You are on page 1of 1

Magandang araw mga kamag-aral!

Ako po Si Jiannuel Awdrin Esparagoza, at ang aking komunidad at


matatagpuan sa Hulo, Mandaluyong City.

Dito sa aming komunidad ay mayroong kapilya, ang St. Joseph Hulo Chapel, kung saan dito kami ay
maaaring manalangin at magsimba tuwing Linggo.

Paglabas din ng aming kanto ay matatagpuan ang aming munting pamilihan o palengke kung saan
maaari kang makapamili ng gulay, prutas at mga karne.

Mayroon ding malapit na pamilihan o grocery store, ang pangalan nya ay Shop Smart, dito kami naman
ay maaaring makapamili ng iba pang pagkain tulad ng biskwit, asukal, tinapay noodles at iba pa.

Sa aming komunidad ay may mga munting kainan o karenderia, katulad ng kay Lolo tatay, kung saan
maaari kaming makabili ng masasarap na ulam!

Maliit man o malaki ang aming komunidad, ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi, at pinupunuan ito ng
mga mamamayan na nagtutulungan at nagmamahalan. Ipinagmamalaki ko na ako ay lumaki dito sa
aming komunidad.

You might also like