You are on page 1of 19

Masusing Banghay sa Filipino

(Pamaraang Pasaklaw)

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy kung ano ang pabula;


2. Napapahalagahan at naisasapuso ang mga aral sa pabula;
3. Nakabubuo ng isang pabula.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pabula;
Sanggunian: https://noypi.com.ph/pabula/
Kagamitan: Malaking libro, biswal, kartolina at panulat;
Estratehiya: Pasaklaw na paraan

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Paunang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.

Binibining Cruella maari mo bang


pangunahan ang ating panalangin?
Mahal naming Panginoon,
maraming salamat po sa
araw na ito na ipinagkaloob
niyo sa amin. Gabayan mo
po ang inyong mga anak sa
lahat ng aming gawain. Ilayo
mo po kami sa lahat ng
panganib upang
maipagpatuloy po namin ang
mabuting hangarin namin na
matuto. Amen.

2. Pagbati
Magandang-araw mga bata! Magandang-araw Binibining
Pascual!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Pag tetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo pakipulot ng mga


kalat na nasa ilalim ng inyong mga
lamesa at paki-ayos ng inyong mga (Magpupulot ng kalat ang
upuan. mga mag-aaral at aayusin
ang kanilang mga upuan)

Maaari na kayong ma upo.

Binibining Sheena, Maaari ko bang


malaman kung ilan ang lumiban sa
klase ngayong araw? Kinagagalak ko pong sabihin
sa inyo na walang lumiban
ngayong araw.

Maraming salamat, maari ka nang


maupo.

B. Pagsasanay
Magkakaroon tayo ng isang aktibidad
na pinamagatang “4 pics 1 word”. Sa
tulong ng mga larawan at mga letra ay
malalaman niyo kung ano ba ang nasa
larawan. (Inaasahang sagot)

1. Aso
1.

2.
2. Pusa
3.

3. Pagong

Ano ang mga


nasa
Mga hayop.
larawan?
Tama! Maraming salamat.
C. Balik-Aral: Maikling kwento

Ano ang maikling kwento?


Binibining Joan, maaari mo bang
ibahagi sa klase kung ano ang
pagkakaintindi mo sa maikling kwento?

Ang maikling kwento ay


isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan
ng isa o higit pang mga
Tama! Maraming salamat. tauhan.

Anu-ano ang elemento ng isang


maikling kwento?
Binibining Cruella? Ang mga elemento ng
maikling kwento ay tauhan,
tagpuan/panahon, saglit sa
kasiglahan, suliranin o
tunggalian, kasukdulan,
kakalasan at wakas
Magaling! Maraming salamat.

Maaari ka bang magbigay ng


halimbawa ng maikling kwento Ang kwento ni Mabuti
binibining Sheena?

Tama! Maraming salamat Bb. Sheena.


D. Paglinang na Gawain
4. Pagganyak:
Magsitayo ang lahat at umawit tayo sa
saliw ng isang awiting pambata na may
pamagat na “Trip sa Zoo”

Za za zi zi zi zoo zoo zoo!


Za za zi zi zi zoo! Trip sa zoo!
Za za zi zi zi zoo zoo zoo!
Za za zi zi zi zoo! Tayo na!

Tara na sa zoo, may elepante,


Nguso`y kumakampay.
Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, para sa kanggaru, may
sanggol sa bulsa ng tiyan. Ho-ho-ho-ho
Tara na sa zoo, may paboreal,
Pumupustura. Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, para sa dophin,
tumatalon sa ere. Ho-ho-ho-ho

Za za zi zi zi zoo zoo zoo!


Za za zi zi zi zoo! Trip sa zoo!
Za za zi zi zi zoo zoo zoo!
Za za zi zi zi zoo! Tayo na!

Tara na sa zoo, may penguin,


Pa ingkang-ingkang siya. Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, may munting iskangk,
Popotpot “Oops, sensya po”. Ho-ho-ho-
ho
Tara na sa zoo, para sa giraffe,
Leeg ay mahaba. Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, para sa rhino, na
sumisinghal. Ho-ho-ho-ho

Trip sa zoo!
Za za zi zi zi zoo zoo zoo!
Za za zi zi zi zoo! Trip sa
zoo!
Za za zi zi zi zoo zoo zoo!
Za za zi zi zi zoo! Tayo na!

