You are on page 1of 27

Senior High School

Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Konseptong Pangwika
(Wika, Wikang Pambansa,
Wikang Opisyal, at Wikang Panturo)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Konseptong Pangwika (Wika, Wikang Pambansa,
Wikang Opisyal, at Wikang Panturo)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Josephine B. Sandoval
Editor: Rodolfo F. De Jesus, PhD
Tagasuri: Jenevieve S. Palattao
Tagaguhit: Angelika C. Ramos
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI
Juan C. Obierna
Heidee F. Ferrer, EdD
Rodolfo F. De Jesus, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Schools Division Office, Quezon City


Office Address: 43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Konseptong Pangwika
(Wika, Wikang Pambansa,
Wikang Opisyal, at Wikang Panturo)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino-Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Konseptong Pangwika (Wika, Wikang Pambansa, Wikang Opisyal,
at Wikang Panturo)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino-Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Konseptong Pangwika (Wika, Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, at Wikang
Panturo)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa katulad mong mag-


aaral na mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang konseptong pangwika gaya ng wika,
wikang pambansa, wikang opisyal, at wikang panturo.

Nagtataglay ang modyul na ito ng mga gawain na lilinang sa iyong


kasanayan upang higit na maunawaan ang iba’t ibang konseptong pangwika.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong


pangwika (F11PT – Ia - 85);
2. naiisa-isa ang mga batas na may kaugnayan tungo sa pagkakaroon ng
wikang pambansa;
3. napahahalagahan ang wika bilang instrumento sa mabisang
pakikipagkomunikasyon; at
4. nakasusulat ng maikling sanaysay kaugnay ng paksang tinalakay.

Ngayong nabatid mo na ang mga layuning kailangang matamo sa modyul na


ito, mahalagang malaman din natin ang taglay mong kaalaman sa paksa na iyong
pag-aaralan sapagkat magiging batayan ito ng iyong guro kung paano ka niya
tutulungan na pagyamanin ang iyong kaalaman. Halika! Subukin mong sagutin
ang sumusunod na gawain!

Mga Tala para sa Guro


Huwag kalimutang ipasagot sa mag-aaral
ang Subukin bago pumunta sa mga
susunod na pahina.

1
Subukin

PANUTO: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat aytem at isulat ang


wastong sagot sa hiwalay na papel.

A. Isulat ang salitang LEGIT kung wasto ang pahayag at FAKE NEWS kung
mali ang pahayag. Gumamit ng hiwalay na papel sa iyong pagsagot.

____________ 1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.

____________ 2. Wikang Panturo ang tawag sa wikang ginagamit sa pagtuturo ng


mga aralin at talakayan sa paaralan.

____________ 3. Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay wikang Ingles lamang.

____________ 4. Ang anomang wikang ginagamit ay pinagkakasunduan ng mga


grupo ng tao sang-ayon sa kanilang kagustuhan at paraan ng
paggamit.

____________ 5. Ang wikang Tagalog ang naging batayan sa pagpili ng ating


wikang pambansa.

____________ 6. Sa K to 12 na Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika ng


mga mag-aaral sa Kinder hanggang Baitang Tatlo ang
ginagamit na wikang panturo.

____________ 7. Wikang Pambansa ang tawag sa itinadhana ng batas na maging


wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

____________ 8. Ang pagpili ng wikang pambansa ay ibinatay sa isa sa mga umiiral


na wika o wikain sa Pilipinas.

____________ 9. Si Francisco Baltazar ang Ama ng ating Wikang Pambansa.

____________10. Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay nito at


daynamiko.

B. Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

____________11. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinili sa paraang arbitraryo upang
magamit ng taong kabilang sa isang kultura?
A. wika
B. wikang opisyal
C. wikang panturo
D. wikang pambansa

2
____________ 12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pamantayan sa pagpili
ng ating wikang pambansa?
A. Wikang gamit sa kalakalan
B. Wikang gamit sa edukasyon
C. Wikang gamit sa mass media
D. Pinakamaraming nasusulat na panitikan

____________ 13. Anong batas ang nagsasaad na ang ating wikang pambansa ay
Filipino at habang nililinang ay dapat na mapayabong pa salig
sa mga umiiral na wika sa Pilipinas?
A. Kombensiyong Konstitusyunal ng 1972
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974
C. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6
D. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7

____________ 14. Ano ang tawag sa wikang malawakang sinasalita at nauunawaan


ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang partikular na
lugar?
A. dayalek
B. lingua franca
C. mother tongue
D. wikang opisyal

____________ 15. Anong wika ang itinadhana ng batas na maging wikang pambansa
ayon sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987?
A. Filipino
B. Ingles
C. Pilipino
D. Tagalog

3
Balikan

Balikan natin ang iyong nalalaman hinggil sa wika. Basahin ang


sumusunod na tanong at itala sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

1. Ano ang kahulugan ng wika para sa iyo? Isulat mo sa hiwalay na papel ang
iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang wika (maaaring isang salita
lamang o parirala ang isulat).

WIKA

2. Kilalanin ang taong nasa larawan. Batay sa iyong napag-aralan, nabasa, at


napanood, ano kaya ang kaniyang nagawa upang tayo ay magkaroon ng
wikang pambansa? Itala ang iyong kasagutan sa hiwalay na papel.

1. ______________________________
______________________________
______________________________

2. ______________________________
______________________________
______________________________

3. ______________________________
______________________________
______________________________

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:ML_Quezon.jpg.

Nagkaroon ka na ba ng ideya hinggil sa paksang tatalakayin natin sa


modyul na ito dahil sa iyong mga sinagutang gawain? Magiging kapana-panabik pa
ang mga susunod na pahina para sa iyo.

4
Tuklasin

Halina’t iyong basahin at unawain ang sumusunod na kaalaman hinggil sa


iba’t ibang konseptong pangwika gaya ng wika, wikang pambansa, wikang opisyal,
at wikang panturo.

Konseptong Pangwika
1.1 Wika
Ang wika ang pinakamahalagang instrumento na taglay ng tao. Tayo ang lumilikha
nito upang magamit natin sa pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon.
Ang wika ay binubuo ng mga sagisag; mga sagisag na
may angking tunog na siya nating binibigkas o sinasalita at
mga simbolo na siya naman nating isinusulat. Mahalaga ang
wika upang maipahayag natin ang ating iniisip, nararamdaman
at nais na sabihin sa iba. Ito ang nagbibigkis hindi lamang sa
pakikipag-ugnayan natin sa ating kapuwa, kundi maging sa
pagkilala ng kultura ng iba’t ibang lipunan.
May isang lingguwista na nagbigay-kahulugan sa wika.
Ayon kay Henry Allan Gleason (Austero, Bandril, at De Castro
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Twemoji23 1999, 3) ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang
kultura.
Batay sa ibinigay na kahulugang ito, ating mahihinuha na maraming katangian ang
wika. Ito ang tatalakayin natin sa sumusunod na bilang:
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ito ay nangangahulugan na may prosesong
pinagdaraanan ang wika at nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Ito ay
nagsisimula sa mga payak na tunog, susundan ng pagkakabuo ng mga salita at sa
huli ang makabuluhang ugnayan ng mga salita upang makabuo ng isang
makatuturang pangungusap tungo sa pagbuo ng talata.

2. Ang wika ay pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo. Ano nga ba ang ibig
sabihin nito? Ito ay nangangahulugan na ang mga sinasalitang tunog na tinatawag
na ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog) ay pinili sa pamamaraang
napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika para sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay at upang sila ay maunawaan ng kanilang kausap.

