bagong tukoy na sakit na
siyang dinaranas ngayon ng marami. Sa ika-30 ng Enero, taong kasalukuyan,
ideneklara ng World Health Organization China Foreign Ministry ang “public health
emergency of international concern”. Hanggang sa bigyan nga ang sakit ng opisyal na
pangalan noong ika-11 ng Pebrero bilang CoViD-19 na nangangahulugang Corona
Virus Disease 2019.
Ayon sa ABS-CBN News, ang buong Metro Manila ay isinailalim sa community
quarantine mula Marso 15 base sa anunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa
patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng nasabing sakit. Dahil dito anumang
uri ng paglalakbay sa lupa, tubig, at himpapawid ay ipagliliban muna simula noong
Marso 15. Gayundin ang pagsuspendi sa mga pasok sa opisina at paaralan upag
maiwasan na rin ang pagkalat at pagkakahawaan ng sakit na CoVid-19. Hindi lamang
sektor ng pangkalusugan ang lubhang naapektuhan ng CoViD-19, dahil sa
isinasagawang community quarantine sa buong Pilipinas, isa sa mga pinakaapektado
ang sektor ng ekonomiya at negosyo. Iniulat sa 24 Oras noong unang araw ng Hulyo na
nasa 2.6 M na empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga negosyo
dulot sa mas pinalawig at pinahabang community quarantine.
Dahil sa nakakaalarmang isyung ito at likas na pagkamapamaraan ng mga
Pilipino, samu’t-saring mga negosyo ang nagsulputan sa online platforms, bilang
pakikibagay na rin sa tinatawag ng nakararami na “new normal”. Gayon, nais malaman
ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga estudyante sa Colegio de Dagupan mula sa
kursong BS Accountancy ang mga posibleng negosyo habang sumasailalim ang bansa
sa community quarantine at ang mga naging batayan at salik sa pagtatayo ng mga
negosyo. Magiging daan ito upang mamulat ang mga mamababasa ng pag-aaral na ito
sa mga epekto ng pandemya sa sektor ng ekonomiya at negosyo at kung paano naki-
ayon ang mga Pilipino sa mga pagsubok at pagbabagong ito.

2
Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ukol sa mga pananaw ng mga mag aaral ng BSA sa mga
negosyong maaaring itayo habang pandemya ay naglalayon ng mga sumusunod:
1.) Malaman ang ibat ibang pananaw ng bawat mag aaral ng BSA patungkol sa mga
negosyong maaring itayo sa panahon ng pandemya
2.) Malaman ang iba't ibang batayan sa pagpili ng negosyo itatayo habang may
pandemya
3.) Maikumpara ang mga pagkakaiba ng negosyo na nais ipatayo sa panahon ng
pandemya sa mga negosyong nakagisnan na.

Suliranin ng Pag-aaral
Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang, “Pananaw ng mga Mag- aaral
sa ikalawang taon ng BSA, Taong-Akademiko 2020-2021, ukol sa mga Negosyong
Maaring Itayo Habang Pandemya.” ay isinagawa upang malaman ang opinyon,
reaksyon, pananaw at saloobin ng mga mag-aaral na nasa ikalawang-taon ng BSA
Ito ay sasagot sa mga katanungang:

1. Ano ang propayl ng mga respondente?


a) kasarian at
b) Edad
2. Ano ang ibat ibang pananaw ng bawat mag aaral ng BSA patungkol sa mga
negosyong maaring itayo sa panahon ng pandemya
3. Ano iba't ibang batayan sa pagpili ng negosyo itatayo habang may pandemya
4. Ano ang mga pagkakaiba ng negosyo na nais ipatayo sa panahon ng pandemya
sa mga negosyong nakagisnan na.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na


maglahad ng kaalaman o datos na magbibigay ng tiyak na pananaw ng mga mag-aaral
sa negosyong maaring itayo habang pandemya
Ang araling pananaliksik na ito ay pinaniniwalaang makatutulong sa mga
sumusunod:

3
Sa mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral
na palawakin ang pag-iisip at maunawaang lubos ang paksang negosyong maaring
itayo habang pandemya. At sa pamamagitan din ng paksang ito, kanilang
maipapahayag ang kanilang pananaw, saloobin, opinyon, at reaksyon.