Tara na sa zoo, may


elepante,
Nguso`y kumakampay.
Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, para sa
kanggaru, may sanggol sa
bulsa ng tiyan. Ho-ho-ho-ho
Tara na sa zoo, may
paboreal,
Pumupustura. Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, para sa
dophin, tumatalon sa ere.
Ho-ho-ho-ho

Za za zi zi zi zoo zoo zoo!


Za za zi zi zi zoo! Trip sa
zoo!
Za za zi zi zi zoo zoo zoo!
Za za zi zi zi zoo! Tayo na!

Tara na sa zoo, may


penguin,
Pa ingkang-ingkang siya.
Ha-ha-ha-ha
Tara na sa zoo, may munting
iskangk, Popotpot “Oops,
sensya po”. Ho-ho-ho-ho
Tara na sa zoo, para sa
giraffe,
Leeg ay mahaba. Ha-ha-ha-
ha
Tara na sa zoo, para sa
rhino, na sumisinghal. Ho-
ho-ho-ho

Magaling! Maaari na kayong Trip sa zoo!


magsiupong lahat.

5. Pagganyak na Tanong:
Basahin ang pagganyak na tanong sa
pisara.
Binibining Joan?
Ano ang pabula?
Ano ang mga elemento ng
pabula?
Maraming salamat!

E. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay
tungkol sa pabula at ang elemento nito.

Pakibasa ang kahulugan ng pabula.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral)
Ang pabula ay isang uri ng
panitikan na kathang isip
lamang na kinapupulutan ng
magandang aral. Mga hayop
o bagay na walang buhay
ang karaniwang tumatampok
na pangunahing tauhan dito.

Maraming salamat!
Ang Pabula ay isang kuwento kung
saan mga hayop ang gumaganap at
ang mga hayop na ito ay kumikilos at
nagsasalita na tulad ng tao. Ang mga
hayop na ginagamit na tauhan ay
sumisimbolo sa mga kaugalian o
katangian ng mga tao, mabuti man o
masama. Tinatawag na pabulista ang
mga manunulat ng pabula.

Pakibasa ng pangalan ng nasa larawan


sa pisara.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral)
Si Aesop po
Maraming salamat!
Si Aesop ay tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa bantog
niyang likha at aklat na Aesop`s Fable.

Ibabahagi ko sa inyo ang isang


halimbawa ng pabula. Ito ay isa sa
mga sikat na pabula na may pamagat
na “Ang Leon at ang Daga”
(Makikinig ng mabuti ang
mga mag-aaral)

May isang leon na nakatira sa


kagubatan. Isang araw, pagkatapos
niyang kumain ay nakatulog ang leon
sa ilalim ng isang puno. Nakita siya ng
isang maliit na daga at naisip nitong
makipaglaro sa kanya. Tuwang-tuwang
tumakbo ang daga sa likod ng
natutulog na leon. Akyat-panaog siya
sa buntot nito.

Nagising ang leon at sumigaw ng


napakalakas. Dinakma ng leon ang
maliit na daga. Ang kawawang daga ay
hindi makawala. Binuksan ng leon ang
kanyang bibig para kainin ang daga.
Takot na takot ang daga.

"Mahal na hari, maawa kayo sa akin.


Huwag niyo po akong kainin. Patawarin
niyo ako at pakawalan niyo na po ako.
Tatanawin ko itong isang malaking
utang na loob" sabi ng daga.
Pinagtawanan lang ng leon ang maliit
na daga dahil sa imposibleng pangako
pero pinakawalan ng leon ang daga at
pinagbigyan.
"Maraming salamat mahal na hari! Lagi
kong tatandaan ang inyong kabaitan."
ani ni daga.

"Maswerte ka at busog ako ngayon.


Kakatapos ko lang kumain pero wag na
wag mo na akong gagambalain muli at
baka tuluyan kitang kainin!" sagot ni
leon.