Nakabubuo ng kaniyang sariling pagkakakilanlan ang bawat komunidad sa


iba pang komunidad kung ang pag-uusapan ay ang wika na kanilang ginagamit.
Gayundin, ang bawat tao ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa kaniyang
pagsasalita at wikang ginagamit na ikinaiba niya sa iba pang indibidwal sapagkat ang
bawat tao ay may sariling kaalaman, kakayahan at katangian na hindi maaaring
katulad ng sa iba pa.

5
3. Ang wika ay ginagamit ng mga taong may isang kultura. Ang wika ay nalikha
upang magkaunawaan ang mga taong gumagamit nito. Ang bawat bansa ay may
sariling kultura gayundin ang wika na kanilang ginagamit. Isang patunay na ang
wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.

4. Ang wika ay buhay at daynamiko. Ito ay nangangahulugan na patuloy itong


nagbabago at sumasabay sa pagbabagong dulot ng panahon. Kaya naman may
mga wikang namamatay sapagkat hindi na ito ginagamit sa paglipas ng panahon
at mayroon namang wika na isinisilang at dumaragdag sa ating bokabularyo.
Isang halimbawa nito ang mga bagong salita na idinagdag ng Merriam Webster
sa kanilang diksyunaryo noong Abril 2020. Ilan sa mga nadagdag ang salitang
self-isolate, physical distancing, contactless, PPE (personal protective
equipment), at WFH (work from home).

5. Ang lahat ng wika ay pantay-pantay. Bagamat sinasabing mayroong mahigit


5,000 wika na sinasalita sa buong mundo at mga wikang pinakagamitin sa
daigdig, hindi ito nangangahulugan na may nakatataas nang wika sa iba. Ang
lahat ng wika at pantay-pantay sapagkat may kaniya-kaniyang gamit at
kabuluhan ang bawat isa na nakabatay sa taong gumagamit nito. Isang
halimbawa ang paggamit ng wika sa iba’t ibang disiplina kung saan may tiyak na
wikang ginagamit sa partikular na propesyon.

1.2 Wikang Pambansa

Nakikilala mo ba ang taong nasa larawan? Siya ay


walang iba kundi si dating Pangulong Manuel L. Quezon. Siya
ang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt noong taong 1935
at Ama ng Wikang Pambansa.

Sa kaniyang termino, nadama ni Pangulong Quezon


kung gaano kahirap sa isang bansa ang hindi pagkakaroon ng
isang wikang pambansa. Ang pangangailangang ito ang
nagbunsod sa kaniya upang sikaping magkaroon tayo ng
isang wikang pambansa na gagamitin ng lahat ng mga
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manuel_L._Quezon Pilipino. Gumawa siya ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng
pambansang wika sa paniniwalang ito ay makapangyarihang sandata sa pagtataguyod ng
pagkakaunawaan ng lahat ng mamamayan ng bansa.
Ano nga ba ang kahulugan ng wikang pambansa? Ang wikang pambansa ay
kinakailangang nasa estado ng tinatawag na lingua franca at dapat na sumailalim sa
pagkilala ng batas. Kapag sinabing lingua franca, ito ang pangunahing wika na ginagamit
at nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang bansa (Aguilar et al,
2016, 21).

6
Basahing mabuti ang timeline ng mga ipinatupad na batas tungo sa pagkakaroon
natin ng wikang pambansa.

“Ang Kongreso ay gagawa ng


hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang
pambansa na ibabatay sa isa
sa mga umiiral na katutubong
wika sa Pilipinas. Hangga’t
walang itinatadhana ang 1935 Pinagtibay ang Batas
batas, ang Ingles at Kastila ay Komonwelt Blg. 184, ang
patuloy na mga wikang pagtatakda ng lupon,
opisyal. kapangyarihan at tungkulin
tungo sa pagbuo ng
Sek. 3, Art. XIV, 1936 wikang pambansa batay
Saligang Batas ng 1935 sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika sa bansa.