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at patnubay ng mga


guro sa pagbibigay ng leksyon sa kanilang mga mag-aaral tungkol sa mga maaring
ipatayong negosyo. Partikular na sa mga gurong dalubhasang hawak ang pangunahing
asignatura ng BSA. At sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, kanilang malalaman ang
iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon ukol sa mga negosyong
maaring ipatayo habang pandemya.

Sa paaralan. Ang araling pananaliksik na ito ay itunuturing na makatutulong sa


paraan, partikular na sa komunidad ng Colegio de Dagupan, na magsisilbing datos na
maaring gamitin ng paaralan upang mabigyang sapat at tamang kaalaman ang mga
mag-aaral ukol sa mga negosyong maaring itayo habang pandemya

Sa Komunidad. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ulirat at gabay sa


pagtanggap ng mga pananaw ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon ng BSA ukol
sa mga negosyong maaring itayo habang pandemya

Sa mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing aral sa


pagpapahalaga ng mga pananaw, opinyon, reaksyon, at saloobin ng bawat isa. Ito rin ay
magbibigay gabay sa mga mananaliksik sa pagsagot o pagbigay impormasyon tungkol
sa paksa.

Sa mga hinaharap na mananaliksik. Ang datos at impormasyon na


nakapalakip sa pamanahong papel na ito ay magsisilbing basehan sa paggawa ng mga
susunod na pag-aaral ng mga iba pang mananaliksik ng kasalukuyan. Maari itong
gamitin bilang isang instrumental at reperensyal na paraan ng pananaliksik.

4
Konseptwal na Balangkas

LARAWAN 1

INPUT PROSESO OUTPUT

1. Propayl ng mga
respondente ayon sa
kasarian at edad. Maipapahayag ang

2. Pananaw ng bawat mag mga pananaw at


aaral ng BSA patungkol sa Malaman ang reaksyon ng mga
mga negosyong maaring mga pananaw at
mga naging kabataan sa mga
itayo sa panahon ng
batayan: negosyong maaring
pandemya.
* Pangangalap ng itayo sa panahon ng
3. Ano ang iba't ibang datos
batayan sa pagpili ng pandemya.
* Online
negosyo itatayo habang
Talatanungan
may pandemya
* Interpretasyon
4. Ano ang mga pagkakaiba
ng negosyo na nais ipatayo
sa panahon ng pandemya
sa mga negosyong
nakagisnan na.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang paksang, “PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA IKALAWANG TAON NG
BSA, TAONG-AKADEMIKO 2020-2021, UKOL SA MGA NEGOSYONG MAARING
ITAYO HABANG PANDEMYA” ay nakatuon sa pagtataya hinggil sa iba’t ibang pananaw
ng mga estudyante ukol sa paksang pagpapatayo ng negosyo habang pandemya.
Saklaw nito ang mga mag-aaral na nasa ikalawang taon ng BSA at Ika-unang Semestre
ng taong 2020 - 2021 ng Colegio de Dagupan na nakadistrito sa Arellano St., Dagupan
City.

5
Ang mga respondente ng paksang ito ay binubuo ng mga mag-aaral ng
ikalawang taon ng BSA na nililimitahan lamang sa (bilang) estudyante ng Colegio de
Dagupan.

Depinisyon ng mga Termino


Ang bawat termino na mababanggit ay napapaloob sa sulating pananaliksik. Ang
mga terminong ito ay makatutulong sa mambabasa upang maunawaan ang tungkol dito,
mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan, at upang mas maging pamilyar pa sila rito.
Ang mga ito ay binigyang pakahulugan sa pamamamagitan ng operayunal na
depinisyon.

Community quarantine- isa sa mga kautusan na ipinatupad ng gobyerno upang matigil


ang pagkakahawa-hawa ng sakit na isa sa mga naging dahilan sa pagpapasara at
pagkakalugi ng iba't ibang negosyo sa buong mundo

Negosyo- isa sa mga diskarteng ginagawa ng mga tao upang kumita ng pera lalo na sa
panahon ng pandemya

New normal- iba't ibang pagbabagong hatid ng pandemya at mga kinakailangang gawin
upang maipagpatuloy ang negosyo o hanapbuhay ng mga tao

Online platforms- ginagamit ng mga negosyante upang maibenta ang kanilang


produkto nang hindi na kinakailangang makipagharap-harapan sa mga konsyumer

Pandemya- panahon kung saan karamihan sa mga tao ay nawalan ng hanapbuhay o


natigil sa pagtatrabaho

You might also like