Pagkalipas ng ilang araw, umikot ang


leon sa kagubatan. Ginawan ng mga
mangangaso ng isang bitag ang leon.
Nagtago ang mga mangangaso sa
likod ng puno habang hinihintay ang
leon.

Pagkalapit ng leon, agad hinatak ang


lubid ng mga mangangaso at siya'y
nadagip. Humiyaw ng napakalakas ang
leon at tinangka niyang makatakas
ngunit siya ay sawi. Ang mga
mangangaso ay kumuha ng kariton sa
bayan para madala ang leon. Patuloy
na humihiyaw ang leon. Narinig ng
mga hayop at ng daga ang hiyaw ng
leon.

"Kawawa naman ang hari! Kailangan


ko siyang tulungan"sabi ni daga.
Nilapitang agad ng maliit na daga ang
leon.
.
"Huwag kayong mag-alala mahal na
hari. Papakawalan ko kayo!" ani ni
daga. Umakyat ang maliit na daga sa
bitag at unti-unting kinagat ang nga
lubid.
Sa wakas, nakawala ang leon.
Napagtanto ng leon na may kakayanan
din ang maliit na daga.

"Maraming salamat bugwit! Mula


ngayon ay malaya kang maninirahan
dito sa aking kagubatan. Nailigtas mo
ang isang hari, ikaw ngayon ang
prinsipe ng aking kagubatan." sabi ni
leon.

"Salamat din po, paalam hanggang sa


muli!" sagot ni daga.

"Ahhh! Saan ka pupunta? Ayaw mo


bang maglaro ulit sa aking buntot?" ani
leon

Masayang naglaro ulit ang maliit na


daga sa buntot ng leon. Makalipas ang
ilang minuto, bumalik ang mga
mangangaso na may dalang malaking
kulungan para sa leon. Tumakbo ang
leon at ang daga papunta sa mga
mangangaso. Humiyaw ng malakas
ang leon at natakot ang mga
mangangaso. Kumaripas sila ng takbo
pabalik sa bayan.

Mula noon, naging magkaibigan ang


leon at ang maliit na daga.

Nagustuhan niyo ba ang binasa kong Opo, Bb. Pascual


pabula?

Nagagalak akong malaman na ito`y


inyong nagustuhan.

Mayroong apat na elemento ang


Pabula;
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Aral

Pakibasa ang kahulugan ng tauhan?

(Magtatawag ang guro ng isang mag- Ang tauhan ay ang mga


aaral) gumaganap o nagbibigay ng
buhay sa pabula.

Maraming salamat!
Sa pabula, ito ay ang mga hayop na
nag-iisip, kumikilos at nagsasalita gaya
ng mga tao.

Sa pabulang aking binasa sino ang


pangunahing tauhan?

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral) Si Leon at daga.

Tama!
Pakibasa ang kahulugan ng tagpuan?

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral) Ang tagpuan ay tumutukoy
sa oras, panahon, at lugar na
pinagdausan sa pabula.
Maraming salamat!
Ang oras, panahon at lugar ay maaring
maging dalawa o higit pa sa pabula.

Sa pabulang ang leon at ang daga


saan ang tagpuan?

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral) Ang tagpuan sa pabula ay sa
kagubatan.
Tama!
Pakibasa ang kahulugan ng Banghay?

(Magtatawag ang guro ng isang mag- Sa banghay nakasaad ang


pagkasunod-sunod ng mga
aaral) pangyayari sa pabula.

Maraming salamat!
Makikita ang ugnayan ng tauhan,
tagpuan at pangyayari sa elementong
ito. May tatlong bahagi ang Banghay;
simula, gitna at wakas. Sa simula
ipinakikilala ang mga tauhan, tagpuan
at suliranin. Ito ay dapat na kawili-wili
sa mambabasa. Sa gitna naman
inilalahad ang mga pangyayari mula sa
papataas na kasiglaan hanggang sa
kapana-panabik na tagpo. Ang wakas
ay ang katapusan ng kuwento at ang
aral o mensahe na mapupulot sa
pabula.

