You are on page 1of 12

PANANALIKSIK SA ISANG PELIKULANG LAYONG MALAMAN ANG

MGA ANGULO AT MAHALAGANG PANGYAYARI SA PELIKULANG:


HENERAL LUNA

Isang panunuring pampanitikan na

Inihaharap sa paaralan ng

JASAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bayan ng Jasaan

Bilang Bahaging Katuparan Sa mga

Pangangailangan ng Asignaturang

Filipino-11 Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang teksto tungo sa

pananaliksik

NINA:

Alfred lloyd B. Canete

Daffodil A. Garcia

Jerwin F. Jabiniao

Kimberly M. Canadilla

Regine Angel M. Punate

Wincy Amor O. Pacana

Pangalawang Semester

Taong Panuruan 2016-2017


TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pamagat Pahina

DAHON NG PAMAGAT i

DAHON NG PASASALAMAT ii

TALAAN NG NILALAMAN iii

KABANATA

I. ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

Pambungad 4

Balangkas konseptwal 5

Iskematik Dayagram ng Pananaliksik 6

Paglalahad ng suliranin 7

Kahalagahan ng pag aaral 8

Saklaw at limitasyon 9

Katuturan ng mga Terminolohiya 10


PASASALAMAT
Ang pananaliksik na ito ay isang magandang oppurtunidad sa amin upang
alamin ang mga Angulo at mahalagang pangyayari sa pelikulang ito, kaya taos puso
naming pinapasalamatan ang mga personalidad na tumulong sa amin sa pagbuo ng
pagsusuring ito.

Gng. Fe D. Arancon Punong Guro II, sya ang tagapamahala ng paaralang


Jasaan Senior High School, isang magandang opportunidad sa pag tanggap sa amin
sa paaralang ito.

Gng. Domina C. Gorospe Pangalawang Punong Guro II, sa pag bigay nang
opportinidad na mag saliksik sa proyektong ito.

Dr. Arnold C. Deluna, Guro namin, sa pag tanggap nya sa amin bilang kanyang
estudyante sa loob ng kanyang silid aralan at pagbibigay dagdag kaalaman sa aming
proyekto.

G. Bonifacio N. Gegato Jr, Guro namin sa Asignaturang Pilipno sa pag bigay


nya sa amin ng mga halimbawa at pag gabay sa pagsasaliksik na ito, lalong lalo na sa
mga koreskyon nya sa aming proyekto na naigawa namin nang maayos.

Sa mga magulang namin na walang sawang nag bigay ng perang pangtustos


sa aming sa pang araw-araw na gastusin sa paaralan, sa pag supporta at
pagmamahal na ipinapakita nila sa amin.

Sa mga kamag aral namin na tumulong at nag bigay supporta, at sa pag


dadagdag ng mga ideya para sa aming pagsasaliksik

At sa PUONG MAY KAPAL na nagbibigay ng lakas ng loob at kaalaman upang


makayanan ang pagsasaliksik na ito.

Mga tagapagsaliksik:
Alfred lyod B. Canete

Daffodil A. Garcia

Jerwin F. Jabiniao

Kimberly M. Canadilla

Regine Angel M. Punate

Wincy Amor O. Pacana


PAMBUNGAD

Ang katapangan ay ang kakayahan ng isang tao na harapin


ang takot, hapdi, panganib, kawalan ng katiyakan, o intimidasyon (pananakot).
Ang katapangang pisikal ay ang katapangan habang may kinakaharap na kahirapang
pangkatawan, pagbabata, kamatayan, o panganib na kamatayan; samantalang
ang katapangang moral ay ang kakayahan na kumilos ng tama sa harap ng popular
na oposisyon o pagsalungat, pagkapahiya, iskandalo, o pagkasira ng loob at
panghihina ng kalooban, pati na ng kawalan ng pag-asa.

“Mga kapatid, mayroon tayong mas malaki kaaway kasya mga Amerikano: ang ating
sarili.”

Mula sa mismong Kamaynilaan kung saan ang pamahalaa’t mga nakatataas


mismo ang nananakit sa mga mamamayan na dapat nitong pinoprotektahan,
patungo sa Mindanao kung saan ang ating mga kapatid na Lumad ay pinapaslang at
pinaaalis sa kanilang mga lupang sinilangan, wala na yatang mas totoo pa sa mga
katagang binitawan ni Ginoong John Arcilla kaysa rito.