Nagpalabas ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagsasabing ang wikang 1937
pambansa ng Pilipinas ay Sa bisa ng Kautusang
ibabatay sa Tagalog alinsunod Tagapagpaganap Blg. 263,
sa rekomendasyon ng Surian sinimulang ituro ang wikang
ng Wikang Pambansa. pambansa na batay sa Tagalog
1940
sa mga paaralan.

Pinagtibay ang Batas


Komonwelt Blg. 570 na
nagtatadhana na ang 1946
Tagalog Nilagdaan ni Kalihim Jose
ay magiging isa sa mga E. Romero ng Kagawaran
wikang opisyal ng Pilipinas. ng Edukasyon ang
Kautusan
1959 Pangkagawaran Blg. 7
kung saan mula Tagalog
ay naging Pilipino ang
“Ang wikang pambansa ng tawag sa ating wikang
Pilipinas ay Filipino. pambansa.
Samantalang nililinang, ito ay
dapat na payabungin pa
salig sa umiiral na wika sa 1987 Nilikha ang Batas Republlika
Pilipinas at iba mga pang Blg. 7104 kung saan nabuo ang
wika.” Komisyon sa Wikang Filipino na
Sek. 6, Art. XIV, may tungkuling magsagawa,
Saligang Batas ng 1987 mag-ugnay, at magtaguyod ng
1991
mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad ng Filipino

7
Malinaw na isinasaad ng Seksiyon 6, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino at ito ay mapauunlad pa sa tulong ng mga umiiral
na katutubong wika sa bansa at iba pang mga banyagang wika.
Ngunit ano nga ba ang nagbunsod sa Surian ng Wikang Pambansa kung bakit
Tagalog ang ginawang batayan sa pagpili ng ating wikang pambansa? Narito ang lumabas
sa pag-aaral na isinagawa ng nabanggit na lupon (Catacataca at Espiritu 2005, 46-50).
1. Wikang Tagalog ang sinasalita at nauunawaan ng lalong maraming Pilipino;
2. Wikang Tagalog ang may pinakamayamang talasalitaan at panitikang nasusulat;
3. Wikang Tagalog ang ginagamit sa sentro ng kalakalan, at;
4. Wikang Tagalog ang ginagamit sa sentro ng edukasyon at pamahalaan.

1.3 Wikang Opisyal at Wikang Panturo


Nakabasa ka na ba ng batas o kaya ng
memorandum ng isang ahensiya ng gobyerno?
Nakakita ka na ba ng mga pormularyo (forms)
ng mga ahensiya ng gobyerno gaya ng
Philhealth, GSIS, at SSS na ipinapamahagi sa
mga miyembro nito? Nasubukan mo na bang
makabisita sa websayt (website) ng iba’t ibang
a ahensiya ng gobyerno gaya ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kagawaran ng Kalusugan at ng
inyong lokal na pamahalaan? Sa anong wika
nasusulat ang lahat ng iyong kasagutan sa mga
tanong na nasa itaas? Sa wikang Filipino ba o
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:President_Rodrigo_Duterte_speech_070116
sa wikang Ingles?

Ang wika na itinadhana ng batas na maging opisyal na wika sa komunikasyon,


transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan; sa pasalita at higit na
lalo sa pasulat na paraan ay tinatawag na wikang opisyal. Sakop nito ang mga dokumento
sa korte, lehislatura, at pangkalahatang pamamahala ng ating gobyerno, maging sa sistema
ng ating edukasyon. Isang halimbawa nito ang araw-araw na pagsasagawa ng virtual
presser ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Laging Handa PH kung saan ginagamit nila ang
wikang Filipino upang maipabatid ang mga bagong impormasyon sa mamamayan kaugnay
ng COVID-19.
Sa ating bansa, may dalawang ginagamit na opisyal na wika; ang Filipino at Ingles.
Ito ay batay sa nakasaad sa Seksyon 7, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 kung saan
sinasabing:
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo roon.”

