You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Justice, Region V


National Prosecution Service
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Sorsogon City

PEOPLE OF THE PHLIPPINES


Complainant,
NPS Nos. V-13-INV-20K-1015
to 1020
For: Violation of RA 7610
- versus -

MANUEL DUQUE
JOMAR DUQUE
Respondents.
x------------------x

PINAG SANIB NA KONTRA-SINUMPAANG


SALAYSAY
KAMI NA SINA MANUEL DUQUE at JOMAR DUQUE lahat ay
residente ng Barangay San Juan, Casiguran, Sorsogon mga nasa
tamang edad pagkatapos makapanumpa ng sang-ayon sa ipinag-uutos
ng batas ay malaya at kusang-loob na dito ay nagsasalaysay:

1. Na kami ang may akda ng sinumpaang salaysay na ito;

2. Na ang nakasaad sa isinampang kaso laban sa amin na


violation of RA 7610 ay walang batayan at hindi
makatotohanan upang kami ay isakdal sa husgado;

3. Na ang totoo po niyan ay –

a. Noong insidente na binabanggit na nangyari noong


Marso 10, 2019 –
Para kay JOMAR DUQUE –
Nasa Batangas po ako ng mga panahong iyon at umuwi
lamang ako ng Abril 3, 2019, kaya imposible po ang
kanilang alegasyon. Makapagpapatunay nito ang may ari
ng tindahan sa may bahay namin na si ISABELITA
HAGUPIT at kalakip dito ang kanyang affidavit bilang
Annex “1;”

Para kay MANUEL DUQUE –


Nasa niyogan ako ng mga panahong iyon dahil doon ako
nagtatrabaho. Ang niyogan na aking pinag tatrabahuhan
ay sa Mabini, Casiguran, Sorsogon;

4. Isa pa talagang napaka imposible ng alegasyon ng mga


complainants. Una, ang sabi nila ay “Noong March 10
2019 bandang 6:30 ng umaga magkakasama po kaming
apat na magkakapatid papasok sa eskwelahan
pagdaan po namin sa tapat ng bahay nila Manuel (ama)
at Jomar Duque (anak) nakita po namin ang kalaswaang
ginagawa nila.” Bakit ito kaduda duda? Kasi ang petsang
sinasabi nila ay pumapatak ng linggo. Paanong
magkakaroon ng pasok sa araw ng linggo kung hindi ito
gawa gawa lamang ng mga complainants. Ang pagsabing
nakita nila kami na gumagawa ng kalaswaan ay
napakadali lamang gawin. Kahit sino ay maaring mag
claim ng ganito. Pero magiging sapat ba ito kung walang
ibang ebidensya? Ang sagot po namin ay hindi. Ang
alegasyon na walang ebidensya ay sinasabi ng korte na
walang “probative value.” Isinusumite namin na ang
pagsabi ng nakita kaming gumagawa ng kalaswaan na
walang anumang ibang patunay ay hindi sasapat para
magkaroon ng probable cause;

5. Pangalawa, paano naman nila kami makikita sa kanilang


dinaraanan na ang bahay namin ay malayo sa talagang
main road. Ito ay humigit kumulang na 53 meters palayo
sa main road at nahaharangan pa ng mga damo at tanim
ang pagitan ng aming bahay at kalsada. Upang
patotohanan ito ay kalakip dito ang certifikasyon pirmado
mismo ng aming Brgy. Captain na si Roberto Doma bilang
Annex “2,” at ang larawan sa ibaba kuha sa lokasyon ng
aming bahay at sinasabing daanan;

BAHAY NAMIN

(MORE OR LESS)
50 METERS
AWAY

MAIN ROAD
B. Noong insidente na binabanggit na nangyari noong
October 24, 2020 mga alas 8:00 ng umaga –

