You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Nueva Ecija
SAN LEONARDO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Bartolome, San Leonardo, Nueva Ecija Philippines 3102

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ___________________________


Baitang at Pangkat: ______________________________________ Petsa: ___________________________

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/tanong.
Matalinong sagutin ang bawat aytem.
Maging matapat sa pagkuha ng pagsusulit.

_____1. Bakit kailangan ng tao ang mapabilang sa mga samahan?


A. Upang malinang ang aspetong panlipunan, intelektwal, pangkabuhayan at politikal.
B. Upang maging popular o sikat sa paaralan o pamayanan.
C. Upang siya ay mamuno sa pagpaplano ng proyekto.
D. Upang siya ang manguna sa pamumuno.
_____2. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na “No Man is an Island”?
A. Mahirap mabuhay ng mag-isa sa isang isla.
B. Lahat tayo ay nabubuhay na may kasama.
C. Napakasaklap ang mapadpad sa isang isla na walang kasama.
D. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang bagkus bawat isa ay may
pananagutan.
_____3. Paano matatamo ang kaganapan ng isang tao?
A. Paglilingkod sa kapwa na indikasyon ng pagmamahal.
B. Pagbibigay ng mga limos sa mga batang lansangan.
C. Kapag nakamit lahat ng adhikain sa buhay.
D. Pagbibigay ng mga donasyon.
_____4. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?
A. Upang may makasama sa araw-araw.
B. May napagsasabihan ng problema.
C. Nalalapitan sa panahon ng kagipitan.
D. Nakatutulong sa pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa
_____5. Narinig ni Carol na siya ay sinisiraan ng kanyang kaibigang si Janice sa kanilang mga kaklase kaya
siya’y nagalit dito. Kung ikaw si Carol dapat mo bang patawarin ang kaibigan mong nagkasala sa iyo?
A. Oo, dahil ang pagpapatawad ay palatandaan ng kabutihan at pagmamahal.
B. Oo, lalo na kung ang kaibigan mo ay humihingi ng kapatawaran.
C. Hindi, maaaring gawin niya muli ang pagkakasala.
D. Hindi, madami pa naming mahahanap na kaibigan.
_____6. Paano nalilinang ng pakikipagkapwa ang aspetong ispiritwal?
A. Pakikibahagi sa mga gawaing pangsimbahan tulad ng pagsisimba at prayer meeting.
B. Pagbibigay ng tulong o donasyon sa simbahan.
C. Pagkakawang-gawa sa mga mahihirap.
D. Pagtuturo ng katekismo sa mga bata.
_____7. Nagalit si Mario sa kanyang bunsong kapatid na si Arnold dahil ginamit ang kanyang bola ng walang
paalam. Sa halip na pagalitan ito kinausap na lamang ng mahinahon ni Mario ang kanyang kapatid.
Tama ba ang ginawa ni Mario na pagpigil sa kanyang galit?
A. Tama, upang hindi na sila magkagulo.
B. Tama, dahil siya ang mas nakakatanda kaya dapat lamang intindihin niya ang kanyang
bunsong kapatid.
C. Mali, dapat pinalo niya ang kanyang kapatid para matuto na mali ang kanyang ginagawa.
D. Mali, dapat isinumbong niya ang kanyang kapatid sa mga magulang nila para sila ang
magalit sa kanya.
_____8. Umuwi ng bahay ang iyong tatay na lasing at galit dahil wala pang nakahaing pagkain para sa kanya.
Bilang anak paano mo pakikitunguhan ang iyong tatay?
A. Salubungin ang galit niya.
B. Aalis na lang ako ng bahay para wala ng gulo.
C. Paghahainan ko siya ng pagkain
D. Huwag ko na lang siyang pansinin
_____9. Nagdiriwang si Monica ng kanyang ika-dalawang pong kaarawan at nag imbita siya ng maraming
bisita kabilang dito ang mga nasa laylayan sa lipunan. Ang kaugaliang ito ay nagpapakita ng:
A. Empathy B. Sympathy c. Hospitality D. Respect