8
Atin namang balikan ang mga panahon na ikaw ay pumapasok sa paaralan. Tuwing
kayo ay nagkaklase, napapansin mo ba ang wikang ginagamit ng iyong guro sa kaniyang
pagtuturo? Anong wikang panturo ang kaniyang ginagamit sa pagtuturo ng kaniyang
asignatura?
Ang wikang panturo ay ang wikang
opisyal na ginagamit bilang midyum ng pag-
aaral sa sistema ng edukasyon. Wikang
panturo ang tawag sa wikang ginagamit ng guro
sa pagtuturo sa paaralan gayundin sa pagsulat
ng mga aklat, modyul, at iba pang materyal na
panturo. Dito nakasalalay ang pagkatuto ng mga
mag-aaral na tulad mo.
Ang wikang panturong gagamitin o
ginagamit sa Pilipinas ay nakasaad din sa
a itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XVI, Sekiyon 7 kung saan sinasabi na
ang wikang panturo na gagamitin sa paaralan ay Filipino at Ingles. Samantala, ang mga
wikang panrehiyon ay magsisilbing mga pantulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at
magiging pantulong na wikang panturo.
Noong Hulyo 14, 2014, inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Department Order
No. 74 series 2014 kung saan gagamitin ang unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa
mga mag-aaral ng Kinder hanggang Baitang Tatlo na makikita sa implementasyon ng K to
12 Curriculum.
Hindi maitatanggi na malayo na ang narating ng wikang Filipino sa pagiging wikang
pambansa nito. Buhay na buhay ang wikang ito at patuloy na umuunlad sa tulong na rin ng
mga bagong salita na nadaragdag sa ating bokabularyo, patuloy na paggamit nito sa
pakikipagtalastasan at sa iba’t ibang larangan.
Ang iba pang pagtalakay hinggil sa paksang ito ay iyong mababasa sa susunod na
modyul.

9
Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong binasa. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

1. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na konseptong pangwika batay sa


iyong binasa:
a. Wika
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
b. Wikang Pambansa
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
c. Wikang Opisyal
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
d. Wikang Panturo
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari na naganap kaugnay ng


pagkakaroon natin ng wikang pambansa? Gawing gabay ang dayagram sa
ibaba.

1 1
9 9
3 3
5 6

1
1 9
9 3
4 7
6

1 1
9 9
5 8
9 7

10
4. May malaki bang maitutulong sa ating bansa ang pagkakaroon ng wikang
opisyal gaya ng isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Saligang Batas ng
1987? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Paano makatutulong ang pagpapalabas ng Saligang Batas hinggil sa
gagamiting wikang panturo tungo sa pagpapaunlad ng ating wikang
pambansa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
6. Iba’t ibang batas ang naipatupad na noon pa man tungo sa pagkakaroon
natin ng wikang pambansa. Paano nakatutulong sa iyo sa kasalukuyan ang
mga batas na ito?
a. Seksiyon 3, Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1935
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg.134
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
c. Seksiyon 6, Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

11
Pagyamanin

Nalaman mo na kung ano ang kahulugan ng iba’t ibang konseptong


pangwika gaya ng wika, wikang pambansa, wikang opisyal, at wikang panturo.
Ngayon naman ang pagkakataon upang higit na mapalalim ang iyong pag-unawa
hinggil sa mga nabanggit na konseptong pangwika.
Sagutan sa hiwalay na papel ang mga tanong sa sumusunod na aytem.
1. Ang wika ay isang napakahalagang instrumento tungo sa
pakikipagkomunikasyon at pagkakaunawaan. Gamit ang talahanayan sa
ibaba, itala kung paano mo magagamit ang wika sa loob ng iyong tahanan.
Gawing gabay ang unang kasagutan.

TAONG KAUSAP SA TIYAK NA SITWASYON PAANO GINAMIT ANG


LOOB NG TAHANAN WIKA?
Nakipag-usap at
Paghingi ng pahintulot nagpaalam nang
Nanay na makigamit ng maayos sa aking nanay
cellphone para sa upang ako ay payagan
gagawing pananaliksik niyang makagamit ng
kaniyang cellphone.

