You are on page 1of 3

Magandang araw mga kamag-aral,

ako po si Jiannuel Awdrin Esparagoza,

nasa ikalawang baitang,

pangkat Servant of God Fr. Carlo Braga

At ito ang aming pamayanan, Barangay Hulo

Na binubuo ng mahigit dalawampung libong tao.

At sa pamamagitan ng aming Punong Barangay

na si Ginoong Bernard Maglaque,

kami ay pi na pa a la la ha nan

na manatili sa bahay ang may mga edad 15 pababa

at edad 65 pataas.

Kasama dito ang pagsusuot ng mask at face shield

na kailan lang ay namahagi ang ating barangay.

Mahalaga din ang paghuhugas ng kamay

at pagpapanatili na malinis ang ating kapaligiran.


Social distancing din ang isang mahalagang kaugalian

na dapat nating tandaan

Mahalaga na may sapat tayong distansya mula sa ibang tao,

upang maging ligtas

at hindi madaling mahawa

kung sakaling meron itong Covid 19.

Ang aming pamayanan ay mayroon ding Hospital

o Health Center

na maaaring tumingin at tumanggap

sa mga mamamayan na kakikitaan

ng sintomas ng sakit na Covid19.

Mayroon din kaming Munisipyo

na may ibat ibang tanggapan

na maaaring puntahan

upang kami ay matulungan

sa aming mga pangangailangan


Sa aming paligid ay mayroon ding mga pamilihan

May grocery, palengke, malls, restaurants at iba pa.

Dito kami ay namimili ng aming pangangailangan

Tulad ng gamot, pagkain, tubig, damit at iba pa.

Bukod sa mga paalalang kalusugan

Mahalaga pa din ang ating panalangin at pananalig sa Diyos

Ang ating maykapal ang tanging makakatulong sa atin.

Ang aming pamayanan

ay mayroon ding munting kapilya at simbahan

kung saan maaaring manalangin at magsimba.

Sa panahon ng pandemya,
Sa kabila ng kahirapan
Sa pagkalat ng sakit
Ating hinihingi ang inyong kooperasyon
Bilang mamamayan ng Hulo
Maging kabahagi sa solusyon
Upang maging ligtas at masagana ang ating barangay

Muli, ako po si Jiannuel Awdrin Esparagoza,

ang inyong resource person

You might also like