_____10. Isang araw pumasok sa paaralan si Jose na galit at nakita ito ni Lando. Nilapitan ni Lando si Jose at
kinausap ito ng masinsinan hanggang sa kumalma si Jose. Anong damdamin ang ipinapakita ni
Lando?
A. Empathy B. Sympathy C. Hospitality D. Respect
Pahina 1 ng 4
_____11. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________:
A. Kakayahan niyang umunawa sa damdamin ng iba
B. Kanyang pagtanaw ng utang na loob
C. Kakayahan niyang makiramdam
D. Kanyang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
_____12. Tama ang isang bagay kung ito ay __________.
A. Ayon sa mabuti C. Walang nasasaktan
B. Makapagpapabuti sa tao D. Magdudulot ito ng kasiyahan
_____13. Ang tama ay pagsunod sa mabuti _________:
A. Sa lahat ng panahon at pagkakataon
B. Ayon sa sariling tantya
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
D. Nang walang pasubali
_____14. Lahat ba ng pakikipagkaibigan ay nagdudulot ng kabutihan?
A. Oo, dahil natututo kang makisama sa iyong kapwa.
B. Oo, lalo na kung ang mga kasama mo ay mabubuti.
C. Hindi, dahil may mga kaibigan na tuturuan ka ng mga maling gawain.
D. Hindi, pero desisyon mo na din kung ikaw ay magpapaimpluwensiya sa masama.
_____15. Sinisiraan ka ng isa mong kamag-aral na kaya ka nakakuha ng mataas na marka ay dahil sipsip ka
sa iyong guro. Paano mo pangangasiwaan ang iyong galit?
A. Isusumbong ang kamag-aral sa guro
B. Isusumbong ang kamag-aral sa mga magulang
C. Aawayin ang kamag-aral dahil mali ang ibinibintang
D. Hindi papansinin ang maling paratang ng kamag-aral bagkus ay lalo pang pagbutuhan ang
pag-aaral
_____16. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
A. Dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. Dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito
C. Dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan
D. Dahil ito ay nagpapapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
_____17. Natuklasan ni Noel na nililigawan ng kanyang kaibigan na si Edmund ang kaniyang kasintahan na
si April. Dahil sa kanyang galit ibig suntukin ni Noel ang kaniyang kaibigan. Kung ikaw si Noel paano ka
makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
A. Suntukin na lamang ang pader
B. Kumain ng mga paboritong pagkain
C. Huwag na lamang siyang kausapin muli
D. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
_____18. Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot
ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.
A. Kalagayan ng damdamin
B. Ispiritwal na damdamin
C. Pandama
D. Sikikong damdamin
_____19. Ito ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at
pananampalataya.
A. Kalagayan ng damdamin
B. Ispiritwal na damdamin
C. Pandama
D. Sikikong damdamin
_____20. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pag-unawa sa damdamin at emosyon ng iba.
A. Kamalayan sa sarili C. Pangangasiwa sa emosyon
B. Panghikayat sa sarili D. Pagkilala at paggalang sa damdamin ng iba
_____21. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao.
D. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
_____22. Bakit kailangan ng tao ang mamuhay sa lipunan?
A. Upang umunlad ang sarili sa aspetong lipunan.
B. Upang maging bahagi siya sa pagpapatupad sa patakaran.
C. Upang tumulong sa mga nangangailangan.
D. Upang makapaglingkod sa kapwa.
_____23.Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at taga sunod sa pamamagitan ng sumusunod, maliban
sa:
A. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat.
B. Pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensiyahan ang kapwa.
C. Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip.
D. Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba.