2. Maraming batas na ang ipinatupad tungo sa pagkakaroon natin ng wikang


pambansa. Kung ikaw ang tatanungin, ano ba ang kahalagahan ng batas sa
buhay ng isang tao at sa mamamayan ng isang bansa? Bakit ito kailangan
sundin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

12
Isaisip

Ngayong tapos mo nang sagutin ang mga pagsasanay sa modyul na ito, nais
ko namang ibahagi mo ang mga kaalaman na iyong napulot sa pag-aaral nito.
A. Gamit ang simbolong # o hashtag, sumulat ng isang salitang kakatawan sa
mga bagay na iyong natutuhan sa modyul na ito at pagkatapos ay
ipaliwanag kung bakit ito ang salita na iyong isinulat o pinili. Ilagay ang
iyong kasagutan sa hiwalay na papel.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

B. Ano-ano ang mga bagay na iyong nagustuhan at nais na ibahagi sa iba sa


pagbabasa ng modyul na ito? Itala ang mga bagay na iyong nagustuhan sa
hanay ng Tweet at itala naman ang mga bagay na iyong nagustuhan at nais
ibahagi sa iba sa hanay ng Retweet. Ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na
papel. Gayahin ang sumusunod na talahanayan sa pagsagot.

TWEET RETWEET

13
Isagawa

Ipagpalagay na ikaw ay isa sa mga mambabatas na nanunungkulan sa


kasalukuyan at magpapanukala ng batas kaugnay sa pagpapaunlad ng ating
wikang pambansa. Isulat sa isang malinis na papel kung ano ang batas na ito at
gumawa ng maikling sanaysay upang ipaliwanag kung bakit ito kailangang
ipatupad sa kasalukuyan. Gamitin ang gabay na nasa ibaba. Ang iyong gawa ay
mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan:

PAMANTAYAN 4 3 2 1
1. Nilalaman
(Malinaw na naipaliwanag ang kahalagahan ng panukalang
batas.)
2. Wika at Gramatika
(Walang pagkakamaling gramatikal at tipograpikal at
mahusay ang pagpili ng salita.)
3. Pormat
(Pagsunod sa balangkas ng isang sanaysay)
INTERPRETASYON
4 – NAPAKAHUSAY
3 – MAHUSAY
2 – KATAMTAMANG HUSAY
1 – KAILANGAN PA NG PAGSASANAY
KABUUAN

Panukalang Batas Blg. _______

Ipinanukala ni: ___________________________________________

Isang batas na

_____________________________________________
_____________________________________________

Paliwanag ukol sa batas kung bakit ito mahalagang pagtibayin.

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

14
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat aytem at isulat ang
tamang sagot sa hiwalay na papel.
A. Ibigay ang salitang tinutukoy sa bawat aytem. Isulat sa hiwalay na papel
ang iyong sagot.

_______________ 1. Sa wikang ito ibinatay ang pagkakaroon ng wikang pambansa.


_______________ 2. Ito ang Saligang Batas na nagsasaad na ang pambansang
wika ng Pilipinas ay Filipino.

_______________ 3. Ang tawag sa wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan.

_______________ 4. Sa kaniyang termino nagsimula ang hakbang upang magkaroon


ang Pilipinas ng wikang pambansa.

_______________ 5. Ito ang wikang pambansa ng Pilipinas.

_______________ 6. Isa sa mga konseptong pangwika na ginagamit sa


pakikipagtransaksiyon, pakikipagkomunikasyon, at
pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa sambayanan.

_______________ 7. Ang itinadhana ng batas at nasa proseso ng tinatawag na


lingua franca.

_______________ 8. Katangian ng wika kung saan ang mga pangkat ng tao ang
siyang nagtatakda ng mga tuntunin sa paggamit ng wika.