Simula pa noong magsimula ang giyera noong ika-apat ng Pebrero, 1898 (at alam
ko, at tandang-tanda ko ito sapagkat sinapuso ko ang bawat leksyon na itinuro sa
amin ng instructor namin sa Kas1), iyan na ang problema natin. Bago pa nga
sumiklab ang unang rebolusyon ng Pilipinas, bago pa mabuhay si Rizal, bago pa
maitakda ang pamahalaang Kastila sa buong kapuluan, ang mga kababayan na natin
agad ang ating mga pinakamasahol na kalaban. Sa pag-traydor ni Antonio Surabao sa
datu ng Palawan at sa Tondo Conspiracy na may malaking pagkakataon sanang
magwagi, patungo kay Teodoro Patino na hindi marunong manahimik at
nangumpisal sa pari tungkol sa Katipunan, kay Emilio Aguinaldo na itinuturing kong
patron ng mga traydor; tila sakit na ipinapasa ang kawalanghiyaan ng mga Pilipino sa
kapwa Pilipino.

At hindi naman talaga natin sila masisisi ng buong-puso. 

Tama naman ang sinabi nila, sa tingin ko, na hindi natin mapag-iisa ang
damdaming makabayan dahil sa kapuluan. Pero hindi heograpiya ang problema
natin. Ang rehiyonalismong naghihiwalay sa ating mga puso mula sa iisang layunin ay
nag-uugat hindi lamang sa 7,107 na pulo sa bansa, lalo na sa kasalukuyan.

Paano nga ba mararamdaman ng isang taga-Basilan ang damdaming makabayan


gayong kinakaligtaan ito ng pamahalaan? Paano maiisip ng isang taga-Catanduanes
na Pilipino siya gayong hindi siya kilala ng sarili niyang mga kababayan? At bakit pa
ako titingin ng malayo? Paano naman magkakaroon ng pag-ibig sa bayan ang isang
taga-Maynila gayong hindi lang siya hindi binubuhay ng kanyang gobyerno, kung
hindi pinapatay pa: sa usok, sa hirap, sa batas, sa pagpapanggap na hindi totoo ang
gutom at mababang pasahod?

BALANGKAS KONSEPTUAL
Sa pagsisimula ng ating isang taong pagbilang tungo sa ika-150 kaarawan ni
Heneral Antonio Luna na isinilang noong October 29, 1866, at dahil lalo sa pelikulang
Heneral Luna na tinangkilik ng bayan, marami ring isyu ang lumabas ukol sa heneral.
Pinakakontrobersiyal na siguro ang opinyon ng iba na hindi naman dapat ituring na
ituring na bayani si Antonio Luna.

Sinisipi nila ang panayam na ibinigay ng batikang historyador na si Teodoro


Agoncillo sa nakababatang Ambeth Ocampo noong 1984 na lumitaw sa aklat na
Talking History.

Ayon kay Agoncillo, “As a matter of fact, Luna was a traitor to the Revolution
of 1896! …Luna not only did not join the Revolution of 1896, he was [also] a traitor!
Nagturo yan a! Nagturo! …As a matter of fact, I do not consider Luna a hero. How did
he become a hero? He never won any battle, papaano mo sasabihing hero iyan?”

Kung tutuusin, may katotohanan ang akusasyon ni Agoncillo.

Nang tumungo si Dr. Pio Valenzuela kay Dr. José Rizal sa Dapitan noong 1896,
ipinayo ng una sa huli na kailangang humingi sila ng tulong sa mga mayayaman, at
kunin nilang maging heneral ang kanyang kaibigang si Antonio, kasama ng
pagsasabing kung hindi nila makukumbinsi ang mga mayayaman ay kailangan nila i-
neutralize ang mga ito dahil kung hindi sila papanig sa Katipunan ay kakalabanin
lamang nila ito.

Ang linya sa pelikula na “Paano akong lalaban, kakagatin ko sila?” ay hindi


talaga sinabi ni Antonio sa gabinete ni Aguinaldo tulad ng ipinapakita sa pelikula,
kundi parang ganito ang isinagot ni Antonio sa mga Katipon nang lapitan siya ng mga
ito.

Kaya idinawit siya ng Katipunan at siya ay nahuli ng mga Espanyol. Nang mahuli siya,
nagtuturo nga siya ng mga Katipon at ang kanyang testimonya, ayon kay Ambeth
Ocampo, ay naging isa sa mga pako na nagdiin sa sentensyang kamatayan ng mga
Espanyol kay Rizal.

Maaaring intindihin na dala marahil ng inis na idinawit siya kaya nandawit din
siya ngunit kahit na. Malaking pagkakamali ang ginawa na ito ni Antonio.

