You are on page 1of 1

PAUNANG GAWAIN 5: Pagkwekwento ng Kakaibang Karanasan: Magbahagi ng pagsasalaysay tungkol

sa isang kakaibang karanasan na iyong naranasan. Maaring ito ay isang


paglalakbay, karanasang pangkultura, o anumang hindi pangkaraniwang
pangyayari.

Lahat ng tao ay mayroong di nakakalimutan na karanasan na hanggang sa pagtanda natin ay


hindi naalala pa rin natin o merong nagpapaalala sa atin sa pamamagitan ng mga tao, bagay, hayop o
lugar man na sa tuwing nakikita natin ay nagpapaalala sa atin masaya man ito, malungkot o kakaiba.

Ako naman ang magbabahagi ng aking di makakalimutan na karanasan, ito ay nagsimula noong
ako ay naghahanap ng trabaho para maitaguyod ko ang aking mga anak at ang aking pamilya,
nangangarap ako na balang araw ako ay makapunta ng ibang bansa at maiahon ko sila sa kahirapan
naisip ko kasi noon na walang unlad pag andito lang ako sa Pilipinas, at lumalaki na ang aking anak, kaya
ako ay naghanap ng trabaho papuntang ibang bansa , sa bansa ng Saudi Arabia ako ay nagtrabaho doon
bilang OFW ibang iba sa Pilipinas ang bansang ito lalong lalo na sa mga batas na kanilang sinusunod at
ang kanilang kultura lalo na sa kanilang relihiyon, at ito ay kailangan mong pag aralan at alamin parade ka
mahirapan sumunod sa kanilang mga batas at patakaran.

Noong andoon ako sa Saudi Arabia, meron silang selebrasyon na kanilang isinasagawa isang
beses sa isang taon at ito ay tinatawag na ramadan kung saan lahat ng relihiyong islam ay nagkakaroon
ng pagdadasal ng buong araw at sila ay nag aayuno at bago sumikat ang araw o kaya takip silim ay doon
palang sila kumakain at dahil nasa ibang bansa kami, naranasan naming ang paghahanda at pagsunod sa
kanilang tradisyon tuwing ramadan.

Ito ang aking tinuturing na kakaibang karanasan dahil naranasan ko ang mamuhay sa ibang
bansa at makihalubilo sa mga dayuhan kung saan naranasan ko sumunod sa kanilang kultura at tradisyon
pati na rin maranasan at makita ang magagandang tanawin sa knilang bansa at lugar.

SUBMITTED BY:

CRISTINA V. OBLIGADO
OLSU211E007

You might also like