You are on page 1of 2

Sanaysay

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng iyong pananaw tungkol sa paggamit ng


Filipino sa kursong Humanidades at Agham Panlipunan. Gumamit ng mga sanggunian upang
higit na mapatatag ang iyong mga katwiran.

Hindi limitado ang wikang Filipino sa kaswal na diskurso at komunikasyon lamang. Ang
kaalamang ito ay hindi lingid sa mga mamamayang Pilipino lalong lalo na sa mga guro at
propesor ng mga institusyong pang-edukasyon na may layong pagyamanin at payabongin ito sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo. Subalit sa pagpapakatotoo,
makikitang karamihan ng mga primarya, sekondryang paaralan at mga unibersidad ay
gumagamit ng wikang Ingles sa karamihan ng asignatura. Ang mas masaklap pa roon ay Ingles
pa rin ang ginagamit sa mga asignaturang marapat na Filipino ang gamiting kasangkapan sa
naaayon sa batas. Nabibilang sa mga asignaturang ito ay ang Humanidades at Araling
Panlipunan. Sa aking karanasan, ang Araling Panlipunan at Humanidades ay aking natutunan sa
wikang Ingles. Kaugnay ng karanasang ito, inaamin ko na nahirapan akong lubusang
maunaawaan ang mga leksyon at kinakailangan pang basahin nang paulit-ulit ang mga
pangungusap bago tuluyang maukit sa aking isipan ang mga nais iparating ng aking binabasa.

Sa aking palagay, bilang ang Humanidades ay aralin patungkol sa pagpapakatao at ang


Araling Panlipunan at patungkol sa siyensa na pumapaksa sa tao, marapat lamang na Filipino
ang gamiting wika sa pagtuturo nito. Malalim at kumplikado ang mga konseptong nakailalim sa
mga asignaturong ito. Karaniwan na ang mga nakapaloob sa mga ito ay mga simbolismo at mga
pahayag na may kalaliman – lalo na sa larangan ng Humanidades na gumagamit ng imahinasyon
– na nangangailan ng lubos na pang-unawa. Katulad din ito sa Araling Panlipunan na bumubusisi
sa iba’t ibang disiplina – tulad ng Sosyolohiya, Sikolohiya, Lingguwistika, Agham Pampolitika
at marami pang iba – na may kaniya-kaniyang rehistro at naghahangad ng opinyon ng bawat isa.
Mas magiging madali para sa mga mag-aaral na maihayag kanilang saloobin patungkol sa mga
paksa kung sila ay kumpiyansa sa wikang gagamitin nila. Bukod pa roon, sinasabing ang mga
asignaturang ito ay naglalayon na umintindi at makamtan ang pagkatao sa pinakamataas na
kahulugan nito; ngunit, paano nga ba makakamit ang mga layong ito kung nahihirapan naman
ang mga mag-aaral na intindihin ang kahulugan ng mga terminolohiyong nagpapaliwanag dito?
Sa mga asignaturang ito din natin matututunan ang mga kwento, kasaysayan at
katotohanan ng ating pinagmulan. Dito natin totoong mauunawaan ang ating identitad bilang
miyembro ng lipunang ating kinabibilingan. Bilang paggalang sa hangad ng mga asignaturang
ito na ipaintindi saatin ang pagiging isang tao, marapat lamang na lubusan natin silang intindihin
mula sa mga terminolohiyo hanggang sa kailaliman ng mga simbolo. Samakatuwid, bilang
wikang katutubo sa atin at alam natin sa kaibuturan ng ating pagkatao, marapat lamang na
Filipino ang maging kasangkapan upang sila’y ating matutunan.

Sanggunian:

Vitangcol, A. S. (2019, August 16). Ano ang saysay ng wikang Filipino? The Manila Times,
Date Retrieved: September 19, 2020, from
https://www.manilatimes.net/2019/08/17/opinion/columnists/ano-ang-saysay-ng-wikang-
filipino/601294/

Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 | GOVPH. (n.d.). Official Gazette of the
Republic of the Philippines. Date Retrieved September 19, 2020, from
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-
pilipinas-1987/

Nato, R. (2017, October 25). Humanidades pag-unawa sa tao at sa mundo. Slideshare, Date
Retrieved: September 19, 2020, from
https://www.slideshare.net/RochelleNato/humanidades-pagunawa-sa-tao-at-sa-mundo

Humanidades at Agham Panlipunan. (n.d.). Prezi.Com, Date Retrieved: September 19, 2020,
from https://prezi.com/qv3vtgyixsxl/humanidades-at-agham-panlipunan/?fallback=1.

You might also like