Ngunit sa ganang akin ang leksyon dito ay lahat tayo ay nagkakamali,


nadadapa. Paano tayo babangon? Paano tayo makababawi?

Paglabas ni Antonio Luna sa kulungan, siya ay muling nag-aral sa siyensiya


militar sa Europa at umuwi sa Pilipinas upang sumama sa himagsikan laban sa mga
Amerikano, at sa rekomendasyon ni Felipe Agoncillo naging heneral ng hukbo, at
hindi naglaon, punong heneral ng hukbong mapanghimagsik na maninindigan na
kalabanin ang mga Amerikano hanggang sa huling hininga ng kanyang buhay.

Bumawi siya para sa bayan.

Ang bawat historyador ay pumipili ng perspektiba, kahit iisa ang tinitingnan


pangyayari. Sa maraming pagkakataon hindi ito usapin nang kung sino ang mas tama
o mas mali kundi ano ang kanilang piniling makita noong kanilang panahon.

Sa huli, hindi perpekto ang ating mga bayani, na nagsasabi sa atin na tayong
ordinaryong mga tao, maaari ring sundan ang kanilang kadakilaan, kahit na tayo ay
tao lamang.

ISTEMATIK DAYAGRAM
KALAYAAN

HENERAL LUNA PAGKAKAISA


JERROLD TAROG

ANGULO

MAHALAGANG

KAGANAPAN

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1. Anou-ano ang mga mahalagang kaganapan sa pelikulang
Heneral Luna?

2. Ano ang mensahe at angulo na ipinapahiwatig sa pelikulang


Heneral Luna?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Pananaliksik sa


Isang Pelikulang Layong Malaman ang mga Angulo at Mahalagang
pangyayari sa pelikulang: Heneral luna”. Sa pamamagitan ng
pananaliksik na ito ay maaring mapalawak ang kaalaman ng mga
mambabasa tungkol sa kong paano sinakop nang mga dayuhang
americano ang mga pilipino. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa
susunod na indibidwal:

Guro- Ang pananaliksik na ito ay maaring magamit nang isang


propesor sa pag papaibayo ng mga kaalaman ng mga mag-aaral.
Makakatulong rin ito sa pag bibigay kasagutan sa mga katanungang
nag lalaro sa isipan ng mga estudyante.
Mag-aaral- Ang datos na makukuha sa pag- aaral na ito ay
makakatulong sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at upang
mabigyan nila ng halaga ang ating bayaning pilipino na lumaban
upang makalaya tayo sa mga dayuhang sumakop sa atin.

Magulang- Makakatulong ito sa kanila upang mainam na


malaman at maibahagi nila sa kanilang mga anak ang impormasyon
tungkol sa kung paano natin pinapahalagahan ang ating mga
bayaning pilipino.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito tungkol sa pagpapahalaga ng ating


mga namayapang bayani na ipinagtanggol ang ating bansa sa mga
dayuhang amerikano. Saklaw din ng pag aaral na ito ang presepsyon
ng mga mag aaral na may pagpapahalaga sa ating bayan.
Nililimitahan ng pananaliksik na ito sapagkat tanging mag aaral, at
guro lamang sa Jasaan Senior High School. Naniniwala ang mga
mananaliksik na sa pamamagitan ng pag aaral na ito ay mas
makikilala at mapagtuonan ng pansin ang kahalagahan ng mga
bayani sa ating bansa.

KATUTURAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang pag-aaral ay mas madaling miintindihan kung mabigyan


ng katuturan ang mga sumusunod na mga terminolohiyang ginamit.
Ang ibang mga salita ay binigyan ng kahulugang konseptwal.
Bisa sa Damdamin. Naganap ito sa pamamagitan ng
pananawagan ng ating nadama, paggising ng mga gunitang nakaukit
sa ating alaala o di kaya’y tahasang nagpapahiwatig ng damdamin
na nais pukawin sa puso ng maunawaan ang isinasaad na kahulugan
ay kailangan basahin o pakinggan sa pamamagitan ng mga tainga o
taludtod.
Bisa sa Isip. Ito ay mahalagang tatak ng isang kathang
pampanitikan nag lalayong pagpasigla ang diwa at kaisipan sa
pinaglalaanan ang mambabasa. Ito ang kaisipang panlahat na siyang
nanatiling nakaukit sa isipan ng bumabasa. Magiging bahagi na ito
ng karanasang intelektwal pamalaging nagsisilbing gabay sa mga
gagawing pagpapasya sa hinaharap.
Pagdaramdam (Exclamatory Line/statement). Nag sasaad
ng matinding damdamin, pagsisisi, panghihinayang, pagkalungkot,
pagkapoot,kawalan, kabigyan, at marami pang-iba.
Open-Ended Question. Ito ay isang uri ng pag tatanong
tungkol sa isang paksa na kung saan nangangailangan ng
kasagutang walang limitasyon at dumidepende sa inilahad ng mga
tagatugon.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

MGA KAUGNAY NA LITERATURA


Inilahad sa kabanatang ito ang iba pang mga babasahing at pag-aaral na may
kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

Ano pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na


sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan,
kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng
pelikula.
Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang
pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang
inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.

