You are on page 1of 5

Ang dalawang uri o anyo ng Panitikan ay ang tinatawag na Tuluyan at Prosa.

Ang uri o anyong Tuluyan ay ang mas natural na pagkakasulat. Tuloy-tuloy at gumagamit
ng mga pangungusap at talata. Walang binibilang na mga salita o tunog na kinakailangang
itugma sa iba pang salita. Naglalayon itong makapagpahayag sa mas malayang
pamamaraan. Nakadepende ang kagandahan nito sa kung paano bubuuin ng manunulat
ang pagkakasunod-sunod na mga pangyayari. Halimbawa nito ay ang mga maiikling
kwento at mga alamat. 

Sa kabilang banda, ang Prosa naman ay pagpapahayag ng isang manunulat sa


pamamagitan ng mga may sukat, bilang, at espesyal na pagkakaayos upang sa malikhaing
paraan ay makapagpadala ng mensahe o ng emosyon sa mga mambabasa. Halimbawa nito
ay ang mga tula. 

1. Tuluyan

- ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng salita.

2. Patula

- ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang sa pantig at pagtugma-tugma sa


dulo.

Panitikan- ay ang pagsulat ng tuwiran na naguugnay sa isang tao.

Mga uri ng panitikan:

Alamat- isang uri ng panitikan na nagkukwento sa pinagmulan ng mga bagay,lugar


at pangyayari.

Bugtong- isang pangungusap na may nakatagong kahulugan nanilulutas bilang isang


palaisipan.

Salawikain- ay mga maiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong


magbigay patnubay sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
Epiko- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.

Pasyon- usang naratibong tula ng Pilipinas na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo.

Talumpati- isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.

Tula- isang uri ng sining na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo
at estilo.

Tayutay- isang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan.

Parabula- mga kwentong hango sa Bibliya.

Palaisipan- uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.

PANITIKAN– ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.


Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa


kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento,
nobela at iba pa.

2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas
ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

Halimbawa ng Panitikan:

1.) Alamat
2.) Bugtong
3.) Salawikain o Sawikain
4.) Epiko
5.) Pasyon
6.) Talumpati
7.) Tula
8.) Tayutay
9.) Parabula
10.) Palaisipan

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:


1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.

2. patula o panulaan (Ingles: poetry) – pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan


ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng
mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.

Mga akdang tuluyan :

1. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa


loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.

a. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil
sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat
ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang
uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag
sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t


ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18
siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary
genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming
tiyak na istilo.

d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit


nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao.
f. maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing salaysay
hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng
nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na


kuru-kuro ng may-akda.

i. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang


tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito

l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o


bansa.

 Mga akdang patula

 Mga tulang pasalaysay – pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

 + Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga

You might also like