Pahina 2 ng 4
_____24. Si Rancho ay isang mapagtimping bata. Tuwing siya ay nagrereview ng kanilang leksiyon siya ay
ginugulo at inaasar ng kanyang mga kaklase ngunit hindi niya ito pinapansin at lumalayo na lamang siya sa
kanila. Anong emosyon ang ipinapakita ni Rancho?
A. Respeto C. Pagmamahal
B. Motibasyon D. Pakikinig
_____25. Masipag ang iyong kaklaseng si Joy. Madalas na siya ang napipiling lider ng pangkat dahil siya ang
gumagawa ng lahat ng kailangang gawin ng pangkat. Hindi siya nagbibigay ng gawain sa mga kasapi ng
pagkat dahil wala siyang tiwala sa mga ito at takot siya na bumaba ang kanyang marka. Sa iyong palagay
tama ba ang ginagawa ni Joy bilang pinuno?
A. Tama, dahil siya ang lider at hindi na bababa ang kaniyang marka
B. Tama, dahil hindi naman mapagkakatiwalaan ang kakayahan ng kaniyang mga kagrupo.
C. Mali, dahil hindi napagbibigyan ng pagkakataon ang kaniyang mga kagrupo na ipakita ang
kanilang galing.
D. Mali, dahil bilang lider hindi siya dapat nakikialam sa gawain ng pangkat.
_____26. Si Louie ay isang mabait na pinuno. Itinalaga siya ng guro na maging lider ng pangkat. Kapag
nagpupulong, halos lahat ng kasapi ay nag iingay at gumagawa ng ibang bagay at hindi ito pinapansin ni
Louie. Nasasayang ang panahon na walang natatapos ang inyong pangkat. Pero di hamak na mas magaling
ka kaysa kanya. Bilang tagasunod ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong ko siya sa guro para ako na lang ang gagawing lider.
B. Lilipat ako sa ibang pangkat.
C. Kakausapin ko si Louie at tutulungan ko siya na maaayos ang aming pangkat.
D. Pababayaan ko siya sa kanyang ginagawa dahil siya ang itinalagang lider.
_____27. Ang mga birtud na ito ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
A. Katarungan at pagmamahal C. Katarungan at pagpapatawad
B. Pagmamahal at pagmamalasakit D. Pagmamahal at pag-uunawa
____28. “Hindi lahat ng nais mo at kaya mong gawin ay nais at kaya ring gawin ng iba.” Ito ay prinsipyo ng:
A. Pagtanggap sa kapwa C. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa
B. Pagpapahayag ng mga damdamin D. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa
_____29. “Hindi mo dapat husgahan ang iyong kapwa batay lamang sa pansariling pamantayan.” Ito ay
prinsipyo ng :
A. Pagtanggap sa kapwa C. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa
B. Pagpapahayag ng mga damdamin D. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa
_____30. “Ingatan mo ang mga sensitibo at personal na impormasyon na ibinabahagi sayo.” Ito ay prinsipyo
ng:
A. Pagtanggap sa kapwa C. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa
B. Pagpapahayag ng mga damdamin D. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa
_____31. Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima ng ating maling pamamahala ng ating emosyon. Ang
pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil kapag naipahayag ng maayos ang ating damdamain sa iba ito ay magdudulo
ngt magandang ugnayan sa ating kapwa.
B. Tama, dahil nararamdaman ng iba ang nararamdaman natin.
C. Mali, dahil kalian man ay hindi nakakaapekto ang emosyon natin sa iba.
D. Mali, dahil wala tayong pakiaalam sa nararamdaman ng iba.
_____32. Nasaktan mo ang iyong bunsong kapatid dahil kinuha niya ang iyong cellphone nang walang
paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
A. Nailabas mo ang iyong sama ng loob.
B. Hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
C. Gumaan ang iyong loob dahil, ikaw ay nakaganti.
D. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid.
_____33. Matagal nang inuunawa ni Jamie ang pagiging palaasa ni Judy. Madalas si Jamie ang nagbibigay ng
pagkain at iba pang gamit pang paaralan sa kaibigan dahil kapos sila sa pera. Ngunit kapag may pera na si
Judy hindi na ito sumasama kay Jamie. Kaya, nagpasiya si Jamie na hindi na niya bibigyan ang
kaibigan.Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Judy?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal
D. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
_____34. Si Mae ay laging binubully ng kaniyang mga kaklase dahil hindi cya magaling magbasa ng Ingles.
Dahil dito lumiliban siya sa klase o kayay nananahimik na lamang sa isang sulok. Nang siya’y mapansin ni
Tien kinausap siya at sa kalaunan silay naging magkaibigan. Tuwing hapon sila ay pumupunta sa library at
tinuturuan ni Tien magbasa ng Ingles ang kaibigan. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa
ni Tien?
A. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
B. Pagkakaibigan na nakabatay sa estado ng buhay
C. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
_____35. Ito ay isang uri ng pagkakaibigan na hindi madaling mabuo at nangangailangan ito ng mas
mahabang panahon ngunit ito ay nabubuo batay sa pagkagusto at paggalang sa isa’t isa.
A. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
B. Pagkakaibigan na nakabatay sa estado ng buhay