MGA KAUGNAY SA PAG-AARAL

Ang mananaliksik na si Jerwin F. Jabiniao ay ay nag papahalaga sa pagsususring


ito sa napiling pelikula ni Jerrold Tarog sa pamamagitan ng mga sumsunod na mga
pamantayan tema, istelo at kaugnayang pantao.

Ang paglaganap ng mga pelikula ay nagdudulot ng positibo at negatibong


epekto nito sa mga mag-aaral. Dahil sa pelikula nakikita at natutuklasan ay kultura ng
mga iba’t ibang bansa. Dahil dito nalilinang at lumalawak ang kaalaman sa mga
kultura. Kinagigiliwan ng marami ang panonood ng pelikula dahil nakakuha sila ng
mga aral at mga bagong kaalaman. Marami na ngayon ang nawiwili sa panonood ng
mga pelikulang banyaga pero walang tatalo sa mga Pelikulang Pilino na nagpapakita
ng pagkakaisa ng bawat isa. Ang mga pelikulang Pilipino ang nagpapakita kung gaano
kahalaga ang pamilya sa isa’t isa. Ang mga pelikulang Ikaw Lamang, Bahay Kubo,
Anak at Dubai ay isang halimbawa kung gaano kaimportante ang pagpapahalaga
sapamilya. Ang panonood rin ng mga pelikula ay daan para mas maunawaan ang
paniniwala at kultura para mas igalang at irespeto sila. Kinaaaliwan talaga ng marami
ang mga pelikula sapagkat naka relate ang mga manonood sa mga ito. Dahil din sa
ekspusyur sa mga pelikula mas naiintindihan ng marami ang pamumuhay ng mga
tao. Kaugnay na Literatura Ang panonood ng katutubong kwento, epiko, alamat,
talambuhay at nobela na sumasailalim sa kultura at kasaysayan ay naging daan
upang tayo ay makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya. Nakatulong ito sa pag-aaral
ng mga sinaunang mamamayan na tumuklas ng mga bagay na mas makakadali ng
mga gawain. Nagbigay din sila ng mga pamamaraan na hindi akalain na magiging
malaking epekto sa hinaharap.

TALAMBUHAY NG MAY AKDA


Sa ganitong pangalan ng Pilipinas , ang pangalan ng panggitnang pangalan o
panganganak ng pamilya ay ang Viacrucis at ang pangalan ng apelyido o ama ng
ama ay Tarog .

Jerrold Viacrucis Tarog  ipinanganak May 30, 1977) ay isang Pilipinong direktor


ng pelikula, producer, manunulat, na kompositor , at editor.
Ipinanganak si Tarog sa Maynila at itinaas sa Laguna . Para sa kanyang mas mataas na
edukasyon, nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman upang mag-aral ng isang
degree sa komposisyon ng musika , sa panahong iyon ay naging interesado rin siya sa
paggawa ng pelikula. Pagkatapos ng graduation, nakuha niya ang mga pagkakataon
bilang isang kompositor ng pelikula, at kalaunan ay nagpunta sa direktang
isang maikling pelikula noong 2006.
Ang unang tampok na pelikula ni Tarog ay Confessional (2007),
isang mockumentary independent film na siyang unang yugto sa kanyang trilohiya
sa Camera , na sinusundan ng drama film Mangatyanan (2009) at ang romantic
drama film Sana Dati (2013), ayon sa pagkakabanggit. Inatasan din niya ang mga
segment sa ikalabindalawa , ikalabintatlo , at ikalabinlimang mga pag- install ng serye
ng horror antolohiya ng Shake, Rattle & Roll . Ang kanyang komersyal na tagumpay
ay sa General Luna (2015), isang talambuhay na epiko tungkol sa pamumuno ni
Heneral Antonio Luna sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano . Pagkalipas ng
dalawang taon, inutusan niya ang pelikulang " Bliss" ng psychological
thriller . Kinalabasan ni Tarog kay Heneral Luna , Goyo: Ang Batang Heneral , ay naka-
iskedyul para sa isang release na 2018

You might also like