Pakibasa ang ibig sabihin ng aral. Ang


huling elemento ng pabula.

(Magtatawag ang guro ng isang mag- Ito ang mga mahalagang


aaral) matututunan pagkatapos
mabasa ang kwentong
pabula.

Maraming salamat!
Ito ay tumutukoy sa mga
pagpapahalaga na magsisilbing gabay
ng mga tao upang maiwasto ang hindi
magandang gawi, asal o pag-uugali.

Sa pabulang ang leon at ang daga ano


ang maaaring mapulot na magandang
aral?

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral) (inaasahang sagot)
 Ang paghingi ng
paumanhin sa kapwa
ay sinusuklian ng
pang-unawa.
 Ang pag-unawa sa
kapwa ay
humahantong sa
mabuting
pagkakaibigan.
 Huwag maliitin ang
kakayahan ng iyong
kapwa. Hamak man
ang isang tao ay
maaari siyang
makatulong ng malaki
o makagawa ng
Mahusay! bagay na lubhang
makabuluhan.

Pagpapalawak ng Kaalaman
Ngayon alam na ninyo kung ano ang
Pabula, at ang mga elemento nito.
Kaya naman mag bibigay ako ng isang
aktibidad bawat grupo, ang kaliwang
hanay ng upuan ay ang magsisilbing
unang pangkat at ang kanang hanay
naman ang magiging pangalawang
pangkat.
(Ibibigay ang activity sheet)

Ngunit bago magsimula ang inyong


aktibidad ay alamin muna natin kung
ano nga ba ang mga layunin sa ating
aktibidad. Makikibasa ito bb. Sheena.

I. Layunin:
• Mas lalong
maintindihan ang pabula at
ang mga elemento nito.

Maraming Salamat.

Ano naman ang mga materyales na


ating gagamitin sa aktibidad.

II. Materyales
• Cartolina
• Panulat
• Double Sided Tape
Maraming Salamat.
Ano naman ang mga hakbang sa pag-
iingat habang isinasagawa ninyo ang
inyong gagawin. Bb. Cruella?

Hakbang sa Pag-iingat
1. Iwasan na kumain
habang
nagsasagawa ng
aktibidad.
2. Iwasan
magkwentuhan ng
walang kabuluhan
sa aktibidad.
3. Makipagtulungan
bilang isang grupo.
4. Panatilihin ang
kalinisan ng lugar na
pinagsasagawaan
ng aktibidad.
5. Huwag paglalaruan
ang mga materyales
na gagamitin sa
Bago magsimula ang bawat grupo ay aktibidad.
narito muna ang rubriks kung paano ko
kayo bibigyan ng puntos sa inyong
ginawang aktibidad.

MGA
5 3 1
BATAYAN

Naibibigay ng May kaunting


Maraming
buong husay kakulangan
kakulangan sa
ang hinihingi ang nilalaman
A.Nilala- nilalaman na
ng takdang na ipinakita
man ipinakita sa
paksa sa sa
pangkatang
pangkatang pangkatang
gawain.
gawain. gawain.

Buong husay
at malikhaing Naiulat at Di gaanong
naiulat at naipaliwanag maipapaliwan
B.Presenta naipaliwanag ang ag ang
syon ang pangkatang pangkatang
pangkatang gawain sa gawain sa
gawain sa klase. klase.
klase.

Naipapamala
Naipapamala Naipapamalas
s ng buong
s ng halos ang
miyembro
lahat ng pagkakaisa ng
ang
C.Koope- miyembro ang ilang
pagkakaisa
rasyon pagkakaisa miyembro sa
sa paggawa
sa paggwa ng paggawa ng
ng
pangkatang pangkatang
pangkatang
gawain. gawain.
gawain.

Natatapos
ang Natapos ang
Di natapos
D.Tak- pangkatang pangkatang
ang
dang gawain ng gawain ngunit
pangkatang
Oras buong husay lumagpas sa
gawain.
sa loob ng takdang oras.
takdang oras.

