You are on page 1of 2

WIKA

Mga suliranin sa intelekwalisasyon ng Filipino

ni Pamela C. Constantino, Ph.D.

Intelektwalisado na nga ba ang Filipino?


Palagay ko ay alam na ng maraming Pilipino o kaya'y mga tagapagtaguyod ng Filipino ang ibig
sabihin ng intelektwalisasyon at ang mga problema ukol dito.

Ano ang Intelektwalisasyon?


Pinuproblema ng ilang akademiko ang pagkakaiba raw ng konsepto ng intelektwalisasyon ng Prague
school of linguistics na unang gumamit ng salitang ito kaugnay ng pagpaplanong pangwika at ng
ilang sosyolinggwist na Pilipino. Ang pagkakaiba raw ng konsepto ng dalawang paaralan ng kaisipan
(school of thought) ay makakaapekto sa pagkaunawa at atityud ng mga Pilipino kaugnay ng
kakayahan ng Filipino na magamit sa mataas na karunungan.

Ganito ang depinisyon ni Paul Garvin ng Prague School of Linguistics (1974:72) Intellectualization is
- a tendency towards increasing more definite and accurate expression... In the lexicon,
intellectualization manifests itself by increased terminological precision achieved by the development
of more clearly differential terms, as well as an increase in abstract and generic terms."

Isa ring kasama sa Prague School si Fergusson (nasa Fishman 1974:114) at “modernisasyon”
naman ang tawag niya sa konseptong ito. Ito ang "pagpapalawak ng bokabularyo at pagdedebelop
ng mga anyo ng disksors." Manipestasyon nito ang "intertranslatability with the languages of already
industrialized, secularized and differentiated societies" (p.81). Narito naman ang depinisyon ni
Bonifacio Sibayan, isang Pilipinong sosyolinggwist (1999:449) "A language may be modern or
modernized but not intellectualized. The Filipino used in entertainment, for example, in most
programs on TV is modern but not intellectualized.

The Filipino of the home and everyday life is modernized but is obviuosly not adequate for education,
especially for higher education purposes. The Filipino used in Filipino tabloid newspapers and other
publications intended for popular consumption is modern but not intellectualized"

Nagkakaiba ang dalawa sa puntong tila mga "intelektwal" lang ang magiging sangkot sa proseso ng
intelektwalisasyon para kay Sibayan samantalang wala namang ganitong pagtitiyak ang Prague
school. Dahil dito, ang mga pahayag ng marami na ginagamit na ang Filipino nang lampas na sa
pang-araw-araw na gawain ng mga Pilipino ay hindi pala matatanggap kung depinisyon ni Sibayan
ang susundin.

Bakit Intelektwalisasyon?
Hindi pinag-uusapan ang Ingles sa usapang intelektwalisayon. Filipino lang. Ginagamit ito ng mga
hindi nagtataguyod sa Filipino o iyong mga nagdududa sa kakayahan ng Filipino na magamit na
midyum ng pagtuturo. Nagiging problema ito dahil pumipigil ito para tanggapin at lalong umunlad ang
Filipino sa lipunang Pilipino. Nag-iisip tuloy ang marami na baka ginagawang isyu ito para mapanatili
ang dominasyon ng Ingles sa edukasyon para sa malaunan ay hindi na talaga gamitin o ipagamit at
tanggapin ang Filipino.

Saang Domain Ba Talaga?


Isang isyu ito na ipinaggigiitan ng magkakaibang kampo. Ang intelektwalisasyon sa ilang
sosyolinggwist halimbawa ay sa larangan lang ng pag-aaral at pagtuturo. Sa madaling salita, sa mga
paaralan. Hindi intelektwalisasyon, ayon kay Sibayan (1999:449) at mga kasama ang paggamit ng
Filipino sa mga diyaryo at magasin. Popularized modernized language daw ang wikang ginagamit
dito. Intellectually modernized language ang ginagamit daw sa mga eskuwelahan.
Talaga nga bang pang-intelektwal lang ang intelektwalisasyon.

Para Kanino Ito?


Gusto kong tingnan dito ang intelektwalisasyon bilang isang kondisyon o kalagayan na naipapakita
na o nabibigyang pagkakataon ang wika na umunlad at magamit sa iba’t ibang domain o
mapaggagamitan nito, hindi lang sa pang-araw-araw na komunikasyon. Kung gayon, hindi lang dapat
na makinabang dito ang mga nasa mga unibersidad kundi pati ang karaniwang mamamayan.

Gayundin, ang pagbubuo ng mga salita o leksikal na elaborasyon ng wika na isang mahalagang
elemento ng intelektwalisasyon ay dapat na batay sa kung sino ang gagamit at makikinabang dito.
Para kanino na ang intelekwalisasyon? Para sa masa o sa elit? Para sa kabataan noong nakaraan o
sa kabataan sa kasalukuyan at hinaharap? Nagiging problema ito dahil tendensya ng mga tagaplano
ng wika o kaya'y mga guro na bumubuo ng mga glosari ng mga salita na pagbatayan ng pamimili ang
mga kinaugalian sa wika at hindi, ang pangangailangan at praktikalidad sa kabataang gagamit nito.

You might also like