You are on page 1of 1

Sirkumnabigasyon

Ang hangarin ng mga paglalakbay ni Christopher Columbus sa Kanluranin oong 1492–1503 ay


marating ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan
ng Espanya at mga kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay
hindi bahagi ng Asya ngunit isang bagong kontinente. Ang Kasunduan ng Tordesillas noong 1494 ay
naglaan sa Portugal ng mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si Vasco de Gama at ang mga
Portuges ay duamting sa India noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng
isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya at pagkatapos ng pagpupulong ng Junta de Toro noong
1505, ang Korona ng Espanya ay naglayag upang tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng
maglalayag na Espanyol na si Vasco Núñez de Balboa ang Karagatang Pasipiko noong 1513
pagkatapos tumawid sa Isthmus ng Panama at si Juan Díaz de Solís ay namatay sa Río de la
Plata noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa Espanya. Noong
Oktubre 1517 sa Sevilla, nakipag-ugnayan si Magallanes kay Juan de Aranda na Paktor ng Casa de
Contratación. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si Rui Faleiro at sa pagsuporta ni
Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si Carlos I ng Espanya na
naging Carlos V, Banal na Emperador Romano. Ang proyekto ni Magallanes ay magbubukas ng ruta
ng mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso
22, 1518, pinangalanan ng hari ng Espanya si Magallanes at Faleiro na mga kapital upang
makapaglayag sila sa pagtuklas ng mga Kapuluan ng Pamapalasa noong Hulyo. Kanyang itinaas
sila sa ranggo ng Komandet ng Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga
sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga
gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga lupain, ang karapatan na magbuwis ng
1000 ducat sa mga susunod na paglalayag na magbabayad lamang ng 5 porsiyento sa natitira,
pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban mula sa anim na pinakamayaman kung
saan sila tatanggap ng ikalabinglima. Ang ekspedisyong ito ay malaking pinondohan ng Korona ng
Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang taon na paglalayag. Ang
bihasang kartograpong si Jorge Reinel at Diogo Ribero na isang Portuges na nagtrabaho para kay
Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de Contratación ay lumahok sa pagpapaunlad ng
mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problemay ay lumitaw kabilang ang kawalan
ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at ibang pang Portuges na nabibigay
suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si Juan
Rodríguez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro
na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.

You might also like