Para kay JOMAR DUQUE –


Nasa niyogan po ako ng mga oras na iyon sa Mabini,
Casiguran, Sorsogon. Ang distansya po ng Mabini mula sa
aming bahay ay higit kumulang na tatlong (3) kilometro at
lakad lamang kami papunta doon. Inaabot kami ng isang
oras sa paglalakad. Kadalasan umaalis kami ng alas sais
(6) ng umaga para lamang maka abot ng trabaho kaya
imposible po talaga ang paratang na iyon. Para patunayan
ito ay kalakip dito ang affidavit ng aming amo na si Jimmy
Espaldon bilang Annex “3;”

6. Bukod pa dito ang sabi ng complainant na si MARY JOY


BITARA ay “napansin ko din po na nakatingin siya sa akin
habang nakahawak ang kamay nya sa kanyang short sa
tapat ng kanyang ari.” Kahit sabihin man natin para sa
argyumento na gumawa nga ako ng ganoon ay hindi
masasabing malaswa na iyon. Ang paghawak sa short
sa tapat ng ari ay natural lamang at hindi malaswa.
Magiging malaswa sana ito kung kasabay ng pag
hawak ay may naganap na paghimas o kaya’y
paglabas mismo ng ari na hindi naman nangyari base
na rin sa testemonya ni MARY JOY. Walang anumang
“overt acts” para masabing may krimen;

7. Hindi na rin minor si MARY JOY noong October 24, 2020


dahil ang kanyang kaarawan ay April 11, 2002. Ibig sabihin
ay 18 taong gulang na siya ng mangyari ang
sinasabing insidente;

C. Noong insidente na binabanggit na nangyari noong


November 3, 2020 mga alas 5:00 ng hapon –

Para kay JOMAR DUQUE –


Muli po wala pong katotohanan ang paratang na iyan. Ang
tapos ng aming trabaho sa Mabini ay alas singko (5) ng
hapon, at dahil humigit kumulang sa isang oras ang aming
ginugugol na panahon sa pag uwi ay wala pa kami doon;

8. Binanggit na din mismo nila “GANELLA” at “GILIAN” na


sila ay galing sa pag-igib ng tubig. Ito ay isang public place
kung kaya’t may nakakita sana na iba kung totoo ang
kanilang ibinibintang lalo na’t 5:00 ng hapon nangyari ang
insidente naka-panahunan ng mga nag-iigib ng tubig;

___________________

9. Na wala pong katotohanan ang mga ibinibintang sa amin.


Wala po kaming alam sa mga ibinibintang nila. Ang naiisip
namin na motibo ay nagagalit sila sa amin dahil sa pinag
aagawan naming lupa kung saan nakatirik ang aming
bahay;

10. Ang pamilya din po ng mga complainants ay kilala sa


Barangay na mahilig gumawa ng mga kwento. Sa
katunayan inireklamo na rin siya ng aming ka-barangay na
si MAGDALENA SALIMBACOD dahil ikininakalat nya nga
na ginawan daw ng kalaswaan din ng asawa ni
MAGDALENA at mga anak nito ang kanyang anak. Bilang
patunay ay kalakip dito ang blotter sa barangay bilang
Annex “4.” Bukod pa dito ay may iba pa syang mga blotter;

11. Na humihingi po kami ng masusing imbestigasyon sa mga


bagay na ito dahil kami po ay mga inosente at
nakapanlulumo lamang na kami ay makukulong dahil sa
mga bintang na bukod sa ang layo sa katotohanan ay wala
namang basehan;

12. Ang salaysay na ito ay aming ginagawa bilang patotoo sa


lahat ng mga nabanggit na sa itaas nito at upang ma-
dismiss ang complaint laban sa amin sa kadahilanang
wala itong basehan.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito


ngayong ika-9 ng Disyembre, 2020 dito sa Sorsogon City.

MANUEL DUQUE JOMAR DUQUE


Affiant Affiant

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-9 ng


Disyembre, 2020 dito sa Sorsogon City.

Copy Furnished:
MARY JOY BITARA, GANELLA BITARA, & GILIAN FAITH BITARA c/o GINA GOLORAN –
San Juan, Casiguran, Sorsogon

You might also like