You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa

Filipino V

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangngalan
B. Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng pangngalan
C. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng pangngalan
Pagpapahalaga: Pagpapasalamat sa biyaya ng Panginoon

II. Paksang Aralin


Paksa: Uri ng Pangngalan
Sanggunian: Usbong; Wika at Panitikan
Kagamitan: Panturong biswal, larawan, atbp.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.    
A. A. Paunang Gawain
B.
1. Pagsasanay

(Ang guro ay magbabasa ng kwento at magbibigay ng (Ang mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti sa
panuto para sa gagawing gawain). babasahin ng guro at susundin ang panuto).

Igu-grupo ang klase.

 Unang Grupo – kapag narinig ang pangalang (Ang mga mag-aaral ay ginagawa ang gawain).
VANGIE, ang buong grupo ay tatayo ng
sabay at uupo.
 Pangalawang Grupo - kapag narinig ang
pangalang JENNY, ang buong grupo ay
tatayo ng sabay at uupo.
 Pangatlong Grupo - kapag narinig ang
pangalang RONALD, ang buong grupo ay
tatayo ng sabay at uupo.
Lahat kapag narinig ang salitang kabanata, ang
tatlong grupo ay mabilis na tatayo at uupo din agad.

Sa gawaing ito bawal magkamali, kapag narinig ang


pangalang nakatoka sa bawat grupo ay dapat
makatayo agad ng sabay-sabay at walang mali, at
uupo din pagkatapos. Ang magkamali ay
magkakaroon ng isang puntos, at ang grupo na may
pinakamaliit na puntos ang siyang mananalo.

(Mananalo ang pangalawang grupo dahil sila ang may


pinakamaliit na puntos).

2. Pagbabalik Aral

Noong nakaraang aral ay tinalakay natin ang tungkol


sa Pangngalan.

Ano nga muli ang Pangngalan? Pangngalan – ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.

Magbigay ng halimbawa ng Pangngalan. Jose Maria aso pusa


Maynila Cebu panyo lapis

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

(Ang guro ay magtatanong tungkol sa larong (Ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga tanong ng
PinoyHenyo). grupo at magbabahagi ng mga opinyon tungkol sa
laro).

Saan ito makikita?


Paano ito nilalaro?

2. Pagpapakilala ng Aralin

(Ang guro ay may ihahandang tula tungkol sa


pasasalamat).
Salamat Po, Panginoon (Isang mag-aaral ang magbabasa ng tula at pagkatapos
ay babasahin na ng lahat).
Salamat, Panginoon
sa mahal kong ina
Gayundin po sa aking
masipag na ama.
Salamat, Panginoon
sa ate at kuya
At salamat din po
sa lolo at lola.

Salamat, Panginoon
sa araw at bitwin
Sa dagat at bundok
at mga bukirin
Salamat, Panginoon
sa halama’t pagkain
Sa ibon at kulisap
na nasa papawirin.

Tungkol saan ang tula? Tungkol po sa pasasalamat sa Panginoon.

Nagpapasalamat ba kayo kapag nabibigyan ng Opo! (Magpapaliwanag ang bawat mag-aaral).


biyaya?

3. Paghawan ng Balakid

Bigyan natin ng kahulugan ang mga salitang


nakasalungguhit sa tulong ng mga larawan.

Panginoon bitwin bukirin


ina dagat kulisap
ama bundok papawirin

Paglalahad

Uri ng Pangngalan

 Pangngalang Pantangi
- tumutukoy sa isang tanging ngalan o
partikular na tao, bagay, hayop, pook,
pangyayari, atbp.
Halimbawa:

1. Tanging ngalan ng Tao


- Juan Dela Cru
- Rolando

2. Tanging ngalan ng Bagay


- Honda
- BIC

3. Tanging ngalan ng Hayop


- Blackie
- Brownie

4. Tanging ngalan ng Pook


- La Salle
- San Beda

5. Tanging ngalan ng Pangyayari


- Araw ng Paggawa
- Pasko

Magbigay ng iba pang halimbawa ng Pangngalang (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng halimbawa).
Pantangi.
Baguio Luis Butanding
Mario Santakrusan

 Pangngalang Pambalana
- tumutukoy sa pangkalahatang diwa.