Malinaw ba mga bata?

 Ang unang grupo ay babasahin


ang pabulang may pamagat na
“Ang kabayo at ang kalabaw”.
Ibabahagi nila ang mga aral na
natutunan nila sa pabula sa
kanilang kamag-aral.
Opo, bb. pascual

(inaasahang sagot)

• Maging matulungin sa
kapwa.
• Kung may kakayahan
 Ang pangalawang grupo ay kang tumulong ay huwag
gagawa ng sariling pabula na mong ipagdamot ito sa iba.
nagtataglay ng apat na Malaking pasanin ang
elemento ng pabula. gagaan kung tayo ay
magtutulungan.
• Huwag maging
makasarili.

(Naggawa ng sariling pabula


ang mga mag-aaral)
Paglalahat:

Ano ang pabula?


Ang pabula ay isang uri ng
panitikan na kathang isip
lamang na kinapupulutan ng
magandang aral. Mga hayop
o bagay na walang buhay
ang karaniwang tumatampok
na pangunahing tauhan dito.

Ano ang apat na element ng pabula?


Ang apat na elemento ng
pabula ay ang tauhan,
tagpuan, banghay at aral.

Pagpapahalaga:
Bakit natin kailangan pag-aralan ang
pabula at ang mga elemento nito? (Ang mga mag-aaral ay may
iba`t-ibang sagot)
Mahalaga ito dahil ang bawat
pabula ay may matutunan
tayong mga magagandang aral
na pwede nating gamitin at
matutunan habang tayo ay
nalilibang sa pagbabasa nito.

Naintindihan niyo ba ang aralin natin sa


araw na ito?
(inaasahang sagot)
Opo, Binibining Pascual!

Wala ba kayong mga tanong?


Wala po Bb. Pascual!

E. Pagtataya:
Basahin ang mga direksyon at sagutan
ang sumusunod na tanong.
A. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang tinaguriang “Ama ng
mga Sinaunang Pabula”?
a) Aesop
b) Plato
c) Dr. Jose Rizal

2. Ito ay isang kuwento kung


saan mga hayop ang
gumaganap at ang mga hayop
na ito ay kumikilos at
nagsasalita na tulad ng tao.
a) Tula
b) Pabula
c) Parabola

3. Ito ay tumutukoy sa oras,


panahon, at lugar na
pinagdausan sa pabula.
a) Tauhan
b) Tagpuan
c) Banghay

4. Ito ay ang mga gumaganap o


nagbibigay ng buhay sa
pabula.
a) Tauhan
b) Tagpuan
c) Aral

5. Ito ang mga mahalagang


matututunan pagkatapos
mabasa ang kwentong pabula.
a) Tagpuan
b) Banghay
c) Aral

6. Dito nakasaad ang


pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pabula.
a) Pabula
b) Tagpuan
c) Banghay

7. Bakit tinaguriang “Ama ng mga


Sinaunang Pabula” si Aesop?
a) Dahil sa kanyang aklat
na Aesop`s Fable.
b) Dahil sa kanyang aklat
na Aesop`s Table.
c) Dahil magaling siyang
makipagtalastasan

8. .Ano ang tawag sa mga taong


nagsusulat ng pabula?
a) Kwentista
b) Pabulista
c) Turista

B. Ibigay ang sinasaad ng bawat


bilang.

9-12. Ibigay ang apat na element


ng Pabula.
13-15. Ibigay ang tatlong bahagi
ng banghay.
(Inaasahang sagot sa
Tanong A)

1. A. Aesop
2. B. Pabula
3. B. Tagpuan
4. A. Tauhan
5. C. Aral
6. C. Banghay
7. A. Dahil sa kanyang
aklat na Aesop`s
Fable.
8. B. Pabulista
(Inaasahang sagot sa
Tanong B)

9. Tauhan
10. Tagpuan,
11. Banghay
12. Aral
13. Simula
14. Gitna
15. Wakas

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik at magbasa ng isang halimbawa ng Kwentong-bayan.
Ilagay sa inyong kwaderno ang buod nito.

You might also like