You are on page 1of 3

Lesson Plan

Group 2:

Ang Tao: Kamanlikha ng Diyos Ama

Layunin:
● Maalaman ng mga bata ang dahilan ng paglikha ng Diyos sa atin.
● Malaman kung bakit natin kailangan alagaan ang mga nilikha ng Diyos.
● Makapagbigay ng mga halimbawa kung paano mapangangalagaan ang mga nilikha ng
Diyos.

Materials needed:
● cartolina containing the lyrics of the song
● chalk
● laptop
● speakers
● bond paper

I. Pambungad na Panalangin
● Song - Thank You God (Video)

II. Panimula
(To the tune of "Mary had a Little Lamb")
God Made Adam, Adam, Adam
God Made Adam
From the dust and clay.

I am lonely, lonely, lonely


I am lonely
Adam said one day.

Then God Made Eve, Eve, Eve,


God Made Eve
From a rib from Adam's side

They lived in a garden, garden, garden,


They lived in a garden
They called it Paradise
III. Kalalagayan
1. Bakit nga ba tayo nilikha ng Diyos?
● Nilikha tayo ng Diyos para sa kanyang kasiyahan.

2. Ano ang nais ng Diyos na ating gawin sa kanyang mga nilikha?


● Nais ng Diyos na ating pangalagaan at mahalin lahat ng kanyang mga ginawa dahil ito ay
magpapasaya sa kanya.

3. Ano ang mga ayaw ng Diyos na ating gawin sa kanyang mga nilikha?
● Hindi gusto ng Diyos na mapabayaan at masayang ang kanyang mga nilikha. Gusto niya
na magmahalan tayong mga tao at ituring ang bawat isang kapamilya.

IV. Paglalahad
A. Ang tao ay nilikha ng Diyos para sa kanyang kasiyahan. Kasiyahan na hindi
nangangahulugang ginawa ang tao upang aliwin ang Diyos ngunit dahil kasihayan sa kanya ang
lumikha.
B. Nilikha tayo ng Diyos sa kanyang imahe at wangis kaya may kakayahan tayong kilalanin
ang Diyos at sa gayon ay ibigin siya, sambahin siya, paglingkuran siya at makapiling siya.
Iniibig tayo ng Diyos ngunit hindi katulad ng kailangan niya tayo. Kung hindi tayo nilikha ng
Diyos, siya ay mananatiling Diyos parin at iyon ang hindi nagbabago.
C. Revelation 4:11 “Worthy are you, our Lord and our God, to receive glory and honor and
power, for You created all things and because of your will they existed, and were created.”

V. Pagbubuo
Nilikha tayo ng Diyos upang mabuhay ayon sa kanyang gusto at tayo upang
maging mabubuting mga kristiyano at tao. Lahat ng nilikha ng Diyos ay dapat nating
pangalagaan sapagkat ito ang yamang ipinamamana niya sa atin. Nais niya ring gumawa tayo ng
kahit maliliit na paraan upang mapagyaman/mapangalagaan ang kanyang mga nilikha. Utang
natin sa Diyos ang lahat ng mayroon tayo ngayon kasama ang ating buhay. Ang simpleng hindi
pag-aaksya ng papel ay malaki na ang maitutulong upang mapanatili ang kagandahan ng mga
likha ng Diyos.

Kabuuang Pananampalataya

Aral: Sino ang lumikha at nagbigay ng buhay sa ating mga tao?

Asal: Ano ang mga bagay na ating magagawa upang pasasalamat sa lahat ng binigay niya sa atin
kasama na ang ating buhay?

Dasal: Ano ang gusto mong sabihin sa Diyos sa lahat ng mga bagay na mayroon tayo ngayon na
sa kanya nagmula?

VI. Panalangin
● Diyos na may gawa ng lahat, tulungan niyo po kaming mabuhay ayon sa inyong gusto,
nawa po’y maunawaan namin ang inyong nais para sa amin. Salamat po sa lahat ng
inyong mga biyaya sa amin at sana po’y di kayo mapagod sa pagbigay ng mga biyaya sa
amin. Amen.
VII. Evaluation
● Gumuhit sa isang bond paper ng mga bagay na iyong gagawin para mapangalagaan ang
mga nilikha ng Diyos.

You might also like