Pahina 3 ng 4
C. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
_____36.Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa:
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
B. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
C. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang
di pagkakaintindihan
D. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon
sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba.
_____37. Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil karapatan mong tumanggap ng tulong mula sa iyong kaibigan.
B. Tama, dahil sa pagkakaibigan natuto kang magbahagi ng iyong sarili sa kapwa at
natanggap mo na may ibang tao na maaari mong unahin kaysa sarili mo.
C. Mali, dahil hindi mo dapat inuuna ang pangangailangan ng iba.
D. Mali, dahil sila dapat ang magbibigay sayo kung itinuturing ka nilang kaibigan.
_____38. Ang pakikipagkaibigan ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan ng tao at ito rin
ang pinakamatibay na pundasyon ng anumang lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
A. Tama, dahil magiging magulo ang lipunan kung hindi magkakaisa ang mga kasapi neto.
B. Tama, dahil unti-unting maging perpekto ang lipunan kung magmamahalan at
magtutulungan ang bawat miyembro neto.
C. Mali, dahil pwedeng umunlad ang isang lipunan kahit hindi magkabati at bawat kasapi.
D. Mali, dahil ang pagkakaibigan ay sagabal lamang sa pagpapaunlad ng isang lipunan.
_____39. Matalik na magkaibigan si Zan at si Cristy ngunit si Zan ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ganun
paman laging tumatawag si Zan tuwing may bakante siyang oras at nagpapadala din siya ng regalo tuwing
kaarawan ni Cristy. Anong sangkap ng pagkakaibigan ang ipinapakitang halimbawa ni Zan?
A. Pag-aalaga C. Presensiya
B. Katapatan D. Pagmamahal
_____40. Nakita ni Keg na humahagulhol ng iyak ang kaniyang kaibigang Si Frances. Kinausap niya ito at
niyayang manood ng sine pagkatapos ng kanilang klase para pasayahin ang kaibigan. Anong sangkap ng
pagkakaibigan ang ipinapakitang halimbawa ni Keg?
A. Pag-aalaga C. Presensiya
B. Katapatan D. Pagmamahal
_____41. Si Patrick ay nagpasiyang magtrabaho na lamang pagkatapos niya sa Baitang 10. Ayaw na niyang
mag aral sa kolehiyo dahil nahihirapan ang kaniyang mga magulang tustusan ang pinansiyal na
pangangailangan at natatakot siyang hindi makapagtapos. Anong birtud ang dapat malinang ni Patrick sa
ganitong pagkakataon?
A. Justice C. Charity
B. Fortitude D. Temperance
_____42. Ang sumusunod ay mga hakbang para mapaunlad ang EQ ng tao maliban sa:
A. Pamamahala sa sariling emosyon
B. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
C. Pamamahala ng ugnayan
D. Pagsasawalang bahala sa sariling emosyon
_____43. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng galit?
A. Sinugod ang kaaway C. Siniraan sa mga kaklase
B. Nanloko ng kaklase D. Niyakap ang kaibigan
_____44. Alin ang posibleng gawin ng tao para kumalma dahil sa galit?
A. Humithit ng sigarilyo C. Magsugal
B. Uminom ng alak D. Gawin ang kinahihiligan para malibang
_____45. Aling emosyon ang iyong nararamdaman kapag ikaw ay nasasaktan?
A. Naasar C. Natutuwa
B. Nagagalit D. Nagaalala

46-50. Pagsulat ng Sanaysay. (5 puntos)


Sitwasyon:
Si Donna ay isang tahimik na mag-aaral sa Baitang 8. Ni minsan ay hindi pa siya nabigyan ng
pagkakataon na maging isang lider dahil hindi matataas ang kanyang marka at siya ay mahiyain ngunit siya
ay isang mabuting tagasunod. Sa iyong palagay, ano ang kanyang nararapat gawin upang maipakita ang
kanyang katangian bilang tagasunod na maaaring makita sa isang lider.

Inihanda ni: Pinagtibay:


ANAZEL G. DAZO EVELYN P. SOLIS, Ed. D.

Pahina 4 ng 4
Writer/Contributor OIC-EPS, EsP & SPED

Pinansin:

JAYNE M. GARCIA, Ed. D.


Chief, Curriculum Implementation Division

Pahina 5 ng 4

You might also like