You are on page 1of 2

Wikang Filipino: Kilala mo ba?

Hello! Ola! Konnichiwa! Annyeonghaseyo! Hindi ba’t napakagandang gpakinggan. Mga salita mulasa
iba’ti bang bansa, mga wika mula sa iba’t ibang kultura, batid kong kilala mo sila. Ang wikang Filipino,
kilala mo rin kaya?

Isang pagbati ng magandang araw sa aming guro at sa aking mga kamag-aral.

Hanggul, Japanese at Ingles. Ilan lamang ito sa mga wikang gustong matutuhan ng bawat Pilipino lalong-
lalo na ang mga kabataan. Pilit natin itong pinag-aaralan at kahit magkabuhol-buhol man ang ating dila
sa wikang ito ay paglalaanan pa rin natin itong laway at panahon. Hindi ba’t kahanga-hanga tayong mga
Pilipino? Sa kaunting determinasyon, panahon at K-dramas tiyak kong matututo rintayong magsalita ng
ibang wika.

Ang tanong, kaya mo rin bang paglaanan ng oras at pag pursigihang aralin ang ating wikang Filipino?

Kung karamihan sa atin ang siyang tatanungin, batid kong sasabihin nilang oo. Aba! Buong buhay mo sa
paaralan ay may asignaturang Filipino. Tama, mula nang mamulat tayo sa ating mundo at mula nang
matuto tayong bumasa at sumulat kasa-kasama na natin ang wikang Filipino. Pinag-aaralan ang bawat
salita, istraktura, at balarila maging ang mga iba’t ibang anyong panitikan. Ngunit, ang tanong ay bakit
mo pinagtitiyagaan ang asignaturang Filipino? Dahil ba gusto mong makilala ang Filipino? O dahil isa
lamang itong pangangailangan para makakuha ng isang diploma?

Mga kapwa ko Pilipino, hindi sapat ang kaalaman upang sabihing kilala natin ang isang tao, bagkus,
nangangailangan ito ng pagpapahalaga, pagsisikap, pag-unawa at pagmamahal. Ganoon din sa wikang
Filipino. Hindi natin masasabing kilala natin ang sariling wika kung hindi natin ito pinapahalagahan,
nilalaanan ng oras, inuunawa at minamahal.

Pansinin ninyo sa aspetong teknikal. Marami sa mga Pilipino ang nagkakamali pa rin sa pagbabaybay ng
mga salita o sa pagbuo ng mga pangungusap, maging ang wastong paggamit ng salita. Hindi rin tayo
naglalaan ng panahon upang tumingin sa mga talasalitaan o magsaliksik man lang tungkol sa ating wika.
Salungat sa tuwing tayo’y nag-aaral ng Ingles. Hindi tayo magkandatuto na tumingin sa talasalitaan para
itama ang baybay ng salitang Ingles. Mas pinagsisikapan nating maging wasto sa tuwing tayo’y
nagsusulat ng Ingles kaysa sa tuwing tayo’y sumusulat sa Filipino.

Hindi ko sinasabing masama ang pag-aralan ang ibang wika dahil kung tutuusin ay magandang
pagkakataon ito upang makilala at makisalamuha sa ibang bansa. Ngunit, kung mas pinapahalagaan
natin ang pag-aaral ng ibang wika kaysa sa pag-aral ng sariling wika ay isang malaking kamalian. Lahat
tayo ay mga Pilipinong binuklod ng wikang Filipino at tungkulin nating paunlarin, mahalin at kilalanin ang
wikang Filipino.

Ang hinihiling ko lang sana’y paunlarin natin sa ating sarili ang wikang Filipino hindi dahil sa kailangan
mo ng diploma kundi dahil isakang Pilipino. Pag-aralan mo ang Filipino tulad ng pag-aaral mo sa Ingles,
kilalanin mo ang Filipino tulad ng pagkilala mo sa iba pang wika. Tandaan natin maraming kultura ang
nagtatago sa bawat salitang ating wikang Filipino. At higit sa lahat, maraming kalayaan na ang ibinigay
ng tining ng wikang Filipino.

Pilipino ka kaya kilalanin mo ang wikang Filipino dahil ang wikang Filipino ang dahilan kung bakit ka
kinikilala bilang isang Pilipino.

You might also like