Halimbawa:

1. Pambalanang ngalan ng Tao


- abugado
- nars
- guro

2. Pambalanang ngalan ng Bagay


- magasin
- libro
- aklat

3. Pambalanang ngalan ng Pook


- paaralan
- kalye
- simbahan

4. Pambalanang ngalan ng Hayop


- pusa
- agila
- kalapati

5. Pambalanang ngalan ng Pangyayari


- binyag
- kasalan
- pulong

Magbigay ng iba pang halimbawa ng Pangngalang (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng Pangngalng
Pambalana. Pambalana).

guro bahay pista


lapis aso kaarawan

4. Pagtatakda ng Pamantayan

Magkakaroon tayo ng gawain, ano anng ginagawa ng


mga mabubuting bata kapag magkakaroon ng
gawain? Makikinig at susunod sa mga panutong ibibigay ng
aming guro.

Ano pa? Tutulong at makikilahok sa aming mga gawain, at


higit sa lahat ay hindi lilikha ng ingay na walang
kinalaman sa gawain.

5. Gawain

Gawain A

(Ang guro ay magpapalaro ng PinoyHenyo kung saan (Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng “PinoyHenyo”).
ang klase ay hahatiin sa tatlo at kukuha ng kinatawan
na maglalaro sa harapan).

Gawain B

(Ang guro ay magpapalaro ng “Relay Game”, kung


saan bibigyan ng pangalan ang bawat grupo at
tutukuyin nila kung ito ba ay tao, bagy, hayop o lugar
at paunahan silang ikabit ang pangalan sa pisara. Pero
bago nila gawin iyon ay kailangan nilang isuot isa-isa
ang garter mula sa unahang miyembro hanggang sa
mismong magkakabit. Ang grupong makapagdikit sa
pisara at tama ang sagot ay siyang panalo). (Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng “Relay Game”).

6. Pagpapalawak ng Kaalaman

Ibigay ang pantanging pangngalan at pangngalang


pambalana na mga larawan na nasa kahon.

Panuto: Ibigay ang tamang pangngalan na angkop sa (Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga larawang
larawan. nasa kahon).

Pangngalang Larawan Pangngalng Pangngalang Larawan Pangngalng


Pantangi Pambalana Pantangi Pambalana
Gng. Allego guro
CDSGA paaralan
Brownie aso
Kasalang kasal
Dingdong at
Marian
Mongol lapis

7. Paglalahat

Ano nga ulit ang dalawang uri ng Pangngalan? Ang dalawang uri ng Pangngalan ay pangngalang
pantangi at pangngalang pambalana.

Ano nga ulit ang Pangngalang Pantangi? Ang Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa ngalan ng
tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar o pangyayari.
Ano naman ang Pangngalng Pambalana? Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari.

8. Paglalapat

A. Tukuyin ang mga pangalan kung ito ba ay


pantangi o pambalana.

1. guro ________
2. Png. Noynoy Aquino ________
3. doktor ________
4. Dr. Jose Rizal _________
5. MONGOL _________
6. CDSGA _________
7. pangulo _________
8. sasakyan _________
9. senador _________
10. Manila Cathedral __________

IV. Ebalwasyon

A. Tukuyin ang bawat pangalan sa pangungusap at


sabihin kung pambalana o pantangi.

1. Si Nena ay naglalaba.
2. Ang pangulo ng bansa ay bumiyahe patungong
ibang bansa.
3. Masarap kumain sa Jollibee lalo na kapag libre.
4. Maganda ang Bulkang Mayon sa Albay.
5. Ang pusa ay tumalon sa bubong.

B. Isulat ang PT kung ang pangalan ay pantangi at


PB kung pambalana.

1. Png. Noynoy Aquino


2. pusa
3. senador
4. Dexter
5. CDSGA
V. Takdang Aralin

Magbigay ng limang halimbawa ng pangngalang


pantangi at limang halimbawa para sa pangngalang
pambalana.

You might also like