________________9. Ang wikang opisyal ng Pilipinas ayon sa isinasaad sa


________________10. Saligang Batas ng 1987 (2 puntos)

15
B. Piliin sa Hanay B ang mga kautusan o batas na hinihingi sa Hanay A. Letra
lamang ng wastong sagot ang isulat sa hiwalay na papel

HANAY A HANAY B

11. Nagsasaad na ang wikang pambansa A. Kautusan Tagapagpaganap


ng Pilipinas ay Filipino at ito ay Blg. 134
payayabungin pa salig sa mga umiiral na
wika sa bansa.

12. Itinatadhana nito na ang wikang B. Seksiyon 3, Artikulo XIV,


pambansa ng Pilipinas ay ibabatay sa Saligang Batas ng 1935
Tagalog.

13. Sinimulang ituro ang wikang C. Batas Komonwelt Blg. 570


pambansa na batay sa Tagalog sa mga
paaralan

14. Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang D. Seksiyon 6, Artikulo XIV,


tungo sa pagkakaroon ng wikang Saligang Batas ng 1987
pambansa
E. Kautusang Tagapagpaganap
15. Pagtitibay na ang wikang pambansa ng
Blg. 263
Pilipinas ay maging isa sa wikang opisyal
ng bansa.

16
Karagdagang Gawain

Ipagpalagay na ikaw ang kinatawan ng inyong pangkat sa isang paligsahan


sa pagsulat ng islogan para sa Buwan ng Wika. Ang tema ng patimpalak ay:
Filipino: Kasangkapan sa Pambansang Karunungan. Ang iyong islogan ay dapat na
masining at orihinal ang pagkakalikha. Gumamit ng mga pangkulay upang ito ay
higit na kaaya-aya sa paningin ng mga hurado. Ilagay ang iyong islogan sa isang
oslo paper.

17
18
Subukin Tayahin
A. A.
1. Fake News 1. Tagalog
2. Legit 2. Seksiyon 6, Artikulo XIV,
3. Fake News Saligang Batas ng 1987
4. Legit
3. Wikang Panturo
5. Legit
4. Pangulong Manuel L.
6. Legit
7. Fake News Quezon
8. Legit 5. Filipino
9. Fake News 6. Wikang Opisyal
10. Legit 7. Wikang Pambansa
8. Arbitraryo
9. Filipino
B. 10. Ingles
11. A (Para sa aytem Blg.9 at 10:
12. C Maaaring mauna ang alin man sa
13. C dalawang kasagutan)
14. B
15. A
B.
11. D
12. A
13. E
14. B
15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aguilar, Jennifor L., Jomar I. Cañega, Hermeline B. Aguilar and Ellen Grace F.
Fallarcuna. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Rodriguez, Rizal: Jenher Publishing House.

Almario, Virgilio S. 2008. Tradisyon at Wikang Filipino. U.P. Diliman, Quezon City:
Sentro ng Wikang Filipino.

Arzadon, Maria Mercedes. Mother Tongue Based Multilingual Education (MTB-


MLE) Philippines. 2020. http://mothertongue-based.blogspot.com/

Austero, Cecilia S., Lolita T. Bandril, at Imelda P. De Castro. 1999. Filipino sa Iba’t
Ibang Disiplina. Balubaran, Valenzuela City: Mutya Publishing House.

Catacataca, Pamfilo D. at Clemencia C. Espiritu. 2005. Wikang Filipino:


Kasaysayan at Pag-unlad. Sampaloc, Manila: Rex Publishing House.

Government of the Philippines. Komisyon sa Wikang Filipino. 2009. Gabay sa


Ortograpiyang Filipino. Maynila.

Merriam Webster. Words at Play. New Words in the Dictionary.


2020.https://www.merriam-webster.com/words-at-play/new-words-in-the-
dictionary

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office-Quezon City

43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Lungsod Quezon, Kalakhang


Maynila

Telephone No.: 8352-6806/6809 Telefax: 3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like